You are on page 1of 2

NANAY

Sa bawat paglubog ng araw sa kanluran


Aking naaalala na minsa'y naging kanlungan kita
Ngunit iyong makikita ang pagbabago ng saya sa aking mata
Kapag ang araw na yon ang akin nang naaalala
Aking Ina, kung ang pagkamatay ay isang bagong paglalakbay
Isa isip namin ang iyong pagtawid.
Ika’y dumating, nagbigay ng sigla
Ang mga alaala at lahat ng saya
Pag-ibig at pangangalaga
karagdagang pagparusa
sa mga talangka at sigay na naging laruan mo
sa mga along kahabulan mo
habang binabantayan ang naiwan mo
sapagkat ika’y maagang naulila
Lumaking salat sa pagmamahal sa magulang
Pema, ang imortal na pangalan
Tanging kaibigan naging takbuhan
Mga ala-ala na iyong iniwan
Pait ang dulot tuwing natakbo sa isipan
Hindi parin makapaniwala
Na ikay lumisan na ang iyong pagmamahal
at pag-aaruga na di mapapantayan
Hanngang ngayon hindi ko parin makalimutan
Ang masasayang oras na ika'y kasama
Kahit mahirap pilit kong tinatanggap
Na di ka na muling makakamtan ang iyong mga yakap
HUMANISMO ang napili kong teorya dahil ito ay naglalarawan sa potensyal ng bawat tao na
nagbibigay pokus sa kahalagahan ng paglago at pagpapatunay ng sarili. Sa aking tula ito ay
nagbibigay pansin sa pagpapahalaga ng tao. Iniihayag ko sa aking tula ang pagmamahal sa akin ina,
napakahirap ng responsibilidad na ginagampanan ng isang ina, ramdam ko ang hirap, noong aking
kabataan, ako ang tumutulong sa aking ama, sa mga panahong nagkasakit ang aking ina, ang hirap
gampanan. Dakila ang pagmamahal ng isang ina,para sa kanyang anak, kaya kahit nakuha man
natin silang sagutin o suwayin, mas nangingibabaw pa din ang pagmamahal nila sa atin dahil may
mga bagay na mas sila ang nakakaalam at mas kilala nila ang ating pagkatao.

You might also like