You are on page 1of 1

I.

PANITIKAN SA PANAHON NG MGA KATUTUBO

Simula noong unang panahon, maraming mga tulang Biculano ang nailathala na
bago dumating si Kristo. Ang kanilang mga tula ay personal at panglipunang tono, at
madalas sumesentro sa personal na buhay ng mga tao sa lugar. Kilala ang mga
Bicolano sa pagiging magagaling na makata, at qng kanilang mga tula ay may iba't
ibang paksa, mula sa mga relihiyon hanggang sa pag-ibig. Noong unang panahon, ang
mga katutubosa Bicol ay sumulat ng mga tula na may kaakit-akit na ritmo. Mandalas
ang mga paksa ay sumesentro sa mga digmaan,mga bayani,at mga kalamidad.
Maaaring nation ang mga tulang Bicol sa dalawang uri: ang awit at rawitwit o
susuman. Kung susuriin, ang awit ay mas mahirap isulat dahil sa pagiging sentimental
nito. Maaaring mga paksa ng mga tula na ito ang pag-ibig, relihiyon, pagsasaka o
kahit romansa, at matitigil lamang ang panunula ("tigsikan").
Ang modernong tulang Bicol ay maaring may personal o panglipunang tono.
Madalas ang mga ito ay simple ngunit di-pangkaraniwang paningin sa mga tulang
Bicol sa teorya ng Imahismo simple ngunit malinaw ang kahulugan. Ang tulang ito ay
masasabing halimbawa ng tulang " imahismo" dahil sa pagiging simple ngunit
makahulugan. Isinulat ang tula upang iparating ang pang-aaping naranasan ng may-
akda.

You might also like