You are on page 1of 7

Pagkawala sa Kahon: Mga Pagsusuri sa Kasarian

(Ulat ni Luisa Castro)


Intro: Bahagi ng epekto ng dayuhang pananakop ay ang patriyarkal na katangian ng lipunan, kung saan
ang mga lalaki ay nakikita bilang nangingibabaw na puwersa. Bilang resulta, ang mga kababaihan ay
patuloy na nagsusumikap na mapabuti ang kanilang interes at karapatan.

Ayon kay Santiago (1996), marami ang nagpapalagay na ang feminismo ay inangkat lamang natin mula
sa mga agresibong feministang kanluranin ang takbo ng isip at pagkilos, kung kaya ipinagpalagay rin na
wala itong katuturan sa pambansang pamumuhay at kultura sa pambansang pamumuhay at kultura.
(Gayunpaman, mahalagang pag-aralan ang kababaihan sa kasaysayan upang maunawaan ang kahalagahan
ng kilusang kababaihan ngayon. Importante na magkaroon tayo ng kagustuhan na malaman ang
kasaysayan ng pinaglabang karapatan ng mga kababaihan. At ating maunawaan at kilalanin ang kanilang
sakripisyong ginawa nila para matamasa natin ang nararapat para sa atin at maiugnay ito sa kasalukuyang
pangyayare na konektado sa usaping kasarian.)
Mother Mary John Mananzan

 Isa sa mga pinakakilalang mukha ng feminismo sa bansa. Isa siyang madreng aktibong
nagtataguyod ng karapatan ng mga babae sa bansa.
 Kilala bilang isang feminismo na naging isa sa mga Katolikong sumoporta sa RH Bill, na
ginagarantiyahan ang access sa contraception, fertility control, sexual education, at maternal care.
(Pahayag pa ni Madre Mananza na kaya niya ito sinuportahan dahil isa rin siyang babae. Na di
sinang ayunan naman ng mga bishops ng mga simbahan. Dahil paniniwala nila na ang RH Bill ay
isa ring paraan ng aborsyon.)
 Nakilala rin siya sa kanyang suporta para sa SOGIE Equality Bill, na kilala bilang Equality Bill o
Anti-Discrimination Bill (ADB). (Hindi ko nakikita na ang panukalang batas na ito ay nagbibigay
ng anumang espesyal na karapatan sa grupong ito. Sinasabi lang nila na ang mga karapatan ng
lahat ay dapat ding ilapat sa kanila, bilang isang relihiyosong babae naniniwala ako sa paggalang,
pakikiramay, at paggalang sa lahat ng tao dahil naniniwala akong lahat sila ay ginawa sa larawan
at wangis ng Diyos. Kaya naman, talagang ang nadidiskrimina ay iyon ang pinagtutuunan ng
pansin, kahit na talagang laban tayo sa diskriminasyon ng sinuman, minsan kailangan mong
tumutok sa mga grupo ng mga tao na talagang dumaranas ng diskriminasyon at karahasan.)
SOGIE- Sexual orientation, gender identity or expression

Ano ang teoryang feminismo?

FEMINISMO

- Ito ay ang kilusan na ang layunin ay ipatupad ang mga karapatan ng kababaihan sa pulitika, ekonomiya
at lipunan.
Ano ang mga tinatalakay sa teoryang feminismo?

 Ang pagsalungat sa ideya na mahihina, marupok, pantahanan, masama, emosyonal at tanga ang
mga babae.
 Pagtuligsa sa patriyarkal na lipunan(Naglalayon itong mawala ang de-kahong imaheng ibinibigay
sa babae at maging aktibo.)

 Ang sistemang Patriyarkal ay sistema na kung saan ang mga lalaki ang sinasabing mas may higit na
kakayanang magpatakbo ng isang pamilya. Ito ay may sistema na kung saan ang mga lalaki ay
nagtataglay ng pangunahing kapangyarihan at namamayani sa mga tungkulin ng pamumuno pampulitika,
moral na awtoridad, pribilehiyo ng lipunan at pagkontrol ng ari-arian.
Katayuan ng mga BABAE sa panahon ng Pre-Kolonyal

