You are on page 1of 1

Nasusuri ang pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari sa isang Dula

Pamagat ng Dula: Tanikalang Lagot

May-akda: Gerri Peñalosa

Mga Tauhan: Leona Bulacan, Zosimo, Rosa, Dionisio, Jovencia, Avelino, Aya, Mr. Tan

Buod: Si Dionisio at Jovencia ay may tatlong anak. Si Leona bilang bunso, ay ang pinaka naaasahan nila
sa kanilang negosyong rubber production sa Bulacan. Ibinili si Leona ng kanyang ama ng motorsiklo ng
dahil dito bagama't tutol ang kaniyang ina. Isang araw, ginamit niya ang motrosiklo at tumakbo ng
matulin na nag resulta sa pagkaaksidente nito. Ibinenta ng kanyang ina ang motor na siya namang
ikinagalit ni Leona.

Naglayas si Leona at lumuwas ng Maynila. Dito niya nakilala si Zosimo. Nagbunga ang kanilang
pagmamahalan sa dalawang batang sina Bimbing at Dodong. Si Zosimo ay nagkasakit at tuluyang
namatay dahil sa kahirapan sa pagtatrabaho. Si Leona ay nangulila at sa kanyang pagdadalamhati ay
isinama siya ni Rosa sa simbahan niya sa araw ng Linggo. Dito ay nakilala ni Leona muli ang panginoon at
siya ay nagbalik-loob para sa kanyang mga anak.

Piling Pangyayaring nagpapakita ng katotohanan sa dula: Ang kuwento ay naglalarawan sa isang uri ng
bata na sumuway sa mga utos ng kaniyang magulang na nagdulot sa kaniya ng kapahamakan.

Paliwanag at pagsusuri sa mga napiling bahaging nagpapakita ng pagkamakatotohanan sa dula: Sa


mga ginagawa ni Leona sa kuwento siya ay sumailalim sa problema na kinagagalit niya kaya umalis siya
at para lang magbalik sa pag-unawa na hindi dapat siya umalis mula sa kanyang pamilya at yung
ginagawa nang mga magulang niya ay para lamang sa kanyang sarili.

You might also like