You are on page 1of 3

Department of Education

Region IX, Zamboanga Peninsula


Zamboanga City Division
SOUTHCOM NATIONAL HIGH SCHOOL
Upper Calarian, Zamboanga City

DEKLAMASYON

“Baliw? Anak ng malas …”

“Baliw….Hindi ako baliw..” “Dugo? Bakit may dugo ang kamay ko?” sunod-
sunod kung naitanong sa sarili ko….Pulis? Bakit may mga pulis na
nakapaligid sa akin? Baliw? Hindi ako baliw.. Pero bago n’yo ako husgahan,
pakinggan n’yo muna ang kuwento ng buhay ko.

Ako nga pala si Johanna. Tatlo kaming magkakapatid. Si kuya ako at si


Bunso. Mayaman kami dati, pero ngayon ay mahirap pa kami sa daga. Ang
inay ay may sakit samantalang ang aking Itay ay labas pasok lang sa aming
bahay. Isang pamilyang magulo. Si Kuya na isang palamunin ng inay, ay
addict at lasenggo. At si bunso na hindi ko alam kung ano, tulala palagi dahil
ginahasa ng walanghiya kong tatay. Iskwater kami kung tawagin.

Maraming pera si Itay pero ni minsan ay hindi niya kami binigyan ng


magandang dahilan para umangat sa buhay. Wala sa kukote ng Itay ang pag-
aralin kami. Kaya heto ako, isang hamak na katulong na nauwi sa isang
bangungot ang buhay ko.

Naalala ko pa palagi ang Inay dati. Magkasama kaming naglalaba at


namamalantsa dati para lang may pang matrikula ang walanghiya kong kuya.
Bakit ganito ang buhay naming pamilya? Ang gulo ang hirap. Napag isip-isip
ko din; bakit ginahasa ni Itay si Bunso? Ganun na ba talaga kasaklap ang
buhay sa amin? Kailangan ko ba talagang isakripisyo ang buhay ko para lang
maitaguyod nang maayos ang buhay namin?

Mayaman daw kami dati, diba? Pero bakit ngayon kasumpa-sumpa ang
pamilyang mayroon ako? Bakit may Kuya akong matatawag, pero kahit kailan
ay hindi naging kuya sa amin ni bunso? May tatay nga kaming maituturing
pero bakit ang pagkakaroon ng isang Tatay na mayroon kami ay kasumpa-
sumpa? Bakit pinarusahan si Inay ng isang sakit na kung tawagin nila ay
Brain Cancer? Ganun na ba talaga kasaklap ang buhay mayroon ako?

“Baliw, anak ng malas.”

Yan ang palagi kong naririnig mula sa mga taong nakakilala sa


akin.Nagsimula ito isang gabi, noong galing ako sa aming kapitbahay gawa ng
pamamalantsa para magkaroon ng pambili ng bigas at gamot ni Inay. Umuwi
si Itay na may kasamang babae. Tinanong siya ni Inay noon, “Sino na naman
ba ang kasama mo?” tinig iyon ni inay kasabay ng pag-ubo niya. Ngunit hindi
siya sinagot ng Itay.

Tuloy-tuloy si Itay sa pagpasok kasama ang isang babae. Tinanong ulit siya ni
Inay ngunit kitang-kita ko ang ginawa ng aking Itay sa inay. Sinampal, Sinipa
at tinadyakan ni Itay si Inay, hanggang sa mawalan ng malay si Inay bago
iniwan ng aking Itay. Nilapitan ko si Inay. Dumudugo ang ilong ni Inay,
niyugyog ko siya, pero hindi sumagot ang kawawa kong nanay. Tila tumigil
ang aking mundo nang maramdaman kong hindi na humihinga si Inay.Wala
akong maisip. Hindi ko alam ang gagawin ko. Iniwan ko si Inay at pumunta
ako sa kusina. Sa kusina, Dinig ng aking tainga ang pagtatawanan ng
dalawa. Dali-dali kong nilapitan ang pinto at lakas loob kong sinipa ito at
walang sabi- sabing sinaksak ko nang sinaksak ang aking ama. Kita ng aking
dalawang mata ang pagkagulat ng babae. Nagmakaawa ito, pero isa, dalawa,
tatlo at marami pang beses ko silang sinaksak nang sinaksak hanggang sa
mawalan sila ng buhay.

“Dugo? Bakit may dugo ang kamay ko?” sunod na sunod kung natanong sa
sarili ko….Hindi ko sinadyang napatay sila. Kasalanan bang patayin sila?
Kasalanan bang patayin ang kagaya nila na walang ginawa kundi bigyan ng
sakit sa puso ang inay? Pulis? Bakit may pulis na nakapaligid sa akin? Bakit
nila ako hinuhuli? Di ba hindi ko kasalanang pinatay ko sila?

Huli na nang maalala ko ang nangyari. Napahalakhak ako nang wala sa oras,
Umiiyak din ako nang maalala ko ang inay. Ang aking kawawang inay.
Sagutin n’yo ako? Kasalanan bang patayin ang kagaya nila? Kasalanan bang
ilagay ang batas sa aking kamay? Baliw bang matatawag ang patayin sila?
Sagutin n’yo ako bago n’yo ako husgahan at tawaging BALIW…

You might also like