You are on page 1of 5

Krystel Mae B.

Garcia
12-Accountability
Modyul 4: Pagsulat ng Memorandum, Adyenda, at Katitikan ng Pulong
ARALIN 3: PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG
Mga Katanungan:

1. Anong uri/estilo ng pagsulat ng katitikan ng pulong ang nabasang halimbawa?


-Ulat ng katitikan – ang lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong ay nakatala. Maging ang pangalan ng
mga taong nagsalita o tumalakay sa paksa kasama ang pangalan ng mga taong sumang-ayon sa mosyong
isinagawa

2. Ang katitikan ng pulong na iyong nabasa ay naisulat ba nang obhetibo, organisado at


sistematiko? Ipaliwanag.
-0po, dahil naisulat ang lahat ang lahat ng detalye tungkol sa pagpupulongan o pag uusapan sa
pulong. ito ay organisado dahil napag handahan ito bago pa maganap ang pag pupulong

3. Nasunod ba ang mga pamatnubay at paraan ng pagsagawa ng pulong ayon sa ginamit na


adyenda? Bakit? Bakit hindi?
-Opo, ito ay tinatawag din na isang ma-etiketa o isang iskedyul. Ito ay isang listahan ng mga gawain na
may pagkakasunod-sunod mula sa simula hanggang sa pagpapaliban.

Gawain 1.

Kahulugan
Ito ay isang mahalagang dokumento sa isang pagpupulong. Isinusulat dito ang tinatalakay sa
pagpupulong ng bahagi ng adyenda. Nakasulat din kung sino-sino ang dumalo, anong oras nag simula
at nag wakas ang pagpupulong gayundin ang lugar na pinagganapan nito. Ito ang nag sisilbing tala ng
isang malaking organisasyon upang maging batayan at sanggunian ng mga bagay na tinatalakay

Kalikasan
Ito ay mga dokumento kung saan nakasaad ang mga mahahalagang diskusyon
at desisyon.Tuwing may pagpupulong na formal o opisyal, ginagamit ang
dokumentong ito ubang upang itala ang mga pinag-uusapan.Ito ang
nagsisilbeng paalam sa mga sankot at mga nangyari sa isang pulong o
pagtitipon. Sa Ingles, ito ay pwedeng ma ihambing sa “minutes of the
meeting“.
Katangian

Layunin
Ang katitikang ng pagpupulong ay isang dokumentasyon ng mga naging kaganapan sa isinagawang
pormal na pagpupulong ng isang ogranisasyon, grupo, o pangkat. Mahala ito sapagkat dito isinusulat ang
naging daloy ng pagpupulong, ang bilang ng mga miyembrong dumalo, ang naging mahahalagang usapan
sa pagitan ng mga miyembro, ang mga adyenda, ang mga napag-usapan-higit lalo na ang mga naging
resulta ng botohan kung mayroon man. Ito ay kadalasang isinusulat at inihahanda ng kalihim ng isang
organisasyon at inaaprubahan ng mga taong nasasangkot dito tulad ng pangulo at iba pang opisyales ng
organisasyon kung kinakailangan. Ang pangunahing layunin nito ay maging pormal na pag-uulat ng mga
naging kaganapan sa pormal na pagpupulong.

Gamit

1. Ginagamit ang katitikan ng pulong upang ipaalam sa mga sangkot sa pulong,


nakadalo o di nakadalo ang mga nangyari dito.
2. Nagsisilbing permanenteng rekord.
3. Sa pamamagitan ng katitikan, maaaring magkaroon ng nahahawakang kopya ng
mga nangyaring komunikasyon.
4. Pagiging hanguan nito ng mga impormasyon para sa mga susunod na pulong.
5. Magagamit bilang ebidensiya sakaling magkaroon ng pagtatalo sa dalawa o higit
pang indibidwal o grupo.
6. Ginagamit din upang ipaalala sa mga indibidwal ang kanilang mga papel o
responsibilidad sa isang partikular na proyekto o gawain.

Anyo o porma

Anyong naratibo at deskriptibo, sapagkat isinasalaysay nito ang mga napagusapan ng


isang pulong.

Gawain 2: Panuto: Magsagawa ng online na pagpupulong upang pag-usapan ang mga patakarang
susundin sa klasrum sa kalagayang New Normal bunga ng COVID-19 Pandemya. Magtalaga ng
magtatala ng kakatitikan ng pulong. Isulat ito sa bondpaper.

