You are on page 1of 22

“ANG

SITWASYONG
ARALING FILIPINO

PANGWIKA Ika-apat na Grupo

SA PANAHON NG
AMERIKANO”
IKA-APAT NA GRUPO

Fontanilla, Katrina Cae A. Garcia, Diane Gonzales, Mae Fern Jane R.


(BSBA 4-FM2) (BSBA 4-FM2) (BSBA 4-FM2)

Guinto, Deanne Lorraine V. Jalbuena, Shaina Lainel M. Lejana, Errol Jade O.


(BSBA 4-FM2) (BSBA 4-MM) (BSBA 4-HR)
Sa loob ng mahigit apatnapung taong
pananakop sa bansa. Maraming natutunan
ang mga Pilipino sa kultura ng mga
Amerikanong nagpabago sa kanilang
pamumuhay.
Sa panahon ng
Amerikano, Ingles
ang wikang ginamit
na midyum ng
pagtuturo sa mga
paaralang
pampubliko.
Dumating ang mga Amerikano sa
bansa at sinakop ito mula taong isang
libo’t walong daan at siyam na put walo
(1898) hanggang isang libo’t siyam na
daan at tatlong put dalawa (1932).
Ayon kay Senador Morgan ng
Alabama, ang Pilipinas ay
mahalaga bilang base militar at
komersyal ng Amerika sa
silangan. Inaasahan din nilang
mangangailangan sa Pilipinas ng
mga kagamitang mabibili sa
kanilang bansa sapagkat
mababago na ang sistema ng
pamumuhay sa kanilang
ipakikilalang edukasyon.

