You are on page 1of 1

Magandang hapon sa inyong lahat na mag-aaral at guro na nandito ngayong nanonood.

Ako po
si Joshua T. Turalba dating mag-aaral ng holy spirit academy of bangued abra, Narito ako ngayon para
ekwento ang aking pinagdaan noong ako ay nag-aaral palang sa holy spirit‚ masaya at hindi ko
malilimutan ang aking paaralan na ito‚ dahil dito lahat nagsimula ang aking pangarap mula prep
hanggang grade 12 tinuring ko naring ikalawang tahanan ko. Marami rin akong nakilalang kaibigan pati
narin ang mga gurong mababait at magagaling magturo sa amin. Hanggang naka graduate ako sa grade
12 at kumoha ng kursong veterinary‚ noong first year college ako mejo marami akong iniisip katulad ng
kaya ko kaya at baka masiyadong mahirap ang aking piniling kurso. Pero ito ay nagbago dahil lahat ng
aking mga kaklase ay mababait at lagi kaming nagtutulongan kaya nawala ang aking mga katanongan sa
aking isip. Masaya pala ang buhay kuliheyo lalo na kung ang iyong mga kapwa mag-aaral ay laging
nagtutulongan at gusto nilang makapagtapos kayong lahat at walang maiiwan. Hanggang sa
nakapagtapos ako na kasama lahat ng aking mga kaklase at naipasa ang aming board exam. Napili ko
itong kurso dahil mahilig talaga ako sa aso at ito na talaga ang aking gusto noong ako ay bata pa. Hindi
madali ang kursong aking pinili pero iniimbitaan ko kayong maging veterinary para madagdagan ang
mga doctor ng hayop at matulongan nadin sila. Dito na ako magtatapos at salamat sa pakikinig
magandang hapon ulit sa inyong lahat.

You might also like