You are on page 1of 4

Jeremiah 29:11 

 Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga
planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y
mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng
pag-asa.

 Isaiah 41:10
 
Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang
manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking
tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.

 Corinthians 13:4-8

Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi


mayabang ni mapagmataas man, 

 5 hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin,


o mapagtanim sa kapwa. 

 6 Hindi niya ikinatutuwa ang gawaing masama, ngunit ikinagagalak ang


katotohanan.  

7  Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at


mapagtiis hanggang wakas.

 8 Matatapos ang kakayahang magpahayag ng salita ng Diyos, titigil rin


ang kakayahang magsalita sa iba't ibang mga wika, mawawala ang
kaalaman, ngunit ang pag-ibig ay walang hanggan.
Mga Taga Efeso2:8, 9

Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng


pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng
Dios;Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay
huwag magmapuri. 

Tito 3:5
Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili,
kundi ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo, sa
pamamagitan ng paghuhugas sa muling kapanganakan at ng
pagbabago sa Espiritu Santo, 

Mga Gawa 16:31


At kanilang sinabi, Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at
maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan. 

Juan 3:36
Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan;
nguni't ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay,
kundi ang poot ng Dios ay sumasa kaniya. 

2 Mga Taga Corinto 5:17


Kaya't kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang:
ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila'y pawang naging
mga bago. 
Genesis 15:15
Datapuwa't ikaw ay payapang pasa sa iyong mga magulang; at ikaw
ay malilibing sa mabuting katandaan. 

Mga Awit 34:14


Lumayo ka sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti; hanapin mo ang
kapayapaan at habulin mo. 

Mga Awit 25:4, 5


Ituro mo sa akin ang iyong mga daan, Oh Panginoon; ituro mo sa akin
ang iyong mga landas.Patnubayan mo ako sa iyong katotohanan, at
ituro mo sa akin; sapagka't ikaw ay Dios ng aking kaligtasan; sa iyo'y
naghihintay ako buong araw. 

Mga Kawikaan 3:5, 6

Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang


manalig sa iyong sariling kaunawaan:Kilalanin mo siya sa lahat ng
iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas. 

(Sapagka't nagsisilakad kami sa pamamagitan ng pananampalataya,


hindi sa pamamagitan ng paningin); 2 Mga Taga Corinto 5:7
 Mga Kawikaan 16:1
Ang mga paghahanda ng puso ay ukol sa tao: nguni't ang sagot ng
dila ay mula sa Panginoon.

Santiago 1:5
Nguni't kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, ay
humingi sa Dios, na nagbibigay ng sagana sa lahat at hindi
nanunumbat; at ito'y ibibigay sa kaniya. 

You might also like