You are on page 1of 71

THE MULTICULTURAL EDUCATION HUB

PROF. FE A. QUISIL

FOR CLASSROOM USE ONLY


SARBEY NG PANITIKANG PAMBATA
AT PANGKABATAAN

Mga Batayang Aralin at Gawain


sa Pag-aaral sa S-Fil. 12

Philippine Normal University - Mindanao


The National Center for Teacher Education
Center of Excellence for Teacher Education
Multicultural Education Hub
Prosperidad, Agusan del Sur
SARBEY NG PANITIKANG PAMBATA
AT PANGKABATAAN

Mga Batayang Aralin at Gawain sa Pag-aaral sa S-Fil. 12

Unang Edisyon

Copyright

Reserbado ang lahat ng karapatan,

Bawal kopyahin o ipalimbag sa anumang paraan na walang pahintulot sa opisina ng PMDO

Inilathala at ipinamahagi lamang ng

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY - MINDANAO


MESSAGE FROM THE PNU PRESIDENT

Warmest felicitations to everyone! I welcome you all to Academic Year 2020-2021!

The COVID-19 pandemic has disrupted livelihoods all over the world. The education
sector has been gravely affected. Teachers and students both struggle to cope with one of
the greatest disruptions to teaching and learning in recent times. The era of the “new
normal” has begun. To prevent the further spread of the disease, face-to-face (F2F)
interactions have been discouraged. To address this issue, the Department of Education
(DepEd) and the Commission on Higher Education proposed flexible and remote learning
modalities for the delivery of instruction.

We at PNU have been particularly fortunate to be one step ahead. In order to


address 21st century skills, flexible learning activities (FLAs) have been incorporated in the
Outcomes-Based Teacher Education Curriculum (OBTEC) since 2014. The visionary
teachers and education leaders of PNU have provided the platform where we can adapt to
the new normal in education much more easily. Now, we present you with Kaway-Aralan
sa Bagong Kadawyan, PNU’s response to the new normal in education. We have been
preparing your modules since June 2020. Amidst all the challenges, we worked together
as one PNU System to ensure that the standard and quality of education will not be
compromised. We prepared remote, online
(synchronous and asynchronous), and a mix of both modalities in order to address the
needs of all our students. Whenever you look at your toolkits and course packs, we hope
that you will take into consideration the love and care that our faculty members poured into
them to ensure that your learning will not suffer any further disruption.

It would have been ideal to meet you all in the University and continue to hold
classes the way they were, but circumstances are very different compared to six (6) months
ago. We do value your learning, but we value your safety and wellness even more. You will
be the first batch of PNU learners to experience flexible and remote learning modality. As
we all face the challenges of the new normal, we ask that you provide us with constructive
feedback so that we will be able to address your concerns. Let this be an opportunity where
we can both learn from one another.

The year 2020 will go down in history as one of the most unforgettable years in
recent history. This will also be remembered not so much because of the tragedies we have
experienced but more so because of the triumph of the human spirit in the midst of all
disasters and difficulties. As we navigate the new normal, let us always remember that you
are not alone in this struggle. We work together as One PNU System to ensure that
teaching and learning continue despite the limitations. We are confident that the collective
efforts of our faculty members, administrative staff, and students will yield great results
eventually. Always remember that our driving force behind everything that we did and
everything we will eventually do is to ultimately ensure that no PNU learner will be left
behind: Walang PNUan ang maiiwan!

With this, I wish you the best in the coming days of your home schooling. Study
well and rise above these challenges.

Welcome once again to PNU, welcome to Inang Pamantasan!

God bless everyone and please continue to stay safe!

BERT JAZMIN TUGA, PhD


President
Introduksiyon

Ang SARBEY NG PANITIKANG PAMBATA AT PANGKABATAAN ay nabuo


bilang tugon sa hamon ng mga gurong nagtuturo na makabuo ng kagamitang
pampagtuturo na magagamit upang mas lalong mapaunlad at mapabuti ang
gagawing talakayan sa klase. Nilalayon din ng kagamitang ito na magkaroon pa
ng dagdag na kaalaman, kasanayan at gabay ang mga mag-aaral sa darating na
panahon na sila naman ay magtuturo na sa Junior High School. Ang kurso ay
sumasaklaw sa isang sarbey ng mga kategorya at uri ng panitikang pambata at
pangkabataan at ang wastong pagpili ng angkop na seleksyon. Layunin din ng
kursong maiaply ang iba’t ibang estratehiya sa alternatibong pagtataya.

Ang panitikang pambata o pangkabataan bilang isang kurso ay


naglalayong makatulong sa ating mga kabataan na magkaroon ng kamalayan sa
mga kayamanan ng ating panitikan. Hangarin nito na magkaroon nang malawak
na kaalaman at mahubog ang damdamin at kaisipang makabayan. Ninanais ding
maipamahagi ang kaalaman sa ating minanang kalinangan sa sunod na salinlahi
kaya dapat na magkaroon na nang lubos na pagtangkilik nito na may hangaring
ikawing ang mga batang Pilipino na magpapahalaga sa ating
katutubong panitikan.

Ang Course Pack ay naglalaman ng mga araling nauukol sa ating


panitikan sa loob at labas ng bansa. Hinati sa apat na modyul. Ang bawat
modyul ang naglalaman ng aralin na may mga bahagi na dapat pag-aralan at mga
bahagi na dapat gawin at isakatuparan upang matamo ang nilalayon ng kurso.

May-akda
Para sa mga Mag-aaral

Ang SARBEY NG PANITIKANG PAMBATA AT PANGKABATAAN ay kagamitang


pampagtuturo-pampagkatuto ay inihanda at inilaan para sa inyo na mga mag-aaral sa
Batsilyer ng Edukasyong Filipino ng Pamantasang Normal ng Pilipinas – Mindanao.
Ang pamamahagi nito sa ibang institusyon ay ipinagbabawal.

Ang mga aralin ay hinati sa apat na modyul. Ang bawat modyul ay naglalaman
ng mga aralin na may mga gawain. Inaasahang ang bawat gawain ay ipasa ninyo sa
napagkasunduang platform bilang paraan na mawasto ang mga awtput. Magkaroon
din ng synchronous na gawain upang doon mapalawak at mapag-usapan ang mga
dapat gawin para matamo ang nilalaman ng kurso.

Sana’y maging makabuluhang at magkaroon kayo ng masagana at


maginhawang pag-aaral sa trimestring ito.

Fe A. Quisil
Propesor
Talaan ng Nilalaman

Pahina

I. Nilalaman ng kurso……………………………………………………….. 1
II. Lagom-Pananaw ………………………………………………………….. 1
III. Modyul 1 Kalagayang Pangkasaysayan ………………………………… 1
A. Panimula ……………………………………………………………... 1
B. Layunin ……………………………………………………………….. 1
C. Mga Tanong …………………………………………………………… 1
D. Mga Gawain sa Pagkatoto ……………………………………………....1
Aralin 1 Kasaysayan ……………………………………………………….1
Daigdig …………………………………………………………. 1
Pilipinas ………………………………………………………… 2
Panahon Bago Dumating ang mga Kastila …………………….. 3
Panahon ng mga Kastila ……………………………………….. 3
Panahon ng Rebolusyon ……………………………………….. 4
Panahon ng Amerikano …………………………………………. 4
Panahon ng Malasariling Pamahalaan o Komonwelt …………… 5
Panahon ng mga Hapon …………………………………………. 6
Panahon ng Kalayaan ………………………………………….... 6
Malayang Talakayan ………………………………………………….. 6

Aralin 2 Ang Mother Goose ……………………………..…………………. 8


Kasaysayan ………………………………………………………. 8
Kabutihan ng Tugmang Pambata ……………..………………….. 8
Katangian ……………………………………………………….. 8
Mga Gamit ………………………………………………………. 8
Kahalagahan ……………………………………………………. 9
Uri ng Tulang Pambata …………………………………………. 9
Uri ng Tugma …………………………………………………… 11
Gamit ng Panulaan sa Pagtuturo …………………………………14
Malayang Talakayan …………………………………………………..14
Aralin 3 Tulang Pasalaysay ………………………………………………..15
Mga Uri …………………………………………………………. .15
Tulang Liriko …………………………………………………… 15
Tulang Dula o Patanghalan …………………………………….. 16
Tulang Patnigan ………………………………………………… 16
Pagtuturo ng Panulaan …………………………………………. 18
Simulain sa Pagsulat ……………………………………………. 19
Malayang Talakayan ………………………………………………… 19
E. Pagtalakay sa Nilalaman ……………………………………………… 19
F. Gawin Mo …………………………………………………………….. 19
G. Buod ……………………………………………………………… …. 20
H. Pagtataya ……………………………………………………………… 20
I. Takdang Aralin ……………………………………………………….. 20

IV. Modyul 2 Pabula, Parabula, Bugtong at Salawikain


A. Lagom-Pananaw ………………………….…………………………… 21
B. Layunin …………………………………….………………………….. 21
C. Mga Tanong …………………… ………………………………… 21
D. Mga Gawain sa Pagkatototo …………………………………………… 21
Aralin 1 Pabula ………………………………………………………… 21
Parabula …..…………………………………………………. 23
Mga Halimbawa ……..……………………………………… 26
Bugtong …………….,………………………………………. 26
Salawikain …………………………………………………. 27
Malayang Talakayan …………...……………………………… 29
. E. Pagtalakay sa Nilalaman ………………………..…………………… 29
F. Gawin Mo ……………………………………….…………………. 29
G. Buod ……………………………………………………………… .. 29
H. Pagtataya …………………………………………………………… 29
I. Takdang Aralin ………………………………….………………….. 29

V. Modyul 3 Miltolohiya
A. Lagom-Pananaw ………………………….…………………………… 30
B. Layunin …………………………………….………………………….. 30
C. Mga Tanong ……………………… … ………………………………… 30
D. Mga Gawain sa Pagkatototo …………………………………………….30
Aralin 1
Mitolohiya /Kahulugan ……………………………………… ……30
Mitolohiyang Pilipino …………………………………………….. 31
Kasaysayan at imlpwensiya ng mga Asyano …………..………….. 31
Mahiwagang Nilalang …………………………………..…………..32
Diyosa sa Mitolohiyang Pilipino ……………………..……………32
Kahalagahan ……………………………………………..…………33
Gamit …………………………………………………..…………...33
Elemento ………………………………………………………..…..33
Diyos at Diyosa ng Mitolohiyang Griyego at Romano…...……..…34
Malayang Talakayan …………………………………………..….. 34
E. Pagtatalakay sa Nilalaman ………………………..…………………....35
F. Gawin Mo …………………………………………………………..…...35
G. Buod ………………………………………………… ..……………..…35
H. Pagtataya ……………………………………………...……………..…35
I. Takdang-aralin ……………………………………………………….. ..35

VI. Modyul 4 Epiko


A. Panimula ………………………………………………………......... ..36
B. Layunin …………………………………………………………..……36
C. Tanong …………………………………………………………..…….36
D. Mga Gawain sa Pagkatoto ……………………………...………..……36

Aralin 1
Ang Epiko / Katangian ……………….…………………………..….. 36
Epiko ng Daigdig ………………………………………………..…... 37
Iliad …………………………………………………….. .. 37
Odyssey ………………………………………………..…. 38
Awit ni Rolando ………………………………………….. 40
Ramayana …………………………………………….…....41
Mahabarata ……………………………………………./….42
Hiawatha ……………………………………………… .… 42
Malayang Talakayan ……………………………………... 43
Epiko ng Pilipinas ……………………………………………….…44
Aralin2 Luzon
Biag ni Lam-ang ……………………………….…………. 44
Hudhud ………………………………………….…………44
Ibalon ………………………………………….………….. 45
Ullalim ……………………………………………………..46
Malayang Talakayan ..…………………………………….. 47
Aralin 3 Visayas
Kudaman ………………………………………………….. 48
Manimbin ……………………………………………….… 48
Hinilawod ……………………………………………….… 48
Labaw Donggon …………………………………………... 49
Maragtas …………………………………………………... 50
Malayang Talakayan ………………………………………..52

Aralin 4 Mindanao
Bantugan ………………………………………………….. 53
Indarapatra at Sulayman ……………………………..….... 53
Agyu ………………………………………………..…..… 54
Bidasari ……………………………………………..…..….55
Sandayo …………………………………………….…….. 56
Tudbulul …………………………………………….…..…56
Tuwaang …………………………………………….…..…57
Ulahingan …………………………………………….…... 58
Ulod ……………………………………………………......58
Alim …………………………………………....…………..58
Malayang Talakayan ……………………………………….59.
E. Pagtalakay sa Nilalalaman ……………………………………………....59
F. Gawin Mo ………………………………………………………….. …....59
G. Buod ………………………………………………………………….…...60
H. Pagtataya ………………………………………...… ………………,,,…60
I. Takdang Aralin ……………………………………............................... ...60

VII. Pangkalahatang Pananaw ………………………… …………. ………60


VIII. Pasulit ……………………………………………………………………60
X. Sanggunian ………………………………………………………………61
XI. May- Akda …………………………………………………………… …61
1

SARBEY NG PANITIKANG PAMBATA AT PANGKABATAAN

I. Nilalaman ng Kurso

Ang kurso ay sumasaklaw sa isang sarbey ng mga kategorya at uri ng panitikang


pambata at pangkabataan at ang wastong pagpili ng angkop na seleksyon. Layunin din ng
kursong maiaply ang iba’t ibang estratehiya sa alternatibong pagtataya.

II. Lagom – Pananaw

Ang modyul na ito ay makatutulong upang malinang ang kaalaman tungkol sa


sarbey ng mga kategorya at uri ng panitikang pambata at pangkabataan at ang wastong
pagpili ng angkop na seleksyon. Naglalaman ng mga napapanahon at magagandang kaisipan
na layuning maikintal sa isipan ng mga mambabasa ang napiling seleksiyon. Iniayos at
sadyang pinagaan upang maiangkop sa pang-unawa ng mga mag-aaral. Hinati sa modyul
ang bawat bahagi at binigyan ng angkop na pamagat ayon nilalaman.
Sinikap ng may-akda na ipaliwanag sa payak na paraan ang mga nilalaman upang
agad na maunawaan ng mga mag-aaral ang mensaheng nais iparating nito.

III. Module 1 Kaligirang Pangkasaysayan

A. Panimula
Ayon kay Rivera Ang panitikang pambata o pangkabataan bilang isang kurso ay
naglalayong makatulong sa ating mga kabataan na magkaroon ng kamalayan sa mga
kayamanan ng ating panitikan. Hangarin nito na magkaroon nang malawak na kaalaman at
mahubog ang damdamin at kaisipang makabayan. Ninanais ding mapamahagi ang
kaalaman sa ating minanang kalinangan sa sunod na salinlahi kaya dapat lang na magkaroon
na nang lubos na pagtangkilik nito na may hangaring ikawing ang mga batang Pilipino na
magpapahalaga sa ating katutubong panitikan.

B. Layunin:
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay dapat nang:
1. Makatutukoy sa mga paksang nakapaloob sa kurso;
2. Makakukuha ng pilosopiya o teorya batay sa nilalaman;
3. Makalalahad ng mga obserbasyon buhat sa kurso;
4. Makauugnay sa mga naganap na pangyayari sa kasalukuyan;
5. Makapupulot ng aral buhat sa mga pangyayari.

C. Mga Tanong:
1. Paano at kailan nagsimula ang Panitikang Pambata sa daigdig at Pilipinas?
2. Ano-ano ang mga panitikang nabuo sa panahong iyon?
3. Kailan at paano nagsimula ang Mother-Goose Rhyme?
4. Ano ang kabutihang dulot ng Mather Goose?
5. Bakit mahalaga ang tugmang pambata o Mother Goose?
6. Gaano kahalaga ang tugmang pambata para sa mga bata at guro?

D. Mga Gawain sa Pagkatoto

Aralin 1

Kaligirang Pangkasaysayan

Sa Daigdig

Ayon kay Rivera (1982). Ang libangan ng mga matatanda at bata ay walang
pagkakaiba. Ang mga kuwentong-bayan, karunungang-bayan at awiting bayan ay itinuring
2

na panitikang pambata at pangkabataan. Lumipas ang maraming siglo, ang dating kabataan
ay nagiging matanda na, ngunit ang halina ng mga matatandang kuwento ay patuloy na
umaakit sa kanila. Ang mga kuwentong-bayan tulad ng epiko, Alamat, mitolohiya, pabula
at balada ay naitala lamang sa Kalagitnaang Panahon (Middle Ages).

Nang lumalaganap ang Kristiyanismo, nadagdag sa mga kuwentong-bayan ang mga


kuwento na buhat sa Bibliya. Mapapansin na sa panahon nang pagpapalaganap ng
Kristiyanismo ang mga lumalabas na panitikan ay nangangaral. Sa panahong ito ay walang
tiyak na panitikang pambata o pangkabataan. Sa panahong ito, ang pagtuklas ng karunungan
ay ginagawa sa loob ng monasteryo. Sinisipi ng mga monghe ang mga manuskrito upang
gamitin sa pagtuturo at pangangaral. Ang kauna-unahang manuskritong nasulat na pambata
ay Boke Babee’s O Maliit na ulat kung Paano Iaasal ng Kabataan. Ang mga akdang
pambata na nasulat noon ay naghahangad na magturo ng relihiyon, kabutihan at asal.

Matapos matuklasan ni John Gutenberg noong 1458 ang imprenta; si William


Caxton ay nagtayo ng sariling imprenta sa Inglatera noong 1477. Siya ang naglabas ng mga
araling isinaaklat at mga aklat ukol sa pagiging magalang. Kabilang sa mga nailathala niya
ay ang Pabula ni Esopo, Morte d’ Arthur ni Thomas Malory, Kasaysayan ng Lobo ni
Reynald, at mga kuwentong Guy Warluck Beries ng Hompton, Robin Hood, Haring Arthur.
Ang mga nabanggit ay nilimbag para sa matandang mambabasa ngunit hindi maikaila na
iyon ay naging paboritong kuwento ng mga bata at kabataan. Ang kauna-unahang aklat
na pambata na nakalarawan ay may Pamagat na Orbis Pictus na sinulat ni John Amos-
Comenius sa Aleman at Latin. Naniniwala siya na higit na mabilis ang pagkatoto ng mga
bata kung makikita ang larawang kumakatawan sa kanilang binabasa. Ang gumawa ng
dibuho sa litugrapiya ay si Michael Endter. Ang Orbis Pictus ay isinalin ni Charles Hoole
sa Ingles noong 1658.

Ang aklat na pambata noon ay pawang nagangaral at hindi kaakit-akit sa mga bata.
Ang sinulat ni George Fox na Babala sa mga Guro ay nagpapalagay na kasalanan sa mga
bata ang magkuwento ng katatakutan, katatawanan at mga pabula. Sa taong 1647, si John
Cotton, isang Ingles ay naglalathala ng kaunaunahang aklat pambata sa Amerika na may
pamagat na Spiritual Advice from Cotton Mother. Bawat titik na alpabeto ay panimula ng
maikling tugma. Noong 1686, si John Bunyang ay sumulat ng aklat na may pamagat na
Divine Emblems na naglalaman ng likas na kasaysayan at pangangaral nang patula.

Si Charles Perrault sa Pransya ay sumulat ng walumpong bersyon ng mga fairy


tales. Itoý nalathala noong 1697 sa Pamagat na Historic on Contes de temps passe na kilala
sa kasaysayang Mother Goose, na isinalin sa Ingles noong 1729 kasama ng Countless D’
Aulnoy matapos malimbag noong 1726 ang Robinson Crusoe ni Daniel Defoe at ang
Paglalakbay ni Guilliver ni onathan Swift. Ang mga kuwentong buhat sa koleksyon ni
Perrault na isinalin sa Ingles ay ang “Sleeping Beauty ”, “Little Red Riding Hood”, “Blue
Bird”, “Push and Boots”, “Diamonds and Toads”, “Cinderilla”, “Request with the Tuft”,
and “Hop on my Thumb” na nakilala sa buong daigdig.

Ang kauna-unahang aklat na nakaabot sa maraming tao ay ang “Chapbooks” na


inilako ng mga “chapman”. Itoý parang mga polyeto para sa mga matatanda ngunit
nakaaakit sa mga bata sapagkat naglalaman ng balada, pabula, matandang Kuwento ng
kaginuuhan.

Sa Pilipinas

Panahon Bago Dumating ang mga Kastila

Ayon pa rin kay Rivera 1982, bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas,
ang panitikan ay nagpapahiwatig ng tunay na pagkalahi natin. Mayroon nang sining at
panitikan ang mga sinaunang Pilipino. May sariling baybayin o alpabeto na kakaiba sa dala
ng mga Kastila. Ang mga panitikan ay pasalin-dila gaya ng mga bulong, tugmang-bayan,
bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan na anyong patula; mga kwentong-bayan, alamat
at mito na anyong tuluyan at ang mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang
pinakaunang anyo ng dula sa bansa. Karamihan sa mga panitikang ito ay pasalin-dila. May
mga panitikan ring nasulat sa mga piraso ng kawayan, matitibay na kahoy at makikinis na
bato. Ngunit iilan na lamang ang mga natagpuan ng mga arkeologo (archeologists) sapagkat
3

batay sa kasaysayan, pinasunog at pinasira ito ng mga prayle nang dumating sila sa bansa sa
paniniwalang ang mga ito ay gawa ng mga demonyo.

Panahon ng mga Kastila

Panitikang Pamaksang Pananampalataya at Kabutihang-asal

Ang panitikan sa panahong ito ay naghatid ng maraming pagbabago sa buhay ng


mga Pilipino. Tinangkilik nila ang relihiyong Katoliko. Nagpalit sila ng pangalan at
nagpabinyag. Umangat ang kabuhayan ng ilang Pilipino at nakapagpapaaral ng mga anak
ng medisina, abugasya, agrikultura at pagiging maestro. (Panitikan ng Pilipnas ni Erlinda Santiago
et.al)

Sa panahong ito nalimbag ang pinakaunang aklat sa bansa noong 1593; ang
Doctrina Christiana na nalimbag na isang panrelihiyong aklat sa pamamagitan ng tipong-
kahoy na sinulat ni Domingo Nieva, bagama’t ayon kay Edwin Wolf, itoý sinulat ni Juan de
Plasencia. Itoý naglalaman ng mga sumusunod: Mga Saligang-aral ng Pananampalatayang
Katoliko; isang Palapantigan; ang Ama Namin; Aba Ginoong Maria, ang mga Pangkat ng
Pananampalataya, ang Sampung Utos, ang mga Utos ng” Santa Iglesia”, ang mga
Sakrament, ang Pitong Punong Kasalanan, ang Labing-apat na Kawanggawa at ang
Pagkukumpisal at Katesismo.

Dahil sa pananampalataya ang pangunahing pakay ng mga Kastila, karamihan sa


mga unang akdang nalikha sa panahong ito ay halos paksang pananampalataya. Halimbawa
sa mga ito ay ang mga uri ng dulang senakulo, santa cruzan at tibag; tulang gaya ng mga
pasyong inaawit. Sila rin ang nagpakilala ng konseptong maharlika o dugong bughaw sa
mga Pilipino na mababatid sa mga akdang awit na ang mga pangunahing tauhan ay mga
hari, reyna, prinsipe at prinsesa – isang patunay ang awit na Florante at Laura ni Balagtas at
mga dulang duplo at karagatan. Sa panahong ito, piling-pili lamang ang nakasusulat
sapagkat wikang Kastila lamang ang kinikilala sa ganitong larangan. Kaunti lamang ang
nakasusulat sa Kastila dahil sa pagpipigil, sa nadaramang takot at pagiging madamot ng mga
Kastila.

Ang pasyon ang isa sa patulang anyo na makarelihiyon, na nagsasaad ng buhat at


pagpapakasakit ni Hesukristo na sinulat sa iba pang bersyon nina Gaspar Aquino de Belen,
Mariano Pilapil, Aniceto de la Merced at Luis Guian ay binasa ng mga magulang upang ang
mga bata na bumasa ng pasyon. Ang pasyon ang pinaka-bibliya ng mga Pilipino noon.
Samantalang ang mga dula sa nama’y ang mga senakulo, Santa Cruzan, at tibag. Ang mga
dulang Moro-Moro naman ay pumapaksa sa tagumpay ng mga Kastila, isinasadula rito ang
mga himagsikan sa pagitan ng mga sundalong Kastila at mga Muslim sa Mindanao at sa
wakas ng dula, palaging nagwawagi ang Kastila at talunang niyayakap ng mga Muslim ang
Kristiyanismo. Nauso rin ang carillo o mga dulang puppet na yari sa karton na gumalaw
sa likod ng isang mailaw at puting tela.

Ang mga panitikan namang ukol sa kabutihang-asal ay ang Urbana at Feliza ni Padre
Modesto de Castro. Nalimbag din sa panahong ito ang pinakaunang newsletter sa bansa
noong 1637 – ang Successos Felices (Fortunate Events) ni Tomas Pinpin na may 14 na
pahina. Ngunit noong Agosto 8, 1811 lamang nalathala ang pinakaunang pahayagan sa
bansa – ang Del Superior Govierno na umabot hanggang labinlimang tomo. Si Dr. Jose Rizal
ay nakapagbigay rin ng ambag sa panitikang pambata nang sulatin niya noong siyaý 8 taong
gulang ang tulang, Sa Aking Mga Kababata. Isinalin din niya ang dulang Aleman na
Guillermo Tell ni Schiller sa Pilipino. Isinalin din niya ang ilang kuwentong enkantada ni
Andersen sa Pilipino para mabasa ng kanyang mga pamangkin. Sinulat din niya ang
Matalinong Pagong at Hangal na Matsing.

