You are on page 1of 53

Maghintay lamang nang ilang

sandali. ☺
Salamat po!
Slmt= po!
Crisanto Coquia-Yco, LPT
Instructor I
ccyco@dhvsu.edu.ph/crisantoycolpt@gmail.com
DHVSU Sto.Tomas Campus
A.Y. 2022-2023
KABANATA 1:
Batayang
Kaalaman sa
Panitikan
CRISANTO C. YCO, LPT
K=risn=to cokiy IKo
01 02
Kahulugan at Pahapyaw na
Kahalagahan ng Pagtunton sa
Panitikan Kasaysayan ng
Panitikang Pilipino sa
Iba’t Ibang Panahon

03 04
Mga Uri ng Mga Teoryang
Panitikan Sosyolohikal at
Mga Uri Nito
Ano ang
Panitikan?
“Ang panitikan ay kabuuan o kalipunan
ng mga pinagyamang isinulat o
inilimbag sa isang tanging wika ng mga
tao.”
Webster’s New Collegiate
Dictionary
“Ang panitikan ay nagpapahayag ng damdamin
ng tao tungkol sa iba’t ibang bagay sa daigdig,
sa pamumuhay, sa pamahalaan, sa lipunan at sa
kaugnayan ng kanilang kaluluwa sa Dakilang
Lumikha.”
-- G. Azarias
“Ang panitikan ay bungang-isip na
isinatitik.”
KGG. Alejandro G.Abadilla
Sa madaling salita!
Ang panitikan ay kalipunan ng
magagandang karanasan at pangarap o
adhikain ng isang lahi. Dito nasasalamin
ang iba’t ibang damdamin ng mga tao
tulad ng kalungkutan, kaligayahan, galit,
pag-ibig, paghihiganti at iba pa.
Idagdag pa natin!
Magkaugnay ang kasaysayan at panitikan. Ito ay
dalawang bagay na laging magkaagapay. Nasusulat
sa kasaysayan ang tunay na nagaganap sa bawat
panahon. Ang mga manunulat at makata ay
sumusulat ng kanilang akda mula sa tunay na nakikita
sa paligid subalit ito’y nilalagyan ng palamuti upang
maging kagila-gilalas o higit na kaakit-akit, na siyang
ipinagkaiba sa kasaysayan.
Layunin at Dahilan ng Pag-aaral sa
Panitikan ng Pilipinas
1. Mababatid ng mga tao ang
kanilang sariling tatak, ang sariling
anyo ng kanyang pagkalahi, ang
sariling kalinangan at mga minanang
yaman ng isip.
2. Makikita nila sa kanilang sarili, ang
kalawakan, kalakasan at kahinaan ng
kanilang pag-uugali at paniniwala.
Layunin at Dahilan ng Pag-aaral sa
Panitikan ng Pilipinas
3. Masasalamin ang nakaraan ng
kanilang mga ninuno; kung paano
sila nabuhay, nagkamali at
nagtagumpay; at dahil dito ay
maiiwasan nila ang pagkakamali
at higit pang mapauunlad at
mapayayabong ang mga
minanang kabutihan.
Layunin at Dahilan ng Pag-aaral sa
Panitikan ng Pilipinas
4. Makikita ang mga kapintasan at
kagalingan ng sariling panitikan
at sa gayo’y magkaroon ng
pagsasanay sa paglinang ng
kakayahan at kasanayan sa
pagbabago at upang higit na
mapadalisay at mapaningning
ang mga kagalingang ito at
maiwasan ang mga kamalian.
Layunin at Dahilan ng Pag-aaral sa
Panitikan ng Pilipinas
5. Matutuhang ipagmalaki ang
mga bagay na kanila at maging
matibay at matatag ang pagkilala
sa kanilang pagkalahi.
6. Mapupukaw ang marubdob na
pagmamalasakit at
pagpapahalaga sa sariling
wika.
02
Pahapyaw na
Pagtunton sa
Kasaysayan ng
Panitikang Pilipino sa
Iba’t Ibang Panahon
Panahon ng Sinaunang Pilipno
Bago pa dumating ang mga Kastila, ang mga
ninuno natin ay mayroon nang sariling kakayahan
at bago pa sakupin ng imperyo ng Madjapahit
noong ika-14 na siglo.

Ang Literaturang Filipino ay naiiba sa kabuuan.