 Bago pa man dumating ang mga mananakop na Espanyol, nagtataglay na ng kagalang-galang at


maipagmamalaking posisyon sa komunidad ang mga kababaihan (Ang gampanin ng mga babae
noong pre-kolonyal ay ibang-iba sa gamapanin sa panahon ng Espanyol. Noong pre-kolonyal, ang
mga babae ay binibigyan ng importansya at tinitingala dahil sa kanilang karunungan.)
 Relatibong mas mataaas ang estado ng babae sa panahong ito (Maaari silang humawak ng mga
matataas na posisyon kagaya ng pagiging datu, tagapagpagaling, maging lider at maging
mandirigma. Sila rin any nakakagawa ng kanilang sariling desisyon at desisyon para sa buong
pamilya)
 Bahagi rin sila ng produksyon ng ekonomiyang nakasasapat at agrikultural (May mahalagang
gampanin din sila sa negosyo at pangangalakal. Sila ay gumagawa ng mga alahas, palayok, at iba
pang mga bagay na ipinagbebenta sa mga negosyante na kagaya ng mga Tsino)
 Sa kanila nakaatang ang tungkuling espiritwal at kulturalng komunidad (Bilang lider-espiritwal
ang mga babaylan ang nilalapitan sa oras ng karamdaman; sapagkat hindi lamang katawan ang
pinagagaling sa katutubong sistema ng panggagamot, kundi, lalo’t higit ang isipan kung saan
diumano, nananahan ang “kaluluwa.”)
(Noong pre-kolonyal, ang mga lalaki ay itinuturing na kapantay ng mga kababaihan. Isa sa mga unang
natutunan ng mga kalalakihan noon ay paggalang at magbigay respeto sa mga kababaihan. Hindi
maganda ang tingin sa mga kalalakihang walang respeto sa mga babae. Bukod dito, sila ay hindi maaring
makipagg-barter nang di nagpapaalam sa kanilang mga asawa. Kapag may mga sitwasyon na wala ang
babaylan o tagapagpagaling -na kadalasan ay babae-, isang lalaki na nakadamit na pangbabae ang
maaaring pumalit bilang babaylan.)

Ano nga ba ang Babaylan?

 Ang isang Katalonan (binaybay din ng Catalonan, Catalona; Catulunan sa Kapampangan) ay isang
pari o pari sa mga katutubong relihiyon ng mga tagalog at mga tao ng Kapampangan.
 Ang mga katalonan (sa mga Tagalog) at babaylan (sa mga Bisaya) ang nanguna sa mga panrelihiyong
ritwal. Nagsilbi silang tulay sa pagitan ng mga tao at ng mga diyos at diyosa at tagapamagitan upang
makausap ng mga nabubuhay ang mga yumao.
 Itinuturing silang “haligi” ng sinaunang kabihasnan, kahanay ng datu, panday, at bagani (Salazar
1999)
 Sila ay pinaniniwalaang may mga gabay sa espiritu, kung saan maaari silang makipag-ugnayan sa
mga espiritu at diyos (anito o diwata) at sa daigdig ng mga espiritu. Ang kanilang pangunahing
tungkulin ay bilang mga daluyan sa panahon ng mga ritwal ng pag-anito (séance). Mayroon ding iba't
ibang uri ng babaylan na dalubhasa sa sining ng pagpapagaling at herbalism, panghuhula, at
pangkukulam.

Babaylan ang bansag sa Visayas, catalanon sa mga Tagalog, mangaalasig sa Kalinga, mangaanito sa
Pangasinan, anitera sa Gaddang, baliana sa Bikol, mabalian sa mga Bagobo, almono sa B`laan at
donorakin sa mga Isneg.

Hindi mapapasubalian ang mahalagang papel ng mga babaylan sa lipunang katutubo. Gayumpaman,
mabilis na naglaho ang kapangyarihang ito sa pagdating ng mga mananakop na dayuhan.
Pyudalismo - ay isang sistema ng pamamalakad ng lupain na kung saan ang lupang pag-aari ng
panginoon ng lupa o may-ari ng lupa ay ipinasasaka sa mga nasasakupang tauhan na may katungkulang
maglingkod at maging matapat sa panginoong may-ari
Tatlong grupo sa Pyudal
1. Noble o Maharlika

 Ang mga hari, basalyo (alagad o tagasunod) ay kabilang sa grupong ito.


 Ang mga lupain sa isang kaharian ay sa hari.
 Isa sa mga tungkulin nila ang pagkoleta ng buwis at multa .
 Nangasiwa sa pagtatanim sa mga manor (Isang malaking mansion kung saan nakatira ang mga
mayayaman at isang prinsipyong organisasyon o komunidad na sumibol noong unang panahon
lalong-lalo na sa gitnang-kanlurang Europa) kung saan ang lokasyon ng kanyang lupain.
2.  Klerigo

 Dito naman kasali ang mga matataas na opisyal ng Simbahan at mga pari.
 Ang kanilang gawain ay taga payo sa mga magsasaka, nag-ayos ng mga away at mga gawaing sa
simbahan
 Kumokoleta din sila ng butaw (bagay na binabayad para sa pagkakasapi sa isang samahan o
organisasyon) para sa binyag, kasal at libing.
 3. Pesante o Serf

 Pinakamababang antas , dito kabilang ang mga magsasaka at trabahador sa bukid.