Panahon ng Rebolusyon

Sa ikalawang bahaging ito ng kasaysayang pampanitikan sa panahon ng pananakop


ng Kastila, karamihan sa mga panitikang nalikha ay may diwang rebolusyonaryo at
nagbukas sa kamalayang Pilipino sa di-makataong pagtrato sa kanila ng mga Kastila at nag-
uudyok na kalabanin ang pamahalaan. Dahil sa labis na pang-aalipin at pang-aalispusta at
masidhing diskriminasyon ng mga Kastila sa mga Pilipino; nagsilunsad ng mga kilusan ang
4

iilang Pilipinong hindi na sumasang-ayon sa pamamalakad ng mga prayle at pamahalaang


Kastila. Nagsisulat ang mga Pilipino sa panahong ito ng mga panitikang nagrerebolusyon.
Nalathala ang mga pahayagang propagandista na pinangunahan ng La Solidaridad noong
Pebrero 19, 1889 na naglalayong “matamo ang pagbabagong kailangan ng bansang bilang
tugon sa kalagayang panlipunan at pang-ekonomiya, maisiwalat ang malubhang kalagayan
ng bansa sa ilalim ng pamamalakat ng mga Kastila at upang pairalin ang kalayaan at
demokrasya.” Dahil sa mahigpit ang pamahalaan, nagsitago ang mga manunulat sa ilalim
ng iba’t ibang sagisag-panulat upang maprotektahan ng mga sarili laban sa mapang-
alipustahang Kastila at upang patuloy na makasulat.

Ang pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na may sagisag-panulat na Laong


Laan ay naging bahagi ng pahayagang La Solidaridad; at ang may-akda ng mga nobelang
Noli Me Tangere at El Filibusterismo na unang nalimbag at nalathala sa Espanya at naging
mitsa sa mga rebolusyonaryong Pilipino na mag-aklas laban sa mga Kastila. Sumulat din si
Rizal ng mga sanaysay gaya ng Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino at Sa Mga Kabataang
Dalaga sa Malolos.

Ang mga bayaning sina Marcelo H. Del Pilar (na may sagisag-panulat na
PLARIDEL), Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Pedro Serrano
Laktaw, Emilio Jacinto, Apolinario Mabini, at marami pang iba ay nagsisulat din.

Panahon ng mga Amerikano

Ang mga ay mapanghimagsik na Pilipino ay nagwagi laban sa mapang-abusong mga


Kastila na sumakop sa atin nang mahigit sa tatlong daang taon. Dahil sa pagnanais ng mga
Pilipino na mapatalsik ang mga Kastila, naging tagapagsagip ang mga Amerikano nang
dumating sila noong 1898 na tuluyang nagpabagsak sa pamahalaang Kastila. Kung
relihiyon ang naging pamana ng mga Kastila sa Pilipino, edukasyon naman ang naging
pangunahing ipinamana ng mga Amerikano. Sa panahon ding ito isinilang ang mga ilang
imortal na makatang Pilipino na nagsisulat sa Ingles at Tagalog.

Sa mga unang taon ng pananakop ng Amerikano sa bansa, sumulat ang mga Pilipino
sa Kastila, Tagalog at iba pang wikang panlalawigan. Nagsimula lamang umusbong ang
mga panitikan sa Ingles noong 1910 dahil sa mga bagong silang na manunulat. Kabilang sa
mga manunulat sa panahong ito sina Cecilio Apostol na sumulat ng mga oda para kay Rizal;
Claro M. Recto na naging tanyag sa kanyang natatanging mga talumpati; si Lope K. Santos
na sumulat ng obra-maestrang “Banaag at Sikat” at nagpauso ng panitikang sosyalista; si
Jose Corazon de Jesus na tinaguriang Makata ng Pag-ibig at may panulat-sagisag na
‘Huseng Batute;’ at si Jose dela Cruz na may panulat-sagisag na ‘Huseng Sisiw’ dahil sisiw
ang ipinababayad kapag nagpapagawa sa kanya ng tulang pag-ibig; si Severino Reyes na
sumulat ng imortal na dulang “Walang Sugat” at tinaguriang Ama ng Dulang Tagalog; si
Zoilo Galang na pinakaunang nobelistang (A Child of Sorrow) Pilipino sa Ingles at
maraming-marami pang iba.

Ang mga Amerikano ang nagpakilala ng mga fairy tale sa mga Pilipino na ginamit
ng mga gurong Tomasites sa pagtuturo. Ipinakilala rin ng mga ito ang iba pang uri (genre)
ng panitikan gaya ng oda at nagpakilala sa pinilakang-tabing – ang pelikula. Dahil sa
impluwensiyang pangteknolohiyang dala ng mga Amerikano, naimpluwensiyahan din ang
panitikan sa bansa. Dula ang naging pangunahing panitikan sa panahong ito. Dala nila ang
mga bodabil na isang uri ng dula kung saan umaawit at sumasayaw ang mga artista na
nagbunga sa sarsuwela ng Pilipinas. Dahil sa dala rin ng mga Amerikano ang pelikula sa
bansa, ngunit nag-umpisa ito sa mga artistang gumagalaw lamang at nagsasalitang walang
tinig (silent films); unti-unting naisantabi pansamantala ang dulang panteatro sa bansa dahil
sa nakahiligan na ng mga Pilipino ang panonood ng pelikulang-tahimik.

Ang mga unang pelikulang ginawa sa bansa ay halos mga dokumentaryo ukol sa
pagsabog ng mga bulkan at iba pang kalamidad at ang iilang dokumentaryong bunga lamang
ng pagka-ignorante ng mga Amerikano sa mga katutubong Pilipino. Ang mga unang pormal
na pelikula sa bansa ay ukol sa buhay ng bayaning si Rizal at ng kanyang dalawang nobela.
Ang pinakaunang pelikulang Hollywood na ginawa sa bansa ay ang pelikulang Zamboanga.
Ito ang kauna-unahang Hollywood film na may underwater scene. Ngunit ang pinakaunang
5

pelikulang produksyon ng Pilipino ay sa pamumuno ni Jose Nepumuceno hango sa dulang


panteatrong Dalagang Bukid (dula ni Hermogenes Ilagan) na malateatro rin ang
kinalabasan. Di naglaon, ninais na rin ng mga Pilipino na makawala sa kamay ng mga
Amerikano. Ngunit hindi rin naging mabilis ang pagkamit sa kalayaan.

Ang dula ay sadyang kinasangkapan ng mga manunulat na Pilipino upang ipahayag


ang hangad na paglaya ng bayan at makabayang pananaw. Ang kalayaang tinamasa sa
kamay ng mga Amerikano ay alangang ihambing sa ipinalasap ng mga Kastila. Isa sa mga
unang dulang itinanghal sa panahon ng mga Amerikano na umuusig sa mga Amerikano at
sedisyoso ay ang kay Juan K. Abad na itinanghal noong Mayo ng 1903 – ang Tanikalang
Ginto. Inakyat ng mga alagad ng batas ang Batangas habang itinatanghal ang dulang ito dito
at dinakip ang may-akda. Ngunti napawalang sala rin sa tulong ng isang mahusay na
manananggol na Pilipino. Ang dulang Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio Tolentino ay
tumuligsa rin sa Amerikano. Ngunit pinakamatindi ang paghihimagsik ng dulang “Hindi
Ako Patay” na hindi na nakilala ang may-akda dahil sa ginamit nito ang pangalan ng
kanyang may-bahay. Dahil sa lumalaganap na damdaming nasyonalismo sa mga Pilipino,
ipinatupad ng mga Amerikano ang Batas Sedisyon noong 1901 at ang Batas Watawat noong
1907, itoý nagbabawal sa pagladlad ng bandilang Pilipino. Ngunit ang diwang Pilipino ay
hindi nasawata at totoong lumalagananap sa Pulitika, hanapbuhay, sa pangangalakal at sa
Panitikan.

Sa unang mga taon ng pananakop ng mga Amerikano, ang wikang Kastila at


Tagalog ang namayani sa panitikan ngunit noong mga 1910 ay nagsimula nang magpahayag
ang ilang manunulat sa Ingles. Ang mga Amerikano ang nagbukas ng mga paaralang-
bayan. Kanilang ginamit ang wikang Ingles. Ipinagamit nila sa mga batang Pilipino ang
mga aklat na Fifty Famous Stories ni James Baldwin, Stories of Long Ago in the Philippines
ni Dudly Odell at mga seryeng aklat ng World Book Company. Bunga ng Batas Jones
noong 1916, nagkaroon din ng pagbabago ang kurikulum ng edukasyon sa Pilipinas.
Maraming mga Amerikano ang nag-akit sa mga Pilipino na alamin ang maningning na
lumipas. Si Otley Beyer at ang mag-asawang polaristang sina Dean S. Fansler ay sumulat
ng Popular Tales. Si Ana H. Carter ay nagpalabas ng seryeng mga aklat na Carter
Intermediate Readers.

Si Senador Camilo Osias, kauna-unahang Pilipino na naging superintendente ng


paaralang bayan ay nakapag-ambag ng malaki sa panitikang pambata sa kanyang Philippine
Readers Book I-VII. Itoý ginamit na aklat babasahin sa mga paaralan ng mga unang taon
ng pananakop ng mga Amerikano. Sina Sofia R. de Veyra at Carmen Aguinaldo Malencio
ay sumulat ng Character and Conduct para sa Grade V at VI. Noong 1938, ang Philippine
History in Stories, Rosa and Her Friends nina Polley at Andrea Batica at Elementary Civic
nina Jose Melencio at Jose Reyes ay lumabas. Bagama’t di ginamit sa paaralan, marami
ring nasulat sa Filipino na kinagigiliwan ng mga kabataan. Ang tulang Pamana ni Jose
Corazon de Jesus at Lumang Simbahan ni Florentino Collantes ay ibig na ibig bigkasin ng
mga kabataan noon. Ang balagtasan sa radyoDZRH ni Luz Mat Castro ay palatuntunang
laging hinihintay na nang buong pamilya.

Noong itinaghal ang Walang Sugat ni Severino Reyes ay inumaga ang mga tao sa
paulit-ulit na pag-uusap sa dula. Ang lingguhang palabas ng Liwayway simula noong 1922
na kinapakalooban ng Lola Basyang ni Severino Reyes na nagsasalaysay ng engkantada,
hari, prinsipe ay karapat-dapat na makabilang sa mga babasahing pambata. Nakadagdag
din dito ang nakalalarawang kuwentong Kulapo ni Conching at Kenkoy ni Tony Velasquez.

Panahon ng Malasariling Pamahalaan o Komonwelt

Noong 1935, ay natatag ang Malasariling Pamahalaaan at ang nahirang na pangulo


ay si Manuel L. Quezon. Nabuhay ang Pilipinismo sa panahong ito. Nalathala ang ilang
aklat na pambata na tulad ng Pepe at Pilar, In and Out of the Barrio, The Flag and other
Stories. Noon din ay napabantog ang Ilokanong guro at manunulat na si Juan C. Laya sa
kanyang Tales Our Father Told at ang Diwang Kayumanggi. Ang huli ay kinalalamnan ng
mga sanaysay, tula, dula, maikling kuwento na nasusulat sa Pilipino at ginamit mula sa una
hanggang Ikaapat na taon sa Mataas na paaralan.
6

Panahon ng mga Hapon

Sa pambobomba ng Amerika sa Hiroshima, gumanti ang Hapon sa paglusob nito sa


Pearl Harbor noong Disyembre 7, 1941. Dahil nasa isalalim ng kolonya ng Estados Unidos
kaya’t sinakop ng Hapon ang Pilipinas. Ngunit para sa karamihang manunulat na Pilipino,
isang biyaya sa larangang panitikan ng bansa ang pangyayaring ito. Sumibol nang lubos
ang panitikan ng bansa sa panahong ito dahil ipinagbawal ng namumunong Hapon ang
paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga
katutubong wika sa bansa. Sinunog din ang mga aklat na nasusulat sa Ingles upang
masigurong hindi mababahiran ng kanluraning ideya ang panitikang nililikha.

Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang Gintong


Panahon ng Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga Pilipino (kaysa noong sa
Amerikano) sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at paniniwalang
Pilipino sa mga ito. Sa panahon ding ito kinilala ang mga manunulat na babaeng Pilipino
sa pangalan nina Liwayway A. Arceo at Genoveva Edroza-Matute dahil sa mga makintal
na maka-feministang maikling-kwento. Ang mga malalaking sinehan sa Maynila ay
nagpalabas ng dula sa Pilipino sa halip na pelikula. Napatanyag noon ang mga dulang
itinatanghal ng Dramatic Philippines sa Metropoltan Theater tulad ng Sa Pula, sa Puti ni
Soc Rodrigo, Dahil sa Anak ni Julian Cruz Balmaceda at ang mga salin sa Pilipino ng
Monkey’s Paw at Cerano de Bergarae. Nalathala rin ang Ang Magsasaka at Iba pang mga
Kuwento, at ang natatanging salin ni Julian C. Pineda sa kanyang Kuwento ni Esopo. Dahil
sa dinalang haiku (maikling tulang may tatlong taludtod at may bilang na pantig na 5-7-5
sa taludtod), nagkaroon ang mga Pilipino ng tanaga (maikling tulang may apat na taludtod
at ang bilang ng pantig ay 7-7-7-7)

Panahon ng Pagkamit ng Kalayaan hanggang Kasalukuyan

Naging makasaysayan sa mga Pilipino ang pagbabalik ng kanilang kalayaan mula


sa kamay ng mga Hapon. At dahil sa kalayaang natamo, higit ring sumigla ang kalayaang
pampanitikan ng bansa. Bilang patunay ng kasiglahan ng panitikang Filipino sa iba’t ibang
uri sa panahong ito ay ang pagkakalimbag ng mga sumusunod na katipunan ng mga aklat:
Mga Piling Katha at Mga Piling Sanaysay ni Alejandro Abadilla, Maiikling Kwentong
Tagalog ni Teodoro Agoncillo, Ako’y Isang Tinig ni Genoveva Edroza-Matute at marami
pang iba. Kinilala rin buhat sa panahong ito ang mga panitikang panlalawigan dahil sa mga
inilunsad na mga pambansang ni Al Q. Perezpananaliksik at pagsasaling-wika ng panitikan
ng Pilipinas. Lalo pang sumigla ang panitikang Filipino nang ilunsad ang gawad Carlos
Palanca Memorial Awards for Litetature. Naging masigasig ang manunulat ng panitikang
pambata sa panahong ito. Ilan sa mga nasulat ay ang mga sumusunod: Mga Alamat at mga
Kuwento ni Andrea A. Tablan; O Sintang Lupa ni Genoveva Edroza; Mga Babasahin sa
Filipino ni Paraluman S. Aspillera; at ang Sa Hardin ng mga Tula ni Rufino Alejandro.

Ang Batas Rizal noong 1961 ay nakatulong nang malaki sa pagsulat ng mga aklat-
pambata tungkol sa ating Bayani, si Dr. Jose Rizal. Ang Gantimpalang PAMANA noong
1963 ay nagpasigla ng pagsulat ng mga akdang-pambata sa Pilipino. Ang kaharian sa
Tuktok ng Kawayan ni Carlos Roberto ay naging kapansin-pansin. Ang nagwagi at
inilunsad ng PAMANA noong 1964 ay ang mga sumusunod: Halina sa Ligaya ni Belen
Villegas Mendoza. Ang Aming si Punggi ni Orlando S. Cuasay; at ang Si Alfredo at ang
Duwende ni Al. Q. Perez.

Noong 1971, ang National Book Store ay naglathala ng mga salin sa Pilipino ng
mga kinagigiliwan kuwento sa daigdig tulad ng Ang Prinsesa at ang Gisantes, Ang Tatlong
Munting Baboy, Ang mga Duwende at ang mga Sapatero, Ang Natutulog na Kagandahan,
Si Jack at ang Puno ng Betsuwelas, Ang Munting Pulang Inahing Manok, Si Pusang
Nakabota, Rumpel-istilt-iskin, Ang kagandahan at ang Halimaw, Ang Tatlong Lalaking
Kambing na ang pangalan ay Grap at Rapunsel. Itoý anyong maliliit at manipis na aklat na
may magandang papel at may kulay na mga larawan. Noong 1979, inilathala ni Domingo
Landicho ang kanyang Niño Engkantado. Ang Library Association ay nagkaroon ng
timpalak noong Nobyembre 30, 1978 sa pagsulat ng maikling kuwentong pambata.
Maraming lumahok at maraming napiling mabubuting kuwento. Kung itoý ilalathala ng
samahan ay makatututlong ito sa pagpapaunlad ng panitikang pambata sa Pilipinas. Mula
pa noong 1977, isang mabilis na kumpanya, ang aklatAdarna ay gumawa ng hakbang upang
7

lunasan ang kakulangan ng mga babasahing pambata. Hindi kukulangin sa 100 titulo na
ang nailabas ng aklat Adarna ukol sa kasaysayan, kalinangan, libangan, pang-agham, pag-
uugali, wastong pagkain, mga alamat na Pilipino at lahat ng mga bagay na maaaring
makatulong sa mga bata. Sa taong 1981, sa pamumuno ni G. Virgilio Almario ay natamo
ng Aklat Adarna ang Gintong Aklat Award na ipinagkaloob ng Book Development
Association of the Philippines.

Sa panahon ng aktibismo noong dekada ’80, ang mga batang mag-aaral ay


nagsimulang sumulat ng kanilang panitikang aktibista, gaya nina Virgilio Almario (na may
sulat-panulat na Rio Alma) at Quintin Perez. Pinakamasigla rin ang mga panitikang
namayagpag sa media gaya ng sa radyo, telebisyon at sinehan. Nagsilang ang panahong ito
ng mga musikerong Imelda Papin at Victor Wood, ng Hotdog, Sampaguita, Asin, Ryan
Cayabyab, Levi Celerio, Pepe Smith at Freddie Aguilar na naging laman ng mga jukebox.
Mga lagaristang gaya nina Ricardo “Ricky” Lee (may-akda/Himala at Oro, Plata, Mata),
Lino Brocka (tagadirehe/Maynila sa Mga Kuko ng Liwanag) at Ishmael Bernal
(tagadirehe/Himala) at Marilou Diaz-Abaya (tagadirehe/Oro, Plata, Mata). Nagsilabasan rin
ang mga karikaturang (komiks) na Darna, Liwayway at Zuma ni Mars Ravelo at ang
pinakatanyag na Pugad Baboy.

Nag-uumpisa pa lang ang ikadalawampung siglo, higit na sumigla ang panitikang


Filipino dahil sa trend o pinauso na dulot ng media. Kinilala ang Eraserheads (isang bandang
binubuo ng mga mag-aaral ng UP) sa pagpapasigla muli sa OPM. Nagbukas ng daan sa
marami pang musikero ang Eheads gaya ng sa Yano, Siakol, Green Department, the Teeth,
Rivermaya at Parokya ni Edgar. Nagbigay ng bagong hihip sa kulturang Pilipino ang mga
bandang ito na nagpakilala ng iba pang genre ng musika sa lahi. Kinilalang The Beatles of
the Philippines ang Eheads dahil sa init na taglay ng bawat pagtanghal at bagong awitin.
Ilan sa mga awiting kinilalang imortal sa panahong ito ay ang Huling El Bimbo, Iskin, Banal
na Aso Santong Kabayo, Himala, Silvertoes, Alapaap, Overdrive, Peksman, Prinsesa, Pare
Ko at Miss sa Loob ng Jeepney. Maliban sa mga banda, kinilala rin ang mga musika ni
Jolina Magdangal, Jeremiah, Rossel Nava at Carol Banawa na mga supling ng makabagong
melo-musika ng bansa. Sumigla rin ang mga dulang pantelebisyong pambata lalung-lalo na
ang Batibot, Ang TV at 5 and up. At mga dulang panradyo ay kinagigiliwan naman ng mga
nakatatanda. Puspusan din ang produksyong pampelikula na nagsalin ng mga maikling-
kwento at nobela sa pelikula at ginawang inspirasyon ang mga awit, tula, sanaysay at
kasaysayan sa pagbuo ng marami pang dulang pampelikula. Naipanganak din ang
maraming genre ng pelikula gaya ng independent flims at cinema veritae film.

Sa kasalukuyan, sinasalin ang mga panitikan hindi lamang sa mga pahayagan, magazine
at aklat, hindi lamang sa anyo ng pelikula, palabas pantelebisyon o kaya’y programang
panradyo; kundi sa pamamagitan din ng hi-technology – ang Internet. Dahil sa internet
nagkaroon ng blogging, video clipping at audio airing na patuloy na bumubuhay sa
panitikan hindi lang ng Filipino kundi ng ibang lahi mandin. Patuloy na dumarami ang mga
manunulat na Pilipino sa iba’t ibang anyo at uri ng panitikan gamit ang iba’t ibang media
dahil sa mga inumpisahang kurso sa mga universidad at kolehiyo at pangangasiwa ng
gobyerno ng mga pagsasanay sa mga kinakikitaang husay na mga mamamayan. Ngunit ang
kasiglahan ng panitikan ay hindi magiging buo kung aasahan lamang ang pagdami at pag-
usbong ng mga manunulat; kailangan din ang pagpapahalaga at pagmamalasakit ng mga
mambabasa na katuwang sa pagtaguyod ng panitikan ng lahi.

Malayang Talakayan

1. Ilahad ang pag-unlad ng ating panitikan sa Pilipinas. Ano-ano ang malimit na


nilalaman?
2. Paano natin ipagmalaki ang kultura na meron tayo?
3. Gaano kahalaga ang pagkakaroon natin ng panitikan?
4. Magbigay ng komento sa kabuuang naganap sa ating panitikan.

BUMALIK
8

Aralin 2

Kapaligirang Pangkasaysayan ng Mother Goose


Mula sa https://en.wikipedia.org/wiki/Mother_Goose

Kasaysayan

Ang Mother Goose ay isang imahinasyon ng awtor sa mga koleksyon ng mga fairy
tales at nursery rhymes – at itoý pinangalanan na Mother Goose Rhymes. Bilang tauhan,
isang beses lang siya ng isa sa mga nursery rhymes. Ipinakita rito ang ilustrasyon ng isang
nakakatandang babae na matangkad na may sombrero at shawl na nagpapakita sa suot ng
mga kababaehang magbubukid sa Wales sa unang dalawampung siglo. Kung minsan ay
sumusuot siya ng “bonnet”. Siya ay naging tampok sa mga kuwento at mga tugma ng
Mother Goose sa 1700s sa mga literatura sa Ingles. Ang Mother Goose 1930 ayon kay
Katherine Elwis-Thomas ay nangangatwiran na ang imahe at pangalan ay maaaring
nakabase sa sinaunang kuwento na natutungkol sa aasawa ni King Robert II ng Pransya na
tinawag na “Berthe la fileuse” (Bertha the Spinner) at tinagurian ng mga Pranses na di-
kapani-paniwala na kuwento na nagpapasigla sa mga bata.

Naniniwal sila na galing sa Amerika na ang orihinal na Mother Goose ay galing sa


asawa ng isang Isaac Goose. Pinangalanan siya na si Elizabeth Foster Goose (1965-1758)
na inilibing sa Granary Burying Ground sa kalye Tremont. Sinabi ni Eleanor Early na isang
manlalakbay na taga Boston at mananalaysay noong 1930’s -1940’s na si Elizabeth Foster
Goose ang orihinal na Mother Goose. Isinaad niya na palagi niyang inaawitan at
binibigkasan ng mga tula ang kanyang mga apo araw-araw at nagkukulumpol ang mga
kabataan na makinig sa kanya. Kaya pinagtipon-tipon lahat ng kanyang manugang ang mga
ito at pinalimbag. Ang nagpasimula ng kanitong genre ay si Charles Perrault (1628 – 1703)
na naglathala ng mga natipong koleksyon ng mga sinaunang pasalindilang tradisyon ng
Pranses at Eropeong foklor noong 1697 at itoý pinamagatang Tales and Stories of the Past
with Morals at sa huli ay tinawag na niyang Tales of the Mother Goose. Ang publikasyong
ginawa ni Perrault ang unang hakbang sa mga kuwentong Mother Goose. Ang mga
koleksyon ni Perrault ay ang mga sumusunod: Sleeping Beauty, Little Red Riding
Hood, Puss in Boots, Cinderella at iba pa.

Nakilala si John Newbery sa nursery rhymes na pinamagatang Mother Goose’s


Melody, Sonnets from the Cradle. Ang Mother Goose ay nakakuha ng publikong
imahinasyon. May kakayahang magbigay inspirasyon at mag-aliw sa mga mambabasa.
Ang Mother Goose ay patuloy na nagbigay inspirasyon sa mga mambabasa. Ang
pagkakatugma, elemento, alusyon at ang paraan ng pagpakita nito ay ginawa sa masining
na paraan. Isinalin ito sa iba’t ibang wika at patuloy na tinangkilik ito hanggang sa
kasalukuyan.
Ang Kabutihan ng Tugmang-Pambata o Tugmang Mother Goose
Ayon kay Rivera 1982, ang tugmang-pambata ay nakalilibang sa bumabasa.
Nasasanay nito ang mga bata sa pagsasalita. Itoý nakapagpapayaman sa talasalitaan. Ang
aliw-iw nito ay nakalilinang sa pakikinig. Nakatutulong sa pagbibilang.
Nakapagpapaunawa rin sa pangalan ng mga buwan at araw at nakapagbibigay halaga sa
makulay na paglalarawan.

Ang mga Katangian ng Tugmang-Pambata


Nagtataglay ng magkakatulad na tunog sa hulihan ng bawat taludtud. Itoý
nakapagpapatawa. Itoý tumatalakay sa iba’t ibang paksa at naglalahad ng magandang
paglalarawan. Itoý maikli ngunit may sariling indayog. Itoý mapanukso, maparunggit at
mapagpatawa.

Mga Gamit ng Tugmang-Pambata


Ginagamit ang tugmang-pambata upang masiyahan ang mga bata sa gawaing bahay.
Itoý nakakatulong upang alisin sa babasa ang simangot at hinagpis. Itoý ginagamit din
9

bilang unang hakbang sa pag-aaral ng pagsasalita at pagbasa. Itoý nagpapahayag upang


maunawaan ang kahalagahan ng pagtutulungan. Nagpapasigla rin ito sa mga bata.
Nakapagsasanay ang mga bata sa pagsasalita at itoý ginagamit sa intermisyon sa mga aralin
o mga gawain.

Kahalagahan ng Tugmang-Pambata

Ang tugmang-pambata ay mahalaga sapagkat Nalilinang ang sining ng pagsasalita ng


bata. Napapalawak nito ang talasalitaan ng mga bata. Napupukaw ang pag-iisip at
imahinasyon ng mga bata. Nasasanay rin ang mga bata sa pakikinig. Nababatid ng mga
bata ang uugali, tradisyon, gawain, pamumuhay, kalinangan ng isang bansa. Nahihilig ang
mga bata sa pagbabasa.

