You are on page 1of 6

A.

BUOD

“Panambitan”

ni: Myrna Prado

( isina-Filipino ni Ma. Lilia F. Realubit )

Ang tula ay tungkol sa mga taong gahaman at alipin sa pera at sa mga mahihirap na
nasasadlak sa kahirapan na pinagkaitan ng kapalaran.

Ang mga mayayaman ay lalong yumayaman na wala man lang awa sa mahihirap at ang
mahirap ay lalong naghihirap.

May mga tao naman talagang mahirap na dapat tulungan subalit ay lalo pa silang inaapi
at nilalait pa sa lubos nilang kahirapan.

Ang mga tao ay dapat ay pantay-pantay sa harap ng Diyos. At ang mga taong ito ay
humihingi at nagsusumamo sa tulong ng Poong Maykapal.

B. BATAY SA DULOG PORMALISTIKO

1. Uri ng Genra- Tula (Panambitan)

Ang layunin ng panitikang ito ay ipakita ang pagiging matatag at hindi mawalan ng pag-
asa sa buhay sa kabila ng lubos na kahirapan at kawalan ng pag-asa at pananampalataya sa
Poong Maykapal.

2. Banghay

Ang tulang Panambitan ay nabuo sa malalim na imahinasyon ng makata. Marahil ay hinango


ng makata sa tunay na pangyayari sa buhay sa kapaligiran kung saan ang kahirapan at
kawalan ng pag-asa ay naghahari sa lipunan.
Ang kawalan ng pag-asa ay hindi dahilan upang lalong malugmok ang tao sa kahirapan. Ang
tulang panambitan ay tulang sumasalamin sa labis na kahirapan na nangyayari sa lipunan.

Bagamat ang tula ay naglalarawan sa lubos na kahirapan at kawalan ng pag-asa.Ipinapakita


parin sa tula na gaano man kahirap at kapait ang buhay kung tayo ay manalangin sa Poong
Maykapal tayo at bibigyan ng pag-asa at makakaahon sa kahirapan.

2.1. Simula

Sa simula ng tula ay inilalarawan ang mga taong alipin at gahaman sa pera at ang mga
taong mahirap ay walang ay walang pag-asang umunlad sa buhay.

Patunay:

Bakit kaya dito sa mundong ibabaw

Marami sa tao'y sa salapi silaw?

Kaya kung isa kang kapus-kapalaran

Wala kang pag-asang maakyat sa lipunan.

( Unang saknong)

Isinasaad dito na maraming mga tao ay alipin sa salapi at ang mahirap ay walang pag-asang
maka-ahon sa sinasadlakang kahirapan.

2.2 Katawan

May mga taong dapat tulungan dahil sila ay nangangailangan ng tulong bagkos na
tulungan ay lalo pa silang pinahihirapan at inaapi pa.

Patunay:

Kung may taong sadyang nadarapa

Sa halip na tulungan, tinutulak pa nga;

Buong lakas silang dinudusta-dusta


Upang itong hapdi'y lalong managana.

(Ikatlong saknong)

Ang taong lubos na pinahihirapan ng kapalaran ay lalong nasasadlak sa hirap.

2.3. Wakas

Nagtatanong ang mga tao sa Diyos at humihingi ng katarungan at tulong sa mga


kaapihang dinanas.

Patunay:

Nasaan, Diyos ko, ang sinasabi mo

Tao'y pantay-pantay sa bala ng mundo?

Kaming mga api ngayo'y naririto

Dinggin Mo, Poon ko, panambitang ito.

(Ikaapat na saknong)

C. PAGPAPAHIWATIG NG KATANGIANG HERMENYUTIKO SA MGA GENRA

1.Paglalaarawan ng Tauhan

Ang mga taong nasasadlak sa hirap ay lalong naghihirap sa buhay sapagkat kabilang
sila sa mga mahihirap sa lipunan at ang mga mayayaman ay lalong yumayaman.

Patunay:

Kaya kung isa kang kapus-kapalaran

Wala kang pag-asang maakyat sa lipunan.


(Unang saknong, ikatlo at ikaapat na taludtud)

Mga mahihirap lalong nasasadlak

Mga mayayaman lalong umuunlad

(Ikalawang saknong, una at pangalawang taludtod)

2. Paksang–diwa o Tema

Ang paksang-diwa sa binasang genra ay tungkol sa taong mayaman na lalong


yumayaman at ang mahirap ay lalong naghihirap.

Patunay:

Mga mahihirap lalong nasasadlak

3. Simbolo o Sagisag

Ang nakikitang simbolo ng binasang genra ay salapi. Ito ay sumisimbolo sa


kapangyarihan.

D. MGA KAISIPANG PILOSOPIKAL SA BAWAT GENRA

1.Sosyolohikal

Sa teoryang ito, ay may paksang nagbibigay ng kaapihang dinanas ng tauhan sa tula at


sa mga tunay na nagyayari sa lipunan.

Patunay:
Kaya kung isa kang kapus-kapalaran

Wala kang pag-asang maakyat sa lipunan.

(Unang saknong, ikatlo at ikaapat na taludtud)

2. Imahismo

Sa pananaw ng Imahismo, ang makata ay malayang pumili ng anumang nais niyang


paksain. Pangkaraniwan at angkop ang wika o salita sa kanyang tula. Hindi na kailangan pa
ng maraming palamuti.

Patunay:

Bakit kaya dito sa mundong ibabaw

Marami sa tao'y sa salapi silaw?

Kaya kung isa kang kapus-kapalaran

Wala kang pag-asang maakyat sa lipunan

(Unang saknong)

3.Realismo

Ang teoryang ito, karaniwang nakapokus ito sa paksang sosyo-pulitikal, kalayaan, at


katarungan para sa mga naapi.

Patunay:

Kung may taong sadyang nadarapa

Sa halip na tulungan, tinutulak pa nga;

Upang itong hapdi'y lalong managana.

(Ikatlong saknong)
Sosyolohikal

Imahismo

Realismo

You might also like