You are on page 1of 1

True State of the Nation (TSONA) ng Bise Presidenteng si Jejomar Binay

Mula kay: Atasha Marie DJ. Acosta

Tuwing napag-uusapan ang pulitika sa Pilipinas, hindi na natin maipagkakaila na ang bawat
indibidwal ay may iba’t ibang paniniwala at opinyon. Korapsyon, isang matinding sularinin na sagabal sa
pag-unlad ng ating bansa. Napakaraming tao ang naapektuhan dahil sa mapang-abuso at maling
pamamalakad nito. Mga nasalanta ng bagyo, pagpatay sa mga inosenteng turista, at kakulangan sa
pabibigay ng pangangailangan sa mga mamamayang Pilipino sa gitna ng unos, hindi pa nga ba ito sapat
na dahilan upang tugunan ito?

Sa pahayag ng ating dating Pangalawang Pangulo na si Jejomar Binay sa kaniyang True State of
the Nation Address o TSONA na siyang kumontra sa State of the Nation Address na ipinahayag ni dating
Pangulong Benigno Aquino III, masasabi ko naman talaga na ang kaniyang mga binitawang mga salita ay
nasasalamin sa kung anong sitwasyon ng bansa natin. Animnapu’t pitong bilyong piso na binigay na
donasyon ng iba’t ibang bansa, saan na nga ba napunta? Diba’t higit na dapat tugunan ng pamahalaan ang
kung ano ang pangangailangan ng kaniyang nasasakupan? Ngunit sa halip na tulungan ay isinasawalang
bahala nila ang mga ito. Ang sakit lang isipin na bakit laging may pag-aalinlangan kapag salapi na ang
napaguusapan? Siguro ay dahil sa pansarili kagustuhan lalo nang mga nagseserbisyo sa pamahalaan. Para
bang ang mga pananalita ng DILG secretary ay nangangahulugang wala silang pakialam at hangga’t
buhay kayo ay ayos na iyon. Mga Pilipinong napinsala sa Super Bagyong Yolanda na nakaranas ng
mahigit dalawang buwan na tag-gutom sa loob ng tent cities at bunkhouses hindi man lang napakinggan
ang kanilang mga hinaing na nagresulta ng pagkamatay ng iilan dahil sa masamang kalagayan roon. Kahit
pa man na ang iba ay nakaligtas sa bagyong iyon, napansin pa rin na ang pagtulong na isinasagawa ng
pamahalaan ay hindi pa sapat sapagkat ayon sa kanila ay parang ninakawan pa rin sila ng dignidad.
Dagdag pa rito ang sunod-sunod na suliranin katulad na lamang ng sunog sa Zamboanga. Dito
mapapansin natin ang sinapit ng mga kabataan lalo nang mga kababaihan na silang naging biktima ng
paggahasa na nauwi sa prostitusyon. Ang kakulangan ng pagbibigay ng suporta sa maayos na trabaho ng
gobyerno ay naipapakita rito.

Dito ko napatunayan na tunay na kahanga-hanga ang katapangan ng dating Pangalawang Pangulo


na si Binay sa pagbabahagi ng kaniyang talumpati sapagkat siya ay hindi nagdalawang isip na kontrahin
at bigyan ng ironya ang isinasagawa ng Pangulo. Para sa akin, higit at dapat nating tugunan ang
pangangailangan ng ating nasasakupan sapagkat kung ang pagtulong talaga ang ating hangarin ay walang
magiging problema ang bansa natin. At kung iisipin natin ng mabuti, ang mga mamamayan na iyan ay
siyang tumulong sa iyo noong ikaw ay nangangailangan din. Binigyan ka nila ng pagkatataon upang
mapatunayan ang iyong sarili kaya maaari mo ding bigyan ng boses at tugunan ang kanilang
pangangailangan ngayon. Kaya ang natutunan ko sa dating Bise Presidente na si Binay ay ayos lamang
maging makatwiran lalo na’t kung ito ay makakabuti sa iyong nasasakupan.

You might also like