 Nakatira sa mga dampa at sila ay pinagbabawalan mangisda at mangaso sapagkat ito ay pag-aari
ng hari.
 Nagbabayad ng buwis at kinakailangan nilang magtrabaho para sa noble o maharlika

 Ang sistemang malakolonyal at malapyudal na pinalaganap ng mga Espanyol, ang nagbigay ng


pananaw sa kababaihan na maging dahilan kung bakit sila pinagsasamantalahan at inapi sa lipunang
Pilipino. Sa malakolonyal at malapyudal na lipunang Pilipino, laluna sa kanayunan, patuloy na
umiiral ang mapang-aping pyudal na mga institusyon ng awtoridad — ang awtoridad sa pulitika, ng
simbahan, at ng angkan. Bukod sa mga ito, napapailalim din ang kababaihan sa awtoridad ng lalaki.
Ang awtoridad sa pulitika ang haligi ng iba pang awtoridad. Ang mga nabanggit ay nangangahulugan
ng pang-aapi sa kababaihan ng kalalakihan. Sa kanayunan, ang awtoridad sa pulitika ay mahigpit na
tangan at nakasentro sa panginoong maylupa. Sinusuhayan ng panginoong maylupa ang awtoridad ng
simbahan dahil katulong niya ito sa pagpapalaganap ng kaisipang pagiging mapagtiis sa kahirapan at
masunurin sa awtoridad. Hawak din ng panginoong maylupa sa leeg ang mga pamilya o angkan ng
magsasaka.
 Sa pagsusulong ng karapatan ng kababaihan ay nagkamit ito ng tagumpay tulad na lamang ng
karapatang bumoto noong 1935. Sa kabila nito, nananatiling nakakahon ang imahen ng kababaihan sa
idealisasyon ng pagkaina at pagkabirhen. Maging sa kulturang popular ay pinapalaganap ng media
ang palasak na larawan ng babae bilang pangkama, pangkusina, at pambahay lamang. (Sa
pamamagitan ng kontrol ng mga naghaharing uri sa mga kasangkapan sa pagpapalaganap ng mga
ideya sa lipunan tulad ng eskwelahan, simbahan, masmidya, at iba pa, ang mababang pagtingin sa
mga babae ay nakikintal sa isip ng mga tao.)
 Maging si Quito (1990) ay umamin na napakahirap iwaksi at baguhin ang tradisyonal na
paniniwalang nararapat lamang na nasa isang tahanan ang lugar ng babae at ang pangunahing
tunguhin niya ang pagluluwal ng mga anak. Nakabaon na ito sa sistema ng pag-iisip at buhay sa
lipunang Pilipino at sa paglipas ng panahon ay nanatili na lamang na tinitingnan ang pagkababae
bilang isang kahinaan. (Kaya ang pyudal na sistema, na umiiral sa napakatagal nang panahon, ay
nananatiling isang saligang batayan ng mababang katayuan ng babae sa lipunan.)
 Sa paglipas ng panahon ay nagkaroon na rin ng mga oportunidad na makapagtrabaho ang kababaihan,
lalo’t hindi na karaniwang sumasapat ang kinikita ng kalalakihan para sa gastusin ng kanilang
pamilya. Sa kabila nito, hindi pa rin lubusang nakawawala sa kahon ang kababaihan. Naniniwala si
Quito na malaki ang maitutulong ng mga unibersidad upang magkaroon ng kamalayan at pag-unawa
ang kababaihan sa kanilang karapatan, tungkulin, at kakayahan.

ANG PAGLALADLAD AT ANG PAG-ANGKIN NG ESPASYO


(Rowell D. Madula)
Panimula:

 Ang usapin ng paglaladlad ay isa sa mga hamon na laging kinakaharap ng bawat bakla. Hindi na
kailangang sabihin ng babae o lalaki sa kanyang magulang na siya ay babae o lalaki, normal na itong
tinatanggap ng pamilya. Subalit para sa maraming bakla, tila bagahe na kailangang ilabas at ilantad
ang kanilang tunay na katauhan, ang kanilang pagiging bakla.
 Ikinakahon ng mga aklat ang mga alaala ng kahapon. Ngunit sa bawat panahon, mayroong
nananatiling nasa laylayan ang mga tala sa kasaysayan. Kabilang rito ang mga bakla. Kakaunti ang
mga pahinang inilaan para sa mga baklang babaylan, baklang propagandista, baklang rebolusyonaryo.
Maging ang salitang bakla ay patuloy na hinuhusgahan ng panahon.

