You are on page 1of 1

Saan mas makakakalap ng mga impormasyon at datos na maaring magamit: sa mga

pahayagan at nababasa sa Internet o sa mga napapanood sa telebisyon? Sumali at


ibigay ang inyong mga opinyon sa paksang ito.

Kung ako ang tatanungin, ako ay mas nakakapagkalap ng impormasyon at datos sa mga
pahayagan o broadsheets, kapag naka-imprenta ang mga impormasyon sa mga tabloid ay mas
naksisiguro tayo na ang mga impormasyong natala roon ay totoo, pinag-isipan, at pinaghirapan
ng mga manunulat. Pareho tayong nakakalap ng impormasyon at datos sa mga pahayagan at
nababasa internet at sa mga napapanood sa telebisyon ngunit mas marami tayong nakukuhang
impormasyon sa internet at napapanood sa telebisyon dahil mismong oras at kahit anong panahon ay
pwede mong makita o mabasa ang anumang nais mong malaman na impormasyon. Pwede ka ring
magsaliksik ng mga pangyayaring naganap sa mga nakaraan kahit na matagal na nakalipas ang mga
pangyayari at kaganapan. Ang pagkakaiba ng mga ito ay dahil ang telebisyon na nagpapakita ng
impormasyong nagbibigay ng biswal na mas nakakaenganyo sa mga nagbabasa o nanunuod at may
tunog na detalye, habang ang mga pahayagan at ang mga nababasa sa internet ay naglalaman ng
sulating nagbibigay ng detalye ukol sa paksang tinatalakay na mas nabibigay linaw pa sa mga maliliit na
detalye ng nasabing paksa. Maaari mo pang balikan ang mga paksa sa kahit anong oras mo gustuhin
kahit matagal na araw o panahon ang nakalipas dahil nadin sa makabagong teknolohiya. Higit na mas
malawak ang datos na maaaring makuha sa pahayagan o sulatin sa Internet dahil mas malaki
ang espasyo na maaring gamitin ng mga ito sa pagbibigay ng kaalaman. Higit na kakaunti naman
ang impormasyong makukuha sa mga palabas sa telebisyon dahil limitado ang oras ng pag-ere
ng mga ito o airtime.  At sa kabilang banda ay maaaring matagalan tayo sa pagbabasa ng mga
pahayagan o artikulo mula sa internet ngunit mas naglalaman ito ng mga salitang may mahahalagang
detalye na maaaring hindi maipakita sa limitadong oras na mayroon sa impormasyong ibinibigay ng mga
napapanood sa telebisyon, at kung ano lamang kasalukuyang nakikita sa telebisyon ay iyun at iyun
lamang ang tangi nating mapagkukunan ng impormasyon. Ang detalye na naibibigay ng mga pahayagan
at nababasa sa internet ang isang dahilan kung bakit nagagamit ang mga ito bilang karagdagang
impormasyon sa mga pananaliksik.

You might also like