Uri ng Tugmang-Pambata

Tugmang Mapanukso

Tutubi, tutubi
Huwag
Kang magpahuli
Sa batang mapanghe.

Tiririt ng maya
Tiririt ng ibon
Ibig mag-asawa
Walang ipalamon.

Tugma ng Kalikasan

Ulan ulan pantay kawayan


Bagyo, bagyo pantay kabayo.

Ang bughaw na langit


Ang payapang dagat
Ang mabibing alon
Ang maputing ulap
Ang sanggol sa duyan
Kung humahalakhak
Lahat ay maganda
Maganda ang lahat.

Tugma sa Pagbilang
Isa, dalawa, tatlo
Nasan ang eroplano
Apat, lima, anim
Lumilipad nang matulin
Pito, walo, siyam
Pagbilang ng sampu
Tayo ay lumayo

Tugma sa Gawain

Halika na Neneng
Tayoý manampalok
Dalhin mo ang buslo
Sisdlan ng hinog
Pagdating sa dulo
Kumapit ka Neneng
Baka ka mahulog
10

Tugma sa Kagandahang-Asal

Saan ka nanggaling?
Sa lunggang malalim
Anong ginawa mo?
Kumain ng saging
Bakit di mo ako tinirhan?
Kinain ng daga
Bakit di mo tinaga?
Akoý naaawa

Tugma sa Kulisap
Paruparong bukid
Na lilipad-lipad
Sa gitna ng daan
Papaga-pagaspas.
Sang dangkal ang tapis
Isang bara ang manggas
Ang saya de kula’y
Isang metro ang sayad.

Walang Kabuluhan
Ano yaon? Kanyon
Saan pumutok? Sa Muralyon
Sino ang tinamaan?
Si Nanong garapon. .

Tugma sa Araw at Buwan

Enero, Pebrero
Marso, Abril, Mayo
Setyembre, Oktubre
Nobyembre, Disyembre
Lubi-lubi.

Tugma sa Bungang-Kahoy at Gulay

Ako ay nagtanim
Kapirasong luya
Sumibol ay gabi
Namunga ng manga
Nang pipitasin koý
Hinog na papaya
Lumagpak sa lupa
Magandang dalaga.

Bahay kubo
Kahit munti
Ang halaman doon ay sari-sari
Singkamas at talong
Sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani.
Kundol, patola, upo’t kalabasa
At saka mayroon pang
Labanos, mustasa
Sibuyas, kamatis bawang
At luya
Sa paligid-ligid nitoý
Panay na linga.
11

Tugma sa Alagang Hayop

Mayroong isang hari


May alagang pusang bungi
Ang buntot ay bali-bali
Hintay ka muna
Uulitin ko sandali.

Tugmang Matalinghaga

Buwan, buwan sa langit


Nahulog sa pusali
Puso rin ang siyang nagtuturo.

Tugma Ukol sa tao

Duon po sa amin
Maraming beluga
Mabuti pa sa inyo
Marunong pumana.

Tugma sa Pampilipit ng Dila


Bituka, botika
Botika, bituka
Bituka, botika
Botika, bituka

Tugma sa Sasakyan
Bapor dito, bapor doon
Bapor maski na saan pumaroon.

Tugma sa Bahagi ng Katawan


Sampung mga daliri,
Kamay at paa
Dalawang tainga
Dalawang mata
Ilong na maganda
Maliliit na ngipin
Masarap ikain
Isang dilang nagsasalita
Huwag magsinungaling.

Tugma sa mga Gamit


Inday, Inday sa Balitaw
Kahoy nakahapay
Sandok nakasuksok
Palayok nakataob
Sinigang na matabang
Kulang sa sampalok.

Mga Uri ng Tugma:

Tugmang Ganap – ang mga taludtod ay nagtatapos sa Patinig o impit na tunog at sa


gayon ay mayroong ganap na pagkakatugmaan ang huling pantig ng mga taludtod ng tula.
Halimbawa:

Pakinggan mo aking bunso itong mga sasabihin


Na sa aking katandaaý parang huling habilin
Sa puso mo ay ingatan, at sa diwaý kandilihin
Balang araw ay tutbo’t parang utang na singilin.
12

Sabihin mo’t dakilain ang Mataas na Bathala.


Ang pagsambaý diligin mo sa muni’t nang manariwa
Ang sariliý para mo ring pawawalan ng bahala,
Kung ang Diyos ay hindi mo itanim sa puso’t diwa.

Tugmang di-ganap – ang mga taludtod ay nagtatapos sa katinig bagama’t may iisang
uri ng patinig sa loob ng pantig ang huli naming titik ay magkaiba. Halimbawa:

May isang lupain sa dakong Silangan


Na nag-aalaga ay sikat ng araw
Kaya napatanyag ay sa kagandahan
At napabalita sa magandang asal.

May dalawang pangkat ang tugmang di-ganap, gaya ng sumusunod:

1. Mga katulad ng tunog ng (ab) ay ang ak, ad, ag, as, at at

Mga katulad na tunog ng (ib) ay ang ik, id, ig, is, at it

Mga katulad na tunog ng (ob) ay ang ok, od, og, os at ot

2. Ang mga katulad ng tunog (an) ay ang at, am, aw at ang

Ang mga katulad na tunog ng (in) ay ang il, im, iw, at ing

Ang mga katulad ng tunog ng (on) ay ang ol, om, oy at ong

Ang ilan sa ating mga makata na naimpluwensyahan ng pamaraang Kastila at Ingles ay


nagpapakita ng ibang uri ng tugmaan gaya ng abab, abba, o aabb, itoý nagdaragdag ng
ningning sa Kariktan ng tula.

Halimbawa:

Hindi pagyayabang na Masasabi ko A


kundi pagtatapat ng isang kapatid; B
Walang gumamelang may kimkim na bango, A
sapagkat maganda, mapulang marikit. B
Tila rosas naming masamyong totoo A
at kay ganda-ganda, at may mga tinik… B
Ganyan din marahil ang buhay na ito, A
tuntungan ng iba’t hagilan ng malupit, B
Ngunit pagkatapos … ang dadagang bato, A
Iisa ang bigat na di matitiis. B

Ang tunog sa unang hati ay hindi dapat gawing kaisa o kahawig ng tunog sa dulo ng
taludtod, upang maiwasan ang taginting na nakapaghihinawa sa pandinig.

Halimbawa:
Paalam na bayang/ sinamba ng araw,
Lupang tinubuan/ sa dakong Silangan
Sa iyo ay alay/ ang sariling buhay
Kahit na tuluyang/ ako ay mamatay.

Sa halimbawa, ang tinubuan ay tumutugma sa Silangan at ang alay ay tumutugma sa


buhay. Ang ganitong pagtutugma ay dapat iwasan upang maging madulas ang pagbigkas ng
tula.

Sukat – ay bilang ng pantig sa loob ng isang taludtod. Ang sukat ay maaaring buhat sa
apat hanggang walo ilan man sa bawat hati.
13

1. Apatang sukat o pantig –

Ang pag-ibig
1 2 34
Na mapait
12 34
ay di nais
1 2 3 4
Nitong dibdib
1 2 3 4
Na may hapis
1 2 3 4

2. Limang sukat o pantig –

Tayoý umalis
1 2 3 4 5
dito sa libis
12 3 4 5
ng kanyang bukid
1 2 3 4 5
Kataý lumigpit
1 2 3 4 5
doon sa langit
12 3 4 5
ng panaginip
1 2 3 4 5

3. Animang sukat o pantig –


Kung ano ang buhay
1 23 4 5 6
siyang kamatayan
1 2 3 4 5 6
Ang hirap koý alam
1 2 3 4 5 6
ng iyong kariktan
12 3 4 5 6
tapatin mo lamang
12 3 4 5 6
yaring kariingan
1 2 345 6
At bigyan ng buhay,
1 2 3 4 5 6
ang pag-asang patay!
1 2 3 4 5 6

4. Pituhang sukat o pantig – Mga Bagong Tanaga ni J.V. Panganiban

Nalaglag ang bulaklak


1 2 3 4 5 6 7
Napaligwak ang hamog
1 2 3 4 5 6 7
Hindi na hahalakhak
1 2 2 4 5 6 7
Ang mukhang nakasubsub
1 2 3 4 5 6 7
14

5. Waluhang sukat o pantig –


Habang maikli ang kumot,
1 2 345 6 7 8
magtiis na mamaluktot;
1 23 4 5 6 7 8
At kung ito ay humaba
1 2 345 6 7 8
saka umunat na kusa
12 3 4 5 6 7 8

6. Labindalawahing sukat o pantig - maaaring magkaroon ng 2,3, hating apatan pantig sa


bawat hati.
Halimbawa ng 3 hating apatan
Itanong mo/ sa bituin/ ang pag-ibig
12 3 4 1 2 3 4 1 2 3 4
At sa iyoý/ sasabihing/ itoý tinig
1 23 4 123 4 12 3 4
Nang damdaming/ nasa puso’t/ nasa isip
1 2 3 4 12 3 4 1 234
Nabubuhay/ sa pag-asa’t panaginip
1 2 3 4 1 2 3 4 1 23 4

Gamit ng Panulaan sa Pagtuturo


Ang tula ay mabisang kasangkapan sa pagtuturo sa tatlong dahilan:
a. Nagsisilbing pangganyak sa pag-aaral - Sa pamamagitan nito ay naihanda ng guro
ang kaisipan ng mag-aaral sa bagong araling tatalakayin. Maaaring ang guro ay
gumagamit ng anumang uri ng panulaan na may kaugnayan sa kanyang paksang
tatalakayin upang makapukaw sa kawilihan ng mag-aaral. Lubhang napakahalaga
ang pangganyak lalo na sa paksang karaniwan, di-kawili-wili at lubhang kainip-
inip tulad ng Balarila.
b. Ang panulaan ay lubhang mahalaga sa panig ng guro sapagkat matatalakay niya
ang bawat paksang ituturo nang masigla.

Malayang Talakayan:
1. Paano nagsimula ang tugmang pambata o Mother Goose?
2. Ano ang kabutihang dulot nito?
3. Bumuo ng tugmang pambata gamit ang tugmang ganap at di-ganap.
4. Sumipi ng mga tula.
a. uriin
b. ibigay ang uri ng tugma
c. alamin ang sukat
5. Bumuo ng tulang pamabata o pangkabataan
15

Aralin 3

TULANG PASALAYSAY
Ang tulang pasalaysay ay naglalarawan ng mahalagang mga tagpo o pangyayari
sa buhay; halimbawaý ang kabiguan sa pag-ibig, ang suliranin at panganib sa pakikidigma,
o kagitingan ng mga Bayani.
Mga uri:
Awit at Kurido - mga paksang hango sa pangyayaring tungkol sa pagkamaginoo at
pakikipagsapalaran. Ang mga tauhan ay mga hari’t reyna, prinsipe’t prinsesa.
Ang awit aytulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang bawat saknong,
na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at ang tradisyonal na dulong tugma
ay isahan at inaawit na mabagal sa saliw ng gitara o bandurya "allegro". Ang ikinaganda ng
awit ay sa mga aral na ipinahihiwatig. Ang awit ay isang tulang nagsasaad ng kabayanihan.
Mga Halimbawa: Florante at Laura ni Francisco Balagtas, Buhay ni Segismundo ni Eulogio
Juan de Tandiona, Doce Pares na Kaharian ng Francia ni Jose de la Cruz, Salita at Buhay ni
Mariang Alimango, Prinsipe Igmidio at Prinsesa Clariana.

Ang korido ay tulang nakuha natin sa impluwensiya ng mga Espanyol. Ito ay may sukat
na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang saknong. Ito ay binibigkas sa
pamamagitan ng pakantang pagpapahayag ng mga tula. Mabilis ang bigkas ng korido
binibigkas sa kumpas ng martsa "allegro". Sa korido ang ikinawiwili ng mga mambabasa
ay ang kuwento o kasaysayang napapaloob dito. Ang korido ay isang tulang panrelihiyon.
Mga Halimbawa: Ibong Adarna, Don Juan Tiñoso, Don Juan Teñoso, Mariang Kalabasa,
Ang Haring Patay, Mariang Alimango, Bernardo Carpio ni Jose de la Cruz, Rodrigo de
Villas ni Jose de la Cruz, Prinsipe Florennio ni Ananias Zorilla, Buhay na Pinagdaanan ni
Donya Maria sa Ahas.
Ang moro-moro ay isang uri ng "komedya" dito sa Pilipinas. Ito ay nagmula sa Europa
na kung tawagin ay "Comedia de capa y espada". Isang gawa na ang sangkap ay piling-pili
at ang pangunahing tauhan ay may layong pukawin ang kawilihang manonood. Nagwawakas
ito nang masaya. Ang tunggalian ay karaniwang nagtatapos sa pagkakasundo ng mga tauhan
na siyang nakapagpapasiya sa mga nanonood. (Panitikang Filipino nina Erlinda M. Santiago atbp.)
Ang Pasyon ay narative o libro na nagsasaad ng buhay ni Hesukristo. Dito inilahad ang
kanyang mga sakripisyo. Ang istilo ng pagsulat ng Pasyon ay patula. Ito ay nagmula sa salitang
Kastila "pasion" na ang ibig sabihin paghihirap. Sa tradisyong Pabasa, ikinakanta nang patula
ang nilalaman ng Pasyon. Ito ay paraan ng mga Kristyano upang humingi ng tawad sa
Panginoon. Ito ay ginagawa tuwing Mahal na Araw.

TULANG LIRIKO

Ayon kay Erlinda M. Santiago et.al 1989, ang tulang liriko ay hayag ng damdamin
na maaaring sarili ng sumulat o ng ibang tao, o kayaý mapangaraping guniguni ng makatao
batay sa karanasan. Ito ay puno ng damdamin at madalas ding gamiting titik ng mga awitin.
Ang pagkakaugnayan ng tulang liriko at musikang sinasaliwan ng instrumentong tinatawag
na lira ang siyang dahilan kung bakit ito nakilala sa taguring tulang liriko.

Narito ang ilang uri ng tulang ito:


Awit o kantahin (Dalitsuyo) - tungkol sa pag-ibig at kalungkutan, kawalang pag-asa o
pamimighati, pangamba, kaligayahan, at pag-asa.
Pastoral (Dalitbuki) – Ito’y may layuning maglarawan ng tunay na buhay sa bukid.
Oda (Dalitpuri) – nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy, matayog na damdamin o
kaisipan (paghanga o pagbibigay parangal) o iba pang masiglang damdamin; walang tiyak
na bilang ng pantig o ng taludtod sa isang saknong.
16

Dalit o Himno (Dalitsamba) – awit na pumupuri sa Diyos o Mahal na Birhen at nagtataglay


ng kaunting pilosopiya sa buhay.
Soneto (Dalitwari) - binubuo ng 14 taludtod o linya; hinggil sa damdamin at kaisipan, may
malinaw na kabatiran ng likas na pagkatao, nangangailangan ng mabigat o matinding
pagkukuro-kuro na naghahatid ng aral sa mambabasa.
Elehiya (Dalitlumbay) – nagpapahayag ng damdamin at guniguni tungkol sa kamatayan o
kalungkutan o kayaý tua ng pananangis lalo na sa paggunita sa isang yumao.

TULANG DULA O PATANGHALAN

Komedya (Comedy) ay isang termino mapa-pelikula man o entablado. Ito ay ginagamit kung
saan ang mga nagsisiganap ay nagsasaad ng kasiyahan o lihitimong pagpapatawa sa bawat
salitang mamumutawi sa kanyang bibig. Ang Komedya ay maaari ding walang salita na
nauso noong panahon ng Silent Movies na makikita di sa pagsalita ng bibig kundi sa pagkilos
ng katawan.

Melodrama - ginagamit ang tulang ito sa mga dulang musical kasama na ang opera.

Trahedya ay isang dulang ang bida ay hahantong sa malungkot na wakas o sa kabiguan.


Mayroon ding mga uri ng ganitong dulang may malungkot ngunit makabuluhang wakas.

Parsa ay isang konsepto ng teatro o dula, partikular ng mga dulang may nakakatawang tema,
na nagpapakita ng relasyon at pagkakaugnay ng mga pangyayari upang magbigay
katatawanan at kaaliwan sa mga manunuod.

Saynete ay pagpapatawang pisikal, ang paggamit ng sinadyang kalokohan, at malawak na


di-makakatotohanang pagganap. Sinusulat ang mga saynete para sa tanghalan at pelikula. At
saka, kadalasang nasa isang partikular na lokasyon ang tagpuan ng saynete, kung saan
nangyayari ang lahat ng mga kaganapan.

Ito ay mga tulang isinasadula sa mga entablado o iba pang tanghalan. Narito ang mga
uri ng tulang dula:

 Tulang Mag-isang Salaysay (Dramatic Monologue)


 Tulang Dulang Liriko-Dramatiko
 Tulang Dulang Katatawanan (Dramatic Comedy)
 Tulang Dulang Kalunos-lunos (Dramatic Tragedy in Poetry)
 Tulang Dulang Madamdamin (Melodrama in Poetry)
 Tulang Dulang Katawa-tawang-Kalunos-lunos (Dramatic Tragi-comedy in Poetry)
 Tulang Dulang Pauroy (Farce in Poetry)

Tulang Patnigan (Joustic Poetry) https://tl.wikipedia.org/wiki/Tulang_patnigan

Ito ay tulang sagutan na itinatanghal ng mga magkakatunggaling tao ngunit


hindi sa paraang padula. Ito ay paligsahan ng mga katwiran at tagisan ng mga talino
at tulain.

Ang sumusunod ang mga uri ng tulang patnigan:

Karagatan - tinatawag na dulang pantahanan sapagkat karaniwang idinaraos sa loob


ng bahay o bakuran ng namatay. Nagiging parangal din ito sa namatay. Ito ay isang larong
may paligsahan sa tula na batay sa Katagalugan ang Karagatan ay isang dulang nababatay
sa isang alamat tungkol sa singsing ng isang prinsesa na nahulog sa gitna ng dagat.
Pakakasalan ng dalaga ang binatang makakakuha ng singsing. Sa larong ito, hindi
kinakailangang sumisid sa dagat ang binatang nais magkapalad sa dalagang nawalan ng
singsing. Ginaganap ang laro sa bakuran ng isang bahay na may dalawang papag sa
17

magkabila ng isang mesang may sari-saring pagkaing-nayon na magkaharap ang pangkat ng


binata at dalaga. Karaniwang isang lalaki ang magsisimula ng larong ito. Maaaring
magpalabunutan para mapili ang binatang unang bibigyan ng dalaga ng talinhaga. Maaaring
pipili ang binata batay sa matatapatan ng tabong may tandang puti. Bibigkas muna ng
panimulang bahagi ang binata bago tuluyang sagutin ang talinhaga.

Duplo – Ito ang humahalili sa karagatan. Itoý paligsahan ng husay sa pagbigkas at


pangangatwiran na patula. Kadalasang isinasagawa tuwing may lamay na may layuning
aliwin ang mga naulila. Tinatawag na duplero ang mga lalaking kasali at duplera naman sa
babae. Ito ay patula ngunit hindi nangangailangan ng palagiang sukat at tugma. Ang
halimbawa ng duplo ay may tauhang bilyako at bilyaka walang iisang paksa isang madulang
debate kung saan ay isa ay magbibintang na krimen sa isa pa na magtatanggol sa kanyang
sarili. Ang palmatorya ay isang tsinelas na ginagamit ng hari sa pagpalo sa palad ng
sinumang nahatulang parusahan. Ang parusang pinapataw ay maaaring pagpapabigkas ng
mahabang dasal para sa kaluluwa ng namatay .

Balagtasan ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtutula. Inimbento ito noong


panahon na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Amerika, base sa mga lumang tradisyon ng
makatang pagtatalo gaya ng karagatan, huwego de prenda at duplo. Ang pinagmulan ng
pangalan na balagtasan ay ang orihinal na apelyido ni Francisco Baltazar, Balagtas, dahil
ginawa ito para sa okasyon ng pagdiwang ng anibersaryo ng kanyang kaarawan.

Ang balagtasan ay hawig sa isang duplo. Ang mga kasali dito ay gumaganap na nasa
isang korte na sumisiyasat sa kaso ng isang hari na nawala ang paboritong ibon o singsing.
May gumaganap nafiscal o tagausig, isang akusado,at abogado. Ito ay magiging dibate o
sinasabing tagisan ng katwiran sa panig ng taga-usig at tagapagtanggol at maaaring paiba-
iba ang paksa. Bagamat ito ay lumalabas na dibate sa pamamaraang patula, layunin rin nito
na magbigay aliw sa pamamagitan ng paghahalo ng katatawanan, talas ng isip, na may
kasamang mga aktor sa isang dula. Ang balagtasan ay ginamit ng mga manunulat upang
maipahiwatig ang kanilang palagay sa aspetong politika at mga napapanahong pangyayari
at usapan.

Batutian (Ingles: satirical joust) ay isang uri ng tulang patnigan na hinango sa


balagtasan. Ipinangalan ito sa kinikilalang " Unang Hari ng Balagtasan", si Jose Corazon de
Jesus (Huseng Batute). ginagawa ito sa mga lamayan upang libangin ang mga tao.
Naglalaman ito ng katatawanan ngunit may kasama ring katotohanan.

Ang batutian ay hango sa pangalan ng pinakatanyag na man-babalagtas na si Jose


Corazon de Hesus alyas "batuteng huse" Kabilang sa mga katangian ng Batutian na lumabas
sa magasin noon ang pagtalakay ng siste ang pagtalakay sa kasalukuyan isyu pampulitika o
pangkultura ang pagpapa-antig ng damdamin ng mambabasa ang pagpapalitan ng katwirang
maaaring taglayin ng magkatunggaling sektor sa pamayanan ng tulaan.

Tanaga (ta·na·gà) sinaunang anyo ng maikling tulang Tagalog, binubuo ng apat na


taludtod na tugmaan, may sukat na pitóng pantig ang bawat taludtod, at nagpapahayag ng
isang buong diwa. Ang tanaga ay tulang Tagalog na palasak na bago pa dumating ang mga
Kastila. Ito ay may mataas na uri. Binubuo ito ng apat na taludturan na may pituhang pantig.
Ang tanaga ay nahahawig sa haiku at muling naging palasak ang mga tanaga noong panahon
ng Hapon. Ang tanaga ay itinuturing na malayang tula at sagana sa talinghaga.

Halimbawa ng Tanaga:
Totoong sinungaling,
At talagang malihim,
Pipi kung kausapin,
Walang kibo’y matabil,

Ang isa sa kaaway,


Na marami ang bilang,
Ang iyong pangilangan,
Ayan… katabi mo lang!
— Ildefonso Santos
18

Haiku, ang tulang Hapon. Ang mga haiku na isinulat sa Tagalog ay tulang binubuo
ng labinpitong pantig, na may tatlong taludturan; na ang unang taludtod ay may limang
pantig, sa ikalawa ay may pitong pantig, at ang ikatlong taludtod ay may limang pantig. Ito’y
ginagad sa tulang Hapon at nagtataglay ng talinghaga. (5-7-5)

Halimbawa ng haiku:

Nakakakilig Sama ng loob,


kung ika’y umiibig Mahirap na magamot
sarap sa dibdib kung walang puso

Pagtuturo ng Panulaan

Ang mga bata ay nararapat na akitin at turuan ng pamaraan sa pagsasaulo ng tula.


Itoý gagawin lamang kung gusto nila ang tula at nais nilang ulitin ito. Huwag na huwag
silang pipiliting magsaulo ng tula upang hindi ito magbunga ng pagkasuklam sa tula. Hindi
kinakailangang isaulo ng bata ang buong tula. Isaulo lamang niya ang saknong na gusto
niyang matandaan o kaakit-akit sa kanya.

Sa pagsasaulo ng tula, basahin ito nang paulit-ulit. Bigkasin nang hindi tumitingin
sa sipi, bigyang diin ang bahaging nakalimutan. Ulitin ang pagbigkas ng tula nang hindi
tumitingin sa sipi. Ang ganitong paraan ay makakatulong sa pagsasaulo. Ang paggamit ng
“panandang salita”. Tulad ng nasa ibaba.

Sa Aking mga Kababata


J.P. Rizal

Kapagka ang bayaý sadyang umiibig


Sa kanyang salitang kaloob ng langit
Sanlang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.

_______ ang bayaý _______ umiibig


________ salitang __________ langit
________ kalayaan _______ masapit
________ __ ibong ____ himpapawid.

Karaniwan sa mga bata ang sumusunod na katangian: kawalan ng muwang,


kapayakan, mapangarapin at tuwiran (objective) na pawing katangian din ng panulaan: Ang
bata ay makata, siya ay likas na makatao at bumibigkas ng tulain. Sa mahusay na paggabay
ng guro, ang mga bata ay makasusulat ng tula na bagamat payak ay madiwa at maganda.

Kahalagahan ng Panulaan sa Pagtuturo

1. Nagkakaroon ang mga bata ng kasanayan sa pagbasa at pag-unawa sabinabasa.


2. Naghahatid sa mga bata ng kakintalan, kasiyahan at kaluguran.
3. Nakapagdaragdag ng kaalaman sa mag-aaral.
4. Nagkakaroon ang mga bata sa pagtitiwala sa kanilang sarili.
5. Nagkaroon ng pagpapahalaga sa panulaan at tuloy mapaunlad ito.

Mga Simulain Sa Pagsulat Ng Mga Tula o Tugma:

Mahalaga at makabuluhang gawain para sa mga bata ang paglikha ng sariling


tugma. Likas sa kanila ang pagkakaroon ng kawilihan sa pakikinig at pagbigkas ng mga
bugtong, salawikain, at tulang may tugma. Talaga namang mainam angga kathang may
indayog.

