You are on page 1of 4

FILIPINO SA PILING LARANGAN- TECH-VOC

ARALIN 1: Pagbuo ng Manwal

Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag- aaral ang sumusunod:
1. Natutukoy ang kahulugan ng manwal;
2. Naiisa- isa ang mga uri ng manwal ayon sa gamit;
3. Nailalapat ang mga payo sa pagsulat ng manwal para sa paggamit; at
4. Nakasusulat ng manwal para sa paggamit ayon sa balangkas ng mga bahagi nito.

Panimula

Pagbuo ng Manwal

Ang manwal ay mga pasulat na gabay o reperensyang material na ginagamit sa pagsasanay, pag-
oorganisa ng mga gawain sa trabaho, pagbuo ng mga mekanismo, pagpapatakbo ng mga kagamitan o
makinarya, pagseserbisyo ng mga produkto o pagkukumpuni ng mga produkto. Ang mga gamit tulad ng
appliances sa bahay, mga gamit sa opisina tulad ng kompyuter, fax machine, printer, cell phone, at iba pa
ay laging may tinatawag na user manual o user guides. Tungkulin ng isang teknikal na manunulat ang
pagsulat ng mga manwal na ito.
Ang manwal ay nagtuturo sa isang tao kung paano gagamitin o gagawin ang isang bagay. Higit na
komprehensibo at malawak ang saklaw nito kaysa sa instruksyon. Ang manwal ay nagbibigay ng mga
panuto para sa mga komplikadong gawain katulad ng pagsasaayos ng mga kompleks na kagamitan. Sa
malalaking sistema tulad ng eroplano o sasakyan, maraming magkakahiwalay na manwal ang
kinakailangan.
May iba’t ibang uri ng manwal ayon sa gamit:

1. Manwal ng Pagbuo (Assembly Manual)- para sa konstruksyon o pagbuo ng isang gamit,


alignment, calibration, testing, at adjusting sa isang mekanismo.

2. Manwal para sa Gumagamit o Gabay sa Paggamit( User Manual o Owner’s Manual)- naglalaman ng
gamit ng mekanismo, routine maintenance o regular na pangangalaga o pagsasaayos ng mga kagamitan,
at mga pangunahing operasyon o gamit ng isang mekanismo.
3. Manwal na Operasyonal (Operational Manual)- kung paano gamitin ang mekanismo at kaunting
maintenance.
4. Manwal- Serbisyo (Service Manual)- routine maintenance ng mekanismo, troubleshooting, testing, pag-
aayos ng sira, o pagpapalit ng depektibong bahagi.
5. Teknikal na Manwal (Technical Manual)- nagtataglay ng espisipikasyon ng mga bahagi, operasyon,
calibration, alignment, diagnosis, at pagbuo.
Manwal para sa Pagsasanay (Training Manual)- ginagamit sa mga programang pampagsasanay ng
partikular na mga grupo o indibidwal.

Komponent ng Manwal
Karaniwang nilalaman ng isang manwal ang alinman sa sumusunod:
1. tiyak na depinisyon;
2. deskripsyon ng mga mekanismo
3. sunod- sunod na hakbang o instruksyon; at/o
4. pagsusuri ng mga proseso

Nakatuon ang bahaging ito sa Manwal para sa Gumagamit o Gabay sa Paggamit ( User Manual o
user Guide) dahil ito ang pinakakaraniwang uri ng manwal.

Awdiyens

Pangunahing konsiderasyon sa pagbuo ng manwal para sa gumagamit ay ang awdiyens. Ang wika
at teknikal na detalye ay dapat na angkop at nauunawaan ng inaasahang gagamit ng isang produkto o
mekanismo. Kailangan ng deskripsyon ng mekanismo, depinisyon ng mga termino, instruksyon sa
pagpapagana o pagpapatakbo , at solusyon sa mga posibleng problema sa operasyon ng produkto.
Kailangan din ang grapikong ilustrasyon upang malinaw na makita ang mga bahagi ng produkto.
Kahit gaano pa kakomplikado ang isang produkto o mekanismo, kailangang gawing malinaw, simple at tiyak
ang wika na user manual. Kailangan ding ikonsidera ang mga pagpapaikli ng mga salita o mga simbolong
gamit sa manwal upang maging akma sa kakayahan ng gagamit nito.