Masbate National Comprehensive High School


Main Building
Masbate City, Masbate

Buwanang Pulong ng mga Grade 12 Accountability


May 27, 2021
Google Meet

Layunin ng Pulong : Patakarang Susundin Sa Klasrum sa Kalagayang New Normal


Petsa / Oras: May 27, 2021 sa ganap na ika 8: 00 ng umaga
Tagapanguna: Leizl Mendez ( Tagapayo ng klase)
Bilang ng mga taong Dumalo

Mga Dumalo (26): Leizl Mendez, Erlinda Gonzalo, Krystel Garcia, Gwayneth Llevares, Khrizel Verano,
Debbie Andezza, Jewel Condeza, Sharah Galvez , Dems Dasalla, Carla Mae Marco, Shane Bacusa,
Rochelle Magayoga, Erlinda Gonzalo, Lani Sabaulan, Erol Rico, Nector Babasa, Kurt Joel Jumao-as,
Jovemy Flaviano, Mirah Albao, Leslyn Rapsing, Novy Pearl Dy, Roldan Gabaino, Ronald Culaba,
Jamaila Villanueva, Jam Inopia, Danilo Delaruz.
Mga Liban (3): Angelito Morado, Genelyn Amican, Chona Panganiban.

I. Call to order:
Sa ganap na 8: 00 ng umaga ay pinasimulan ni Gng. Leizl Mendez ang pulong sa pamamagitan
ng pagtawag ng atensyon ng lahat.
II. Panalangin:
Ang Panalangin ay pinangunahan ni Bb. Erlinda Gonzalo
III. Pananalita ng Pagtanggap:
Ang bawat isa ay malugod na tinanggap ni Ginoong. Danilo Delacruz bilang tagapanguna ng
pulong.
IV. Pagbasa at Pagpapatibay ng Nagdaang Katitikan ng Pulong:
Ang nagdaang katitikan ng pulong na ginawa noong Mayo 28,2021 ay binasa ni Gng. Jewel
Condeza. Ang mosyon ng pagpapatibay ay pinangunahan ni Gng. Leizl Mendez at ito ay sinang-ayunan
ni Bb. Krystel Garcia.

V. Pagtalakay sa Adyenda ng Pulong: Ang sumusunod ay ang mga adyenda ng paksang tinalakay sa
pulong:

Paksa Talakayan Aksyon Taong Magsasagawa


1. Covid 19 Tinalakay ni Bb. Krytel Magsagawa ng Bb. Krytel Garcia (Presidente
Garcia tungkol sa talakayan tungkol sa ng klase)
Covid 19 . kung ano at saan nag
mula ang Covvid 19.
2. Mga Sintomas ng Tinalakay ni Bb. Carla -Magsasagawa ng Carla Mae D. Marco (Taga
Covid 19 at epekto nito Mae D. Marco ang mga Powerpoint ingatyaman)
sa katawan sintomas ng Covid 19 Presentation at pag
at epekto nito sa papakita ng mga
katawan larawan tungkol sa
paksa
3. Mga Health Tinalakay ni Bb. - Magsasagawa ng pag Bb. Khrizel Verano
Protocols at mga Batas Khrizel Verano tatalakay at pag bibigay (Sekretarya ng klase
ukol sa Covid 19 ang mga Health ng ilang aktibidades
Protocols at mga Batas tungkol sa paksa.
ukol sa Covid 19
4. Pagtatalakay New Tinalakay ni G. Dems -Magsasagawa ng isang G. Dems C. Dasalla
Normal C. Dasalla talakayan tungkol sa (Bise Presidente ng klase)
ang paksang New kung ano ang New
Normal Normal
5. Mga Bagong Tinalakay ni Gng. Leizl - Makikinig ang klase Gng. Leizl Mendez
Patakaran na Mendez ang mga tungkol sa bagong (Tagapayo ng klase)
Ipapatupad sa klasrum bagong Patakaran na patakarang Ipapatupad.
Ipapatupad sa loob ng
Klasrum.
6. Pag sang ayon ng Tinalakay ni Bb. Mirah - Mag bibigay ng Bb. Mirah B. Albao
Lahat sa patakarang Albao ang pag sang Mungkahi at Kasang (Opisyal ng Pampublikong
ipinatupad ayon ng bagong ayunan ang bawat Impormasyon)
Patakarang Ipinatupad miyembro ng klase

V. Ulat ng Ingat-Yaman
Inulat ni Jamaila Villanueve na ang nalalabing pera ng klase ay nagkakahalaga ng apat na libong
piso at ang kalahati nito ay gugugulin para sa pagbili ng mga Health Sanitizer ng buong klase.
VI. Pagtatapos ng Pulong
Sa dahilang wala nang anumang mga paksa na kailangang tatakayin at pag-usapan, ang pulong ay
winakasan sa ganap na lasa 12:00 ng tanghali. Iskedyul ng susunod na pulong Mayo 30, 2021 sa Google
Meet, 8;00 ng umaga.

You might also like