Ang sining ng pagkatha ay nagpapalawak sa talasalitaan. Itoý mabuting


pagsasanay sa pag-iisip ng mga paksang makabuluhang, kaya isang mahalagang gawain ng
guro ang pagganyak sa mga bata upang sumulat ng sariling tugma o tula. Narito ang ilang
mahalagang tagubilin sa pagsulat ng tula/ tugma.
19

1. Kailangang may makabuluhang paksa at magandang diwa.


2. Dapat magkaroon ng tugma. Ang tugma ay kailangang naaayon sa kakayahan ng
mag-aaral. Itoý nagbibigay musika o aliw-iw sa tula at madaling bigkasin at isaulo
ang tulang may tugma.
3. Sa mga tugma ay maaaring aaniming pantig para sa mga bata at mga baguhan, ang
mga payak at maikling tugma ay mainam na panimula.
4. Dapat maging magkakatulad ang sukat. Ang sukat ay ang bilang ng mga pantig sa
isang taludtod, maaring ang sukat ay wawaluhin, lalabin-dalawahin, pagkat
magaang sulatin. Ang wawaluhin at lalabin-animin ay mahirap bigkasin.
5. Dapat gumamit ng mga angkop na mga salita at magandang pahayag. Ang mga
salita ay gumaganda at nagiging mabisa kapag angkop ang pagkakagamit at
pagpapahayag ng isang diwa. Upang malaman ito, kailangang pag-aralan ang mga
katumbas na salita o mga kahulugan na nakatutulong sa pagpapalawak ng salitaan.

Malayang Talakayan:
1. Ano-ano ang tulang pasalaysay. Ibigay ang uri nito.
2. Paano naiiba ang haiku sa tanaga? Magbigay ng halimbawa sa bawat uri.
3. Bumuo ng isang haiku at isang tanaga.
4. Gaano kahalaga para sa iyo ang pagturo sa pagsulat ng tula at tugma?

D. Pagtalakay sa Nilalaman ng Unang Modyul

1. Anong uring panitikan ang nabuo sa panahon bago dumating ang mga Kastila?
2. Paano nahati ang panitikang nabuo sa panahon ng mga Kastila?
3. Paano ipinakita ng mga Pilipino ang paghahangad ng kalayaan sa kamay ng mga
Amerikano?
4. Ano ang naging kalagayan ng ating panitikan sa panahon ng Hapon?
5. Ilarawan ang naging pag-unlad ng panitikan sa panahon ng kalayaan.
6. Kailan at paano nagsimula ang Mother-Goose Rhyme?
7. Ano ang kabutihang dulot ng Mother- Goose?

E. Gawin mo!
1. Sa isang timeline ilahad ang debelopment ng Panitikang Pambata
a. Sa Daigdig
b. Sa Pilipinas
2. Pagkalap ng mga tugmang pambata sa paligid.(gawing makulay ang presentasyon)
ayon sa perspektibong lokal, nasyonal at global.

Pamantayan
Nilalaman -5
Presentasyon -5
Organisasyon -5
Hikayat -5
20
F. Buod

1. Paano naiiba ang tulang Liriko sa tulang Patnigan?


2. Magbigay ng reaksyon sa Pagkakabuo ng tulang Haiku at Tanaga.
3. Ano-ano ang mga uri ng tugmang pambata?
4. Gaano kahalaga ang tugmang pambata para sa mga bata at guro?
G. Pagtataya
20

1. Pagbubuo ng mga tula ayon sa uri nito na may konsepto ng pang-unawa sa


kapaligiran na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay at respeto at
pangangalaga na humimok sa pagkatuto.

2. Bumuo ng tig dadalawang tulang Haiku at Tanaga

Pamantayan
Nilalaman -5
Presentasyon -5
Organisasyon -5
Hikayat -5
20

H. Takdang Aralin:
Magkalap ng kwentong bayan / awiting bayan sa inyong
pamayanan. Batay sa inyong nakalap, suriin ang mga ito at magbigay ng
komento/ implikasyon sa inyong buhay. Gawing kaaya-aya ang gagawing
presentasyon.

Pamantayan
Nilalaman -5
Presentasyon -5
Organisasyon -5
Hikayat -5
BUMALIK 20
21

V. Modyul 2 Pabula, Parabula, Bugtong, at Salawikain

A. Lagom – Pananaw
Ang modyul na ito ay makatutulong upang malinang ang kaalaman tungkol sa
Pabula, Parabula, Bugtong, at Salawikain. Layunin ng kursong maiaply ang iba’t ibang
estratehiya sa alternatibong pagtataya batay sa personas. Naglalaman ng mga napapanahon
at magagandang kaisipan na layuning maikintal sa isipan ng mga mambabasa. Iniayos at
sadyang pinagaan upang maiangkop sa pang-unawa ng mga mag-aaral. Hinati sa bawat
bahagi at binigyan ng angkop na pamagat ayon nilalaman.
Sinikap ng may-akda na ipaliwanag sa payak na paraan ang mga nilalaman upang
agad na maunawaan ng mga mag-aaral ang mensaheng nais iparating nito.
B. Layunin:
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay dapat nang:
1. Makatutukoy sa mga paksang nakapaloob sa kurso;
2. Makakukuha ng pilosopiya o teorya batay sa nilalaman;
3. Makalalahad ng mga obserbasyon buhat sa kurso;
4. Makauugnay sa mga natutunan sa kasalukuyan;
5. Makapupulot ng kaalaman buhat sa mga aralin.

C. Mga Tanong:
1. Paano at kailan nagsimula ang Pabula, Parabula, Bugtong, at Salawikain sa daigdig
at sa Pilipinas?
2. Ano-ano ang mga kabutihang dulot ng mga ito sa ating panitikan?
3. Sino-sino ang mga taong nakapag-ambag nang malaki sa ganitong uring panitikan?
4. Paano natin mapanatili ang ganitong uri ng panitikan?

D. Mga Gawain sa Pagkatoto

Aralin 1
Pábulá: likhâng-ísip Mula sa https://www.tagaloglang.com/ano-ang-pabula/

Ang karaniwang pábulá ay kuwento kung saan mga hayop ang gumaganap at ang
mga hayop na ito ay kumikilos at nagsasalita na tulad ng tao. Madalas na inilalarawan
ng pábulá ang dalawang hayop na may magkaibang ugali at nagwawakas ang kuwento na
nagwawagi ang may mabuting ugali. Nag-iiwan ito ng aral sa mambabasa.
Noong sinaunang panahon, nakahiligan na ng mga katutubong Pilipino ang
pagsasalaysay sa kung ano ang kanilang nakikita, nadarama at maging ang pinaniniwalaan.
Dito ibinatay ang pinagmulan ng mga sinaunang panitikan na ating binabasa at pinagaaralan
sa kasulukuyang panahon. Isa ang pabula sa mga itinuturing na pinakaunang uri ng panitikan
na kinagigiliwan ng mga tao sa daigdig. Sa pampanitikang depinisyon, ang pabula ay uri ng
kuwentong pambata na ang gumaganap ay mga hayop na kumikilos, nag-iisip at nagsasalita
na parang tao at sa bandang huli’y nagdudulot sa bawat mambabasa
ng mabubuting aral.
Bago pa man makarating sa Pilipinas ang mga banyagang pabula tulad ng ‘Ang
Lobo at ang Uwak” at “Ang Leon at ang Daga” ni Aesop ng Gresya, isinasalaysay na sa
mga liblib na lalawigan at rehiyon ng bansa ang kani-kanilang ipinagmamalaking
katutubong pabula. Tinatayang unang naisulat ang mga pabula sa daigdig noong ikalima at
ikaanim na daang taon bago isilang si Kristo. Ayon sa ilang mananaliksik at historyador ng
panitikan, nabasa ang unang pabula sa India. Kinikilala si Kasyapa at ilang mga dakilang
tao ng India na madalas paksain ng kanilang mga pabula dahilan sa kanilang mabubuting
gawa sa lipunan. May bahid ng relihiyon ang paggamit ng mga pabula sa kanilang
pangangaral ng Budismo dahilan sa mga aral na inihahatid nito sa tao.

May ilan namang naniniwala na ang kanilang sinaunang pabula ay hinango sa


Panchantara at Jatakas. Ang Panchantara ng India ay kalipunan ng mga kuwento na isinulat
22

sa Kashmir noong 200 B.C.. Ang pamagat ng aklat ay galing sa pangalan ng dalawang
lobo(Jackals) na sina Kalilab at Dimab. Ang Panchantara ay isinalin sa wikang Persiano,
Arabic at Latin na napatanyag sa Europa noong mga panahon iyon. Samantala, ang Jatakas
ay aklat naman ng mga kuwento na nauukol sa muling pagkabuhay ni Gautama Buddha.
Isinalaysay rito ang buhay ni Buddha kung paano nagpasalin-salin ang kaniyang kaluluwa
bago siya maging Buddha sa iba’t ibang hayop gaya ng barako, leon, isda at maging ng daga.
Ang Jatakas ay isang kuwento sa loob ng isa pang kuwento na sa bahaging huli ay may
patulang aral. Taglay ng Jatakas ang 547 na kuwento at 30 rito ay mga kuwentong pambata
lamang. Ang mga kuwentong Jatakas(Eastern Stories and Legends Jatakas Tales) ay tinipon
nina Helen C. Babbit at Marie Shedlock. Ang Europa ay may ipinagmamalaking manunulat
at mananalaysay ng pabula sa katauhan ni Esopo o Aesop.
Ipinanganak siya noong ikaanim na daang taon at tinaguriang “Ama ng Sinaunang
Pabula” (Father of Ancient Fables) mula 620- 560 B.C. Isinilang na may kapansanan sa
pandinig si Aesop bukod pa sa pagiging kuba nito. Si Aesop ay kabilang din sa mga alipin
noong mga panahong iyon. Sa kabila ng pagiging alipin at kapansanang taglay, biniyayaan
naman siya ng kakayahang makapagsulat at makapagsalaysay ng pabula. Ang kasipagan at
katapatan sa kanyang panginoon ang naging daan upang mabigyan siya ng natatanging
karapatan at kalayaan na makisalamuha sa tao at makapaglakbay. Sa kaniyang paglilibot,
nasaksihan niya ang pangit na kalagayan ng pamumuhay ng mga tao. Nagdudumilat ang
hindi patas na pagtrato sa mahihirap at maging ang masasamang gawi at asal ng mayayaman
at pinuno ng bayan.

Pinuna niya ang mga kamaliang ito sa pamamagitan ng pagsulat ng kuwento na


hayop ang mga nagsisiganap. Ipinagbabawal noon ang tuwirang pagpuna sa mga taong nasa
mataas na antas sa lipunan at ang sinumang sumuway ay pinapatawan ng pagkakulong at
kamatayan. Bawat lugar o bayan na kaniyang pinupuntahan ay sumusulat siya ng mga
kuwentong pabula na nauukol dito. Nakasulat ng humigit-kumulang na 200 mga pabula si
Aesop bago siya bawian ng buhay sa Gresya.

Lumitaw ang iba pang mga manunulat ng pabula sa katauhan nila Marie de France
(1300), Jean la Fontaine(1600), Gotthold Ephraim Lessing(1700) at maging si Ambrose
Bierce (1800). Si Jean La Fontaine ang naglathala ng kaniyang pabulang patulang Pranses
noong 1668. Nabigyang pagkakataon ding mailathala ni Milo Winter ang aklat na “The
Aesop for Children” bilang pagdakila sa mga kuwentong pabula ni Aesop. Tumanyag din
ang mga sinulat na pabula nina Babrias, Hesiod, Phaedrus, Phalacrus, Planudes, Romulus
at Socrates.

Ang pagtanyag ng mga dayuhang pabula ang siyang naging daan upang higit na
malinang ang ating sariling pabula. Umunlad pa ito nang sakupin ng España ang Pilipinas
sapagkat natuklasan nilang may sarili nang pabula ang mga katutubo na tinatangkilik bilang
paraan ng paglilibang at pangangaral sa mga anak. Sa pagkakataong ito, naghalo ang
dayuhang pabula at katutubong pabula ng Pilipinas na ating pinag-aaralan hanggang
sa kasalukuyan.

Tinataglay ng pabula ang magagandang aral gaya ng tama, patas, makatarungan at


makataong pakikisama sa kapwa. Mabuting paggabay ang dahilan kung bakit nagkainteres
ang mga tao na basahin at palaganapin ito sa mga lalawigan at rehiyon kung saan lumikha
sila ng kanilang bersyon ng pabula. Mabisang nailarawan at naipakita ang mga kaugalian at
kultura ng isang lalawigan o rehiyon sa pamamagitan ng mga hayop na taal o likas sa lugar
na natutungkulan. Ginamit na tauhan ang mga hayop upang maiwasan ang pag-aakusa sa
ilang grupo, lipi o tribo na sila ang pinatutungkulan ng pabula.

Nakarating ang pabula sa modernong panahon kasama na ang Pilipinas dahilan sa


pasaling-dila ng ating mga ninuno. Marami man sa mga kuwentong ito ay nawala na sa
pagdaan ng panahon, ang iba nama’y napagsikapang naitala at nailimbag sa mga bato, balat
ng kahoy, talukap ng niyog at maging sa mga dahon. Sa kasalukuyan, ang ilang mga pabula
ay nailathala na sa mga aklat at pinag-aaralan sa mga paaralan sa buong kapuluan. Ang mga
aral ng pabula ang siyang dahilan upang balik-balikang basahin ito hindi lamang ng mga
kabataan kundi maging ng mga Pilipinong may pusong bata. Ipinaalala nito sa atin ang
kahalagahan ng tamang pakikipagkapwa-tao, ang sa bawat isa anuman ang antas sa buhay,
pagganap ng tapat sa tungkulin sa pamahalaan, pananagutan sa lipunan at pagiging mabuting
magulang at anak.
23

Ang pábulá ay tumutukoy sa pang-araw-araw na buhay sa daigdig (maliban sa


pagsasalita ng mga hayop). Sa pabula, ang mga suliranin ay nilulutas hindi ng mga
kababalaghan, na tulad ng mga kuwentong engkantada, kundi sa pamamagitan ng
mapanusong paraan, paghahanda, o sa pamamagitan ng matalinong gawa na katulad ng tao
sa kanilang paglutas ng suliranin. Halimbawa:

Pabulang “Ang Aso at ang Uwak,” nakuha ng aso ang karne sa pamamagitan ng
pagpuri sa uwak. Sa pabulang “Ang Kuneho at Pagong,” naunahan ng pagong ang kuneho
dahil sa kanyang matiyaga at patuloy na paglalakad. Sa pabulang “Ang Matalinong Pagong
at Hangal na Matsing,” napaglalangan ng pagong ang matsing nang magkunwari siya na
ayaw na ayaw niya sa tubig. Ang mga aral sa mga pábulá ay naging bahagi ng ating pang-
araw-araw na pakikipag-usap tulad ng “Matalino man ang matsing,” “Huwag bibilangin
ang itlog,” at “Balat man ay malinamnam.”

Ngunit hindi naman lahat ng pábulá ang pangunahing gumaganap ay hayop.


Mayroon ding pábulá kung saan ang gumaganap ay tao katulad ng “Ang Batang Sumigaw
ng Lobo” at “Ang Babaing Manggagatas” o magkahalong hayop at tao na katulad ng
“Ang Mabait at Masungit na Buwaya”.
Ipinalalagay na nagsimula ang pábulá kay Esopo, isang aliping Griyego, sa taong
400 B.C. Siya ay pangit, tuso at matalino ngunit sa kanyang kahusayan sa pagkukuwento ng
pabula, siya’y pinalaya at nagkaroon ng tungkulin.

Parabula Mula sa https://tl.wikipedia.org/wiki/Talinghaga; https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-


of-parables-mga-parabula-kaligirang-pangkasaysayan-ng-parabula_1053.html

Ang talinghaga, talinhaga, o parabula ay isang maikling kuwentong may aral na


kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Ang parabula ay nanggaling sa English word na
parable na nanggaling naman sa Greek word na parabole na ang ibig sabihin ay maiksing
sanaysay tungkol sa buhay na maaring mangyari o nangyayari na kung saan nagtuturo
tungkol sa ispiritwal o kagandahang asal na magiging gabay ng isang taong nahaharap sa
pangangailangang mamili o magdesisyon.
Binanggit ni Lope K. Santos ang apat na katangian ng katutubong pagtula, at
kabilang dito ang tugma, sukat, talinghaga, at kariktan [Santos: 1929]. Mahaba ang
kaniyang paliwanag sa kapuwa sukat at tugma, ngunit manipis ang talakay hinggil sa
talinghaga at kariktan. Hindi malalayo ang pag-aaral nina Julian Cruz Balmaseda at Iñigo
Ed. Regalado sa pag-aaral ni L.K. Santos, ngunit imbes na “talinghaga” ay gagamitin ni
Regalado ang salitang “kaisipan.” Ang “kaisipan,” ani Regalado, ay “siyang salik na
kinapapalooban ng diwa’t mga talinghagang ipinapasok ng sumusulat. Dito nakikilala ang
tunay na manunula. Dito nasusukat ang ilaw ng pag-iisip at ang indayog ng guniguni ng
isang ganap na makata” [Regalado: 1947]. Mahihinuha sa talakay ni Regalado na ang
kaisipan ay sumasaklaw sa buong retorika ng pagtula.
Mahirap ipakahulugan ang “talinghaga” dahil salát na salát ang pakahulugan dito sa
mga diksiyonaryo, at kahit ang Vocabulario de la lengua tagala (1860) nina Juan de
Noceda at Pedro Sanlucar ay tinumbasan lamang iyon ng “misteryo” kumbaga sa kaisipan,
at “metapora” kumbaga sa kataga at pangungusap, at siyang nakalahok din sa akda ni L.K.
Santos. Para kay L.K. Santos, ang talinghaga ay hindi lamang sumasakop sa “sinekdoke,”
“metapora,” at “metonimiya” bagkus sa kabuuan ng retorika at poetika na tumatalakay sa
mga kaisipan at sari-saring pamamaraan ng pamamahayag nito. Taglay nito ang “di-
tuwirang pagpapahayag ng damdamin, hangad, bagay, o pangyayari sa pamamagitan ng
kataga o paglalarawan ng mga pangungusap na nilapatan ng tugma at sukat.”
Para kay L.K. Santos, may dalawang uri ng talinghaga: una, ang mababaw; at
ikalawa, ang malalim. Ang una’y tumutukoy sa madaling maunawaan ng nagbabasa o
nakikinig; samantalang ang ikalawa ay nangangailangan ng malalim na pag-iisip at tuon
upang maunawaan ang kahulugan. Ipinanukala naman ni Virgilio S. Almario na sinupin
“ang mga butil ng halagahan, paraan ng pahayag, at tayutay na ginagamit noon ng mga
makatang Tagalog.” Sa pamamagitan nito’y mauunawaan ang talinghaga, malilinang ang
anumang maituturing na katutubo at mapauunlad ang anumang kabaguhan. Ang paliwanag
ni Almario hinggil sa talinghaga ay nakapaloob sa aklat na Taludtod at Talinghaga (1991).
Ipinaliwanag niya roon ang pakahulugan at ang mga mekanismo ng talinghaga sang-ayon
sa naging gamit nito sa iba’t ibang yugto ng kasaysayan.
24

Ang “talinghaga,” ani Almario, ay ang “buod ng pagtula. Ito ang utak ng paglikha
at disiplinang pumapatnubay sa haraya at sa pagpili ng salita habang isinasagawa ang tula.
Sa gayon, napaghaharian nito ang pagbukal at pagdaloy ng diwa gayundin ang kislap ng
tayutay at sayusay na isinasangkap sa pagpapahayag.” Mabigat pa rin ang paliwanag ni
Almario, at para masuhayan ang gayong pahayag ay gagamitin niya ang “panloob at
panlabas na puwersa” na pawang kaugnay sa paglalarawan o pagsasalaysay ng tula, at
nakaaapekto sa pagsagap sa isang bagay, pangyayari, o persona. Ang panloob na puwersa
ay mahihinuhang may kaugnayan sa mga salita o sagisag na ginagamit sa loob ng tula,
samantalang ang panlabas na puwersa ay may kaugnayan umano sa anumang umaantig o
nakaaantig sa diwa o guniguni.
Kung paglalangkapin ang siniping mga pakahulugan, ang talinghaga ay maaaring
magtaglay ng mga sumusunod na katangian: una, ito ang sisidlan ng diwa; ikalawa, ito ang
palaisipan na nakasakay sa pahiwatig at ligoy; ikatlo, ito ang disenyo at paraan ng
pagpapahayag, paglalarawan, o pagsasalaysay; ikaapat, ito ang buod na nilalaman ng tula.
Maidaragdag ko rito ang isa pang elemento, at ito ang resultang diwain sanhi ng
kombinasyon ng mga salita, sagisag, pahiwatig, pakahulugan, at disenyong taglay ng tula.
Ano ang ibig sabihin nito? Ang talinghaga ay hindi malamig na bagay na nakatago sa loob
ng tula. Nabubuo ito sa pagsasalikop at pagsasalimbayan ng mga salita at disenyo sa loob
ng tula, at naihahayag sa isang pambihirang pamamaraan. Ang dalawa o higit pang salita na
pawang may kani-kaniyang pakahulugan o pahiwatig ay nagkakaroon ng isa o higit pang
resultang pahiwatig o pakahulugan kapag pinagsama-sama. Mababatid ito sa ganitong
hatag: A+B=C. Tumatayo ang A sa unang salita, ang B sa ikalawang salita, at ang resultang
pahiwatig ay ang C, bagaman ang C na ito ay maaaring hindi lamang isa ang pahiwatig,
gaya ng bugtong, bagkus iba-iba ang pahiwatig, gaya ng iniluluwal ng salawikain.
Ipinapalagay dito na ang A ay hindi lamang simpleng singkahulugan ng B. Tingnan ang
halimbawang ito:

Ang tubig ma’y malalim


malilirip kung libdin
itong budhing magaling
maliwag paghanapin.

Sa naturang kawikaan, isinasaad na gaano man kalalim ang tubig, gaya sa dagat o
ilog, ay madali itong mababatid kung nanaisin ninuman kompara sa “budhing magaling”
(mabuting kalooban) na mahirap matagpuan sa libo-libong tao. Kasalungat ng “budhing
magaling” ang “budhing masama” na tumutukoy sa mga tao na may negatibong asal o ugali.
Sa naturang tula, ang talinghaga ay ang bunga ng kombinasyon ng “tubig,” “budhi,”
“malilirip,” at “maliwag.” Talinghaga rin ang konseptong nabuo sa paghahambing ng
“budhi” at “tubig,” ng “malalim” at “magaling,” at ng “malilirip” at “mahirap hanapin.” Ang
“tubig” o “budhi” ay hindi maituturing na talinghaga agad hangga’t hindi lumalampas ito sa
likas o nakagawiang pagkakaunawa rito, saka naiuugnay sa iba pang salitang may partikular
ding diwain. Samantala, ang “tubig,” na ikinabit na pahambing sa “budhi,” ay mahihinuhang
lumalampas sa ordinaryong pakahulugan, nagiging talinghaga, at nagiging kasangkapan
upang maitanghal ang kakatwang katangian ng kalooban ng tao.
Heto ang isa pang halimbawa:
Ang katakatayak, sukat
makapagkati ng dagat.
Ipinahihiwatig ng matandang kawikaang ito, na itinala nina Noceda at Sanlucar, na
ang isang patak na alak ay makapagtataboy palayo ng mga alon. Sa ibang anggulo, ang
“patak ng alak” ay kaya umanong makahawi ng dagat, gaya sa Biblikong alusyon. Ang
talinghaga rito ay hindi lamang ang “utak” o “diwa” ng pagkakalikha. Tumitindi ang
pahiwatig ng paglalarawan sa kombinasyon ng mga salitang “katakatayak” at “dagat” na
bagaman magkasalungat ang katangian (maliit ang una at malaki ang ikalawa) ay kayang
makapagluwal ng kabatirang maparikala.
Hinihikayat ng tula ang mambabasa na aninawin kung ano ang “katakatayak” o
“dagat” nang higit sa karaniwang pagkakaunawa rito ng mga tao. Ang katakatayak ay
mahihinuhang metonimiya lamang ng bisyo o paglalasing, kung ibabatay sa kaugalian ng
mga tao noon na mahilig uminom ng alak, gaya ng tuba o lambanog. At ang “dagat” ay
25

maaaring hindi ang pisikal na dagat, kundi maaaring tumukoy sa “kaugalian,” “lipunan,”
“katahimikan,” at iba pang diwaing matalik noon sa mga katutubo. Sa naturang pahayag,
ang resultang kabatiran ay maaaring magsanga-sanga, dahil ang “katakatayak” ay maaaring
sipatin sa doble-karang paraan: positibo (dahil sumasalungat sa nakararami) at negatibo
(dahil maaaring taliwas ang patak o gawi sa itinatakda ng kalikasan).
Ang resultang diwain ay masisipat na hindi rin basta ang “buod” [summary] ng
tula, kung isasaalang-alang ang mga tulang pasalaysay. Ang serye ng mga pangyayari ay
dapat may kakayahang magluwal ng isang pahiwatig nang higit sa dapat asahan. Maaaring
ihalimbawa ang tula ni Regalado na pinamagatang “Ang Salát sa Isip”:
Ang aking si Kuting may nahuling daga
kinakagat-kagat sa aming kusina,
nang aking makita, sa daga’y naawa,
pusa’y binugaw ko, daga’y nakawala.
Nang kinabukasan, ang bago kong damit
uka’t sira-sira sa pagkakaligpit,
ako ang naawa’y sa akin nagalit,
ganyan kung gumanti ang salát sa isip!
Maituturing na tulang pambata ito na hinggil sa istorya ng dagang nahuli ng alagang
pusa ng persona. Ang hatag ng mga pangyayari ay masisipat nang ganito. Una, naawa ang
persona nang akmang kakainin ng pusa ang daga. Ikalawa, pinalis ang pusa. Ikatlo,
nakatakas ang daga. Ikaapat, gumanti ng paninira ang daga sa persona. At ikalima, salát sa
isip ang daga. Kung wawariin, ang resultang diwain o talinghaga ay hindi ang simpleng
pagganti ng daga. Ang literal na daga ay maaaring lumampas sa nakagawiang
pagkakaunawa rito ng madla sakali’t ikinabit sa “pag-iisip.” Bagaman may utak ang daga,
nabubuhay ito batay sa instinct at alinsunod sa likás na pangangailangan. Ang pagganti nito
ay pagpapamalay ng mataas na kalooban, na matataglay lamang ng tao. Samantala’y may
ilang tao na walang utang na loob, at kahit tinulungan na’y nagagawa pang gumanti sa
negatibong paraan para manaig sa kapuwa. Sa tula, hindi na magbubulay pa ang daga na
tinulungan ito ng persona, at wala itong hangad na pumantay sa antas ng tao. Pabaligtad na
ipinahihiwatig wari ng tula na may ilang tao na gaya ng daga, at ito ay hindi lamang dahil
sa kasalatan sa isip kundi sa pagtalikod sa makataong damdamin. At ang awa ay hindi dapat
ibinibigay sa lahat ng pagkakataon, dahil ang “awa” ay nararapat lamang sa sinumang
makauunawa ng gayong kaselang damdamin. Ang nasabing kabatiran ang maituturing na
talinghaga.
Ang “talinghaga” ay nadaragdagan ng pakahulugan habang lumilipas ang panahon.
Masisipat ito hindi lamang bilang resultang diwain o pangyayari, bagkus maging sa
pagpapahiwatig ng aksiyon o pagbabago ng mga tauhan, lunan, at panahon. Heto ang isang
tanaga na pinamagatang “Tag-init” (1943) ni Ildefonso Santos:
Alipatong lumapag
Sa lupa—nagkabitak
Sa kahoy—nalugayak
Sa puso—naglagablab!
Sa tanagang ito, ang “alipato” na tumutukoy sa munting apoy mula sa lumilipad na
titis o abo ay maituturing na lumalampas sa ordinaryo’t nakagawiang pagpapakahulugan.
Ang pagbabagong idinudulot ng alipato ay serye ng mga pambihirang pangyayari. Una,
pagkatuyot ng lupa. Ikalawa, pagkasira ng kahoy. At ikatlo, pagkabuhay sa damdamin. Ang
alipato kung gayon ay masisipat na pahiwatig ng munting pangyayari na makalilikha ng
malaking pagbabago sa buhay o kaligiran ng tao. Ang iba’t ibang antas ng kabatiran o
anomalya hinggil sa “alipato” ang masasabing talinghaga ng tula. Tumitindi ang talinghaga
kung idaragdag ang pambihirang tugma, na bumabagay sa masilakbong damdamin o
pangyayari. Ang ganitong taktika ay ginagawa ng mga makata upang umangkop ang tunog
o himig sa nais iparating na pahiwatig ng tula. Mahihunuha na ginamit lamang ang “alipato”
bilang kasangkapang panghalili sa bagay na makapagdudulot ng pagkasira o pagkabuhay sa
sarili o paligid.
Ang pagpapakahulugan sa “talinghaga” na binanggit dito ay hindi pangwakas,
bagkus muling pagsipat at pagdaragdag sa mga naunang pakahulugan. Inaasahan ang
pagiging dinamiko ng pakahulugan, dahil kung magiging estatiko ito ay mahuhubdan ng
26

“misteryo” ang salita at maaaring itumbas lamang sa napakakitid na pagkakaunawa sa


banyagang “metapora.”
Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit
nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang
isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na
tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita
gaya ng tao. Isang katangian nito ang pagiging isang kuwentong naglalahad o nagpapakita
ng kung paanong katulad ng isang bagay ang iba pang bagay. Karamihan sa mga
talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni Hesus, na nagtuturo ng kung ano ang
katangian ng Kaharian ng Diyos.