Disenyo

Narito ang mga gabay sa pagbuo ng mabisang manwal;

1. Madaling basahin at medaling sundan ang mga panuto.


2. May kaakit- akit na disensyo.
3. May mga ilustrasyon upang palawakin ang pag- unawa ng mambabasa.
4. Magagamit na reperensya sa hinaharap.
5. Naglalaman ng tungkol sa mga paksa, gawain, pamamaraan, at iba pang impormasyong nakaayos sa
lohikal na pagkakasunod- sunod.

Balangkas ng isang Manwal o Gabay sa Paggamit

1. Pabalat na Pahina- kailangang may malinaw na pamagat. Ang pamagat ay sumasagot sa tanong na,
“Tungkol saan ang manwal na ito?”o “Ano ang nilalaman ng manwal?”. Ang pamagat ay maaaring may
disenyo na angkop sa larangang paggagamitan nito.
2. Talaan ng Nilalaman- dito itinatala ang mga pahina at ang pagkakasunod- sunod ng mga gawain sa
loob ng manwal. Mabisa itong kasangkapan upang madaling mahanap ng isang mambabasa ang pahina ng
paksang kaniyang hinahanap at makatutulong sa kaniya upang maisagawa nang mabuti ang anumang
bagay o prosesong kailangan niyang isaayos.
3. Introduksyon- nagpapaliwanag tungkol sa Ano- Paano- Sino. Ano ang nilalaman ng manwal o tungkol
saan ang manwal? Paano gamitin ang manwal? Sino ang gagamit o para kanino ang manwal?
4. Navigational Tips- pahina na may biswal na simbolo na magagamit upang unawain ang mga bahagi ng
manwal.
a. Gamit at Tungkulin- dito nakalahad kung paano ginagamit o saan ginagamit ang isang
bagay.

Saklaw- dito nakasulat kung ano lamang ang mga paksang tatalakayin sa manwal, partikular sa mga gamit at
tungkulin. Naglalagay rin dito ng mungkahi kung saan maaaring pumunta o tumawag kung ang isang problema
ay hindi na angkop ng manwal.
 Takdang Gamit- dito isa- isang nakalahad ang mga gamit o usage ng isang bagay.
 Deskripsyon- dito inilalarawan ang bawat bahagi ng bagay at kadalasang karugtong
ito ng mga takdang gamit.
 Espesipikasyon- dito iniisa- isa ang mga katangian ng gamit at gayundin kung may
espesyal na mga katangian ang mga ito na wala sa ibang kagamitan.
Dito rin nakalagay kung ito ay isang bago o updated na bersiyon ng isang gamit na
nauna nang ilabas.

b. Prinsipyo ng Operasyon- binabanggit dito kung ano ang disenyo at kung bakit ito dinisenyo
nang gayon. Kung may iba’t ibang operasyon para sa bawat bahagi ng kagamitan, iniisa- isa itong
ilarawan.

 Introduksyon- ipinapakilala nito kung ano ang katawagan sa gamit o instrumento.


Inuulit at binibigyang- diin ang mga takdang gamit nito.
 Teoretikal na Kaligiran- isinasaad dito ang pinagbatayang teorya at mga pag- aaral
na naging dahilan sa pagkakabuo ng gamit o instrumento.
 Gamit ng Instrumento- isinasaad dito ang pangkalahatang gamit ng instrumento.
 Pagsusuri ng Datos- dito inilalagay ang pagsusuri o analisis ng mga datos na pinag-
aralan sa pagbuo at produksyon ng gamit o instrumento. Ito ay magiging patunay na
ang gamit o instrumento ay dumaan sa masusing pag- aaral, eksperimentasyon, at
pagkakabuo kung kaya masasabing matibay at kapaki- pakinabang ito para sa mga
gagamit.

