You are on page 1of 2

Antas ng Wika

Ang antas ng wika na madalas na ginagamit ng isang tao ay isang


mabisang palatandaan kung anong uri ng tao siya at kung sa aling antas-
panlipunan siya kabilang.

Ang antas ng wikang pampanitikan ay ang itinuturing na


pinakamayamang uri sapagkat ito ay ginagamitan ng mga salita na
may ibang kahulugan gaya ng:
1.) bukas palad o matulungin
2.) kapit-tuko o mahigpit ang pagkakakapit
3.) magbanat ng buto o maghanapbuhay
4.) mababaw ang luha o iyakin
5.) magmamahabang dulang o mag-aasawa.

Ang pambansa ay kadalasang ginagamit naman sa mga babasahin,


paaralan, pamahalaan, at iba pang sentro ng kalakalan o sibilisasyon.
Ilan sa mga halimbawa nito ay:
1.) ina
2.) ama
3.) masaya
4.) dalaga
5.) aklat.

Ang lalawiganin ay mga karaniwang sinasalita batay sa lugar na


tinitirhan gaya ng:
1.) gayyem
2.) amiga
3.) kaibigan
4.) higala
5.) ungngo.

Ang kolokyal ay ang antas na ginagamit sa araw-araw gaya ng:


1.) kanya-kanya
2.) antay
3.) alala
4.) naron
5.) lugal.

Ang balbal ay ang tawag sa mga pang-kalyeng salita gaya ng:


1.) istokwa o naglayas
2.) parak o pulis
3.) tiboli o tomboy
4.) eskapo o takas
5.) balbonik o maraming balahibo.

You might also like