Halimbawa:
Talinghaga ng Nawawalang Tupa

Minsan may isang pastol na may isandaang tupa na inaalagaan. Bawat isa ay
kanyang iniingatan at ginagabayan. Pinoprotektahan din niya sa mga lobo ang kanyang
mga tupa, at itinutuwid ng landas sa tuwing sila’y maglalakbay.

Ngunit isang araw, nang bilangin ng pastol ang kanyang mga tupa’y bigla siyang
nanlumo.

Siyamnapu’t siyam lamang ang kanyang bilang. May isang tupa na nawawala. Sa
katunayan, ang tupang iyon ang pinakamaliit sa lahat. At hinding-hindi niya
makakalimutan ang itsura nito at ng tinig nito, bagama’t halos pare-pareho ang itsura ng
mga tupa.

Kaagad kumilos ang pastol. Inayos niya ang siyamnapu’t siyam niyang tupa sa
isang tabi, at siya ay lumisan upang hanapin ang nawawalang tupa. Hindi lubos
maintindihan ng naiwang mga tupa kung bakit ganoon na lamang ang pagpapahalaga ng
kanilang amo sa isang nawawalang tupa at handa nitong iwan silang siyamnapu’t siyam.
Hanggang sa magbalik ang kanilang amo. Dala na nito ang nawawalang tupa at ito ay
maligayang-maligaya!

Ang sabi ng pastol sa kanyang mga tupa, Sinuman sa inyo ang mawala, hahanapin
ko rin. Kung papaano kong hinanap ang isang ito. Dahil lahat kayo ay mahalaga sa akin.

Bugtong Hango sa https://noypi.com.ph/bugtong/#Bagay

Ang bugtong ay isang pangungusap o tanong na kadalasang nilalaro ng mga batang


pinoy, at ng mga nakakatanda. Ito ay may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang
isang palaisipan. Ito ay gumagamit ng talinghaga, o mga metapora sa pagsasalarawan isang
partikular na bagay o mga bagay na hulaan. Madalas itong nangangailangan ng katalinuhan
at maingat ng ninilay-nilay para mahulaan ang palaisipan o tanong.

Halimbawa:

1. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan. Anino

2. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon. banig

3. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari. siper

4. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas. gamu-gamo

5. Nagbibigay na, sinasakal pa. Bote

6. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari. paruparo

7. Dalawang batong itim, malayo ang nararating. mga mata

8. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita. tenga


27

9. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit. baril

10. Binili ko nang di nagustuhan, ginamit ko nang di ko nalalaman. Kabaong

Mga Salawikain Mula sa https://dakilapinoy.com/2008/10/13/balanse-ng-salita-sa-salawikain-bilang-tula/

Ang nasabing salawikain ay binubuo lamang ng dalawang taludtod. Ang unang


taludtod ay may sukat na walong pantig, at tumitimbang sa walong pantig ng ikalawang
taludtod. Nilangkapan naman ng tugmang malakas ang dulong taludtod (“súkat” at
“dágat”) na pawang may malumay na bigkas. Ang maganda sa tula’y balanseng-balanse
kahit ang bilang ng salita sa dalawang taludtod, na may tigtatatlong salita. Kung
bababasahin kung gayon ang naturang tula’y maiaangkop para himigin nang paawit. Hindi
gaanong napapansin sa pag-aaral ang naturang pagtitimbang ng mga salita, at inaakala ng
iba na pulos pandulong tugma lamang ang alam ng sinaunang Tagalog.
Isa sa mga katangian ng sinaunang salawikain ay ang masinop at balanseng
distribusyon ng mga salita sa isang saknong. Ang salawikain bilang tula ay hindi lamang
ginagabayan ng katutubong sukat at tugma, bagkus kaugnay ang mga ito sa bilang ng mga
salita sa bawat taludtod. Maihahalimbawa ang sinaunang kawikaang mahuhugot
sa Vocabulario de la lengua Tagala (1860) nina Juan de Noceda at Pedro Sanlucar:
1. Ang katakatayak, sukat (a)
2. makapagkati ng dagat. (a)
Ang nasabing salawikain ay binubuo lamang ng dalawang taludtod. Ang unang
taludtod ay may sukat na walong pantig, at tumitimbang sa walong pantig ng ikalawang
taludtod. Nilangkapan naman ng tugmang malakas ang dulong taludtod (“súkat” at “dágat”)
na pawang may malumay na bigkas. Ang maganda sa tula’y balanseng-balanse kahit ang
bilang ng salita sa dalawang taludtod, na may tigtatatlong salita. Kung bababasahin kung
gayon ang naturang tula’y maiaangkop para himigin nang paawit. Hindi gaanong
napapansin sa pag-aaral ang naturang pagtitimbang ng mga salita, at inaakala ng iba na pulos
pandulong tugma lamang ang alam ng sinaunang Tagalog.

Madali lamang unawain kung ano ang ibig sabihin ng salawikain kapag inurirat
kung ano ang mga pakahulugan ng mga salita. Tumutukoy ang “katakatayak” sa “isang
patak na alak”; ang “makapagkáti” ay nagsasaad ng kakayahang “makapagtaboy ng alon
palayo sa laot” o “magdulot ng pagbaba ng antas-dagat” (i.e., low tide); at ang “súkat” ay
idyomatikong pahayag na katumbas ng “sapat na.” Sa unang malas ay magaan ang pahayag
ng salawikain, ngunit kung uuriin nang maigi’y malalim. Mapapansin ito kapag
pinagdugtong ng guhit ang mga salitang “katakatayak” (na napakaliit) at “dagat” (na
napakalaki). May anomalya rin kapag pinagdugtong ng guhit ang “sukat” at “makapagkati”
dahil paanong sasapat ang isang patak ng alak para hawiin ang dagat? Magugunita ang
Biblikong alusyon ng paghawi ni Moses sa dagat nang patawirin ang kaniyang lipi para
takasan ang mga humahabol na kawal Ehipsiyo. Ngunit walang kaugnayan ang naturang
salawikain sa Biblikong pangyayari dahil may sariling diskurso ang Tagalog hinggil sa mga
katawagan sa alak at dagat bago pa man dumating ang mga mananakop na Espanyol.

Ang susi ng salawikain ay sa paghahanap ng pahiwatig hinggil sa “katakatayak.”


Ang “katakatayak” ay maaaring isang munting bagay na makapaghahasik ng pagkatuyot, at
ang pagkatuyot na ito ay maaaring umaabot sa hanggahan ng himala at di-kapani-paniwala
ngunit may posibilidad na maganap. Halimbawa, ang “katakatayak” ay maaaring isang
maliit na kasalanan na kaugnay ng bisyo, at ang munting kasalanang ito ay makabibiyak ng
masayang pagsasama ng pamilya o pamayanan o bansa. Sa kabilang dako, maaaring sipatin
din ang “katakatayak” sa positibong paraan, na ang isang munting mabuting gawa at di-
kumbensiyonal ay makalilikha ng daluyong na pagbabago sa hanay ng malaganap at
kumbensiyonal na kasamaan. Lalawak pa ang mga pakahulugan ng salawikain kung ilalapat
dito ang mga pakahulugan ng bawat komunidad na gumagamit ng nasabing salawikain at
iangkop sa silbi nitong pagbuklurin ang mga tao sa antas man ng moral, politika, ekonomiya,
ideolohiya, at iba pang bagay.
Ang taktika ng pagtitimbang ng mga salita sa saknong ay hindi lamang
magwawakas sa sinaunang salawikain. Maihahalimbawa ang tulang “Pasubali” ni Manuel
28

Principe Bautista, na kisangkapan ang tayutay ng sinaunang Tagalog, at nilangkapan ng


siste, upang sumariwa at tumalim sa higit na mabisang paraan:

Pasubali ni Manuel Principe Bautista


Mamangka man ako sa dalawang ilog,
ako ay dadaong
Sa dalampasigan ng dibdib mo, Irog.

Binubuo ang nasabing tula ng tatlong taludtod: Ang una’t ikatlong taludtod ay may
tiglalabindalawahing pantig at pawang may tugmang malakas at malumay (“ilog” at “irog”);
samantalang ang ikalawang taludtod ay may anim na pantig, at maipapalagay na walang
tugma. Gumaganda ang tula dahil sa biswal nitong hugis na bangka, na ang una’t ikatlong
taludtod ay nagsisilbing katig at ang ikalawang saknong ang pinakalawas ng bangka. Ngunit
higit pa rito, pansinin na balanse kahit ang distribusyon ng mga salita: Ang unang taludtod
ay may anim na salita, at titimbangin ng anim na salita sa ikatlong taludtod. Ang ikalawang
taludtod naman ay tatlong salita na kalahati ng una’t ikatlong taludtod.

Ang paglalaro ni Bautista ay makikita kahit sa estratehikong posisyon ng


“mamangka” at “dalampasigan”; “dalawa” at “dibdib”; “mo” at “ako”; at “ilog” at “irog.”
Ang tula ay humuhugot ng alusyon sa kasabihang “Huwag kang mamangka sa dalawang
ilog,” na tumutukoy sa paglalaro ng lalaki sa magkabukod na relasyon nito sa dalawang
babae (na maaaring kasintahan o kalaguyo). Gayunman, hindi inuulit lamang ng tula ang
de-kahong pagtingin sa gayong relasyon. Ipinahihiwatig ng tula na kahit pa may dalawang
babae ang lalaki, uuwi pa rin ang naturang lalaki sa kaniyang orihinal na asawa o tunay na
minamahal na kasintahan. Ang susi sa paghihiwatigan ay mahihinuhang nasa “ilog” (babae)
na siyang tatawirin ng “bangka” (lalaki). Hindi ganito kadali ang tumbasan dahil may iba
pang espesyal na pampang o dalampasigan ang uuwian ng bangkero. Ang “pampang” o
“dalampasigan” na ito ay ang matalinghagang “dibdib” na tumutukoy sa “pag-ibig” o kaya’y
sa literal na pakahulugang “suso” ng sinisinta. Ipinahihiwatig lamang ng tula ni Bautista na
kahit magloko ang lalaki, yaon ay panandalian lamang, at siya ay mananatiling tapat sa kung
sino man ang minamahal na asawa o kasintahan. Bolero kung gayon ang persona sa tula.

Gayunman, may katapatan ang himig niyon at nagsasaad lamang na sadyang


dumaraan ang lalaki sa yugto ng paglalaro, subalit ang wakas ay laging sa piling ng
pinakamamahal na asawa.

Ang balanse sa pananaludtod ay hindi tsambahan, gaya ng ipinamalas na mga


halimbawa sa itaas. Maláy ang mga batikang makata sa paghahanay ng mga salita, at ang
pagtula’y hindi basta pagbubuo ng mga linyang may sukat at tugma, lalo sa daigdig ng
Tagalog. Ang kalikutan ng guniguni ng mga makata ay hindi lamang sa pag-uulit ng mga
nakikita sa paligid, bagkus sa muling pagpapakahulugan at interpretasyon ng paligid upang
lumikha ng sariwang realidad.

Bahagi ng panitikang Pilipino ang mga salawikain. Binubuo ito ng mga salitang
matatalinhaga at mapalamuti. Ito rin ay maaaring binubuo ng mga idyoma. Ang bawat
kasabihan ay may nakatagong kahulugan. Ang mga salawikain ay binubuo ng mga taludtod,
mayroong mga sinulat na magkakatugma at mayroon namang hindi. Ito ay na-aayon sa
opinion at saloobin ng indibidwal na gumawa o sumulat nito. Nag-iiwan ito ng aral at
pilosopiya sa bawat magbabasa.
Ang mga ibang kasabihan ay naging bahagi na ng ating kulturang pangwika, lalo na
yong mga sinulat at binigkas ng mga dakila nating mga bayani at mga batikang manunulat.
Marami sa mga ito ay karaniwan na nating nababasa sa mga aklat at ginagamit bilang
pampakulay sa mga pananalita. Mahalaga ang salawikain sa buhay ng isang Pilipino.
Kung ano ang hindi mo gusto,
Huwag gawin sa iba
Kung ano ang iyong inutang
Ay siya ring kabayaran
29

Malayang Talakayan:

1. Ilahad ang kaibhan ng parabula sa salawikain.


2. Maglahad ng parabula at ano ang nais iparating dito?
3. Ano ang gamit ng bugtong?
4. Bakit hayop ang ginamit na tauhan sa pabula?

E. Pagtalakay sa Nilalaman:

1. Paano at kailan nagsimula ang Pabula, Parabula, Bugtong, at Salawikain sa


daigdig at sa Pilipinas?
2. Ano-ano ang mga kabutihang dulot ng mga ito sa ating panitikan?
3. Sino-sino ang mga taong nakapag-ambag ng malaki sa ganitong uring panitikan?
4. Paano nabuo ang ganitong uri ng panitikan?

F. Gawin mo!
1. Sa isang organizer, ilahad ang kaibahan ng Pabula, Parabula, Bugtong, at
Salawikain.

2. Gumawa ng isang “flyers”sa bawat uri.

Pamantayan
Nilalaman 15
Presentasyon 10
Organisasyon 10
Hikayat 15
50
G. Buod
1. Bakit nabuo ang pabula?
2. Ano ang meron sa parabula o talinghaga na wala sa salawikain?

H. Pagtataya

1. Pagbubuo ng tula ayon sa uri nito na may konsepto ng pang-unawa sa


kapaligiran na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay at respeto at
pangangalaga na humimok sa pagkatuto.

Pamantayan
Nilalaman -5
Presentasyon -5
Organisasyon -5
Hikayat -5
20
I. Takdang Aralin:
Bumuo ng tig dalawang tulang Haiku at Tanaga.

Pamantayan
Nilalaman -5
Presentasyon -5
Organisasyon -5
Hikayat -5
20
BUMALIK
30

VI. MODYUL 3 MITOLOHIYA

A. Panimula
Ang mitolohiya ay karaniwang tumtalakay ng mga kuwentong mito ang
mga diyos at nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan. Halimbawa
na ang kung paano nagkaroon ng hangin o mga karagatan. May kaugnayan ang mitolohiya
sa alamat at kuwentong-bayan.

B. Layunin:
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay dapat nang:
1. Makatutukoy sa mga paksang nakapaloob sa kurso;
2. Makakukuha ng pilosopiya o teorya batay sa nilalaman;
3. Makalalahad ng mga obserbasyon buhat sa kurso;
4. Makauugnay sa mga natutunan sa kasalukuyan;
5. Makapupulot ng kaalaman buhat sa mga aralin.

C. Mga Tanong:
1. Paano at kailan nagsimula ang mitolohiya sa a daigdig at sa Pilipinas?
2. Ano-ano ang mga kabutihang dulot ng mga ito sa ating panitikan?
3. Sino-sino ang mga taong nakapag-ambag ng malaki sa ganitong uring panitikan?
4. Paano natin mapanatili ang ganitong uri ng panitikan?

D. Mga Gawain sa Pagkatoto

Aralin 1

Ang mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga tradisyonal na


kuwento o mito (Ingles: myth), mga kuwento na binubuo ng isang partikular
na relihiyon o paniniwala. Karaniwang tinatalakay ng mga kuwentong mito ang mga diyos at
nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan. Halimbawa na ang kung
paano nagkaroon ng hangin o mga karagatan. May kaugnayan ang mitolohiya
sa alamat at kuwentong-bayan

Ang isa sa mga sikat na mitolohiya ay ang mitolohiya ng mga Griyego o ang
tinatawag na mitolohiyang Griyego. Ilan sa mga sikat na tauhan sa mitolohiya ng mga
Griyego ay ang mga diyos na sina Zeus, Aphrodite, Athena, at iba pa.

Ang mitolohiyang Griyego ang katawan ng mga mito at katuruan ng


mga Sinaunang Griyego na nauukol at nagpapaliwanag ng pinagmulan at kalikasan ng
mundo at nagdedetalye ng mga buhay at pakikipagsapalaran ng kanilang iba't ibang
mga Diyos at mga Bayani. Ang mitolohiyang Griyego ay isang bahagi ng relihiyon sa
modernong Gresya at sa buong mundo na kilala bilang Hellenismos. Ang mga modernong
skolar ay nag-aaral ng mitolohiyang Griyego upang magbigay linaw sa mga institusyong
relihiyoso at pampolitika ng Sinaunang Gresya at ng kabihasnan nito. Pinag-aaralan rin ito
ng mga skolar upang maunawaan ang kalikasan ng mismong paggawa ng mito. Sa simula,
ang mga salaysay na ito ay pinapakalat sa Sinaunang Gresya sa isang tradisyong tulang-
pabigkas. Sa kasalukuyan, ang ating mga nanatiling sanggunian ng
mga mitolohiyang Griyego ay mga gawang pang-panitikan ng mga tradisyong pagbigkas.
Sumasalamin din ang mitolohiyang Griyego sa mga artipakto, ilang mga gawang sining, lalo
na iyong mga pintor ng mga plurera. Tinutukoy ng mga Griyego mismo ang mga mitolohiya
at mga kaugnay na gawang sining upang magbigay liwanag sa mga kultong pagsasanay
at ritwal na mga tradisyon na napakaluma na at, minsan, hindi nauunawang mabuti.

Ang Greek trinity at ang pamamahagi ng tatlong mga kaharian ng Daigdig: Zeus
God (Langit), Poseidon (Seas at karagatan) at Hades (Underworld). Ang Theos (menor de
edad na diyos) ay mga anak ng Trinidad na ito.
Ang Sinaunang Gresya ang kabihasnang Griyego na kabilang sa isang panahon
ng kasaysayan ng Gresya na tumagal ng mga isang libong taon mula ika-8 siglo BCE
31

hanggang ika-6 siglo BCE hanggang sa wakas ng antikwidad(ca. 600 CE). Pagkatapos ng
panahong ito ang pasimula ng Maagang mga gitnang panahon at
panahong Bisantino.[1] Kabilang sa Sinaunang Gresya ang panahon ng Klasikong Gresya na
yumabong noong ika-5 hanggang ika-4 siglo BCE. Ang Klasikong Gresya ay nagsimula sa
pagpapatalsik sa isang pananakop na Persa (Persian) ng mga pinunong Atenian. Dahil sa
mga pananakop ni Dakilang Alejandro, ang kabihasnang Helenistiko ay yumabong
mula Sentral Asya hanggang sa kanluraning dulo ng Dagat Mediteraneo.
Ang kulturang Griyego lalo na ang pilosopiya ay makapangyarihang
nakaimpluwensiya sa Imperyong Romano na nagdala ng bersiyon nito sa maraming mga
bahagi ng Europo at ito ang isa sa mga inspirasyon ng Muling Pagsilang sa Kanlurang
Europa. Ito rin ang naging batayan ng pagusbong ng Neoklasisismo sa Europa at mga
Amerika noong ika-18 at ika-19 na dantaon.
Ginagamit ang salitang Sinaunang Gresya patungkol sa mga tao, pamumuhay at
kaganapan sa mga lugar kung saan Grego ang salita ng mga tao noong sinaunang panahon.
Maliban sa peninsula ng Gresya, kabilang dito ang Tsipre, mga isla sa Dagat Aegea, ang
baybayin ng Anatolia (kilala noon bilang Ionia), Sicily sa timog Italya (kilala noon
bilang Magna Graecia), at ang mga kalat na tirahan ng mga Grego sa baybayin
ng Kolkis, Illyria, Thrace, Ehipto, Cyrenaica, timog Gaul, silangan at hilagang-silangan
ng Peninsulang Iberiko, Iberia at Taurica.

Ang Mitolohiyang Griyego ay pangunahing alam ngayon mula sa panitikang


Griyego at mga representasyon sa mga biswal na media na mula pa sa panahong
Heometriko mula c. 900 hanggang 800 BCE at pasulong.[1] Sa katunayan, ang mga
sangguniang pampanitikan at arkeolohikal ay nagsasama at minsang parehong sumusuporta
sa bawat isa at minsan magkasalungat. Gayunpaman, sa maraming mga kaso, ang pag-iral
ng corpus ng datos ay isang malakas na indikasyon na ang marami sa mga elemento ng
mitolohiyang Griyego ay may malakas na pinag-ugatang paktuwal at historikal.[2] Ang
kabilang sa pinakamaagang mga sangguniang pampanitikan ang dalawang mga tulang epiko
ni Homer na Iliad at Odyssey. Ang ibang mga manunula ay bumuo ng isang siklong epiko
ngunit ang mga kalaunan at mas mababang mga tula ay halos buong nawala. Sa kabila ng
kanilang pangalang tradisyonal, ang mga imnong Homeriko ay walang direktang kaugnayan
kay Homer. May mga pang-korong himno mula sa mas maagang bahagi ng tinatawag na
panahong Liriko. Si Hesiod na isang posibleng kontemporaryo ni Homer ay nagbibigay sa
kanyang Theogony (Pinagmulan ng mga Diyos) ang pinakabuong salaysay ng ng mga
pinakamaagang mitong Griyego na nauukol sa paglikha ng mundo, ang pinagmulan ng
mga Diyos, mga Titan, mga Higante gayundin din ang masalimuot na mga henealohiya, mga
kuwentong bayan, at mga mitong etiolohikal. Ang Mga Gawa at Araw ni Hesiod ay isang
didaktikong tula tungkol sa buhay pagsasaka na kinabibilangan rin ng mga mito
ni Prometheus, Pandora at ng Mga Apat na Panahon.

Mitolohiyang Pilipino Hango mula https://tl.wikipedia.org/wiki/Mitolohiyang_Pilipino

Ang mitolohiyang Pilipino at mga kuwentong bayan ay kinabibilangan ng mga


salaysay at pamahiin hinggil sa mga masalamangkang mga nilalang at nilikha ng
mga Pilipino. Ito'y mga paniniwala na mula sa mga panahon bago dumating ang mga
Espanyol at ipinakilala ang Kristyanismo. Hangang ngayong ang paniniwala sa mga diyus-
diyusan sa mitolohiyang Pilipino at mga pamahiin ay buhay pa rin sa kulturang Pilipino lalo
na sa mga probinsiya. Sa mitolohiyang Pilipino, si Bathala ang tinuturing bilang ang
makapangyarihan na diyos sa buong daigdig. Ang mitolohiyang Pilipino ay halu-halo dahil
sa rami ng mga etnikong grupo at katutubo na may sari-saring paniniwala at diyus-diyusan.
Ang Mitolohiyang Pilipino ay binubuo ng mga diyos, mga hayop, mga mahiwagang
nilalang at mga diwata. Ito rin ay binubuo ng mga panitikan; mga epiko, alamat at
kuwentong bayan.

