You are on page 1of 7

Ano ang pelikula?

Ang pelikula, kilala din bilang sine at pinilakang tabing, ay isang larangan
na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o
bilang bahagi ng industriya ng libangan
Dahil naging pangunahing tagapamagitan para sa pagpapakita ng mga
gumagalaw na larawan ang letratong pelikula sa kasaysayan, kadalasang
tinutukoy ang larangang ito ng akademya bilang ang pag-aaral ng pelikula.
Nilikha ang pelikula sa pamamagitan ng pagrekord ng “totoong” tao at
bagay (kabilang ang inarte na pantasya at mga peke) sa kamera, at/o sa
pamamagitan ng kartun.
Karagdagan taong 1909, nagsimulang umunlad ang mga pelikula sa
Pilipinas. Sa taong din iyon nagsimulang lumaabs ang sinehan tulad ng Empire
at Anda.
Maging ang mga silent films ay lumabas noong 1912 kung saan
tinatalakay ang buhay ng bayani, gaya ni Jose Rizal
Sina Vicente Dalumpides at Jose Napumuceno ang nakilala bilang mga
unang Pilipinong Producer.
Nagsara ang mga film studios, nagbago ang gusto ng mga tao, napilitang
gumawa ng sariling pelikula ang mga artista tulad ni Fernando Poe Jr., ang iba
ay napilitang mag retiro o lumipat sa telebisyon.
Sumikat ang mga pelikulang ginaya sa mga gangster movies, ang
melodrama naman ay napuno ng mga kwento pagtataksil, higit na kinilala ang
mga pelikulang bomba. Nakilala rin ang mga artista tulad nina Nora Aunor, Vilma
Santos at Dolphy.
Nagtayo ng mga film festival tulad ng MMFF o Metro Manila Film Festival
at Cinemalaya.
Isa ang Indie Film o Independent Films na gumagawa ng sariling pangalan
at umaani ng mga parangal sa loob at labas ng bansa.
Distribusyon ng Pelikula

Karaniwang pinoproseso ang mga pelikula upang maibahagi ito sa madla.


Karaniwang mga propesyonal na distributor ang gumagawa nito at maaaring
ipalabas sa teatro, telebisyon, o personal na panonood sa pamamagitan ng
DVDVideo o Blu-ray Disc, video-on-demand, o pag-download mula sa internet.
Dahil sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, mabilis na ring makapanood ng
mga pelikula sa ibang nagbibigay ng serbisyong ito gaya ng Netflix o maaari na
ring makakuha ng mga pelikula online sa ilegal na paraan gaya ng torrent.

Montage ng Pelikula

Ang montage ay isang paraan kung saan hinahati ang parte ng isang
pelikula at ito ay pinipili, inaayos, binabago para makagawa ng mas magandang
seksyon ng pelikula. Ang pinangyarihan ay pwede magpakita ng isang lalaki na
sasabak sa laban, na may sulyap ng kanyang kabataan at sakanyang buhay
noon. Kapag kumpleto na ang pelikula na ito, dito dinadagdagan ang mga pwede
pang animasyon para gumanda lalo ang pelikula.

Pelikulang Pamumuna

Ang pagkritik ng pelikula ay ang pagpupuna ng isang gawa batay sa mga


rubriks. Ang pagkritik ay masusuri sa dalawang kategorya, ang pagsuri ng mga
akenemiko at ang pagsuri ng mga mamahayag na kalimntang magbabasa sa
mga diyaryo at iba pang matining na katinig.
Ama ng Pelikulang Pilipino

Isinilang siya noong 15 Mayo 1893


sa Quiapo, Maynila, nag aral sa San
Beda College at nag tapos ng
Painting at Electrical Engineer.

Taong 1919 si Jose Nepomuceno ang tinaguriang Ama ng


Pelikulang Pilipino.
Sapagkat siya ang kauna-unahang
prodyuser ng mga Pelikulang Tagalog
Siya ang prodyuser, direktor at sinemmatograper
at manunulat ng kauna-
unahang pelikulang Filipino na may ganap na Haba.

Pagtapos ng world war I, nagsimula nang gumawa ang


mga Pilipino ng sarili nilang mga pelikula tulad ng
Dalagang Bukid (1912)

Ang Dalagang Bukid, na kauna-unahang silent film sa


bansa at ipinalabas noong 1919
Mga Genre ng Pelikula

Ano ang Genre?

Ang salitang Ingles na "Genre" ay nangangahulugan ng mga istilo o kategorya


ng isang sining, musika, o literatura. Tumutukoy ito sa klase o paraan ng atake ng isang
bagay, kadalasan ng ginagamit at naririnig sa musika.
Ang genre ay timutukoy sa uri ng komunikasyon. Ito ay maaaring nakasulat,
sinasalita, digital, artistiko o iba pang paraan. Nagkakaiba-iba ang mga ito dahil sa
sentral na kwento at emosyong ipinadama

Iba’t ibang Genre ng Pelikula

ANIMASYON
 Pelikulang gumagamit ng mga larawan pagguhit/
drowning upang magmukang buhay ang mga bagay na
walang buhay.
BOMBA
 Mga pelikulang nagpapalabas ng mga hubad na katawan at gawaing sekswal.

DRAMA
 Mga pelikulang nakapokus sa mga personal na suliranin o tunggalian,
nagtutulak ito sa damdamin at ginawa upang paiyakan ang manonood.

EPIKO
 Pelikulang na nagbibigay diin sa dramang pantao sa mas malawak na anggulo
na karaniwang tumatalakay sa mga kaganapang maalamat mahiwaga at
makasaysayan.
HISTORIKAL
 Pelikulang base sa mga tunay na kaganapan sa kasaysayan.
KATATAKUTAN
 Pelikula na humikayat ng
negatibong reaksyong
emosyonal mula sa mga
manonood sa pamamagitan
ng pagantig sa takot nito.

KOMEDYA
 Pelikula kung saan ang
mga nagsisiganap ay nag
sasaad ng kasiyahan o
totoong pagpapatawa sa
bawat salitang namumutawi
sa kanyang bibig.

MUSIKAL
 Mga komedyang may
temang pangromansa, puno
ito ng musika at kantahan.

PANTASYA
 Nagdadala sa manonood sa isang mundong gawa ng
imahinasyon, tulad ng mundo ng mga prinsepe/prinsesa,
kwentong bayan o mga istoryang hango sa mga
natutuklasan ng siyensya.
PAG-IBIG/ROMANSA
 Umiikot ang kwento sa pag-iibigan ng mga tauhan sa pelikula.
PERIOD
 Pelikula kung saan
komprehensibong tumatalakay sa
tunay sa buhay ng isang tao na
may diin sa pinakamakasaysayang
kabanata ng kanilang buhay.

SCIENCE FICTION
 Pelikulang base sa mga
pangyayari na hindi tanggap
ng agham gaya ng daigdig ng
mga aliens, mga kakaibang
nagagawa ng tao at paglipad sa ibang panahon.

You might also like