You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA

ARALING
PANLIPUNAN 8-
KASAYSAYAN NG
DAIGDIG
STAGE 1- DESIRED RESULT
Unit Topic: Mga Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

Pamantayang Pangnilalaman: Naiisa-isa ang mga Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan sa


Daigdig

Pamantayan sa Pagganap: Napahahalagahan ang mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa


daigdig

MgaKaalaman at KasanayangDapatMalinang/Learning Competencies


Kaalaman Kasanayan
Aralin 6. Mga Pamana ng mga Sinaunang 1. Natutukoy ang mga pamana ng mga
Kabihasnan sa Daigdig (Mesopotamia) Sinaunang Kabihasnan sa
Daigdig(Mesopotamia)

Aralin 7. Mga Pamana ng mga Sinaunang 2. Natutukoy ang mga pamana ng mga
Kabihasnan sa Daigdig (Indus)
Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig(Indus)

Aralin 8. Mga Pamana ng mga Sinaunang 3. Natutukoy ang mga pamana ng mga
Kabihasnan sa Daigdig (Tsino) Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig(Tsino)

4. Natutukoy ang mga pamana ng mga


Aralin 9: Mga Pamana ng mga Sinaunang
Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig(Egypt)
Kabihasnan sa Daigdig (Egypt)

Pangakabuuang Tanong:

1. Sa mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, alin ang higit na may kabuluhan sa’yo?
Ipaliwanag.

2. Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa mga pamanang naiambag ng mga sinaunang


kabihasnan sa daigdig?

InaasahangBunga Ng Pagkatuto/Transfer Goal


Sumulat ng isang “Thank you Letter o liham ng pasasalamat” batay sa natutuhan tungkol sa
mahahalagang pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.

Stage 2-Learning Evidences


1. Mga liham na naglalaman ng pasasalamat at mga saloobin ng mga mag-aaral sa mahahalagang
pamanang naiambag ng mga sinaunang kabihasnan.
Stage 3- Learning Plan
I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang mga pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
b. napahahalagahan ang mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig
II. Nilalaman
Paksa: Mga Pamana ng mga Sinaunag Kabihasan sa Daigdig
Aklat: Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat)
Araw na Ituturo: 5 araw (Nobyembre 5, 6, 8, 15, 19 at 20)
Materyal: Learning Activity Sheets (LAS), Laptop and Projector, sobre. Colored paper, glue,
gunting, bond paper

III. Pamamaraan
A. Explore/Introduction (LAS #17.1-#17.4)
Panimulang Gawain
Magbalik-aral. Ang kasunod na paksang tatalakayin ay tungkol sa mga pamana ng mga
sinaunang kabihasnan sa daigdig. Layunin nito na mas matukoy ng mga mag-aaral ang mga
pamana o kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig-Kabihasnang Mesopotamia,
Indus, Tsino, at Egypt. Ipababasa sa mga mag-aaral ang kaugnay na teksto sa kanilang LAS,
tatalakayin ito at ipagagawa ang mga kasunod na gawain.
B. Analysis
Itanong: Anu-ano nga ang mga pamana ng sinaunang kabihasnan sa daigdig?
C. Abstraksyon
Pagkatapos ng mga talakayan at gawain tungkol sa paksang mga pamana ng mga sinauang
kabihasnan sa daigdig, palalimin ang pagkaunawa ng mga mag-aaral sa tulong ng mga
katanungang hahamon sa kanilang kritikal at malikhaing pag-iisip. Inaasahang mauunawaan
ang kabuluhan ng paghubog ng kanilang kaalaman.
D. Aplikasyon
Itanong: Kung ikaw ay papipiliin ng isang bagay o kagamitang ipinamana ng mga sinaunang
kabihasanan sa dagdig, ano ang pipiliin mo?
Paano mo naman maipakikita ang pagpapahalaga sa pamanang ito?

IV. Ebalwasyon (LAS # 17.5)


Thank You Letter
a. Batay sa natutuhan tungkol sa mahahalagang pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig,
sumulat ng isang liham pasasalamat.
b. Isaalang-alang ang mga sumusunod na hakbang sa gawaing ito:
1. Pumili ng isang mahalagang pamana, o kahit anong bagay na may kaugnayan sa mga
sinaunang kabihasnan na nais mong gawan ng liham pasasalamat.
2. Isulat sa liham ang sariling saloobin tungkol sa mahalagang papel na ginampanan nito sa
buhay ng mga sinaunang tao/ o sa buhay mo bilang tao.
3. Gawing batayan ang kasunod na rubric para sa pagmamarka ng iyong liham.
Rubric sa Pagmamarka ng Thank You Letter
Pamantayan Paglalarawan Puntos
Nilalaman Mahusay na naipaliwanag ang bahaging ginampanan ng 40
heograpiya sa buhay ng mga sinaunang tao; nakapagbigay
ng halimbawang magpapatunay sa papel na ginampanan
nito sa mga sinaunang tao
Teknikal na Wasto ang paggamit ng mga bantas, baybay ng mga salita, 20
Pagbuo ng Liham at maayos ang mga bahagi ng isang liham
Anyo at Disenyo Malinis at maayos ang pagkakasulat; naglagay ng 40
malilikhaing bagay at simbolo; angkop ang kulay ng disenyo
Kabuuan 100

You might also like