You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

DAVAO ORIENTAL STATE UNIVERSITY


Institute of Education and Teacher Training
Guang-guang, Dahican, City of Mati Davao Oriental

Pag-usbong ng balbal na pananalita bilang: Modernong wika ng Bagong


Henerasyon ng mga Mag-aaral sa Davao Oriental State University

Isang Pananaliksik na ipinasa


Kay Dr. Raymund M. Pasion
Institute of Education and Teacher Training
Davao Oriental State University
Lungsod ng Mati

Bilang Bahagi ng Pangangailangan


Sa Asignaturang
Introduksyon sa Pananaliksik-Wika at Panitikan

Ipinasa nina:

Joseph Art L. Bucio


Joey Anne B. Beloy
Anajen Campos
Editha Maybano Caburnay
Mariette A. Bungaos

Nobyembre 2022
TSAPTER 1

INTRODUKSYON

Sa bawat pag-usbong ng panahon, ang wika ay sumasabay din sa pag-

usbong at pagbabago. Ang Wikang Filipino sa kasalukuyan ay patuloy na

umuusbong at nagbabago kasabay dito ang pag-usbong ng makbagong

salita. Sa pakikipag komunikasyon ay may iba't ibang salita na tayong

ginagamit na naging sanhi at bunga ng pagkakaroon ng kalituhan, naging

malakas ang impluwesya nito sa makabagog henerasyon.

Dahil sa pagkahumaling ng mga Pilipino, lalong-lalo na ang mga

kabataang pilipino na siyang malakas gumamit ng mga makabagng salita na

tinatawag na balbal o salitang kalye, ito ay patuloy na umuusbong sa 21st

century. Ang salitang balbal ay itinuturing na pinakamababang antas ng wika

na karaniwang ginagamit ng mga Pilipino sa kasalukuyang panahon.

Ang pananaliksik na ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng balbal at

mga epekto nito sa mga mag-aaral sa kanilang pang-araw-araw na pakikipag

komunikasyon at sa kanilang pag-aaral. Ang salita ay lubhang

makapangyarihan kung kaya’t maraming tao o kabataan ang madaling

maimpluwensiya na gumamit ng salitang balbal.Maraming uri ng wika ang

nabubuo ng salitang balbal gaya ng conyo,bekimon, gay lingo at marami

pang iba. Ang mga wikang ito ay ang kadalasang ginagamit ng mga

kabataan upang makasabay sila sa mga uso, ang mga salita na ito ay

maaaring magbigay hadlang hindi lamang sa pakikipag komunikasyon ng mga

kabataan pati na rin sa kanilang paaralan.


Suliranin ng Pag-aaral

Layunin ng pananaliksik na tukuyin ang naging epekto ng pag-usbong ng

Balbal na wika sa mga Mag-aaral ng Davao Oriental State University. Batay na

layunin, nagsusumikap na masagot ang mga sumusunod na mga katanungan:

1. Ano ang naging epekto ng paggamit ng wikang balbal sa pag-aaral ng

mga mag-aaral?

2. Ano ang mga salik sa pag usbong ang wikang balbal?

3. Nagagamit ba ang salitang balbal sa akademikong gawain?

Layunin ng Pag-aaral

1. Matukoy ang mga epekto ng paggamit ng wikang balbal sa pag-aaral

ng mga mag-aaral.

2. Malaman ang mga salik sa pag-usbong ng wikang balbal.

3. Malaman kung nagagamit ba ang salitang balbal sa akademikong

gawain.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang bunga ng pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga sumusunod na

pangkat ng sektor ng lipunan.


● Sa mga magulang. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga

magulang upang magkaroon sila ng kaalaman sa mga maaring maging

epekto ng paggamit ng salitang balbal sa kanilang mga anak.

Makakatulong din ito upang malimitahan nila ang kanilang mga anak sa

paggamit ng salitang balbal.

● Sa mga Guro. Ang pananaliksik na ito ay mahalaga sa mga guro na

siyang magtuturo at magbibigay ng kaalaman sa mga mag-aaral.

Makakatulong ito sa kanila upang mapag-aralan at magkaroon sila ng

gabay sa paggamit ng salitang balbal sa pagtuturo.

● Sa mga Mag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay mahalaga sa mga mag-

aaral sa paraan na magkakaroon sila ng kaalaman tungkol sa magiging

epekto nito sa kanilang pakikipag komunikasyon at sa pag-aaral.

● Mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay maaarining makatulong sa

pagkuha ng datos o maging sanggunian ng mga mananaliksik sa

hinaharap.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Balbal - ang balbal o islang ay ang di pamantayang paggamit ng mga salita

sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong

salitang kanto o salitang kalye.

Gay Lingo - ay isang patagong wika o salitang balbalna nagmula sa Englog

(pagpapalit wika ng Tagalog-Ingles) na ginagamit ng ilang mga homoseksuwal

sa Pilipinas. Ang lingo na ito ay gumagamit ng ilang salita mula sa Tagalog,

Ingles, Kastila, at ilan mula sa Hapon, pati na rin sa pangalan ng mga kilalang
tao at tatak, na nagbibigay sa kanila ng mga bagong kahulugan sa iba’t ibang

konteksto.

Bekimon - mula ito sa salitang kolokyal na “beki” na nangangahulugang bakla,

habang ang salitang “mon” ay nanggaling sa mga nausong “jejemon”, o mga

taong mahilig gumamit ng mga espesyal na karakter sa pagtetext.

Conyo - ito ay simpleng paghalo ng wikang Tagalog at Ingles.

You might also like