You are on page 1of 2

ESP QUIZ NO.

I. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagmamahal, pagtutulungan at


pananampalataya. At MALI naman kung hindi.

_____1. Pasinghal kung kausapin ng mga anak niya si Mang Rick.

_____2. Sinisisi ng pamilya Cruz ang Diyos sa pagkamatay ng kanilang ina.

_____3. Tuwing inuutusan ng kanyang ina si Ria ay padabog itong sumusunod.

_____4. Dasal ang isa sa kinapitan ng pamilya Santos sa panahon ng pandemiya.

_____5. Inabanduna ng kanyang mga anak si Mang Jose ng ito ay nagsimula ng magkasakit.

_____6. Inaruga ng mag-asawang Lino at Lorna ang sanggol na iniwan sa labas ng kanilang tahanan.
_____7. Kusang loob na gumagawa ng mga gawaing bahay ang mga anak ni Mang Pedring at Aling Tinay.
_____8. Nag-aaral ng mabuti ang mga anak ni Mang Ambo habang nagtratrabaho ang kanyang misis sa
ibang bansa.

_____9. Dumaranas ng matinding pagsubok ang pamilya nina Tina kaya naman nananalangin siya ng
taimtim sa panginoon.

_____10. Nagpasya si Chin na maging working student upang hindi na isipin ng kanyang mga magulang
ang pagpapa-aral sa kanya.

II. Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang tamang letra ng sagot at isulat ito sa
iyong sagutang papel.

___1. Ano ang itinuturing na pinaka maliit na yunit ng lipunan?

A. Paaralan B. Pamayanan C. Pamilya D. Simbahan

___2. Alin sa mga pahayag ang patunay na ang pamilya ang sentro ng magandang pag-uugali?

A. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.

B. Sa pamilya tayo kumukuha ng lakas upang maging isang ganap na tao.

C. Kung ang iyong pamilya ay makasarili, marahil ay gayun din ang iyong paguugali.

D. Kung nabibigyan ng sapat na atensyon at gabay ang mga anak ay tiyak magiging isang mabuting
indibidwal.

___3. Hirap man sa buhay hindi tumitigil sa pagkayod para sa mga anak si Mang Pedring. Anong
positibong impluwensiya ang kanyang ipinakita?

A. Pagiging matatag B. Pagiging madasalin C. Pagiging masayahin D. Pagiging disiplinado


___4. Paano maipapakita ang pagkalinga sa mga anak?

A. Pagpapatigil sa pag-aaral dahil mahina ang katawan.

B. Binibigyan ng suporta sa ninanais na makamit.

C. Sinusunod sa luho at bisyo ng mga ito.

D. Inihahatid sa pagpasok ng paaralan.

___5. Makikitang laging nagmamano ang mga batang sina Tin at Vic. Ano ang implikasyon nito?

A. Sila ay tunay na batang Pilipino.

B. Sila ay naturuang maging magalang.

C. Sila ay may malasakit sa nakakatanda.

D. Sila ay masunurin sa utos ng magulang.

You might also like