You are on page 1of 1

FRANCES NATIONAL HIGH SCHOOL

FACULTY AND EMPLOYEES ASSSOCIATION


Frances, Calumpit, Bulacan

Nobyembre 21, 2022

IGG. JOHN CHRISTOPHER SUNGA


Chairman, SK Federation
Frances, Calumpit, Bulacan

Pagbati!

Ang buwan ng Disyembre ay isang natatanging tradisyon para sa mga Pilipino. Ito ay
panahon upang magpasalamat sa panahon ng Kapaskuhan sa pamamagitan ng
pagbibigayan at pagmamahalan. Bahagi po nito ay ang pagdaraos ng Programang
Pamasko para sa mga guro at kawani ng Frances National High School.

Isa rin po sa mahahalagang okasyon na aming gugunitain sa buwan ng Disyembre ay


ang Ika-25 Anibersaryo ng pagkakatatag ng aming paaralan. Sa diwa pong ito, nais
namin kayong maging bahagi sa natatanging pagkakataong ito sa pamamagitan ng
pag-isponsor ng Set ng Volleyball Ball at Net at Set Basketball Ball at Net na amin
pong gagamitin sa idaraos na Sports Fest bilang parte ng aming selebrasyon. Para po
sa ating mabilis na komunikasyon maaari po nating maipaabot/maibigay sa
pamamagitan ng pag contact sa number na ito 0968 463 8639.

Ang inyo pong kaloob ay magiging daan upang lalong maging maligaya ang mga guro,
kawani ng paaralan at mga mag-aaral. Mabuhay po kayo at dalangin namin ang
patuloy na pagpapala ng Maykapal.

Lubos na sumasainyo,

FNHS FACULTY AND EMPLOYEES ASSOCIATION OFFICERS

CHRISTIAN F. BALTAO ALFREDO A. MENDOZA


FEA, Vice President FEA, Peace Officer

Binigyang pansin:

MELGEE A. CANARE
Officer-in-Charge
Head Teacher III

You might also like