Nagsimula ito sa tradisyong pasalita. Ang mga
kalapit bansa tulad ng Malaysia, Cambodia,
Indonesia at Arabia ay may kani-kaniyang ambag
sa ating panitikan. Ang mga ito ay nasa anyong
awiting-bayan, alamat, karunungang bayan at iba-
ibang uri ng tula.
Panahon ng Kastila/Espanyol
Marso 16-17, 1521 – Ferdinand
Magellan (Fernando Magallanes)
1565 – Miguel Lopez De Legazpi
Krus at Espada
Pangunahing Layunin
GOD, GOLD, GLORY
Panahon ng Kastila/Espanyol
Pinalaganap ng mga
Kastila ang tradisyong
Europa na napapaloob sa
komedya, sarswela, kurido,
awit, pasyon at tungkol sa
mga santo.
Panahon ng Kastila/Espanyol
1872 – Sarhento la Madrid (Cavite
Mutiny)
Napagbintangan sina Fr. Mariano
Gomez, Fr. José Burgos, at Fr.
Jacinto Zamora.
Gat. Jose Rizal -Ang mga akda ay
punung-puno ng damdaming
makabayan at nagbunsod sa mga
Pilipino upang magkaisa at
nagwakas sa Himagsikan.
Panahon ng Kastila/Espanyol
Disyembre 30, 1896 – nang namatay si Rizal,
nagbago ang paksa ng mga panitikan.
Nagingmaapoy, mapanuligsa at
mapaghamon, puno ng pag-ibig sa bayan,
paghahangad ng kalayaan at pagtuligsa sa
mga dayuhan.
1898 – Taon nang tuluyang lumisan ang mga
Kastila sa bansa subalit nasa ilalimpa rin tayo
ng kapangyarihan ng mga banyagang
Amerikano.
Panahon ng Kastila/Espanyol
Disyembre 30, 1896 – nang namatay si
Rizal, nagbago ang paksa ng mga panitikan.
Nagingmaapoy, mapanuligsa at
mapaghamon, puno ng pag-ibig sa bayan,
paghahangad ng kalayaan at pagtuligsa sa
mga dayuhan.
1898 – Taon nang tuluyang lumisan ang
mga Kastila sa bansa subalit nasa ilalimpa
rin tayo ng kapangyarihan ng mga
banyagang Amerikano.
Panahon ng Amerikano
Disyembre 10, 1898 – Tratado ng Paris
Binili ang Pilipinas sa halagang 20 milyong
dolyar. Sa pananakop ng mga Amerikano,
ang mga Pilipino ay patuloy pa rin sa
panunuligsang makikita sa mga akdang
isinulat sa wikang Ingles, Tagalog at iba’t
ibang wikain sa Pilipinas. Dito nagsimulang
umunlad ang panitikang Pilipino sa Ingles.
Panahon ng Hapon
Paglaganap ng
wikang Filipino
Haiku,Tanaga,at
Tanka.
Panahon ng Malayang Bansa
1946 – Lumaya ang Pilipinas
Kabiguan, Kalupitan, at masaklap na
karanasan.
1950 – Kadipan at Gawad Palanca
Awards
La Tondeña Incorporada – Carlos
Palanca
Kapisanang Aklat, Diwa at Panitik
Panahon ng Malayang Bansa
1960 - 70
Aktibismo (Plakard, Barikada at EJK)
1986 – EDSA / Kontemporaryong
Panahon
Ingles at Filipino
Isyung Lokal, Nasyonal, International
Teknolohiya, lipunan at Globalisasyon.
Salamat po!
Slmt= po!
Crisanto Coquia-Yco, LPT
Instructor I
ccyco@dhvsu.edu.ph/crisantoycolpt@gmail.com
DHVSU Sto.Tomas Campus
A.Y. 2022-2023
KAURIANG
PANLAHAT
NG PANITIKAN
Ang mga Akdang Pampanitikan ay Mauuri sa
Dalawang Anyong Panlahat:
PROSA O TULUYAN
Isang malayang pagbuo
ng mga salita sa
karaniwang takbo ng
pangungusap.
PROSA O TULUYAN

1. Dula – naglalarawan ng
isang bahaging buhay sa
pamamagitan ng kilos at
tinatanghal sa tanghalan.
PROSA O TULUYAN
2. Nobela –nagsasalaysay
ng mga masalimuot na
pangyayaring naganap sa
isang mahabang
panahon.
PROSA O TULUYAN
3. Maikling Kuwento –
nagtataglay ng isang
kakintalang nilikha ng mga
hindi karaniwang pangyayari
sa pamamagitan ng
pinakamatipid na paggamit ng
mga salita
PROSA O TULUYAN