c. Instruksyon sa Operasyon- dito inilalagay ang sinusunod na mga panuto at pamamaraan sa


paggamit ng mga bagay kung paano gagamitin o paaandarin ang mga ito.
 Ang Gumagamit- dito inilalarawan kung sino ang mga maaaring gumamit ng
instrumento. Gayundin, nagbibigay ito ng paalala para sa kanila kaugnay sa paggamit
at pangangalaga nito. Mga Kontrol at Indikasyon- sa bahaging ito ay may guhit,
ilustrasyon o larawan ng mga kontrol na pinipindot o ginagalaw upang magamit ang
instrumento. Nilalagyan din ng pangalan at paliwanag ang mga simbolo sa mga
kontrol at ipinapaliwanag ang mahahalagang indikasyon tulad ng mga kulay ng ilaw
na makikita depende sa sitwasyon.

 Pamamaraan ng Pagsisimula- dito iniisa- isang ipaliwanag ang bawat hakbang na


kailangang sundin upang mabuksan at magamit ang instrumento, kung ano ang
kailangang kuryente o baterya, at kung ano – ano ang buton na pipindutin.

 Mga Hakbang sa Paggamit- isa- isang nakalahad kung paano gamitin ang bawat
bahagi ng gamit o instrumento. Ipinapaliwanag din dito ang mga prosesong
kailangang sundin upang maisagawa ang mga tungkulin ng instrumento. Nagbibigay
rin ng mga susing salita na kailangang hanapin upang maisagawa ang
mahahalagang gamit nito. Sunod- sunod ang pagkakalahad ng mga ito mula sa
pinakamahalaga o pinakamadalas gawin patungo sa hindi gaanong mahalaga.

d. Serbisyo at Pagmementina- dito nakasulat ang mga paraan ng pagsasaayos ng gamit o


instrumento kung sakaling magkaroon ng anumang di- inaasahang problema sa paggamit nito.
Nakalagay rin dito kung saan ang mga lugar o opisinang maaaring puntahan upang ipagawa o
mapangalagaan sa maintenance ang gamit o instrumento.

 Karaniwang Problema-dito iniisa- isang ilahad ang mga posibleng maranasang


problema ng gamit o instrumento at ang mga posibleng dahilan kung bakit
umuusbong ang mga problemang ito. Halimbawa, mali o di- maingat na paggamit ng
taong gumagamit nito
 Simpleng Solusyon- dito nagbibigay ng mga mungkahing solusyon sa mga
karaniwang problemang nararanasan ng gamit o instrumento, at mga solusyong
maaari at kayang gawin ng user nang hindi na kailangang pumunta sa opisinang
nagseserbisyo.
5. Apendiks- ito ang mga kalakip na dokumentong may kaugnayan sa kabuuan ng nilalaman ng manwal.
a. Glosaryo para sa mga termino- nakatala nang paalpabeto ang mga termino ng mga bagay,
proseso, gamit ng instrumento, at kahulugan ng mga ito.
b. Talahanayang Reperensya- nasa anyong talahanayan o table ang mga reperensyang ginamit
sa mga pagsusuri ng datos o sa alinmang bahagi ng papel o manwal.

6. Bibliyograpiya- paalpabetong talaan ng mga reperensiya o mga binasang dokumento, lumilitaw o


nababanggit man ang mga ito sa mismong papel ng manwal o hindi.
Mga Payo sa Pagsulat ng Manwal

1. Gumamit ng payak na salita. Iwasan ang mga jargon o teknikal na salita. Maliban kung sadyang
kinakailangan. Ipaliwanag ang teknikal na salita sa unang beses na gagamitin ito.
2. Buuin ang mga akronim sa unang banggit.
3. Maging konsistent sa paggamit ng terminolohiya, tono at estilo ng pagsulat.
4. Gumamit ng maiikling pangungusap at parirala.
5. Gumamit ng numbered lists.
6. Gumamit ng ilustrasyon (larawan, grap, flowchart, o screen display) kung angkop sa tinatalakay na
konsepto at para sa pagpapadali sa pag- unawa. Dapat laging malapit ang posisyon ng mga biswal
na elemento sa inilalarawang teksto.
7. Tingnan at rebisahin ang mga posibleng mali sa ispeling at gramatika.

You might also like