Kasaysayan at impluwensiya ng mga Asyano

Bago dumating ang mga sinaunang Pilipino ay mayroon ng sariling relihiyon tulad
ng Animismo; ang pagsamba sa kalikasan, at Paganismo. Ang mga paniniwala nila ay
inipluwensiyahan ng mga banyaga lalo na ang mga Indiyano, Malay at Indones at ibang mga
Asyano na lumahok sa pangangalakal sa ating bansa.
32

Bathala - ang pinaka makapangyarihang diyos sa lahat ng mga diyos, siya rin ay
kilala bilang Maykapal. Sa Pilipinas, si Bathala ay may pagkakatulad sa diyos ng mga
Indones na si Batara Guru at ng mga Indiyano na si Shiva, habang ang Indiyanong Epiko
na Ramayana at Mahabharata ay isinalin sa katutubong wika ng Pilipino at maraming
salin ito sa iba't ibang relihiyon ng mga katutubong Pilipino. Ang mga impluwensiya na ito
ay idinala ng mga nangangalakal mula sa karatig na mga bansa noong nabuhay pa ang
Indiyanong kaharian sa Thailand, Malaysia at Indonesia. Ang mga diyos sa mitolohiyang
Pilipino ay bahagyang dahan-dahan na nawala sa pagdating ng mga Espanyol at ipinakilala
ang Kristyanismo. Ang mga Espanyol ay naging agresibo sa kanilang kampanya laban sa
mga katutubong relihiyon na naging resulta sa diskriminasyon sa mga hindi Kristyano.
Inutos ng Simbahang Katoliko na isunog at itapon ang mga anito ng mga Pilipino at lahat
ang mahuhuli na sumasamba sa mga anito ay susunugin o kaya paparusahan. Sa
modernong panahon ngayon marami pa rin ang naniniwala.

Lakapati - ang diyosa ng pagkamayabong.


Pati - ang diyos ng ulan.
Lakambakod - ang diyos ng mga palay at ang paghilom ng mga sugat.
Apolaki - siya ang pinapaniwalaan na siya ang diyos ng digmaan, paglalakbay at
pangangalakal.
Mayari - ang diyosa ng buwan.
Lakambini - ang diyosa ng pagkain.
Lingga - ang diyos ng paghilom ng sugat at pagkamayabong.
Mangkukutod - ang diyos ng isang partikular na grupo ng mga Tagalog.
Anitong Tao - ang diyos ng ulan at hangin.
Agawe - diyos ng tubig
hayo - diyos ng dagat
idionale - diyosa ng pagsasaka
Lisbusawen - diyos ng mga kaluluwa

Mga mahiwagang nilalang

Aswang - siya rin ay isang diyos pero ang Aswang ay pinaniniwalaan na ito'y tao na
kumakain ng kapwa tao, kung minsan ang mga ito ay pinapaniwalaan na may mga pakpak
at sila raw ay gising kung gabi para maghanap ng makakantot or maaswang.
Duwende - pinapaniwalaan bilang isang maliit na tao na may mga mahiwagang
kapangyarihan.
Kapre - isang uri ng halimaw na napakalaki at napaka mabalahibo, pinaniniwalaang ito ay
mahilig sa tabako
Maligno - ay isang nilalang na pinaniniwalaang nahahati sa mabuti at masamang grupo.
Manananggal - ay isang nilalang na may kakayahang magbago ng anyo tuwing kabilugan
ng buwan.
Tikbalang - ay isang nilalang na may mala-kabayong hitsura.
Tiyanak - isang sanggol na nagiging halimaw tuwing sasapit ang gabi at lalong mabangis
tuwing kabilugan ng buwan.
Lolong - isang matandang nagkakatotoo ang panaginip.

Mga diyos ng Paglikha


Bathala
Iba pang mga diyos
Bakunawa
Kan-Laon
Mangindusa
Mga mitikal na nilalang
Aswang
Diwata
Duwende
Engkanto
Juan Tamad
Malakas at Maganda
Mambabarang
Manananggal
33

Mangkukulam
Mariang Makiling
Nuno sa punso
Maalamat na mga Hayop
Bakunawa
Ekek
Kapre
Manaul
Sarimanok
Sigbin
Sirena
Siyokoy
Tikbalang
Tiyanak

Diyosa sa Mitolohiyang Pilipino


 Bathala - pangunahing Diyos
 Idionale - diyos ng mabuting gawain
 Anion tabo - diyos ng hangin at ulan
 Apolaki - diyos ng digmaan
 Hanan - diyos ng mabuting pag-aani
 Mapolan masalanta - patron ng mangingibig
 Libongan - nagtatanod sa pagsilang ng isang buhay
 Libugan - ang nangangasiwa sa pag-aasawa
 Limoan - nangangasiwa kung paano namamatay
 Tala - diyosa ng pang-umagang bituin

Mabubuting Ispirito sa Mitolohiyang Pilipino


1. Patianak- taga tanod sa lupa
2. Mamanjig- nangingiliti sa mga bata
Masasamang Ispirito sa Mitolohiyang Pilipino
1. Tiktik
2. Tanggal
3. Tama-tama
4. Kapre
5. Salot
7. tanggal
8. kapre

Kahalagahan ng Mitolohiya
1. Nakatutulong ito sa ikakaganda at ikauunlad ng kultura na kinapapalooban ng mga
tradisyon, kaugalian, at paniniwala.
2. Nakatutulong sa ikauunlad ng mga gawaing panlipunan.
3. Sa pananampalataya nabibigyang buhay at lalong umuunlad ang paniniwalang
panrelihiyon at pagkakaron ng pananampalataya sa Diyos.
4. Sa kabuhayan nagkakaroon tayo nang sapat na kakayahan at pagtitiwala sa sarili.

Gamit ng Mitolohiya

1. Nakatutulong sa mga bata para mapag-aralang mabuti ang tungkol sa mga vikings
o mga sundalong nakasakay sa kabayo.
2. Ang mitolohiyang griyego at romano naman ay para sa pag-aaral ng kulturang
Griyego at Romano.
3. Ang matatandang kasaysayan ay lalong nagiging buhay at kaakit-akit para sa mga
bata.
4. Napapalawak ng mitolohiya na kinapapalooban ng kagandahan, imahinasyon at
kahalagahang panlibangan.
5. Ang karamihan sa kuwento ng mitolohiya ay angkop sa pandulang pambata.
34

Mga elemento ng mitolohiya


1. TAUHAN diyos o Diyosa.
Makulay at puno ng imahinasyon ang pagganap ng mga tauhan. May
taglay na kapangyarihan lahat ay magagawa.
2. BANGHAY
Pagsunod-sunod na kaganapan at pangyayari Masusuri ang pagiging
makatotohanan o di-makatotohanan ng akda. Naglalahad ng pakikipagsapalaran ng
isang tao upang ipagtanggol ang kanyang bansa Nagpapaliwanag ng mga
pangyayari at kalagayan ng mga tao sa bansang inilalarawan sa mitolohiya noon at
sa kasalukuyan. Naglalahad ng mga mahahalagang pangyayari sa kuwento.

3. TAGPUAN
Salamin ng sinaunang lugar at kalagayan ng bansa kung saan ito
umusbong. May kaugnayan sa batis, ilog, parang, triguhan, palayan, kabundukan
at iba pa. Nasusuri ang kalagayan ng mga bansa noon at sa kasalukuyan at
nalalaman kung anong uri ng komunidad mayroon ang kanilang ninuno at
maiuugnay sa paraan ng kanilang pamumuhay ngayon at pagpapahalaga sa
kapaligiran sa kasalukuyan.

Diyos at Diyosa sa Mitolohiyang Griyego at Romano


 ZeusHari ng lahat
 HeraAsawa ni Zeus - diyosa ng kababaihan at pangkasalan
 AthenaDiyosa ng karunungan
 AphroditeDiyosa ng pag-ibig at kagandahan
 ErosDiyos ng pag-ibig
 Artemis - Diyosa ng buwan at dakilang mangangaso
 Apollo - Diyos ng araw
 Poseidon - Diyos ng karagatan
 Hades - Diyos ng kadiliman
 Dionysius - Diyos ng alak at pag-aani
 Hermes - Mensahero ng mga diyos at diyosa
 Hepaestus - Diyos ng apoy
 Ares - Diyos ng digmaan
 Persephone - Diyos ng tagsibol

Malayang Talakayan:

1. Ano ang kaibhan ng Mitolohiyang Griyego sa Mitolohiyang Pilipno?


2. Bakit nagkaroon ng ganitong konsepto ang mga Pilipino?
3. Bakit dapat nating pag-aralan ang mitolohiya? Magkomento tungkol dito?
4. Naniniwala ka bang may ganitong paniniwala pa ang mga tao ngayon?
Patunayan.

E. Pagtalakay sa Nilalaman:
1. Ano ang mitolohiya? Bakit napabahagi ito sa ating panitikan?
2. Paano nagsimula ang mitolohiya sa Pilipinas?
3. Paano naiiba ang mitolohiya sa Pilipinas at sa ibang bansa tulad ng Gresya?
4. Magbigay ng isang kwentong may kaugnayan sa mitolohiya. Ano ang naging
resulta nito.

F. Gawin mo!
1. Kumuha ng mitolohiya sa daigdig at Pilipinas at suriin ng mga elementong
nakapaloob nito. Gawin sa isang Character Web.
35

Pamantayan:

Nilalaman -5
Presentasyon -5
Organisasyon -5
Hikayat -5
20
E. Buod
1. Pagkomento ng ilang kaganapan sa kasalukuyang pangyayari na may kinalaman
sa kwento na nagpapakita ng konsepto sa mitolohiya sa pag-angat sa kaalaman
ng bawat mag-aaral at ilahad ito sa paraan ng paghahambing.

G. Pagtataya
1. Isang analisis tungkol sa mitolohiya sa buhay ng mga tao? Naniniwala pa kaya
ang mga tao ngayon? Bakit?

Pamantayan
Nilalaman 20
Presentasyon 10
Organisasyon 10
Hikayat 10
50
H. Takdang Aralin:
Magkalap ng mitolohiya sa inyong bayan at magbigay ng komento/
implikasyon sa inyong buhay at sa buhay ng mga tao.
Pamantayan:
Nilalaman 10
Presentasyon 10
Organisasyon 10
Hikayat 10
40

BUMALIK
36

V. Modyul 4 Mga Epiko at Kwento ng mga Bayani sa Daigdig at sa Ating


Kapuluan

A. Panimula

Ang modyul na ito ay makatutulong upang malinang ang kaalaman tungkol sa mga
epiko at kuwento ng mga bayani sa daigdig at sa ating kapuluan. Layunin ng kursong maiaply
ang iba’t ibang estratehiya sa alternatibong pagtataya batay sa personas. Naglalaman ng mga
napapanahon at magagandang kaisipan na layuning maikintal sa isipan ng mga mambabasa.
Iniayos at sadyang pinagaan upang maiangkop sa pang-unawa ng mga mag-aaral. Hinati sa
bawat bahagi at binigyan ng angkop na pamagat ayon nilalaman.
Sinikap ng may-akda na ipaliwanag sa payak na paraan ang mga nilalaman upang
agad na maunawaan ng mga mag-aaral ang mensaheng nais iparating nito.

B. Layunin:
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay dapat nang:
1. Makatutukoy sa mga paksang nakapaloob sa modyul
2. Makakukuha ng pilosopiya o teorya batay sa nilalaman
3. Makalalahad ng mga obserbasyon buhat sa modyul
4. Makauugnay sa mga natutunan sa kasalukuyan at
5. Makapupulot ng kaalaman buhat sa mga aralin.

C. Mga Tanong:
1. Ano ang Epiko?
2. Paano at kailan nagsimula ang mga epiko at kuwento ng mga bayani sa daigdig at sa
ating kapuluan?
3. Ano-ano ang mga kabutihang dulot ng mga ito sa ating panitikan?
4. Ano-ano pang mga halimbawa ng ganitong uri ng panitikan?
5. Ano ang epiko? Bakit napabahagi ito sa ating panitikan?

D. Mga Gawain sa Pagkatoto

Aralin 1

Epiko
Ang epiko ay galing sa salitang Griyego na ‘epos’ na ang kahulugan ay ‘awit’. Ang
mga ito ay nasa anyo ng berso o talata ngunit ito ay iba-iba at bukod-tangi sa bawat rehiyon.
Ito ay uri ng panitikan na matatagpuan sa iba’t ibang grupong etniko. Tumatalakay ito sa
mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos
hindi mapaniwalaan dahil may mga pangyayari at tagpuang makababalaghan. Ito’y kuwento
ng kabayanihan noong unang panahon na punung-puno ng mga kagila-gilalas na pangyayari.
Ang mga pangunahing tauhan dito ay nagtataglay ng katangian at kapangyarihan
nakahihigit sa karaniwang tao at kadalasan siya ay buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa..

Katangian ng Epiko

 Kadalasang umiikot sa bayani, kasama ang kanyang mga sagupaan sa mga


mahihiwagang nilalang, anting-anting, at ang kanyang paghahanap sa kanyang
minamahal o magulang. Ito rin ay maaaring tungkol sa panliligaw o pag-aasawa.
 Paggamit ng mga bansag sa pagkilala sa tiyak na tao.
 Kasaganaan ng mga imahe at metapora na makukuha sa pang araw-araw
na buhay at kalikasan (halaman, hayop, mga bagay sa kalangitan, atbp.)
37

MGA EPIKO SA DAIGDIG


Ang Iliad ni Homer (Bansang Pinagmulan: Gresya)
https://www.enotes.com/topics/iliad/text/book-i#root-219005-4

Ang Iliad ay isang tulang epikong tungkol sa salaysay ng pagsakop ng mga Griyego sa
lungsod ng Troy. Mula ito sa Gresya, na isinulat ni Homer at tumatalakay sa mga
pakikipagsapalaran ng mga bayaning Griyego noong kanilang kapanahunan. Hinango ang
pamagat na Iliada mula sa Ilium (o Ilion), ang isa pang katawagan sa Troy.

Nakatuon ang tula sa Digmaang Trohano sa pagitan ng Griyego at Trohano. Nagsimula


ang Digmaang Trohano nang tanagayin ni Prinsipe Paris ang reyan ng Saparta na si Helen.
Dahil dito ay nagkaroon ng matinding digmaan kasama ang mga pangunahing tauhan tulad
nina Achilles at Hector. Sa dulo ay napatay ni Achilles si Hector. Ipinaubaya ni Achilles ang
katawan ni Hector sa kanyang amang si Priam at nagkaroon ng pansamantalang pagtigil ng
digmaan.

Malaki ang naging impluwensya ng tema at istilo ng mga epikong ito sa mga sumusunod
na panitikang Griyego. Ipinakilala rin ang mga diyos at diyosang may katangiang tao. Ang
ilang bahagi ng tulang epiko ay ginamit ng mga historian bilang dokumentong
pangkasaysayan bagama’t ang mga ito’y mga kathang-isip lamang.

Nahilig ang mga Griyego sa pagsusulat at pagtatanghal ng mga drama. Ang drama ay
dalawang uri: ang trahedya at ang komedya. Ipinakikita ng trahedya ang paghihirap ng isang
tauhan at ang paniniwala ng mga Griyego na kailangang maging matatag ang mga tao sa
pagharap ng kanilang kapalaran. Ang komedya naman ay patungkol sa mga nakakatawang
pagtatanghal. Si Aristophanes ang kinilala bilang maestro ng komedya. Binibigyang-pansin
ng mga akda niya ang mga niyang Archarnians, Peace, at Lysistrata na pare-parehong Wasps
ay satirikong pagtuligsa sa pamamaraan sa sistemang hudisyal ng Athens. Karaniwang
gumagamit ang mga manunulat ng komedya ng mga tauhan sa kasaysayan, diyos, hayop, at
nakatatawang halimaw upang maiparating ang kanyang kaisipan at mensahe.

Ang lahat ay nagmula sa isang alamat ng background: sa mga pagdiriwang para sa


piging ng kasal sa pagitan ni Teti, nymph ng dagat, at Peleo, iyon ay, ang mga magulang ni
Achilles, lahat ay inanyayahan maliban kay Eris, ang diyosa ng pagtatalo. Kaya ang diyosa,
hindi nasiyahan sa pagbubukod, upang maghiganti, magtapon ng isang gintong hawakan sa
talahanayan na may mga salitang "pinakamagagandang". Sa puntong ito sina Aphrodite, sina
Hera at Athena ay nagsisimulang mag-away nang hindi naayos ang bagay at tanungin ang
pinuno ng mga diyos na si Zeus, upang piliin ang pinakamagagandang kasama nila. Ginagawa
ni Zeus ang kanyang desisyon: ipinagkatiwala niya ang mahirap na gawain sa Paris, ang
pinakamagagandang binata sa mundo ng Trojan. Nag-aalok sina Aphrodite, Hera at Athena
sa binata ng lahat ng uri ng mga bagay upang makuha ang kanyang boto ngunit, sa huli, pinipili
ng Paris ang pinakadakilang regalo, iyon ay, ang pag-ibig ng pinakamagandang babae sa
mundo: ang Spartan Elena.

Mula sa puntong ito, pagkatapos ng kwento ng background, bubukas ang totoong


tula. Ang Paris, na nabulag sa pag-ibig ng Spartan queen, inagaw sa kanya upang dalhin siya
kasama si Troy. Ang napaka seryosong katotohanan na ito ay isang madaling dahilan para
ipahayag ng mga Griego ang digmaan kay Troy, kaya kinukuha nila ang bola at sinasamantala
ang pagdukot upang magsagawa ng digmaan laban sa lungsod. Si Elena ay asawa ni Menelaus,
hari ng Sparta, at sa walang dahilan sa mundo ay maaaring talikuran niya ang kanyang
pagsasama, o magdusa din sa malubhang kaharap na ito, kaya napunta siya sa kanyang kapatid
na si Agamemnon, hari ng Mycenae, na nagsasamantala sa pagkakamaling ito ng batang
Trojan na digmaan. Pinagsama niya ang lahat ng mga Griego na tumugon sa kanyang apela at
lahat ng Achaian Greece ay nagpapakilos upang maghiganti sa pagkakasala. Gayunman, si
Troy ay isang maayos at mahirap na lungsod na malupig, sa kabila ng mga pagsisikap ni
Achaean. Ang pagkubkob sa lungsod ay tumatagal ng 9 napakatagal na taon; walang kawalan
ng kawalang-kasiyahan sa mga ranggo ng Griego ngunit higit sa lahat, ito ay si Agamemnon,
pinuno ng ekspedisyon, na lumikha sa kanila dahil sa pamamahala ng paglusob mismo at higit
sa lahat dahil sa kategoryang tinatanggihan niyang ibalik si Criseis, ang kanyang nadambong
na digmaan at anak na babae ng Crisis na pari ng Apollo, sa ama. Ang Diyos ay namagitan at
38

habang ang parusa ay nagpapatuloy ng isang salot sa kampo ng mga Greeks, pinilit ang
Agamemnon na bumalik sa Chryside. Dahil dito, naubos ang hukbo ng Greece at nakamit ang
mga Trojans. Ngunit ang mapang-api na Agamemnon ay hindi nais na isuko ang mga
nasamsam na digmaan at higit sa lahat na nais niyang ipakita kahit na ang kanyang
kapangyarihan at lakas. Siya ang boss at dapat magsumite ang lahat sa kanyang mga
pagpapasya. Kaya upang mabayaran ang pagkawala, kinuha niya ang kanyang aliping batang
babae na si Briseis palayo kay Achilles. Ang kaharap na ito ay ginagawang galit si Pelide na,
nagagalit at nagagalit, nagpasya siyang hindi na makipag-away sa tabi ng mga Achaeans. Ang
mga kahihinatnan para sa hukbo ng Greece ay nakapipinsala: ang kanilang pinakamalakas na
manlalaban ay wala na sa kanilang tabi at kung wala sa kanya ang mga Griego ay nagdurusa
ng malubhang pagkalugi.

ANG KATAPUSAN NG PATROCLO AT INTERVENTION ni ACHILLE.

Kung wala si Achilles Greece ay nawala: ang mga Trojans ay nakakakuha ng mga
tagumpay sa mga tagumpay, at ang hukbo ng Greece ay bungkalin at sinubukan ng maraming
nawalang mga labanan. Hanggang sa isang araw, si Patroclus, ang pinakamatalik na kaibigan
ni Achilles, ay nagpasya na kumuha ng bukid kasama ang mga armas ni Pelide, na
nagpapanggap na si Achilles, malinaw naman na wala siyang alam. Sa takbo, si Hector, bayani
at pinuno ng mga Trojans, ay nakikita siya at naniniwala na ito ay si Achilles, ang pumapatay
sa kanya. Hindi alam ang lahat, kinikilala niya ang batang Patroclus lamang matapos talunin
siya. Kapag ang balita ay umabot kay Achilles, ang kanyang sakit ay napakalawak: ang
kanyang maalamat na galit at galit ay nanginginig sa kanya nang labis na nagpasya siyang
bumalik sa labanan upang maghiganti sa kanyang nawalang kaibigan. Ang digmaan ay
nagagalit muli, ngunit napakahaba at nakakapagod na, sa kabila ng panghihimasok ni Achilles
at ng kanyang hukbo, na binubuo ng mga Myrmidons. Ngunit ang galit ni Achilles ay hindi
maiiwasan at ito ang pinaka-epektibong sandata ng tropang Greek. Kapag, kabilang sa
maraming mga nakikipaglaban sa Trojan, si Achilles ay nakipag-away kay Hector, pinatay
niya siya sa isang tunggalian, na galit sa kanyang katawan. Si Hector, na ngayon ay isang
bangkay, ay nasa kamay ng mga Griego, at tiyak na dinala sa kampo ng kaaway.

ANG TUNAY NA PAGTATAYA. https://tl.educatelweb.com/2220685-short-summary-iliad

Binubura ni Achilles ang katawan ni Hector at pinapatay ang ilang mga nakakulong
na Trojan sa Patroclus 'pyre, na pagkatapos ay sinusunog. Labindalawang araw ng
pagdadalamhati ang sumunod kung saan nakipagkumpitensya ang mga Greek sa mga larong
libing. Si Priam, hari ng mga Trojans, ay personal na pumupunta sa bukid ng mga Griego sa
tolda ni Achilles upang hilingin para sa pagbabalik ni Hector; pagkatapos ng maraming mga
panalangin, si Priam, na hinahalikan ang mga kamay ni Pelis, ay nagpaalam sa kanya na
ibalik sa kanya ang pahirap na katawan ng kanyang anak na lalaki upang bigyan siya ng
karapat-dapat na parangal. Tumanggi si Achilles, ngunit paalalahanan siya ni Priam tungkol
sa mabuting pagkatao at sikat na katangian ng kanyang amang si Peleo, kaya
pinamamahalaan niyang gawin si Achille na gumalaw, na samakatuwid ay gumawa ng isang
personal na kapayapaan kay Priam, na pinapayagan siyang tubusin ang katawan ng kanyang
anak. Ang Iliad ay nagtatapos sa mga libing para sa dakilang Hector. Ang kapalaran ng
lungsod ng Troy na walang pinakamalakas na bayani ay mawawala pa rin ang pag-asa

Ang Odyssey hango sa https://glosbe.com/en/tl/odyssey,


https://www.wattpad.com/85693584-odyssey- tagalog-version-escape-to-phaeacian

Ang Odyssey (/ ɒdəsi /; Griyego: Ὀδύσσεια Ang Odysseia , binibigkas [odýs.sej.ja]


sa Klasiko Attic) ay isa sa dalawang pangunahing sinaunang Griyego epic poems maiugnay
sa Homer. Ito ay, sa bahagi, isang sumunod na pangyayari sa Iliad , ang iba pang gawain na
itinuro kay Homer. Ang Odyssey ay pangunahing sa modernong kanon sa Kanluran; ito ang
ikalawang pinakamatanda na gawain sa Western literatura, samantalang ang Iliad ang
pinakamatanda. Naniniwala ang mga iskolar na ang Odisea ay binubuo ng malapit sa
katapusan ng ika-8 siglo BC, sa isang lugar sa Ionia, ang Greek coastal region ng Anatolia.

Ang tula ay pangunahing nakatuon sa wikang Griyego Odysseus (kilala bilang


Ulysses sa mga alamat ng Roma), hari ng Ithaca, at ang kanyang paglalakbay sa bahay
39

pagkatapos ng pagbagsak ng Troy. Kinakailangan ng Odysseus sampung taon upang maabot


ang Ithaca pagkatapos ng sampung-taon na Digmaang Trojan. Sa kanyang pagkawala,
ipinapalagay na namatay si Odysseus, at ang kanyang asawa na si Penelope at anak na si
Telemachus ay dapat makitungo sa isang pangkat ng mga hindi matwid na mga manliligaw,
ang Mnesteres (Griyego: Μνηστῆρες ) o Proci, na nakikipagkumpitensya sa kamay ni
Penelope sa kasal.

Ang Odyssey ay patuloy na binabasa sa Homeric Greek at isinalin sa modernong mga


wika sa buong mundo. Naniniwala ang maraming iskolar na ang orihinal na tula ay binubuo
sa isang bibig na tradisyon ng isang aoidos (mahabang tula / mang-aawit), marahil isang
rhapsode (propesyonal na tagapalabas), at malamang na nais na marinig kaysa basahin. Ang
mga detalye ng sinaunang pagganap ng pasalita at ang conversion ng kuwento sa isang
nakasulat na gawain ay nagbigay inspirasyon sa patuloy na debate sa mga iskolar.
Ang Odisea ay isinulat sa isang poetic dialect ng Griyego - isang pampanitikan amalgam ng
Aeolic Griyego, Ionic Griyego, at iba pang mga sinaunang Griyego dialects-at binubuo ng
12,110 mga linya ng dactylic hexameter. Kabilang sa mga pinakakapansin-pansin na mga
elemento ng teksto ay ang di-linear na balangkas nito, at ang impluwensya sa mga
pangyayari ng mga pagpipilian na ginawa ng mga kababaihan at mga alipin, maliban sa mga
aksyon ng mga lalaking nakikipaglaban. Sa wikang Ingles pati na rin ang marami pang iba,
ang salitang odyssey ay dumating upang mag-refer sa isang mahabang tula paglalayag.

Ang Odisea ay isang nawala na sumunod na pangyayari, ang Telegony , na hindi


isinulat ni Homer. Kadalasang iniuugnay sa sinaunang Tsinaethon ng Sparta. Sa isang
pinagmulan, ang Telegony ay sinasabing na ninakaw mula sa Musaeus ng Athens
sa pamamagitan ng alinman sa Eugamon o Eugammon ng Cyrene (tingnan ang Mga
sikolohiyang patalikod).

