You are on page 1of 4

School Pampanga High School Grade Level Baitang 10

Teacher Learning Area Filipino/ RDA


Date Quarter
Daily Lesson Plan in Filipino

I.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Nasusuri ang mga elemento ng elehiya batay sa tema, mga tauhan, tagpuan, mga
mahihiwatigang kaugalian o tradisyon, wikang ginamit, pahiwatig o simbolo, damdamin.
Naiuugnay ang sariling damdamin sa damdaming inihayag sa napakinggang tula.

II. NILALAMAN
A. Panitikan : Tula - Elehiya

Kagamitang Panturo
Sanggunian:
Iba Pang Kagamitang Pampagtuturo:

III. PAMARAAN

A. Balik-aral sa Nakaraang Aralin / Pagsisimula ng Bagong Aralin


Naranasan mo na bang mawalan o iwan ka ng mahal mo sa buhay? Ano ang iyong naramdaman?ano ang
ginawa mo para mabawaan ang pagdadalamhating naramdaman?

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin

Paglakbayin ang diwa sa aralin natin ngayon. Masisiyahan ka sa mga bagong matutuklasan mo sa araling
ito.Paano nga ba naiiba ang elehiya sa iba pang akdang pampanitikan?

C.Pag-Uugnay ng mga Halimbawa Sa Bagong Aralin. (Paglalahad)

Elehiya sa Kamatayan ni Kuya


-Bhutan
Isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte

Hindi napapanahon!
Sa edad na dalawampu’t isa ,isinugo ang buhay
Ang kanyang malungkot na paglalakbay na hindi mata
Una sa dami ng kilala taglay ang di mabigkas na pangarap
Di maipakitang pagmamahal
At kahit pagkaraan ng maraming pagsubok
Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga
Maniwala’t dli panghihina at pagbagsak!
Ano ang naiwan!
Mga naikwadrong larawang guhit,poster at larawan,
Aklat,talaarawan,at iba pa.
Wala ng dapat ipagbunyi
Ang masaklap na pangyayari,nagwakas na
Sa pamamagitan ng luha naglandas ang hangganan,gaya ng paggunita
Ang maamong mukha,ang matamis na tinig,ang halakhak
At ang ligayang di malilimutan.

Walang katapusang pagdarasal


Kasama ng lungkot,luha at pighati
Bilang paggalang,sa kanyang kinahinatnan
Mula sa maraming taon ng paghihirap
Sa pag-aaral at paghahanap ng magpapaaral
Mga mata’y nawalan ng luha,ang lakas ay nawala

O’ ano ang naganap,


Ang buhay ay saglit na nawala
Pema,ang immortal na pangalan
Mula sa nilisang tahanan
Walang imahe,walang anino,at walang katawan
Ang lahat ay nagluksa ,ang burol ay bumaba, ang bukid ay nadaanan ng unos
Malungkot na lumisan ang tag-araw
Kasama ang pagmamahal na inialay
Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita
Ang masayang panahon ng pangarap. (mula sa aklat na Panitikang Asyano)

Gabay na Tanong:
1.Ano ang damdaming namayani sa persona ng tula?
2.Alin sa sumusunod ang tema ng elehiya?
3.Sino ang nagsasalita sa tula?
4.Ano-ano ang mga simbolo o sagisag na ginamit sa tula?
5. Ano ang damdaming nangibabaw sa tulang nabasa?

D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1

MGA URI NG TULANG LIRIKO O PANDAMDAMIN

Ang elehiya ay tulang may dalawang katangiang pagkakakilanlan. Una, ito ay ang tula ng
panangis,lalo na sa pag-alala sa isang yumao;ikalawa ,ang himig nito ay matimpi at mapagmuni-muni.
Batay sa uri ng paksa ng elehiya ay higit na personal sa pagpapahayag ng damdamin kaysa sa ibang estilo
ng panulaan.
Ang awit ay may paksang nauukol sa matimyas na pagmamahal,pagmamalasakit,at pamimighati
ng isang mangingibig.halimbawa nito ang awit o kundiman na nahihinggil sa pag-ibig na kalimitang
ginagamit sa panliligaw.
MGA ELEMENTO NG ELEHIYA
1.TEMA- ang pinakabuoang kaisipan ng elehiya.Kadalasang konkretong kaisipan at pwedeng
pagbatayan ng karanasan.
2.TAUHAN- ang taong sangkot sa usapan sa tula
3.TAGPUAN- lugar o panahon na pinangyarihan ng tula
4.KAUGALIAN O TRADISYON- ang mga kaugalian o tradisyon na binanggit sa tula
5.WIKANG GINAMIT- maaring pormal o impormal.Pormal o salitang istandard. Impormal ang
madalas gamitin sa pang-araw-araw na pakikipag-usap
6.SIMBOLISMO-ang paggamit ng simbolo para magpahiwatig ng isang ideya o kaisipan
7.DAMDAMIN-tumutukoy sa naramdaman ng may-akda o di kaya ng mambabasa ukol sa
nabasang tula.

E. Pagtalakay ng bagong konspeto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

Panuto:Suriin ang binasang tula batay sa sumusunod. Piliin mula sa kahon ang maaring maging sagot sa
sumusunod

a. Tema
b. Uri ng tula
c. Paksa
d. Simbolo
e. Pahiwatig
f. damdamin

pagkamatay ng mahal sa buhay talaarwan


pag-alala sa mahal sa buhay aklat
Elehiya malungkot sa edad na dalawampu’t isa isinugo ang buhay

F. Paglinang ng Kabihasaan
Panuto: Ibigay ang damdaming nais ipahiwatig
1.Hindi pa napapanahon / Sa edad na dalawampu’t isa,/isinugo ang buhay
2. Mga mata’y nawalan ng luha,/ ang lakas ay nawala/ O’ ano ang naganap, /Ang buhay ay saglit na
nawala
3. Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita /Ang masayang panahon ng pangarap.
4. Wala ng dapat ipagbunyi /Ang masaklap na pangyayari,nagwakas na
5. Ang lahat ay nagluksa ,/ang burol ay bumaba, //ang bukid ay nadaanan ng unos Malungkot na lumisan
ang tag-araw

G. Paglalapat sa aralin sa tunay na buhay


H. Paglalahat
I.Pagtataya
I.1. Kilalanin ang katangian ng elehiya at awit.isulat ang T kung ang pahayag ay tama at M naman kung
mali,.
_____1.Ang elehiya ay tula para sa pag-alala sa yumaong mahal sa buhay.
_____2. Batay sa uri ng paksa ng elehiya ay higit na personal sa pagpapahayag ng damdamin kaysa sa
ibang estilo ng panulaan.
_____3.Ang awit ay may paksang nauukol sa matimyas na pagmamahal,pagmamalasakit,at pamimighati
ng isang mangingibig.
_____4. Ang awit o kundiman na nahihinggil sa pag-ibig na kalimitang ginagamit sa pag-alala sa yumao.
_____5.Magkatulad ng katangian ang awit at elehiya.

I.2. Gawan mo ng elehiya ang iyong buhay

You might also like