You are on page 1of 2

Pangalan: Gavin Paul C.

Cedro

Seksyon: 12 STEM-E4

Mahahalagang aral na pumukaw sa aking Kaisipan:

Ang sanaysay na pinamagatang “Ang pag-ibig ng Edukasyon” ay nagbigay aral sa


aking kaisipan na ang edukasyon ay ating pag sisikapan dahil ito ay isa sa mga daan
upang ang ating mga pangarap ay ating makamtan, Kahit na marami tayong
mapagdadaanan na pagsubok, Ito ay ang ating magiging daan upang tayo ay mas
lalong maging matatag na estudyante at tao. Kahit na ganito ang ating mga
mararanasan hindi parin mawawala ang mga magaganda at masasayang alala sa ating
pag-aaral, Eto ay ating dadalhin sa pag tanda at mananatili sa ating mga memorya at
mag sisilbing magagandang alala noong tayo ay nag aaral pa.

Pag-uugnay sa sariling karanasan:

Maiuugnay ko ito sa aking buhay dahil ako ay isang magaaral at nararanasan ko ang
mga ito, Pinagsisikapan at pinag hihirapan ko ang aking edukasyon kahit na mayroon
akong mga pagsubok na nakakasalubong sa aking buhay. Maiuugnay ko rin ang mga
magagandang mga alala na aking naranasan bilang isang estudyante. Aking
napagtanto na hindi basta basta ang pag abot sa pangarap ngunit hindi ito imposible
kung ito ay patuloy mong kinikilusan at pinagsisikapan.

Pagsasabuhay sa natuklasan sa inyong sarili:

Maisasabuhay ko ang aking mga natuklasan sa maraming paraan. Natutunan ko ang


mga posible basta ito ay pagsisikapan. Makakamtan natin ang ating mga pangarap
kahit ito ay mabagal, Ang edukasyon ay maisasabuhay ko sa araw-araw lalo na sa
aking pag tanda. Magagamit ko ito sa pang araw-araw at sa aking mga magiging
trabaho. Maisasabuhay ko rin ang pagkatutong mag hintay sa mga bagay.

You might also like