maglakbay papunta sa Baguio dahil meron ring magaganap
na YOUTH AFFLAME na event ng calvary doon sa Tuding, Benguet kaya di ko na sinayang yung pagkakataon na pumunta doon upang sambahin ang kataas-taasang Panginoon total libre naman ang pamasahe naming.
Nong oras na to sumali kami sa
kaganapan nila na battle of the bands at mahigit 18 churches ang kalahok dito at magkakaibang lugar ang sumali dito, meron mga taga Neuva Ecija, Visayas, Abra, at iba pa. Di naming inaasahang pangatlo kami sa battle of the bands.
Dito rin na kaganapan ay sumali rin kami ng
trio at di rin naming inaasahang 2nd kami sa lahat ng churches na sumali pero lahat ng to ay para sa Diyos. Nakapicture rin naming ang isang sikat na banda ng kankana-ey sa Tuding na tinatawag na Theos Bands. Sila ang band ana gumawa ng kantang “Diyos ama” at sikat ito sa aming lugar at mga kapwa itneg. Isa itong napakalaking pagkakataon na makapictyur namin ang isang sikat na banda.
Pagkatapos ng kaganapan doon sa Youth
Afflame ng calvary ng tatlong araw ay nagpunta kami doon sa lugar rin ng kachurch namin na NTAG doon sa Happy Hallow, Baguio. Uuwi na sana kami pero pinilit kami na manatili muna doon at dito kami magsimba ng lingo kaya dito muna kami nakisimba sa baguio nong araw na to. Sa panghuli ay inaya ulit kami ng aming kuya na may trabaho at ipinasyal kami dito sa baguio kasama ko ang mga ka church ko na galing abra at dinala niya kami sa iba’t ibang lugar sa baguio. Nagpunta kami sa samgyupsalan, bilyaran, bowling, at higit sa lahat, sa skyranch sa baguio kaya napakasaya naming umuwi sa Abra nong napasyal na naming ang magagandang lugar sa baguio.