You are on page 1of 3

Pangalan: James Samson Tolilic Baitang at Seksyun: 12 GAS C

Film Review

Got to Believe (2013)

A. BUOD

Nagsimula ang kwento sa pagtatagpo ng batang Chichay at Joaquin sa peryahang pag-aari ng pamilya ni
Chichay at tinuruan niya si Joaquin na maniwala sa magic. Ngunit agad ding natapos ang kanilang
pagkakaibigan noong lumipat na ng lalawigan sina Chichay at si Joaquin naman ay naaksidente dahil sa
tama ng ligaw na bala sa kanyang ulo na siyang naging dahilan ng muling pagtatagpo ng dalawa
pagkatapos ng mahabang panahon. Naging katulong si Chichay ni Joaquin at kahit hindi maganda ang
naging relasyon nila, natutunan nilang mahalin ang isa’t isa. Ngunit maraming naging hadlang sa
kanilang relasyon katulad ng kanilang mga magulang, ang kanilang agwat sa ekonomiya at ang sanhi ng
aksidente ni Joaquin noong siya ay bata pa na sinisisi sa ama ni Chichay. Pinaghiwalay man ng ilang taon
ang dalawa at nagka- Amnesia man si Joaquin, nanaig pa rin ang kanilang pagmamahalan at nanaig pa
rin and hustisya para sa ama ni Chichay.

B. PROPAYL NG DIREKTOR
Catherine Rosales Garcia-Molina ipinanganak noong November 28, 1971 isang Filipino film and
television director best known for directing romantic comedy and family drama films produced and
distributed by Star Cinema. She has also directed a few TV series, which aired on ABS-CBN, where she is
one of the resident directors. Her films have frequently become some of the highest-grossing films in
the Philippines.

C. PAGSUSURI

Tauhan:

Kathryn Bernardo as Christina Charlota “Chichay” Tampipi

- Masayahin at positibong tao na naniniwala sa magic kahit sinubok man siya at ang kaniyang pamilya ng
mga problema.

Daniel Padilla as Joaquin “Wacky Boy” Manansala/Ryan Manansala

- Hindi nagkaroon ng normal at masayang kabataan dahil sa balang nanatili sa kanyang ulo dahil sa
aksidente noong siya ay bata pa.

Carmina Villaroel as Juliana San Juan-Manansala

- Over-protective na nanay ni Joaquin

Manilyn Reynes as Elizabeth “Betchay/Mama Bear” Tampipi

- Ina ni Chichay

Ian Veneracion as Jaime Manansala

- Ama ni Joaquin

Benjie Paras as Chito “Papa Bear” Tampipi

- Ama ni Chichay

Producer: Mylene H. Ongkiko

Malou N. Santos

Des Tanwangco
Editing: Roman Rodriguez

Rizaldy Mora

Gerald Garcia

Music: Got to believe in magic covered by Side A

D. KAUGNAY NA ISYUNG PANLIPUNAN

Ang isyung hinaharap ng teleseryeng Got To Believe ay ang agwat ng mayaman at mahirap. Mapapakita
sa teleseryeng ito na maging ang karapatang pantao at hustisya ay mahirap makamit lalo na kung
mahirap lamang. Hindi maipagkakaila na halos lahat ay nakokontrol na ng pera.

E. KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ipinapahiwatig ng Got To Believe ang kahalagahan ng pamilya at pagmamahal. Kahit anong pagsubok,
nariyan ang pamilya upang maging suporta at kaagapay upang harapin ang mga ito. Ipinakita rin dito ang
tunay na pag-ibig, paggalang at tiwala ng isang anak sa kanyang mga magulang sa bawat desisyon na
gagawin at iniintinding ito ay dahil sa pagnanais na protektahan siya, patnubayan siya, at pagmasdan
ang kanyang pagkatao. Ang kwentong ito rin ay nagtuturo na ang pag-ibig ay laging humahanap ng
paraan kung tayo ay maniniwala sa kapangyarihan nito at “magic”.

You might also like