ESPASYONG BAKLA SA REBOLUSYONG PILIPINO


Sa akda ni Madula (2009), dinalumat niya ang paglaladlad ng mga baklang kasapi ng lihim na kilusan.
Isinalaysay niya ang karanasan ni Karlo, na sa una’y hindi magawang aminin sa kaniyang pamilya ang
kaniyang kasarian subalit pinalaya siya ng pagtanggap ng mga kasama sa lihim na kilusan upang higit
niyang matanggap ang kaniyang sarili.

(ANG PAGDADALAGA NG BAKLANG AKTIBISTA: Sa hapag-kainan, tinanong si Karlo ng


kanyang ama, “Bakla ka ba, anak?” “Hindi ko po alam.” ang tanging naisagot niya. Bagamat alam niyang
siya ay nagkakagusto sa kapwa niya lalaki, hindi niya ito direktang nasabi sa kanyang ama. Lumuwas
siya sa Maynila upang mag-aral ng kursong Hotel and Restaurant Management (HRM) sa isang
pampublikong kolehiyo. Libangan ni Karlo ang magsulat kung kaya’t sa una niyang taon sa kolehiyo,
naging manunulat siya sa pahayagan ng kanilang paaralan. Sa Maynila, mas naging bukas si Karlo sa
kanyang sekswalidad. Bagama’t alam ng ilang mga kaibigan ang kanyang pagiging bakla, hindi niya ito
magawang aminin sa lahat ng kanyang mga kaklase at maging sa kasama sa publikasyon. Sa ikalawa
niyang taon, naging mas aktibo si Karlo sa mga gawain sa loob at labas ng kanyang kolehiyo bilang
manunulat at estudyante. Sumama siya sa mga pag-aaral sa pangunguna ng mga estudyanteng tinatawag
na aktibista o tibak. Dahil rito, lumawak ang kanyang pagtingin sa papel ng kabataan sa pagbabagong
maaaring mangyari sa ating lipunan. Maliban pa rito, nagkaroon siya ng maraming mga kakilala at
kaibigan. Isa na rito si Francis. Maraming bakla sa kanilang organisasyon na ayon sa biruan ay dahil
marami talagang manunulat na bakla. Isa si Francis sa mga lider ng organisasyon, at bagamat hindi niya
tahasang sinasabi sa lahat, alam ng malalapit na miyembro nila na karelasyon niya ang isa pang
manunulat mula sa isang kolehiyo. Lagi silang magkasama maging sa mga pulong ng iba pang opisyal ng
organisasyon. Nakita niya ang pagtanggap ng mga ito kay Francis at sa kanyang karelasyon. Dahil dito,
naging magaan at komportable si Karlo na kasama ang iba pang miyembro sa mga aktibidad ng
organisasyon, maging sa mga protestang kanilang nilalahukan. Sumama si Karlo sa isang pag-aaral sa
labas ng Kamaynilaan. Dahil siya lamang ang dumalo, halinhinang itinuro ng mga nag-imbita sa kanya a
n g M a i k l i n g K u r s o s a L i p unan at Rebolusyong Pilipio (MKLRP) sa loob ng isang araw.
Kinagabihan, kinausap siya ng isa sa mga naging instruktor niya. “Iniimbitahan kitang sumapi sa isang
lihim na samahan, ang Kabataang Makabayan (KM), ano sa palagay mo?” Bagamat may pag-aalinlangan
at kaba, sumapi siya at naging miyembro ng KM. Hindi naging usapin ang kanyang pagiging bakla,
tanging ang kanyang paniniwala at paninindigan sa pagkilos upang isulong ang pambansa-demokratikong
pakikipaglaban ang naging batayan ng kanyang pagiging kasapi. Ang imbitasyong ito ay tinanggap ni
Karlo at siya ay naging ganap na kasapi ng lihim na kilusang KM.)

Kahit sa lihim na kilusan tulad ng Kabataang Makabayan ay hindi rin agad ang naging pagtanggap sa mga
bakla. Dagdag pa ni Madula, dahil sa malakas na impluwensiya ng pyudal na sistema sa kultura ng mga
Pilipino ay kinakailangan pa ring gibain ang hindi magandang pagtingin at mababang pagpapahalaga sa
mga baklang kasapi ng lihim na kilusan.