4. Alamat – nagsasalaysay
ng pinagmulan ng mga
bagay-bagay.
PROSA O TULUYAN
5. Pabula – ang mga
tauhan ay hayop na ang
layunin ay magbigay-aral.
PROSA O TULUYAN
6. Anekdota – salaysay na
hango sa tunay na
karanasan o pangyayari sa
buhay ng tao. Ito’y
kapupulutan din ng aral.
Ang mga Akdang Pampanitikan ay Mauuri sa
Dalawang Anyong Panlahat:
PATULA O PANULAAN
binubuo ng pahayag na may
sukat at tugma. Ang sukat ay
tumutukoy sa bilang ng pantig ng
mga salita sa bawat taludtod
samantalang ang tugma ay
tumutukoy sa pagkakatulad ng tunog
ng huling pantig ng huling salita sa
bawat taludtod
Apat na uri ng Patula o Panulaan
1. Tulang Pandamdamin o Liriko
a. Pastoral – naglalarawan ng buhay sa bukid.
b. Soneto – naglalaman ito ng labing-apat na
taludtod.
c. Oda – isang tula ng paghanga o papuri sa
isang bagay.
d. Elehiya – tula ng panimdim o kalungkutan
dahil sa kamatayan.
e. Dalit – imno at mga kantang papuri sa
Panginoon o sa Mahal na Birhen.
Apat na uri ng Patula o Panulaan
2. Tulang Pasalaysay
a. Epiko – nagsasalaysay ng di
kapani-paniwalang kabayanihan
ng isang tao.
b. Kurido – hango sa alamat ng
Europa.
c. Awit – hango sa haraya ng
may-akda
Apat na uri ng Patula o Panulaan
3. Tulang Pandulaan
a. Moro-moro – paglalaban ng
mga Muslim at mga Kristiyanong
humahantong sa pagbibinyag sa
mga Muslim.
b. Panuluyan – pagsasadula sa
paghahanap nina Birheng Maria
at San Jose ng matutuluyan.
Apat na uri ng Patula o Panulaan
4. Tulang Patnigan
a. Balagtasan – tagisan ng talinong patula.
b. Duplo – ginaganap sa bakuran ng
namatayan.
c. Karagatan – hango sa alamat ng isang
prinsesang inihulog sa dagat ang singsing.
d. Batutian – sagutang patula na may halong
pangungutya at pagpapatawa.
Salamat po!
Slmt= po!
Crisanto Coquia-Yco, LPT
Instructor I
ccyco@dhvsu.edu.ph/crisantoycolpt@gmail.com
DHVSU Sto.Tomas Campus
A.Y. 2022-2023
ANG TEORYANG
SOSYOLOHIKAL AT
MGA URI NITO
Teoryang Sosyolohikal
a. Ang pananaw na ito ay nagbibigay ng pangunahing
halaga sa tao, dahil dito ang tao ang sentro ng
daigdig, ang sukatang bagay at panginoon ng
kanyang kapalaran.
b. Sa pananaw na ito’y mahalagang mabatid ang
kapaligirang sosyolohikal ng akda.

Pananaw Sosyolohikal
1) Ang indibidwal na pagsusuri ng akda ay nagkakaroon
ng higit na matibay na kapit sa ugnayang
namamagitan sa buhay ng mga tauhan at ng mga
puwersa ng lipunan o umiiral na suliraning panlipunan.
2) Ang tao at ang kanyang mga saloobin at
damdamin ang naging pangunahing paksa rito.
3) Pinahahalagahan ang kalayaan at isipan, ang ganap na
kagalingan ng henyo, at mga natatanging talino at
kakayahan ng tao at kalikasan.
Pananaw Sosyolohikal
Ang lapit-sosyolohikal ay naaangkop sa tradisyon
at prestihiyo ng dulaan sa Pilipinas. Sa pagkapit
sa mga isyung panlipunan na pinapaksa ng mga
dula at sa pagbabago ng konsepto ng
entablado bilang tanghalan, mananatiling may
lugar ang lapit-sosyolohikal sa panlasa at
pakikibaka ng mamamayan.