Ang isang mahabang epic sa pamamagitan ng Homer ng trabaho. 11,210 mga hilera.
Mukhang ginawa pagkatapos ng " Iliad ". Ang kapansin-pansin na si Odysseus, na nakagawa
ng isang matagumpay na pagbabalik mula sa Digmaang Troyano , ay muling nakikipagtalik
sa kanyang asawa na naghihintay sa kanyang bayan na bayan Itusay habang nawawala ang
kanyang mga paghihirap na may libot at pakikipagsapalaran, ay mas kumplikado kaysa sa
"Iliad", mga elemento ng adventurer at fancy Bukod sa Ang mga pamantayang
pampanitikan, matagal itong kilala na mas mahusay kaysa sa "Elias", dahil maraming mga
elemento (fairy tale) at pamilyar. Ang estatwa ng Odysseus ay pare-pareho, ngunit
ang komposisyon ay medyo maluwag. Kabilang sa mga halimbawa kung ano ang ginamit
nito bilang isang trigger para sa paglikha ng literatura ay ang sumusunod: " Aeneys " ng
Vergilian, " Divine Comedy of Dante", " Ulysses of Joyce", "Psalm of EL Pound " at iba pa.

Ang pinaikling Buod hango sa https://glosbe.com/en/tl/odyssey, https://www.wattpad.com/85693584-


odyssey-tagalog-version-escape-to-phaeacian

"Ang pagkamuhi ni Achilles ang aking paksa," ang sinasabing pambungad ng


makatang si Homer para sa kaniyang Iliada. May nakatanim na galit kay Agamemnon ang
pangunahing bayaning si Achilles, sapagkat inagaw ni Agamemnon ang gantimpalang
napanalunan ni Achilles, ang babaeng si Briseis. Bagaman napahiya si Achilles, hindi ito
nakipaglaban kay Agamemnon, sa halip sinarili niya ang pagmamaktol at pagdibdib sa
kasawian sa loob ng kaniyang talabing o kubol. Sinasabing naging mas naging mainam ang
pagkatao ni Achilles dahil sa kaniyang paghihirap na ito.

Nang nararamdaman ni Agamamenon na nagwawagi ang mga Troyano, inalayan


niya ng mga handog si Achilles at nagmakaawa upang makiisa na sa pakikipagtunggali laban
sa mga Troyano. Tumanggi si Achilles. Sa kahabaan ng aklat, matutunghayan lamang si
Achilles na nagmumukmok sa kaniyang kubol. Nang lumaon, pinahuntulot nitong
makipaglaban ang kaniyang matalik na kaibigan si Patroclus, at pinagamit pa ni Achilles
ang sariling baluti. Napatay si Patroclus ng prinsipe ng Troyang si Hector. Lalong ikinagalit,
at ikinalungkot din, ni Achilles ang pagkakapaslang kay Patroclus, kaya't napapayag din
siyang makipaglaban sa mga Trohano. Nagtagumpay si Achilles at napatay din niya si
Hector. Sinadyang puntahan ng hari ng Troy na si Haring Priam si Achilles para
magmakaawang ibigay ni Achilles ang katawan ni Hector. Pumayag si Achilles sapagkat,
sa pamamagitan ni Priam, naalala ni Achilles ang sarili niyang ama. Nagwawakas
ang Iliada sa pagkakaroon ng isang pansamantalang pagtigil ng labanan sa pagitan ng mga
40

Griyego at ng mga Trohano, upang mabigyan ng nararapat na libing ang Trohanong si


Hector. Maaaring malaman ang mga kasunod na pangyayari pagkatapos ng Iliada mula sa
iba pang mga akda, katulad ng Aeneis ni Vergilius, kung saan matatagpuan ang salaysayan
hinggil sa Kabayong Trohano.

Ang Awit ni Rolando hango sa https://www.marvicrm.com/2017/10/song-of-roland-tagalog-version

Ang "Song of Roland" ay isang epikong pranses na ibinase sa Battle of Roncevaux


Pass noong taong 778, sa pamumuno na rin ni Haring Charlemagne. Sinasabing ito ang
pinakamatanda at natitirang literatura ng mga pranses.

Narito ang buod ng Song of Roland na isinalin sa tagalog.

Ang hukbo ni Haring Charlemagne ay kinakalaban ang mga muslim sa Spain. Ang
natitirang siyudad doon ay ang Saragossa na hawak ni Haring Marsile, isang muslim. Dahil
sa takot sa sandatahang lakas ni Haring Charlemagne ay nagpadala si Haring Marsile ng
isang mensahero papunta kay Haring Charlemagne upang ipabatid ang pangakong
kayamanan at pagpapalit ng relihiyon patungo sa Kristianismo. Ngunit kapalit nito ay ang
pag-balik ni Haring Charlemagne papuntang France.

Dahil sawa na rin sa pakikipagdigmaan ay tinanggap ni Haring Charlemagne ang alok


ni Haring Marsile. Kailangan na lamang nilang pumili ng mensahero upang ipadala ang
mensahe ng pagtanggap ng alok ni Haring Marsile. Si Roland, isang mandirigma at kanang
kamay ni Haring Charlemagne ay nagmungkahing ang kanyang step father na si Ganelon na
lang ang piliing mensahero. Lubos na nagalit si Ganelon sapagkat alam niyang mamamatay
siya sa kampo ng kalaban.

Sa pag-aakalang gusto lamang siyang ipahamak ni Roland at dahil na rin sa inggit ay


lihim na nakipagtulungan si Ganelon sa mga muslim. Sinabi nito kung papaano
matatambangan ang mga hukbo ni Haring Charlemagne na alam nyang pangungunahan ni
Roland. Tulad ng sinabi ni Ganelon ay totoo nga na pinangunahan ni Roland ang hukbo ni
Haring Charlemagne.

Habang pabalik na ng kanilang bansa si Roland kasama ang arsobispong si Turpin,


Olivier at ang hukbo ay biglang tinambangan ito ng mga hukbo ni Haring Marsile. Dahil
lubhang mas marami ang kalaban ay unti-unting nabawasan ang pwersa nila Roland.
Nagmungkahi ang kaibigan nito na si Olivier na hipan nito ang trumpeta upang humingi ng
tulong mula kay Haring Charlemagne. Ngunit tumanggi si Roland at buong tapang na
sinabing kaya nilang matalo ang mga muslim.

Ngunit talagang mas malakas ang kampo ng kalaban kaya''t walang natira sa hukbo
ni Haring Charlemagne kundi si Roland na lamang. Bagamat alam nyang huli na ang lahat
upang matulungan pa sila ni Haring Charlemagne ay buong pwersang hinipan ni Roland
and trumpeta upang humingi ng tulong. Nang makarating na si Haring Charlemagne
kasama ang kanyang mga kawal ay tanging mga bangkay na lamang ng kanyang mga
tauhan ang nandoon.

Nakatakas na ang mga muslim ngunit hinabol nila ito hanggang sa ilog ng Ebro kung
saan ang mga ito ay nalunod. Tagumpay namang nakatakas si Haring Marsile. Samantala,
ang makapangyarihang emir ng Babylon na si Baligant ay nagtungo ng Spain upang
sumaklolo kay Haring Marsile. Doon sa Roncesvals ay naglaban sila ni Haring
Charlemagne. Madugong labanan ang nangyari at sa huli ay nanaig ang pwersa ni Haring
Charlemagne.

Ngayong wala ng mga kalaban sa Saragossa ay nasakop na nila ang siyudad. Kasama
ang Reyna ni Marsile na si Bramimonde ay bumalik na sila patungong France. Nang
malaman ni Haring Charlemagne ang kataksilan ni Ganelon ay agad itong ikinadena
hanggang sa kanyang paglilitis. Ngunit ng mapatunayang nagkasala ay binitay ito.
41

Ang Ramayana hango sa https://www.tagaloglang.com/ramayana/

Ang Ramayana ay isang tula mula sa India na pinangungunahan ng karakter ni


Rama na isang prinsipe mula sa Kaharian ng Kosala.

Si Haring Dashartha ang hari ng Ayodha ay may tatlong asawa, sila ay sina
Kaushalya, Kaikeyi at Sumitra. Matagal na panahon na hindi siya nagkaroon ng anak mula
sa tatlo niyang asawa ngunit dahil sa kagustuhan niyang magkaroon ng anak ay nagsagawa
siya ng ritwal ng sakripisyo sa apoy na tinatawag na PUTRA-KAMESHTI YAGYA. At
nagkaroon na nga ng bunga ang kanyang sakripisyo. Sa kaniya- kanyang asawa ay
nagkaroon siya ng mga anak: Mula kay Kaushalya si Rama, mula kay Kaikeyi si Bharata, at
mula naman kay Sumitra sina Lakshmana at Shatrughna.

Ang magkakapatid na ito ay bumuo sa VISHNU na tinaguriang katas-taasang


trinidad (Supreme Trinity) na nakatakdang gumapi sa demonyong si Ravana na siyang
nagbibigay ng kapighatian sa mga diyos.

At nang si Rama ay labing-anim na taong gulang na ay dumulog kay Haring


Dasharatha si Vishwamitra, isa sa mga pinakamatalinong tao sa Ayodhya, dahil sa mga
demonyong gumugulo sa kanilang ritwal na pagsasakripisyo sa mga diyos. Napili si Rama
na sinundan ng kanyang kapatid na si Lakshmana at binigyan sila ng mga gamit pandigma
mula kay Vishwamitra at tinuruan sila kung paano magapi ang mga demonyo.

Sa kabilang banda, isang babaeng napakaganda at kaakit-akit na ampon ni Haring


Janaka ng Mithila na si Sita. Sinabi ng hari na kung sinuman ang makabuhat at humawak sa
napakabigat na pana ay itatakda niyang ipakasal kay Sita. Nagawa ni Rama ang hamon kaya
lahat ng anak nina Haring Dashartha at Janaka ay itinakdang ipakasal sa isa't isa. Ipinakasal
si Rama kay Sita, si Lakshmana kay Urmila, si Bharata kay Mandavi at Shatrughna kay
Shrutakirti.

Matapos ang labindalawang taong pagsasama ni Rama at Sita, naghangad si Haring


Dashartha na hirangin si Rama bilang tagapagmana ng trono niya bilang hari ng Ayodhya.
Ngunit dahil sa inggit at selos ni Kaikeyi na isa sa mga asawa ng hari na naudyukan ng isa
sa mga alipin niyang si Manthara para ipaalala ang isang matagal nang pangako ng hari na
tutuparin para sa kanya. Hiniling ni Kaikeyi na ipatapon si Rama sa loob ng labing apat na
taon dahil sa kagustuhang sa anak niyang si Bharata ipasa ang trono ng hari. Hindi man
nagustuhan ng hari ang hiling ng kanyang asawa ngunit tinupad niya ito dahil sa isang
pangako. Tinanggap ni Rama nang maayos ang utos ng hari at sumama sa kanya ang
asawang si Sita at kapatid na si Lakshmana. Sa pag-alis ni Rama ay namatay si haring
Dasharatha dahil hindi niya kinaya ang lungkot at pighati sa sinapit ng kanyang anak na si
Rama.

Sa pagbisita ni Bharata sa isang tiyuhin isang araw ay nalaman niya ang ginawa ng
kanyang ina at hindi niya nagustuhan ang nangyari kaya pinuntahan niya si Rama sa
kagubatan upang kumbinsihin na bumalik na at akuin ang naiwang pwesto ng kanilang ama.
Ngunit sa kagustuhan ni Rama na sundin ang kanilang ama ay hindi siya pumayag na
bumalik.

Lumipas ang labintatlong taon ng pagkakatapon kay Rama sa ilang at sa huling taon
ay nagtayo sila ng mga maliliit na bahay sa gilid ng ilog ng Godavari. Sa kagubatan ng
Panchavati ay binisita sila ng isang babaeng demonyong nagngangalang Rakshasa na
sinubukang akitin ang magkapatid ngunit nang nabigo siyang tuksuhin ang mga ito ay
sinubukan niyang patayin si Sita. Pinutol ni Lakshmana ang kanyang ilong at tainga dahil
dito. Nang malaman ng kapatid na lalaki na si Khara ang sinapit ni Rakshasa ay tinawag
niya ang kanyang mga alagad na demonyo para umatake sa dalawang prinsipe.

Nang malaman ni Ravana ang pag atake ng mga kampon niyang demonyo sa
magkapatid ay ginamit niya ang isang anyo ng gintong usa na pumukaw sa atensyon ni Sita
at ipinahuli ito sa kanyang asawa na si Rama, kaya naiwan si Lakshmana para bantayan si
Sita. Isang araw may narinig si Sita na sigaw ng tanghoy ni Rama na humihingi ng tulong
kaya kinumbinsi niya si Lakshmana na iwan siya para sagipin si Rama. Kalaunan ay nabihag
ni Ravana si Sita at ipinipilit na pakasalan siya ng babae ngunit dahil sa sobrang pagmamahal
42

niya sa asawang si Rama ay hindi siya pumayag. Nang malaman nina Rama at Lakshmana
ang nangyari kay Sita mula sa isang buwitreng si Jatayu ay sinimulan na nilang magklakbay
para iligtas ang asawa.

Sa paglalakbay ni Rama at Lakshmana sa pagliligtas kay Sita ay nagkaroon sila ng


kakamping nagngangalang Hanuman. Gumawa ng paraan si Hanuman para tulungan si
Rama na makuha si Sita mula sa kapangyarihan ni Ravana at siya ay nagtagumpay sa
planong pabagsakin si Ravana at nakuha ni Rama si Sita.

Ang Mahabarata hango sa https://ilo.wikipedia.org/wiki/Mahabharata

Ang Mahabharata o Mahābhārata, ang dakilang Bharata ("Ang Dakilang


Salaysay Ukol sa mga Bharata," mas mahaba at tiyak na salin), ay isa sa dalawang
pinakamahalagang sinaunang epiko ng India, bukod sa Ramayana. Tinipon sa sinaunang
India ang Mahabharata. Pinaniniwalaang si Vyasa, isang rishi o taong paham, ang kumatha
ng akdang ito. Nilalahad ng alamat na isinulat ito ng diyos na si Ganesh habang dinikta o
sinambit naman ito ni Vyasa. Sinasabing ang Mahabharata ang pinakamahabang akda sa uri
nito sa buong mundo. Naglalaman ang akda ng may 110,000 mga taludturan na may 18 mga
bahagi. Mayroon ding isang itinuturing na ika-19 bahaging tinatawag na Harivamsha.
Bahagi ng Mahabharata ang Bhagavad Gita (o Bhagavadgita), isang diyalogo o pag-uusap
sa pagitan nina Krishna at Arjuna.

Kahalagahan at layunin

Isinulat ang tulang epikong ito na may layuning parangalan ang mga bayani nang maganap
ang paglusob ng mga Aryano (mga Aryan) sa India. Halos kapantay ng mga diyos ang
mga maalamat na mga bayaning ito.

Kasaysayan

Ang Digmaan ng Kurukshetra sa Mahabharata.

Itinuro ni Vyasa ang epikong ito sa kaniyang anak na lalaking si Suka at sa kaniya
ring mga mag-aaral, ang mga Vaisampayana at sa iba pa. Nagsagawa ng dakilang pag-aalay,
ang yagna, ang Haring Janamejaya, na anak na lalaki ni Parikshit, kasama ang apong lalaki
ng mga bayani ng epiko. Muling nilahad ni Vaisampayana ang epiko kay Janamejaya, ayon
sa mungkahi ni Vyasa. Sa kalaunan, may isa pang paham - si Suta - na muling naglahad ng
Mahabharata kay Janamejaya, kay Saunaka rin, at sa iba pa, habang idinaraos ang isang
paghahaing pang-alay na isinagawa ni Saunaka sa Naimisaranya, isang pook na malapit sa
Sitapur sa Uttar Pradesh.

Mga bahagi at mga paksa

Maraming paksang tinatalakay ang Mahabharata sa loob ng labinwalong mga


bahagi nito. Sumasakop ang mga paksang ito sa ilang bilang ng mga aspeto ng Hinduismo,
mitolohiyang Hindu, mga etika, at gawi ng pamumuhay ng Hindu. Isang bahagi pa nito ang
tinatawag na Harvamsha. Ilan sa mga nasa ibaba ang ilang mga pananalita hinggil sa
labinwalong mga bahagi ng Mahabharata. Sa Mahabharata, tinatawag na mga parvan o
mga parva - mga aklat - ang mga bahaging ito. Nakatala sa ibaba ang lahat ng mga parva ng
Mahabharata:

Si Hiawatha

Si Hiawatha na nakikilala rin bilang Ayenwatha, Aiionwatha, o Haiëñ'wa'tha


(sa Onondaga) ay isang maalamat na Amerikanong Katutubong pinuno at kasamang
tagapagtatag ng kumpederasyang Iroquois. Alinsunod sa napiling bersiyon ng salaysay, si
Hiawatha ay namuhay noong ika-16 na daantaon at siya ang pinuno ng mga Onondaga o
kaya ng mga Mohawk.
43

Si Hiawatha ay isang tagasunod ni Dakilang Tagagawa ng Kapayapaan, isang


pinunong propeta at espirituwal, na nagmungkahi ng pag-iisa ng mga taong Iroquois, na
nagsasalu-salo ng magkakahalintulad na mga wika. Si Hiawatha, na isang may kasanayan
at may karismang mananalumpati, na nakatulong sa paghikayat sa mga Seneca, Cayuga,
Onondaga, Oneida, at mga Mohawk, na tanggapin ang pananaw ng Dakilang Tagagawa ng
Kapayapaan at magsama-sama sila upang maging Limang mga Bansa (Limang mga
Nasyon) ng kumpederasyang Iroquois. Sa pagdaka, sumanib sa Kumpederasya
ang Tuscarora upang Ikaanim na Bansa (Ikaanim na Nasyon).

Malayang Talakayan

1. Ano ang ipinahiwatig sa epikong Iliad at Odessey? Magbigay ng komento.


2. Bakit pinamagatang “Awit no Rolando” ang epiko? Saan ito nanggaling?
3. Ano ang Ramayana? Ano ang nais ipabatid ng epikong ito sa atin?
4. Ano ang pinakamahalagang ambag ng epikong Mahabarata sa atin? Bakit isa
itong nagbigay ng impluwensya sa ating panitikan?
5. Saan nagmula ang Hiawatha, ano ang nais ipabatid ng epikong ito sa atin?
Laliman pa ang pag-unawa sa epikong ito.

BUMALIK
44

ARALIN 2

EPIKO NG PILIPINAS

EPIKO NG LUZON

BÍAG NI LÁM-ANG hango sa http://malacanang.gov.ph/75495-mga-epiko-at-kuwentong-bayan/

Sinasabing pinakapopular na epikong-bayan, ang Biag ni Lam-ang ay nagmula sa


Hilagang Luzon, partikular na sa mga lalawigan ng Ilocos at La Union. Nag-iisa itong
Kristiyanisadong epikong-bayan at pruweba nitó ang paggamit ng mga pangalang
naimpluwensiyahan ng Katolisismo. Sinasabing ang paring si Gerardo Blanco ang nagtalâ
ng epikong-bayan noong 1889 at si Canuto Medina na nagtalâ noong 1906. Sinundan ito ng
bersiyon na nailathala sa La Lucha, ang bersiyon ni Parayno noong 1927 at pinagsáma niya
ang unang dalawang bersiyon at ang bersiyon ni Leopoldo Yabes noong 1935.

Umiikot ang epikong-bayan sa buhay ng pangunahing tauhan na si Lam-ang. Bago


siyá ipanganak ni Namongan, inutusan ng kaniyang ina ang kaniyang ama na si Don Juan
Panganiban na manguha ng mga kahoy. Ngunit hindi na bumalik si Don Juan hanggang
ipinanganak niya si Lam-ang. Pambihirang batà si Lam-ang dahil káya na niyang magsalita
at may taglay siyáng kakaibang lakas. Itinanong ni Lam-ang kung nasaan ang kaniyang ama.
Nang sinabi ng kaniyang ina na umalis ang kaniyang ama upang labanan ang mga Igorot,
nag-ayos si Lam-ang at pumunta sa lugar ng mga Igorot kahit hindi pumayag ang kaniyang
ina. Nakita niya na nagsasagawa ng sagang ang mga Igorot. Nang lumapit siyá, nakita niya
ang ulo ng kaniyang ama. Pinagpapatay niya ang mga Igorot.

Nang bumalik siyá sa bayan, may mga dalagang naghihintay sa kaniya upang paliguan siyá.
Nang maligo siyá sa Ilog Amburayan, namatay ang mga isda sa baho ng kaniyang libag.
Hinanap niya ang dalagang nagnangangalang Ines Kannoyan, anak ng pinaka-mayamang
tao sa Kalanutian. Pumunta siyá sa nasabing lugar, kasáma ang tandang at aso niya.
Nakarating siyá matapos ang pakikipaglaban kay Sumarang at pang-aakit ni Sarindang.
Nasindak sa kaniya ang mga lumiligaw kay Ines Kannoyan. Naibigay din niya ang lahat ng
mga hiling ng magulang nitó kayâ ikinasal ang dalawa. Minsan, nangisda si Lam-ang at
nakain siyá ng berkakan, isang malaking isda. Isang maninisid ang nakakuha ng kaniyang
labí at sa tulong ng kaniyang tandang, muli siyáng nabuhay at namuhay nang matiwasay.

HUDHÚD hango sa http://malacanang.gov.ph/75495-mga-epiko-at-kuwentong-bayan/

Sa lipunang Ifugaw, ang Hudhúd ay isang mahabang salaysay na patula na


karaniwang inaawit sa panahon ng tag-ani, o kapag inaayos ang mga payyo o dinadamuhan
ang mga palayan Inaawit din ito kapag may lamay sa patay at ang yumao ay isang táong
tinitingala dahil sa kaniyang yaman o prestihiyo. Kinakanta ang Hudhud sa mga naturang
okasyon bilang paglilibang o pampalipas-oras lamang. Hindi nakaugnay sa anumang ritwal
ang pagkanta ng Hudhud.
Karaniwang umiikot ang kuwento nito sa mga karanasan ng isang pambihirang
nilaláng, kadalasan ay si Aliguyon, na kabilang sa uring mariwasa o kadangyan. Ang diin
ay nasa pagsuyo at pakikipag-isang-dibdib niya sa isang babaeng mula rin sa uring
kadangyan. Ang tema ng pag-ibig at kariwasaan ang nangingibabaw sa Hudhud.

Tumatagal nang ilang oras o isang araw ang pag-awit ng Hudhud. Kinakanta ito ng
isang grupo o koro, ang mun-abbuy, na pinangungunahan ng isang punòng mang-aawit,
ang munhaw-e. Ang mga linyang kinakanta ng munhaw-e ang nagdadala ng salaysay. Mga
babae ang umaawit ng Hudhud. Kung minsan, panandaliang sumasali sa pagkanta ang ilang
kalalakihan, ngunit ayon sa matatanda, hindi ito sumasang-ayon sa tradisyon.

Sinasalamin ng Hudhud ang mga paniniwala’t kaugalian ng sinaunang lipunan ng mga


Ifugaw, at binibigyang-paliwanag ang mga bagay na kanilang pinahahalagahan.
Matatagpuan sa Hudhud ang paglalarawan sa mga konsepto na kinababatayan ng mga
ugnayang pampamilya, at ng mga ugnayan ng iba’t ibang grupo sa loob at labas ng ili o
45

nayon. Makikita rito ang paniniwala ng mga Ifugaw tungkol sa mga diyos at espiritu, at kung
paano sila dapat makipag-ugnayan sa mga ito. Mangyari pa, matatagpuan din sa Hudhud
ang pagtukoy sa iba’t ibang ritwal na mahigpit na bahagi ng pang-araw-araw na buhay ng
mga Ifugaw. Noong 2001, kinilala ng UNESCO ang Hudhud bilang isa sa mga Masterpiece
of the Oral and Intangible Heritage of Humanity. Hudhud: Kwento ni Aliguyon (Ifugao)

Narito ang buod ng epikong ito.

Noong unang panahon, mula sa bayan ng Hannanga, isinilang ang isang lalaking si
Aliguyon na anak ng magkasintahang si Amtalao at Dumulao. Siya ay isang matalino at
masigasig na binata na gustong mag-aral ng maraming bagay na kinakailangan
niya.Tinuturuan at kinukwento siya ng kanyang ama at natuto siya kung paano lumaban at
gumamit ng mahika. Bata pa man siya ay isa na siyang tunay na pinuno. Nang lumaki si
Aliguyon, siya mismo ang nagtitipon ng mga hukbo para labanin ang mga kaaway ng
kanyang ama na si Pangaiwan mula sa bayan ng Galigdigan.
Nagtangkang hamunin ni Aliguyon si Pangaiwan subalit hindi siya nasagot kundi
hinarap siya ng anak ni Pangaiwan na si Pumbakhayon. Katulad ni Aliguyon, mahusay rin
si Pumbakhayon sa pakikipaglaban at mahika. Ang dalawang mandirigma ay naglaban ng
tatlong taon ngunit sa mga taong ito ay ni isa sa kanila ay walang nagpakita nga senyas ng
pagkatalo.
Sa huli, ang dalawang mandirigma ay nirerespeto ang isat isa at tumigil ang kanilang laban.

Gumawa sila ng kasunduang kapayapaan sa Hannanga at Daligdigan at naging


matalik na magkaibigan. Umunlad ang dalawang bayan. Naging mas lumago ang
pagkakaibigan ni Aliguyon at Pumbakhayon nang nagpakasal si Aliguyon sa kapatid ni
Pumbakhayon na si Bugan; at si Pumbakhayon naman ay nagpakasal sa nakababatang
kapatid ni Aliguyon na si Aginaya.

IBALÓN hango sa http://malacanang.gov.ph/75495-mga-epiko-at-kuwentong-bayan/

Ibalon is an old name for the Bicol region of the Philippines. Noong 1895, si Prayle
Jose Castaño ay may kinaibigang lagalag na mang-aawit na si Cadungdung. Sa kanya narinig
ng pare ang epikong Ibalon. Itinala at isinalin ng pare sa Kastila ang isinalaysay sa kanya ni
Cadungdung. Ang epiko ay nababahagi sa trilohiya. Inilalarawan dito ang kabayanihan nina
Baltog, Handiong at Bantong.