Ang Kabataang Makabayan

 Ang Kabataang Makabayan ay nagmula sa Students' Cultural Association of UP (SCAUP) sa


Unibersidad ng Pilipinas at unang inorganisa bilang youth arm ng Partido Komunista ng Pilipinas-
1930 nina Jose Maria Sison, Ernesto Macahiya, Nilo Tayag, at iba pa. Naisip ni Sison na ang grupo
ng kabataan ay mga rebolusyonaryo na magtatatag ng isang bansa na pinamumunuan ng uring
manggagawa sa halip na mga oligarkiya na pulitiko(ay isang anyo ng istruktura ng kapangyarihan
kung saan ang kapangyarihan ay nakasalalay sa isang maliit na bilang ng mga tao. Ang mga taong ito
ay maaaring makilala o hindi sa pamamagitan ng isa o ilang mga katangian, tulad ng maharlika,
katanyagan, kayamanan, edukasyon, o kontrol ng korporasyon, relihiyon, pulitika, o militar.)

Paglalapat sa Relasyon ng Magkaparehong Kasarian

 Ang Partido Komunista ng Pilipinas ay nagsagawa rin ng pag-amyenda sa Mga Gabay at Tuntunin sa
Pag-aasawa sa Loob ng Partido upang bigyang linaw ang kanilang paninindigan ukol sa pagpili ng
kasarian ng mga kasama sa loob ng organisasyon. (Sa bahaging ito, patuloy na nililinaw ng PKP ang
pantay na pagtingin sa lahat ng mga kasapi ng Partido anuman ang kanilang kasarian. Ang mga
pamamaraan ng mga personal na relasyon at mga saligang prinsipyo at tuntunin sa pag-aasawa sa
loob ng Partido ay aplikable sa lahat ng mga miyembro. Gayunpaman, kinakailangan pa rin nila ang
miyembro na bakahin ang hindi magandang pag-uunawa sa pangatlong kasarian. Kumpara naman sa
nakagawiang tanggap na kasarian na pinalaganap ng pyudal na sistema ng lipunan. )
 Ayon sa dokumento, “Tutol ang Partido sa anumang uri ng diskriminasyon, pang-aapi at
pagsasamantalang umiiral sa lipunan. Bahagi rito ang pagtutol sa diskriminasyong nakabatay sa
piniling kasarian, sa pagkakait ng mga karapatan at oportunidad batay sa piniling kasarian.” (Ayon sa
KT-KS o ng Komiteng Tagapagpaganap ng Komiteng Sentral (KT-KS), mayroong mahahalagang
amyenda ang isinagawa sa gabay at tuntunin sa pagaasawa sa loob ng partido at isa na rito ang
pagdadagdag ng hiwalay na seksyon tungkol sa pagkilala at paggalang sa pagbubuo ng relasyon ng
magkaparehong kasarian at paglalapat dito nang walang pagtatangi sa mga gabay, tuntunin at
prinsipyo ng pagkakasintahan at pag-aasawa (Hinggil sa pag-aasawa sa loob ng Partido 1998). Na
nagkaroon din ng malaking isyu ukol dito.
 Ang ganitong pagkilala at paggalang ng Partido sa pagpili ng kasarian ng mga miyembro nito ay
sumasaklaw din maging sa mga hindi miyembro ng Partido. Ibig sabihin, ang pagbubukas na ito ay
hindi lamang aplikable sa mga aktibista at miyembro ng PKP, kundi maging sa masang patuloy na
iminumulat tungkol sa kanilang mga karapatan at kalayaang dapat na ipaglaban, kasama na rito ang
kanilang piniling kasarian. Mayroong apat na saligang prinsipyo at tuntunin ang Partido ukol sa pag-
aasawa bukod sa idinagdag na amyenda ukol sa relasyon ng magkaparehong kasarian.
 Mula rito, ang karagdagang prinspiyo ng Partido ukol sa pagkilala at paggalang sa mga relasyon ng
mga kasamang mayroong parehong kasarian, at pagsasabing ang iba pang saligang prinsipyo ay
magiging aplikable rin sa kanila, ay isang malaking hakbang na pagkilala hindi lamang sa karapatan
ng mga bakla at lesbyana sa loob ng PKP na magpakasal, kundi isang pagkilala sa mismong kanilang
pagiging bakla at lesbyana.

Mauunawaan sa mga natalakay na teksto na hindi maihihiwalay na bahagi ng pagpapalaya ng


sambayanan ang pakikibaka para sa Karapatan ng kababaihan, malayang pagpili ng kasarian, at
pantay na oportunidad at pagpapahalaga

You might also like