Sa sosyolohikal na pananaw, mas malawak ang


perspektib na pagsusuri ng isang akda. Hindi
lamang ang kasiningan at naging katangian ng
akda ang binubusisi, kundi pati na rin ang bahagi
ng lipunan at kasaysayang pinagluwalan nito.
Pananaw Sosyolohikal
Sa ganitong lapit ay pinagtitibay ng pahayag ng
likhang-sining at lipunan. Ang isang akda ay
produkto ng malikhaing pag-iisip ng
manunulat na nabubuhay sa isang panahon na
may partikular na katangiang humubog sa
kanyang pagkatao. Sa pagsusuring
sosyolohikal, hindi sapat na suriin lamang ang
akda kundi pati na rin ang lipunang
kinabibilangan ng may-akda na siyang
nagluwal ng akdang yaon. Ayon nga kay
Tainer, isang manunulat na Pranses:
Pananaw Sosyolohikal
Kung gagamitin ang pananaw na
ito sa pagsusuri ng panitikan,
mainam namapag-aralan ang
kasaysayan ng akda at ang
panahon na kinabibilangan nito
at ng awtor. Hindi lamang into
internal na pagsusuri ng akda,
kundi pati na rin ng mga
eksternal na salik na
nakaiimpluwensya rito.
URI NG
TEORYANG
SOSYOLOHIKAL
Madilim na Panahon (Dark Ages)
Walang kakayahan ang mga tao na
mag-isip tulad ng mga tao ngayon. Di
sila pwede magkwestiyon ng kung
ano-ano dahil ang mga may karapatan
lang na gawin ang mga ganito ay ang
mga nakapag-aral. Kumbaga sobrang
makapangyarihan sila sa paraan na
kaya nilang mang- impluwensya ng
maraming tao. Kung ano ang ideal
concept ng society sa pananaw nila,
yun yung inihahain nila sa mga tao.
Panahon ng Pagkamulat (Age of Enlightenment)
Sa panahong ito naman ay nagsimula na sila na baguhin
ang ganoong (walang kakayahan ang tao na mag-isip)
sistema ng lipunan. Nagsimula na sila mag-isip at
magkwestiyon sa mga nangyayari sa kanilang paligid.
Mayroon na sila ngayong kalayaang mag-isip. Dito rin sa
panahon na ito dumagungdong ang mga pangalan ng
mga sosyolohistang nakapagbigay ng ambag sa
konsepto ng sosyolohiya. Nariyan
si Jean Jacques Roseau na nagsabi na kailangan mag-
aklas ng mga tao kung tingin nila mali ang sistema ng
lipunan; Voltaire na nagsabi na may karapatan ang mga
tao na mag-rebelde kung ang gobyerno ay hindi na
naibibigay ang mga pangangailangan nila; at
si Wollstone Craft na nagbigay ng boses sa mga
Himagsikang Pranses (French Revolution)
Nagkaroon na ngayon ng ideya ang
mga tao sa na mag-aklas dahil sa
maling pamumuno at isinasakatuparan
na nila ang mga ito, at sa huli namayani
ang kanilang pagtutulungan. Ang aral
na maaarinating mahihinuha sa
pangyayaring ito ay kaisipang kayang
gumawa ng pagbabago ng mga tao
laban sa maling sistema ng lipunan
kung magsasama-sama.
Klasikong Romantisismo (Classical Romanticism)
Pinaliwanag nito na kaya gumulo ang
lipunan dahil pinakikialaman ng mga
tao ang kagustuhan at batas ng
Manlilikha. May mga tauhan sa akda na
higit pang makapangyarihan ang tao
kaysa Diyos na lumikha sa kaniya.
Naniniwala ang tao na kasabay siyang
isinilang ng kapangyarihan na taglay
niya at hindi ito kaloob sa kaniya
ninoman.
Namamalaging Romantisismo (Conservative Romanticists)
Sinasang-ayunan nila na kaya gumulo ang
lipunan dahil sa pagwasak ng nagdaang
sistema. Sila ay naglalayong panatilihin ang
pangkasalukuyang sistema para manumbalik
ang kaayusan sa lipunan. Ang tanging tunay na
kaalaman ay kaalaman na batay sa aktuwal na
kahulugan ng karanasan. Ang ganitong
kaalaman ay maaaring dumating lamang mula
sa paninindigan ng teorya sa pamamagitan ng
pang- agham na pamamaraan.
Pasulong (Progressive)
Ayon sa ilang Sosyolohista, magiging
maayos lamang ang sistema ng lipunan
kung magkakaroon ng pagbabago rito.
Kung kaya’t patuloy na ngang nagbago
ang mga sistema ngayon at nabuo ang
sistemang panlipunan natin ngayon. Ang
uring ito ay bukas sa lahat ng posibilidad
sa lahat ng salik na makatutulong sa
pag-unlad ay isinasaalang-alang.
Salamat po!
Slmt= po!
Crisanto Coquia-Yco, LPT
Instructor I
ccyco@dhvsu.edu.ph/crisantoycolpt@gmail.com
DHVSU Sto.Tomas Campus
A.Y. 2022-2023
Literature icon pack

You might also like