You are on page 1of 1

Marami akong natutunan sa salaysay na ipinahayag ni Dr.

Lumbera tungkol sa
kungpaano siya iniligaw ng wikang ingles, kung bakit nahubog ang kamalayan niya sa
ingles sa halipna wikang filipino at kung paano niya natuklasan ang sarili bilang
Pilipinong manunulat.

Aking napagtanto na kaya siya naligaw at namulat sa salitang Ingles dahil noong
panahonnoong nag-aaral siya, ang sistema ng edukasyon ay umiikot
sa wikang Ingles. Ingles ang nangibabaw sa halip na wikang Filipino dahil
sa naganap na kolonyalismo. Simula sa mga Espanyol hanggang mga Hapon, higit na
naimpluwensiyahan ang edukasyon ng bansa dahil sa mga Amerikano na isa sa
unang nagpakilala ng sistema ng edukasyon. May ilan din
nanagtuturo ng Filipino, ngunit hindi ito sapat sapagkat mababa ang tingin noon sa
mga panitikang Filipino at lubhang nakadidismaya lang dahil pawang mga alipin tayo
sa sarili nating bansa. Isarin dito ay ang ekonomiya ng isang bansa ay may
kinalaman sa paglikha ng panitikan. Iba ang ekonomiya noon ng bansang
Pilipinas kumpara sa ekonomiya na umiiral sa mga bansang kanluranin at
ito ay kapitalismo. Ang mga panitikan sa bansa natin ay pawang impluwensiya palang
ng kolonyalismong Espanyol at hindi pa naabot ng kulturang Kapitalista. Sa
makatuwid, hindi pa nakasasabay ang ekonomiya ng bansa sa mga bansang kanluranin.
Ito rin ang naging malaking dahilan kung bakit hindi napagtuunan ng pansin at
halaga ang wikang Filipino at mga panitikan dito at dahil sa Ideolohiyang
Nasyonalismo, doon nagsimulang unti-unting matuklasan ni Dr. Lumbera ang kaniyang
sarili bilang Pilipinong manunulat. Napagtanto ko na dahil sa ideolohiyang ito,
unti-onting namulat ang mga manunulat tungkol sa kahalagahan ng wikang Filipino,
ng pagiging nasyonalismo. Sa pamamagitan nito, nagsimula silang
manaliksik at magsulat tungkol sa importansya ng wikang Filipino at mga dahilan
kung bakit hindi Filipino,kung hindi Ingles ang naghubog sa ating kamalayan.

Sa pagtatapos, aking masasabi na malaki ang naging impluwensiya ng kasaysayan samga


pangyayaring naganap sa kasalukuyan. Sa iba�t-ibang larangan, kaugalian,
pamamaraan,paniniwala, edukasyon, wika, pamumuhay at iba pa. Ang mahalaga sa huli
ay kung paano parin natin pipiliin ang sariling atin at huwag kakalimutan ang
kasaysayan at pagka-Pilipino

You might also like