You are on page 1of 23

BANGHAY

ARALIN
BANGHAY ARALIN
dito nakasulat ang plano ng
isang guro sa kanyang mga
paksang gustong talakayin o
mga leksyon nito.
KAHALAGAHAN NG BANGHAY
ARALIN
1. Ito ay nagiging gabay
ng mga guro para
magkaroon ng isang
direksyon sa
pagtatalakay ng mga
leksyon sa mga
estudyante
2. Minsan, ito ay nasisilbing
iskrip ng guro para sa
kanyang pagturo.
3. Dahil dito, natatantya na
ng mga guro guro bago
magklase kung gaano
katagal niya dapat
talakayin ang mga parte
ng kanyang paksang
tatalakayin
4. Ito rin ay nagbibigay ng
kumpyansa sa sarili ang guro at
siya ang nagiging handa dahil sa
Banghay Aralin.
5. Nagiging mabuting halimbawa
ang guro sa kanyang mga mag-
aaral kung kaya niyang maging
organisado lalo na sa mga leksyon
na dapat tatalakayin
MGA
BAHAGI NG
BANGHAY
ARALIN
Nakapaloob dito ang mga;
Layunin
Paksang Aralin
Pamamaraan
Ebalwasyon
Takdang Aralin
I. LAYUNIN
Ito ay nakatoun sa tatlong
aspeto; ang kognitibong
launin na sumusukat sa pag-
iisip ng mga mag-aaral, ang
apektibo para sa damdamin,
at ang saykomotor para sa
pagsasagawa ng mga
natutunan
II. PAKSANG ARALIN
Sa paksang aralin naman
nakalagay ang pamagat ng
aralin na tatalakayin, ang mga
sanggunian o referens at ang
mga kagamitan upang higit na
matuto ang mag-aaral.
III. Pamamaraan:
Ang pamamaraan ay naglalaman ng mga gawain ng guro at ng
kanyang mga estudyante mula sa;

Pagbabalik Aral
Pag-alis ng sagabal
pagganyak
Paglalahad
Pagtatalakay
Pagpapalawak
Paglalapat

Pagbabalik Aral:
Ito ay ang muling pag-aaral ng nakalipas na aralin
upang mas maunawaan pa ito ng lubusan ng mga
mag-aaral o estudyante.

Pag-aalis ng Sagabal:
Ito ay ang pag-aalis ng mga balakid o mga bagay na nakahahadlang.
Halimbawa: Hanapin sa Kahon ang mga salitang Kasingkahulugan ng mga salitang
may salungguhit.
Nagpakabusog Nagpakataas Pagninilay

1. Ang nakabundat ay siyang gugutomin.


2. Ang nagpakasasa ay baba.
Pagganyak:
Ang salitang pagganyak ay binubuo ng unlapi at salitang ugat na ganyak.
Ang ibig sabihin nito ay ang pagkuha ng atensyon at interes sa maganda
at kakaibang paraan.
Halimbawa:
Mag papakita kayo ng mga larawan o video sa mga mag-aaral na
nauugnay parin sa iyong paksang aralin na itatalakay.
Paglalahad:
Isa itong lunsaran sa paglalahad ng paksang aralin na iyong itatalakay.
Pagtatalakay:
ito ay isang mabisang paraang ginagamit sa paglalahad ng bawat paksang
aralin na itatalakay ng guro.
Pagpapalawak:

Ito ay nakatutulong upang maipahayag o maipaliwanag ng maayos ang


isang ideya o kaisipan na nais mong ipamahagi sa iyong mga mag-
aaral.
Paglalapat:
Dito makikita ang ang mga katanungan ukol sa mga itunuro ng guro
pagkatapos ng kanyang paglalahad ng kanyang paksang aralin.
IV. Ebalwasyon:
Ito ay isang salita na ginagamit upang ilarawan ang proseso ng
pagbibigay husga sa bilang, halaga, o konklusyon ng isang bagay base
sa mga nagawang obserbasyon o pag aaral.

V. Takdang Aralin:
Ito ay ang pagbibigay ng kasunduan o asaynment para sa
sunod na aralin.
URI NG BANGHAY ARALIN
MASUSING - BANGHAY ARALIN
MALA-MASUSUNG BANGHAY
ARALIN
MAIKLING BANGHAY ARALIN
I. MASUSING BANGHAY ARALIN
Ito'y ginagamit ng mga bagong
guro at mga gurong nag-aaral.
Ginagamit din ito ng mga dathan
nang guro. Sa ganitong anyo ng
banghay, nakatala pati ang atong
ng guro at inaasahang dapat na
sagot ng mag-aaral.
II. MALA-MASUSING BANGHAY
ARALIN
Ito'y higit na maikli kaysa
masusing banghay ng
pagtuturo. Sa halip na
mayroon pang bahagi ang
gawaing guro at gawaing
mag-aaral binabanggit na
lamang nang sunod-sunod
ang gagawin ng guro sa
klase.
III. MAIKLING BANGHAY
ARALIN
Ito'y talagang maikli lamang. Sa
banghay na ito, sapat ng
banggitin kung anong
pamaraan ang gagamitin ng
guro o di kaya'y banggitin ang
sunod-sunod na hakbang sa
Maikling pangugusap.
SALAMAT
SA
PAKIKINIG!!

https://www.slideshare.net/NylamejYamapi/banghay-aralin-74246892
https://philnews.ph/2021/02/12/kahalagahan-ng-banghay-aralin-halimbawa-
at-kahulugan-nito/

You might also like