You are on page 1of 1

Hindi Nagiiba sa ating Tahanan

Pares 12 at Tugmaang Mahina

Ang Asya ay walang katulad na lugar

Ang lapad nito ay pinakapopular

Nakakaiba sa ibang sanlupain

Makakahumaling ang gandang puntahin

Ang mga Tao, produkto, at pagkain

Di maiwasang tikman, at dalawin

Mayaman sa paggawa at kayarian

Istrakturang walang tulad ang kalidad

Libutin natin gandang taglay ng bayan

Masayang ala-alang di malimutan

Kahit sa pagtanda’y laging sa isipan

Kagandahan nang ating kapaligiran.

You might also like