You are on page 1of 3

FILIPINO SA PILING LARANG- AKADEMIK

ARALIN 2:
PANGALAN: _________________________ PETSA: ______________________
SEKSYON: __________________________ GURO: _______________________

PAGSASANAY 1. Ibigay ang haka-haka at Haypotesis sa angkop na talahanayan.

Sitwasyon Haka-haka
1. Naiwan ang libro sa Algebra
2. Kumain nang marami sa
tanghalian
3. Nag-withdraw ng pera sa
bangko
4. Naglayas ang pusa

5. Tumaas ang presyo ng bilihin

Sitwasyon Haypotesis
1. Paano nalalaman kung gutom
na ang aso?
2. Saan nagtatago ang ahas
kapag tag-ulan?
3. Sino ang mas takot sa dentista
ang kalalakihan o kababaihan?
4. Paano nalalaman kung
paparating na ang bagyo?
5. Bakit mas mura ang bilihin sa
palengke kaysa sa mall?

Basahin.

WALANG NAGBAGO, KAHIT MARAMING PAGBABAGO


ni Gregorio V. Bituin Jr.

Matagal na nating pangarap ang pagbabago. At alam nating kahit ang mga susunod na
henerasyon ay maghahangad nito, lalo na’t nakikita’t nararamdaman nila ang malaking agwat
ng mahihirap at mayayaman. Ngunit ang kadalasang lumalaganap lamang sa media ay ang
mga pangyayari at balita hinggil sa mga naghaharing uri sa lipunan. Ang mga rigodon ng mga
pulitikong imbes na paglilingkod sa sambayanan anginaatupag ay nakatingin na sa susunod na
pambansang eleksyon?
Magsuri tayo. Ito bang mga pulitikong ito ay may nagawa para magkaroon tayo ng
moratoryum sa demolisyon? May nagawa ba sila para makakain ng sapat ang ating pamilya sa
bawat araw? Ang kanilang ginagawa’y pulos buladas lamang, pangako dito, pangako doon
kapag kampanyang elektoral. Nasaan na ang isyu ng maralita kapag sila’y naupo na sa poder?
Nasaan? Ang pakialam ng maralita ay kung papaano babaguhin ang kanilang kalagayan,
paano makakaahon sa kinasasadlakang kahirapan, at kung paano wawasakin ang sistemang
mapagsamantala sa lipunan – ang lipunang kapitalismo.
Sadyang napakabilis ng pagbabago sa lipunan, pero wala pa rin talagang nagbago sa
lipunan. Ngayon ay cellphone na, at marami pa ang naiimbento para sa kaunlaran (daw) ng
lahat pero hindi naman kaya ng bulsa ng mga mahihirap. Pero wala pa rin talagang nagbago sa
lipunan, dahil hanggang ngayon, hindi pa rin pantay-pantay ang kalagayan ng tao sa lipunan.
Patuloy pa ring yumayaman ang mga mayayaman, habang lalong naghihirap ang mga
mahihirap. Nasaan ang pagbabago? Nasaan na itong pagbabagong matagal nang inaasam
nating mga mahihirap?Ang nais nating pagbabago ay ang tunay na pagbabago ng sistema ng
lipunan, hindi pagbabago lamang ng sistema sa gobyerno. Hindi lamang relyebo ng mga
namumuno ang ating pangarap, kundi pagpawi mismo ng mga uri sa lipunan upang maging
maayos at pantay-pantay ang kalakaran at ang ating kalagayan. Kailangang pantay ang
distribusyon ng yaman sa lipunan. Kailangang pawiin ang pagmamay-ari ng iilan sa mga
kagamitan sa poduksyon – na ginagamit sa pagsasamantala sa kasalukuyang lipunan. Malupit
ang sistemang kapitalismo. Napakalupit. At tama lamang na pangarapin natin ang isang
lipunang makatao upang ang lahat naman ay makinabang. Kung mapapalitan ang sistema ng
lipunan at ang mga maralita’t manggagawa ang mapupunta sa poder, tiyakin nating ang
hustisya ay para sa lahat, dahil ito mismo ang prinsipyo ng sosyalismo at makakamit natin ito,
hindi sa patunga-tunganga, kundi sa ating aktibo at tuloy-tuloy na pagkilos upang abutin ang
ating pangarap. Kilos na, kaibigan. Ngayon!

Sagutin ang mga Tanong:

1. Mapanuri ba ang akda? Bakit? Patunayan. (4 pts)

2. Paano maituturing na sukatan ng katalinuhan ng isang tao sa pagsulat? (4 pts)

3. Bakit mahalagang mabatid ang mga proseso ng pagsulat? (4 pts)

4. Ano ang naging inspirasyon ni Gregorio V. Bituin Jr. sa paglikha ng isang sanaysay na may
pamagat na Walang Nagbago, Kahit Maraming Pagbabago? (4 pts)

5. Paano naisagawa ang malinaw na pagsulat ng sanaysay? (4 pts)

You might also like