You are on page 1of 1

Ako ay nadismaya sapagkat maraming mga Pilipinong propesyonal ang nag aabroad.

At imbes na tayong
mga Pilipino rin ang makinabang sa kanila, mga taga ibang bansa ang nakikinabang. Ngunit naiintindihan
ko naman kung bakit nila nililisan ang ating bansa at dumadayo sa ibang bansa para magtrabaho, iyon ay
sa kadahilanan na mas mataas ang sweldo doon, at dahil doon mas naibibigay nila ang pangangailangan
ng pamilya nila. Mula sa senaryong yon, napagtanto kong ang gobyerno rin ay may pagkukulang
pagdating sa suliraning ito dahil maraming mga empleyado ang “underpaid”. Bilang patunay, nabanggit
na ang mga politiko lang ang nakikinabang at tayong mga Pilipino ang nagdudusa.

You might also like