You are on page 1of 1

Eastern Quezon College, Inc.

R. Marco St., Brgy. Peñafrancia, Gumaca, Quezon


Tel. No. +63 (042) 317 5639/ (042) 717 1053/ (042) 421 1449
E-mail: eqcgumaca@yahoo.com
Website: www.eqcgumaca.edu.ph

LEARNING ACTIVITY # 17.4

Name: ____________________________________________ Grade/Score: ____________________


Grade and Section: __________________________________ Date: ___________________________
Subject: _______________________________________________________________________________
Type of Activity (check or choose from below)
/ Concept notes Laboratory Report Formal Theme Others:
Skills: Exercise/Drill Illustration Informal Theme _________________
Activity Title: Mga Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig (Egypt)
Learning Targets: Natutukoy ang mga pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig(Egypt)
Reference: Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat) pp. 100

 HIEROGLYPHICS- May sistema ng pagsusulat din ang mga Egyptian na tinatawag na hieroglyphics. Sa simula,
ang isang larawan ay sumasagisag sa isang kaisipan. Ang hieroglyphics ay nakasulat hindi lamang sa mga papel
kundi nakaukit din sa mga pampublikong gusali o kaya naman ay nakapinta sa luwad o kahoy. Ang panulat na
ito ay naging mahalaga sa pagtatala at kalakalan. Ang mga rolyo ng pergamino o paper scroll ay mula sa
malatambong halaman na tinatawag na papyrus.
 PIRAMIDE- Ang mga piramide ay hitik sa mga simbolismong relihiyoso. Libingan ito ng pharaoh kung kaya
sinisimbolo nito ang kapangyarihan ng mamuno. Gayundin, pinatunayan nito ang paniniwala sa buhay matapos
ang kamatayan. Lahat ng kayamanan at karangyaan ng pharaoh ay makikita sa piramide bilang paghahanda sa
kabilang buhay.
 MUMMIFICATION- Ang katawan ng isang yumao ay sumasailalim sa isang preserbasyon bago ito tuluyang
ilibing. Sa isang prosesong tinatawag na mummification, Ang mga Egyptian ay gumagamit ng kemikal upang
patuyuin ang bangkay. Matapos nito, ang isang mummy o embalsamadong bangkay ay pinipintahan,
binabalutan ng linen, at pinapalamutian ng alahas.
 IBA PANG KONTRIBUSYON:
 Geometry
 Medisina tulad ng pagsasaayos ng nabaling buto
 Kalendaryo na may 365 araw
 Sagradong pagdiriwang

MTF

You might also like