Ipinahayag naman ni Presidente


McKinley sa Komisyon ng Pilipinas sa
pamumuno ni Hukom W. Howard
Taft na bigyan ng espesyal na
atensyon ang pagtuturo ng Ingles sa
Pilipinas bagamat sinabi niyang
“kailangang ipagkaloob ang
edukasyon sa wika ng mga tao”.
Naniniwala ang mga mananakop na
dapat ibigay ang libreng edukasyon sa
kanilang wika sapagkat wala raw
karapat-dapat na wikang katutubo
dahil “mga barbaro” ang mga iyon.
1900
Noong isang libo’t siyam na daan
(1900) ang Superintendente Heneral
ng mga Paaralan ay nagbigay ng
rekomendasyon sa Kalihim ng
gobernador Militar ng paggamit ng
bernakular bilang pantulong na wikang
panturo.
1906
Noong isang libo’t siyam na daan at anim (1906)
pinagtibay ni Dr. David Barrows (direktor ng
Kawanihan ng Pagtuturo) ang isang kurso sa wikang
Tagalog para sa mga gurong Amerikano at Pilipino sa
Philippine Normal School sa panahon ng bakasyon ng
mga mag-aaral. Nagbago na naman ang pamamalakad
nang ang nahalili bilang Direktor ay si Frank White dahil
sa pagreresayn ni Barrows. Ipinahayag ni White na
Ingles lamang ang gagamiting wikang panturo at
ipinagbabawal ang bernakular.
Ganito ang nakalagay sa Service Manual ng
Kawanihan ng Edukasyon:
Tanging Ingles ang dapat gamitin sa pag-aaral
Organisado at sentralisado ang sistema ng edukasyon
(laging Amerikano ang direktor ng Kawanihan)
Sapilitan ang pagtuturo ng Ingles. ·. Itinuro ang
kasaysayan ng Amerika, ang literaturang Ingles at
Amerikano, ang mga ideyal at kaugaliang Ingles at
Amerikano, istruktura ng gobyerno at iba pa. Una
pinasaulo ang Star Spangled Banner kaysa Land of the
Morning.
Ang naging resulta: ang pagwawalang-bahala ng
mga nakapag-aral sa anumang bagay na Pilipino at
pagyakap at pagmamalaki sa anumang bagay na
Amerikano.
Ang padalus-dalos na desisyong Amerikano at ang
kanilang pagsisikhay na mapalaganap ang Ingles
bilang wikang komon ay sinalungat at tinutulan ng
mga Pilipino at maging mga Amerikano. Ayon kay
Davi Doherty “hindi mangyayaring maging wika ng
buhay-tahanan at lansangan ang wikang ito.
Kaya iminungkahi niyang bumuo ng pambansang
wika sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng pitong
bernakular na wika.
Paghahanap ng mga titser na Amerikano lamang
Pagsasanay ng mga Pilipino na maaaring magturo ng Ingles
Pagbibigay ng malaking emphasis sa asignaturang Ingles
Pagbabawal ng paggamit ng bernakular sa loob ng
paaralan
Pagsasalin ng mga teksbuk sa wikang ito
Paglalathala ng mga magasing lokal para magamit sa mga
paaralan
Pag-alis at pagbabawal ng wikang Kastila sa paaralan
Hindi nag-iisa ang Kawanihan ng Pambayang Pagtuturo sa
popularisasyon at pagtataguyod ng wikang Ingles bilang
wikang komon ng Pilipinas. Sa likod nito’y laging nakalaan
ang lehislatura at ang iba’t ibang departamento at ahensya
ng pamahalaan. Ayon kay Kongresman Manuel Gallego
“Upang matupad ang layunin ng pamahalaan, na isulong
ang patakarang Ingles, sa pamamagitan ng iba’t ibang
probisyon, pinagtibay ito ng Komisyon ng Pilipinas at
Lehislatura ng Pilipinas bilang opisyal na wika ng
Departamento ng Katarungan ng pamahalaan mula sa
Hukuman, sa Korte ng Tagapamayapa, sa Kataas-taasang
Hukuman, at sa mga Korte sa buong kapuluan.
1925
Noong isang libo’t siyam na daan at
dalawang put lima (1925), sa tulong ng
sarbey ng komisyong Monroe,
napatunayang may kakulangan sa
paggamit ng Ingles bilang wikang panturo
sa mga eskwelahan, subalit wala naming
pagbabagong ginawa.
1931
Noong isang libo’t siyam na daan at tatlong put
isa (1931), ditto naman nangyari ang pagtatalo
ng ukol sa wika. Nagkaroon ng maraming
sumulat tungkol sa grammar ng Tagalog pati na
rin ang paggwa ng diksyunaryo. Nais nilang
ipakita ang wikang Tagalog ay isang mayamang
wika na maaaring gamitin bilang wikang
panturo, bilang wikang pambansa.
1934
Noong isang libo’t siyam na daan at tatlong
put apat (1934), pinaguspaan sa
kumbensyong konstitusyunal ang tungkol
sa wika. Nagmungkahi ang grupo ni Lope K.
Santos na ang wikang pambansa ay dapat
ibatay sa isa sa mga umiiral na wikain sa
Pilipinas at sila ay nagtagumpay.
Ilan sa maitatalang mahahalagang pangyayari
sa Panahon ng Amerikano ay ang sumusunod:
Agad na ipinatupad ang malawakang edukasyon.
Diumano’y walang malawakang wikang katutubo
para gamitin na midyum sa pagtutro
At dumating ang mga unang grupo ng Thomasites
noong isang libo’t siyam na daan at dalawa (1902)
at sila ang nagpasimula ng malawakang
edukasyon o mass education sa wikang Ingles sa
buong kapuluan.
Ang edukasyon at paggamit ng wikang
Ingles ang ginagamit na pasipikasyon o
pamayapa sa mga Pilipino kung kaya’t
mabilis na napalitan ng
Amerikanisasyon ang Hispanisasyon.
Ang pagkatutuo diumano ng Ingles ng mga
Pilipino ay magdudulot sa kanila ng tagumpay
sa maraming mga larangan lalo na sa
edukasyon at komersyo. Idagdag pa rito ang
paniniwala ng karamihan na ang kaalaman sa
Ingles at paggamit nito ay nagbibigay sa mga
mamamayan ng prestihiyosong katayuan sa
lipunan.
Ibang-iba ang sitwasyong pangwika sa
Panahon ng Amerikano kaysa sa Panahon
ng Kastila. Ang wikang Ingles ay buong-
pusong ipinagkaloob ng mga Amerikano sa
mga Pilipino samantalang ang wikang
Kastila ay hindi itinuro sa mga Pilipino
kahit pa gusto ng ilan na matuto nito.
“ANG
SITWASYONG
ARALING FILIPINO

PANGWIKA Ika-apat na Grupo

SA PANAHON NG
AMERIKANO”

You might also like