You are on page 1of 1

Kabanata 35: Ang Piging

Nagumpisang magdatingan ang mga tao kasama ang bagong kasal at kasama sina
Donya Victorina at ang nahuling dumating ay ang Heneral.

Pinapanood ni Basilio ang mga taong nagdaratingan at kinakaawaan niya ito dahil
inaakala ni Basilio na mamatay ang mga tao ng walang malay. Gusto niyang balaan
ang mga tao ngunit nang makita niya si Padre Salvi at Padre Irene, agad na nagbago
ang kaniyang isip.

Maya-maya, dumating na si Simoun dala ang lampara na papasabugin.

Nang mga oras na yon, nagbago ang isip ni Basilio at gusto na niyang iligtas ang mga
tao ngunit hindi siya pinapasok ng mga kawal dahil sa dungis ng kaniyang anyo.

Nung hindi pinapasok si Basilio, agad niyang nakita si Isagani na nagbabalak din
pumasok sa loob. Pinigilan niya ito at ipinaliwanag ang tungkol sa lampara. Tumututol si
Isagani at itinuloy pa rin ang pagpasok dahil nasa piging din si Paulita.

Sa loob naman kung saan ginaganap ang piging, may nakakita ng kapirasong papel at
may nakasulat na MANE THACEL PHARES JUAN CRISOSTOMO IBARRA

Sabi ni Don Custodio ay biro lamang ito dahil patay na si Ibarra, ngunit nang makita ni
Padre Salvi ang papel, sinabi niya na ito daw ang lagda ni Ibarra.

Nagasalita si Don Custodio at ipinalagay na ang kahulugan ng nakasulat ay papatayin


ang lahat ng tao ngayong gabi.

Naghinala silang baka sila’y lasunin kaya agad nilang binitawan ang mga kubyertos.

Biglang humina ang ilawan at inutos ng Henaral na itaas ang mitsa ng lampara nang
biglang pumasok naman si Isagani at kinuha ang lampara at itinapon sa ilog mula sa
asotea.

You might also like