Ang epiko ay nababahagi sa trilohiya. Inilalarawan dito ang kabayanihan nina


Baltog, Handiong at Bantong. Nakamihasnang pamagat ang Ibalón sa salaysay ng
pakikipagsapalaran ng mga bayaning sina Baltog, Handiong, at Bantong. Pinaniniwalaang
isang sinauna’t mitolohikong salaysay ito ng mga Bikolano. Gayunman, pinagdududahang
epikong-bayan ito dahil sa kasalukuyang napakaikling anyo nitó (240 taludtod) at nakasulat
sa wikang Espanyol. Bahagi ang naturang teksto ng libro ni Padre Jose Castaño, isang paring
nadestino sa Bikol. May makatang nagsalin ng teksto sa Bikol ngunit walang nakatutuklas
hanggang ngayon ng kahit isang orihinal na saknong nitó sa wika ng mga Bikolano. May
tumatawag ding Ibalón sa Kabikulan.

Nagsisimula ang salaysay sa isang kahilingan ng ibong si Yling kay Cadugnung na


kantahin ang kuwento ni Handiong. Isinasalaysay muna ni Cadugnung ang kagitingan ni
Baltog na pumatay sa Tandayag, isang dambuhalang baboy. Sumunod ang kuwento ni
Handiong. Bago siya dumating ay punô ng mababangis at malalaking hayop ang Kabikulan.
Madalî niyang pinatay ang mga ito maliban kay Oriol, ang mailap na ahas na nagbabalatkayo
bilang isang napakagandang babae. Pagkatapos mapatay si Oriol ay nagkaroon ng mga pag-
unlad sa sining at industriya sa ilalim ng pamumunò ni Handiong. Ang hulíng bayani, si
Bantong, ang pumatay sa dambuhalang si Rabot, isang nilaláng na kalahating tao at
kalahating hayop at nagiging bato ang matingnan. Pinatay ni Bantong si Rabot hábang
natutulog. Dito huminto sa pag-awit si Cadugnung.
46

Buod ng Ibalon hango sa http://malacanang.gov.ph/75495-mga-epiko-at-kuwentong-bayan/

Si Baltog, isang bantog na mandirigma, ay mula sa Batavara at naparaan sa Bikol.


Napamahal sa kanya ang Bikol dahil sa maganda nitong tanawin. Lumipas ang mga taon at
siya ay naging hari ng Ibalondia. Siya ay napamahal sa mga tao roon dahil sa siya’y
maunawain, matapang at makatarungan. Sa gitna ng kasaganaan ay sumipot ang isang
dambuhalang baboy-ramo na pumuksa sa ani ng mamamayan at pumuti ng buhay ng
maraming kawal. Si Baltog, ang bayaning katulad ni Beowulf, ay siyang pumatay sa
higanteng baboy-ramo. Nagbalik na muli sa Ibalondia ang katahimikan.

Nang tumanda si Baltog, sumipot naman sa Ibalondia ang mga higanteng kalabaw,
mga pating na lumilipad at buwayang ganggabangka. Si Handiong na naparaan doon ang
sumagip sa kahambal-hambal na katayuan ng kaharian. Pinagpapatay niya sa tulong ng
kanyang mga kawal ang mga damulag. May isang kaaway na hindi mapasuko ni Handiong.
Ito’y si Oriol na minsa’y ulupong at minsa’y nakabibighaning binibining nais manlinglang.
Siya’y hindi nagtagumpay kay Handiong. Hindi niya madaya ang bayani kaya kanyang
tinulungan ito upang lipulin ang mga salimaw, ang mga malignong mapanligalig. Si Oriol
ay naniniwala sa kasabihang “Kung hindi talunin, makiisa sa layunin.”

Ang kilabot na si Rabot ay dumating sa Ibalondia. Kung kanyang maibigan, ang mga
tao’y kanyang nagagawang pawang bato. Sapagkat na si Handiong, ang humalili sa kanya
na bagong tagapagligtas ay si Bantong. Ang dambuhala ay napatay ng makapangyarihang
espada ng bagong manunubos. Dahil sa labanan, ang lupa ay yumanig at umalon ang
karagatan. Nang matapos ang malagim na sagupaan, namalas na may maliliit na pulo sa
dagat sa kalapit ng Ibalondia. Nagbago ng landas ang Ilog Inarinan. Ang bundok ng Bato
ay lumubog at ito’y naging lawa. Namalas sa gitna ng mga sira-sirang paligid ang isang
umuusok na bulkan. Iyan ang Bulkan ng Mayon ngayon.

ULLALIM hango sa http://malacanang.gov.ph/75495-mga-epiko-at-kuwentong-bayan/

Ang Ullalim ang epikong-bayan ng mga Kalinga sa Cordillera. Isang bantog na


bayani sa naturang epikong-bayan si Banna ng Dulawon. Noong 1974, inilathala nina
Francisco Billiet at Francis H. Lambrecht ang ilan sa kaniyang mga pakikipagsapalaran.
Sa Nibalya da Kalinga (Kasal ng Magkaaway), sinalakay nina Banna ang isang nayon para
mamugot. Nagkaroon ng madugong labanan at napahiwalay siyá sa mga kasáma. Dahil
tinutugis ng mga kaaway, naisip niyang tumalon sa ilog at magpatangay sa agos. Nakarating
siyá sa isang kaaway na nayon at nakita ni Onnawa, na dagling umibig sa kaniya. Nag-iisa
noon si Onnawa dahil nása pamumugot din ang ama at mga kanayon. Nagsáma sina Banna
at Onnawa bago umuwi ang mandirigma. Nabuntis si Onnawa, at para mailihim ang
nangyari ay ipinaanod sa ilog ang sanggol na si Gassingga, kasáma ang mga handog sa
kaniya ni Banna. Mabuti’t nasagip ang sanggol ni Mangom-ombaliyon at pinalaking isang
mahusay na mandirigma.

Si Banna naman ay nanligaw sa magandang si Laggunawa. Ngunit ang gusto ng


ama ng babae ay ipakasal ito sa sinumang makapapatay sa higanteng si Liddawa. Marami
nang mandirigmang nabigo na mapugot ang ulo ni Liddawa. Nabalitaan din ni Gassingga
ang kondisyon ni Laggunawa at nagpasiyang lumahok. Nagdalá siyá ng alak sa nayon ni
Liddawa at hinámon ang lahat ng inuman. Nang malasing si Liddawa, pinugot ni Gassingga
ang ulo nitó at dinalá sa bahay ni Laggunawa. Ipinabalita ang kasal nina Gassingga at
Laggunawa.

Nagalit si Banna sa nangyari at nagsadya sa bahay ni Laggunawa. Hinámon niya


ang hindi nakikilalang anak. Nag-isip ng paraan si Laggunawa para mapigil ang labanan.
Binigyan niya ng pagsubok ang dalawa. Nagwagi sa pagsubok si Banna. Ngunit kinain ng
malaking sawá si Gassingga. Ipinasiyang iligtas si Gassingga. Pati si Mangom-ombaliyon
ay dumating. Nailigtas ni Banna si Gassingga at nakilala ang anak. Sa dulo, nagkaroon ng
dalawang kasalan. Binalikan ni Banna si Onnawa para pakasalan. Ikinasal din sina
Gassingga at Laggunawa.
47

Malayang Talakayan

1. Magkomento sa epikong Biag ni Lam-ang.


2. Ano ang nais ipabatid sa epikong Hudhud? Anong aral ang namayani rito?
3. Ano ang epikong Ibalon? Paano naging bayani si Baltog?
4. Ano ang epikong Ullalim? Paano nagkaroon ng kasalan ang magkaaway?
Mangyayari kay ang ganitong estorya sa kasalukuyan? Patunayan.

BUMALIK
48

Aralin 3

EPIKO NG VISAYAS

KUDAMAN ( Palawan) hango sa http://malacanang.gov.ph/75495-mga-epiko-at-kuwentong-bayan/

Isa ang Kudaman sa umaabot sa 60 tultul o epikong-bayan ng pangkating Palawan


na nakolekta ni Nicole Revel-Macdonald pagkatapos ng 20 taóng saliksik mulang 1970. Ang
saliksik ni Revel-Macdonald ay patunay sa napakayamang panitikang-bayan ng Filipinas.
Ang bayaning si Kudaman ay datu ng Kapatagan, may putong na kalapati at may tahanang
naliligid ng liwanag. May sasakyan siyáng malaki’t mahiwagang ibon, si Linggisan, na isang
kulay lilang bakaw, na nagdadalá sa kaniya sa iba’t ibang lupain at pakikipagsapalaran.
Tuwing aalis siyá, iniiwan niya sa mga asawa ang isang bulaklak ng balanoy na kapag
nalanta ay sagisag ng kaniyang kasawian.

Ang kasalukuyang Kudaman ay inawit ni Usuy, isang babaylang Palawan, at ilang


gabi niya itong inawit. Isinalin sa Filipino ni Edgar B. Maranan ang tultul nang ilathala
noong 1991. Nagsisimula ito sa istorya kung paano napangasawa ni Kudaman si Tuwan
Putli, at pagkaraan, ang tatlo pang asawa na nagturingang magkakapatid at nagsáma-sáma
sa isang tahanan. Sinundan ito ng pagdalo sa isang pagdiriwang ng mga Ilanun upang
manggulo. Ilang taóng naglaban si Kudaman at ang pinunòng Ilanun at sa ganitong labanan
ay nagwawagi sa dulo ang bayani upang kaibiganin ang nakalaban. Anupa’t malimit
magtapos ang mga bahagi ng tultul sa malaking inuman ng tabad, ang alak ng Palawan, at
pagkonsumo ng mahigit sandaang tapayan ng alak. Dili kayâ’y nagsisimula ito sa malaking
inuman na nauuwi sa labanan kapag nalasing ang mga panauhin. Sa dulo ng mga nairekord
na tultul, sampu na ang asawa ni Kudaman na nakatagpo sa iba’t ibang abentura.

Gayunman, mapapansin diumano ang taglay na hinahon at paghahangad ng


kapayapaan ni Kudaman. Maraming tagpo ng sigalot na tinatapos sa kasunduang
pangkapayapaan at pagpapasiya alinsunod sa tradisyong Palawan. Nakapalaman din sa tultul
ang mga kapaniwalaan ng Palawan at ang konsepto nilá ng sandaigdigan.

MANIMIMBIN (Palawan) hango sa http://malacanang.gov.ph/75495-mga-epiko-at-kuwentong-


bayan/

Ang Maninimbin ay isa sa mga nalikom at reirekord ng etnolohistang Pranses na si


Nicole Revel sa kaniyang pagsasaliksik sa Palawan. Narinig niya ang epikong-bayan kay
Masinu. Nalathala ito sa Paris noong 2000 na may kalakip na mga salin sa Pranses at Ingles.
Isa pang epikong-bayang Palawanon, ang Kudaman, ang inilathala sa Paris noong 1983 at
muling inilathala noong 1991 nang may salin sa Filipino ni Edgardo Maranan.

Isa sa mga epikong-bayan ng Palawan hinggil sa binatang si Manimimbin na


naglakbay sa paghahanap ng asawa. Nakatagpo siyá ng isang babae na inibig niya ngunit
tumutol sa kaniyang panunuyò. May kapatid ang babae, si Labit, na naging kaibigan ni
Manimimbin. Sa pagpapatuloy ng kuwento, nag-away sina Manimimbin at Labit. Dahil
kapuwa may mahiwagang kapangyarihan, tumagal ang kanilang paglalaban at walang
manalo. Naisip niláng lumipad sa langit at humanap ng tagapamagitan. Natagpuan nilá ang
Kulog at bumalik silá sa lupa. Sa ikalawang paglalakbay ni Manimimbin at sa tulong ng
mga mahiwagang ibon at ng Binibini ng mga Isda, nagwakas ang epikong-bayan sa sabay
na pag-iisang-dibdib nina Manimimbin at Labit. Nakasal si Manimimbin sa kapatid ni Labit
at si Labit sa kapatid ni Manimimbin.

HINILAWOD (Panay) hango sa http://malacanang.gov.ph/75495-mga-epiko-at-kuwentong-bayan/

Ang Hiniláwod ay isa sa pinakamatanda at pinakamahabang epiko ng Kanlurang


Bisaya. Ito’y nagsasaad ng kaunlaran at kultura ng Panay noong unang panahon. Ito raw ay
inaawit nang mga tatlong linggo, isa o dalawang oras gabi-gabi. Panahon noon nang ang
mga datu galing Borneo ay dumaong sa Panay. Labingwalong kuwento ang napapaloob sa
49

Hinalawod at ang bawat kuwento ay sumasaklaw sa tatlong henerasyon. Nagsimula ang


kuwento noong panahong ang mga diyoses ay nakikipamuhay pa sa mga tao at nagtatapos
naman sa panahon nang bilhin ni Bankaya (datu galing Borneo) kay Marikudo, Hari ng mga
Aeta.

Ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban, ang epikong Hinalawod ay dinatnan na sa
Panay ng mga Kastila.

Tinatawag na Hinilawod ang epikong-bayan ng mga Sulod na nakatira sa


bulubunduking bahagi ng Panay. May dalawa itong pangunahing tauhan, sina Labaw
Donggon at Humadapnon, at may mga sariling salaysay. Sa saliksik ni F. Landa Jocano,
kaniyang naitala ang Labaw Donggon noong 1956 mula kay Ulang Udig, isang Sulod sa
Iloilo.

Buod ng Hinilawod hango sa http://malacanang.gov.ph/75495-mga-epiko-at-kuwentong-bayan/

Ang salaysay na Labaw Donggon ay nagsimula sa kaniyang pamilya. Isa siya sa


tatlong mala-bathalang anak nina Abyang Alunsina, isang diwata, at ni Buyung Paubari,
isang mortal. Mga kapatid niya sina Humadapnon at Dumalapdap.

Pagkapanganak sa kaniya ay naghanap si Labaw Donggon ng mapapangasawa. Una


niyang nakuha si Abyang Ginbitinan, ikalawa si Anggoy Doronoon.
Ikatlo at pinakamahirap ang pakikipagsapalaran niya ay si Malitong Yawa Sinagmaling na
asawa ni Saragnayan, tagapag-alaga ng araw. Dahil may agimat din si Saragnayan, natalo
niya si Labaw Donggon sa labanan na tumagal ng maraming taon.

Ibinilanggo ni Saragnayan si Labaw Donggon sa kulungan ng baboy sa silong ng


bahay niya. Samantala, nanganak ng dalawang lalaki ang dalawang asawa ni Labaw
Donggon, sina Asu Mangga at Buyung Baranugan.

Hinanap ng magkapatid ang ama, nakaharap si Saragnayan, ngunit ngayo’y


natuklasan ni Baranugan ang lihim ng kapangyarihan ni Saragnayan kaya napatay ang asawa
ni Malitong Yawa Sinagmaling. Pinawalan ng magkapatid si Donggon at pinaliguan. Ngunit
nagtago ito sa loob ng isang lambat. Sina Humadapnon at Dumalapdap naman ang humanap
kay Labaw Donggon at nakita nilá ito sa loob ng lambat ngunit halos bingi at lubhang
matatakutin. Gayunman, pinagtulungan siyang gamutin nina Abyang Ginbitinan at Anggoy
Doronoon pagkatapos mangako na pantay-pantay siláng ituturing na asawa kasama ni
Malitung Yawa Sinagmaling. Sinundan pa ito ng mga pakikipagsapalaran nina Humadapnon
at Dumalapdap na nakuha din ng kani-kanilang asawa.

LABAW DONGGON (Bisayas) hango sa http://malacanang.gov.ph/75495-mga-epiko-at-kuwentong-


bayan/

Si Labaw Donggon ay anak ni Anggoy Alunsina at Buyung Paubari. Siya ay


napakakisig na lalaki na umibig kay Abyang Ginbitinan. Binigyan niya ng
maraming regalo ang ina ni Abyang Ginbitinan na si Anggoy Matang-ayon upang pumayag
lamang na makasal ang dalawa. Inimbita niya ang buong bayan sa kanilang
kasal. At hindi nagtagal ay umibig siyang muli sa isang magandang babae na nagngangalang
Anggoy Doronoon. Niligawan niya ito at hindi nagtagal ay nagpakasal. At muli ay umibig
si Labaw sa isa pang babae na nagngangalang Nagmalitong Yawa Sinagmaling
Diwata. Ngunit ang babae ay nakasal na kay Buyung Saragnayan na katulad niya na may
kapangyarihan din.

Patayin mo muna ako bago mo makuha ang aking asawa, sabi ni Buyung
Saragnayan sa kanya. Handa akong kalabanin ka, sagot ni Labaw kay Saragnayan. Naglaban
sila ng maraming taon gamit ang kanilang mga kapangyarihan ngunit hindi mapatay ni
Labaw si Saragnayan. Mas malakas ang kapangyarihan ni Saragnayan kaysa kay Labaw.
Natalo si Labaw at siya ay itinali at ikinulong sa kulungan ng baboy ni
Saragnayan. Samantala ang kanyang mga asawa na si Abyang Ginbitinan at Anggoy
Doronoon ay nanganak sa kanilang panganay. Tinawag ni Abyang ang kanyang anak
na Asu Mangga at si Anggoy Doronoon na Buyung Baranugun. Gustong makita si Labaw
50

ng kaniyang dalawang anak at nagpasya na hanapin siya. Sa tulong ng bolang kristal ni


Buyung Barunugun ay nalaman nlla na bihag siya ni Saragnayan. Ang dalawang
magkapatid ay nagtagumpay sa pagpapalaya sa kanilang ama na napakatanda na at ang
kanyang katawan ay nababalutan na ng mahabang buhok. Kailangan niyo munang malaman
ang sikreto ng kapangyarihan ni Saragnayan bago ninyo siya labanan! sabi ni Labaw sa
kanyang dalawang anak. Opo ama, sagot ni Baranugun. Ipapadala ko sina Taghuy at
Duwindi kay Abyang Alunsini upang itanong ang sikreto ng kapangyarihan ni Saragnayan.
Nalaman ni Baranugun kay Abyang na ang hininga ni Saragnayan ay itinatago at
pinangangalagaan ng isang baboy ramo sa kabundukan. Siya at si Asu Mangga ay nagtungo
sa kabundukan upang patayin ang baboy ramo. Kinain nila ang puso nito na siyang buhay ni
Saragnayan. Biglang nanghina si Saragnayan. Alam niya kung ano ang
nangyari. Nagpaalam na siya kay Nagmalitong Yawa. Handa na siyang upang kalabanin
ang dalawang anak ni Labaw. Si Baranugun lamang ang humarap sa kanya sa isang
madugong laban. Napatay siya ni Baranugun sa isang mano-manong laban. Pagkatapos ng
labanan ay hinanap nila ang kanilang ama. Nakita nila na siya ay nakasilid sa lambat ni
Saragnayan. Natakot sila sa mga kapatid ni Saragnayan. Pinatay silang lahat ni Baranugun
at pinalaya si Labaw sa lambat.

Nang makita ni Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon si Labaw ay napaiyak sila


sa pighati. Nalaman nilang hindi na makarinig si Labaw, hindi na rin nito nagamit ang pag-
iisip. Pinaliguan nila ito, binihisan at pinakain. Inalagaan nila ito nang mabuti.
Samantala, si Buyung Humadapnon at Buyung Dumalapdap, mga bayaw ni Anggoy
Ginbitinan ay ikinasal kina Burigadang Pada Sinaklang Bulawan at Lubaylubyok Hanginon
Mahuyukhuyukon. Ang dalawang babae ay ang magagandang kapatid ni Nagmalitong
Yawa.

Nang malaman ni Labaw Donggon ang kasal sinabi nito sa dalawang asawa na nais
niyang mapakasalan si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata. Gusto kong magka-
roon ng isa pang anak na lalaki! sabi ni Labaw Donggon.

Nagulat sina Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon sa sinabi ng asawa at dahil mahal na
mahal nila ang asawa ay tinupad nila ang kahilingan nito. Humiga si Labaw sa sahig at
pumatong ang dalawang babae sa kanya, naibalik ang kanyang lakas at
sigla ng isip. Masayang-masaya si Labaw at ang kanyang tinig ay umalingawngaw sa buong
lupain.

MARAGTAS (Bisayas) hango sa https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-epics-mga-


epiko-tuwaang-epiko-ng-mga-bagobo_604.html

Ang epikong Maragtas ay kasaysayan ng sampung magigiting, matatapang at


mararangal na datu. Ang kasaysayan ng kanilang paglalakbay mula Borneo patungo sa pulo
ng Panay ay buong kasiyahan at pagmamamalaking isinalaysay ng mga taga-Panay. Ayon
sa ilang ulat at pananaliksik na pinagtahi-tahi at pinagdugtung-dugtong, ganito ang mga
pangyayari:

Ang Borneo noon ay nasa pamumuno ng isang malupit at masamang sultan na


si Sultan Makatunao. Kinamkam niya ang lahat ng yaman ng nasasakupan. Kanya ring
pinupugayan ng dangal ang mga babae, pati ang mga asawa at anak na dalaga ng mga datu
na nasa ilalim niya.

Isang araw, si Pabulanan, ang asawa ni Datu Paiborong, ang nais halayin at angkinin
ng masamang sultan. Nalaman ni Datu Paiborong ang tangka
ni Sultan Makatunao. Nagbalak ang magigiting na datu na manlaban
kay Sultan Makatunao. Nag-usap-usap silang palihim. Naisipan sin nilang humingi ng
tulong kay Datu Sumakwel.

Si Sumakwel ay mabait, magalang at matalino. Alam niya ang kasaysayan ng


maraming bansa at marami siyang alam kung tungkol sa paglalayag. Dinalaw ni Datu
Paiborong at ni Datu Bangkaya si Sumakwel. Ipinagtapat ng dalawa ang paglaban na nais
nilang gawin. Ayaw ni Sumakwel sa balak na paglaban.
51

Pinuntahan ni Sumakwel si Datu Puti. Si Datu Puti ay punong ministro ni


Makatunao. Sinabi ni Sumakwel ang suliranin ng mga datu at ang balak na paglaban.
Ipinasiya nina Sumakwel at Datu Puti ang palihim na pag-alis nilang sampung datu sa
Borneo. Hindi nila magagapi si Makatunao. Maraming dugo ang dadanak at marami ang
mamamatay. Ayaw ni Datu Puti na mangyari ang ganoon. Iiwan nila ang kalupitan
ni Sultan Makatunao at hahanap sila ng bagong lupain na maaaring pamuhayan nila nang
malaya at maunlad. Sila'y mararangal na datu na mapagmahal sa kalayaan.

Nagpulong nang palihim ang sampung datu. Sila'y tatakas sa Borneo. Palihim
silang naghanda ng sampung malalaking bangka, na ang tawag ay biniday
o barangay. Naghanda sila ng maraming pagkain na kakailanganin nila sa malayong
paglalakbay. Hindi lamang pagkain ang kanilang dadalhin kundi pati ang mga buto at binhi
ng halamang kanilang itatanim sa daratnan nilang lupain. Madalas ang pag-uusap ni
Sumakwel at ni Datu Puti. Batid ni Sumakwel ang malaking pananagutan niya sa gagawin
nilang paghanap ng bagong lupain. Silang dalawa ni Datu Puti ang itinuturing na puno, ang
mga datung hahanap ng malayang lupain.

Isang hatinggabi, lulan sa kanilang mga biniday o barangay, pumalaot ng dagat ang
sampung datu kasama ang kanilang asawa at mga anak at buong pamilya pati mga
katulong. Sa sampung matatapang na datu, anim ang may asawa at apat ang binata. Si
Sumakwel ay bagong kasal kay Kapinangan, si Datu Bangkaya ay kasal kay Katorong na
kapatid ni Sumakwel. Ang mag-asawang si Datu Paiborong at Pabulanan, si Datu
Domangsol at ang asawang si Kabiling, ang mag-asawang si Datu Padihinog at
Ribongsapaw, Si Datu Puti at ang kanyang asawang si Pinampangan. Ang apat na binatang
datu ay sina Domingsel, Balensuela, Dumalogdog at Lubay.

Ang mga taga-Borneo ay kilala sa tawag na Bisya o Bisaya. Malakas ang


loob nila na pumalaot sa dagat pagkat batid nila ang pagiging bihasa ni Datu Puti at ni
Sumakwel sa paglalayag. Nakita nang minsan ni Sumakwel ang isang pulo makalagpas ang
pulo ng Palawan. Alam niya na ang naninirahan dito ay mga Ati, na pawang mababait at
namumuhay nang tahimik. Alam din niya kung gaano kayaman ang pulo.

Nasa unahan ang barangay ni Datu Puti. Makaraan ang ilang araw at gabi nilang
paglalakbay, narating nila ang pulo ng Panay. Ang matandang pangalan nito ay Aninipay.
Bumaba si Datu Puti at naglakad-lakad. Nakita niya ang isang Ati. Siya ay katutubo sa
pulong iyon. Pandak, maitim, kulot ang buhok at sapad ang ilong. Sa tulong ng kasama ni
Datu Puti na marunong ng wikain ng katutubo ay itinanong niya kung sino ang pinuno sa
pulong iyon at kung saan ito nakatira. Ipinabalita ni Datu Puti kay Marikudo na silang mga
Bisaya mula sa Borneo ay nais makipagkaibigan.

Si Marikudo ay siyang hari ng Aninipay. Siya ay mabuting pinuno. Ang lahat sa


pulo ay masaya, masagana at matahimik na namumuhay. Walang magnanakaw. Ang lahat
ay masipag na gumagawa. Kilala rin sila sa pagiging matapat at matulungin sa kapwa.
Dumating ang takdang araw ng pagkikita ng mga Ati sa pamumuno ni Marikudo at ng mga
Bisaya sa pamumuno ni Datu Puti. May isang malaking lapad na bato sa baybay dagat. Ito
ang kapulungan ng mga Ati. Ito ang Embidayan. Dito tinanggap ni Marikudo ang mga
panauhin. Nakita niya na mabait at magalang ang mga dumating. Ipinaliwanag ni Datu Puti
ang kanilang layong makipanirahan sa pulo ng Aninipay. Nais nilang bilhin ang
lupain. Sinabi ni Marikudo na tatawag siya ng pulong, ang kanyang mga tauhan at
saka nila pagpapasyahan kung papayagan nilang makipanirahan ang mga dumating na
Bisaya.

Muling nagpulong ang mga Ati at mga Bisaya sa Embidayan. Nagpahanda si


Marikudo ng maraming pagkaing pagsasaluhan ng mga Ati at mga Bisaya. Dumating mula
sa Look ng Sinogbuhan ang mga Bisaya lulan ng sampung barangay. Nakaupo na sa
Embidayan si Marikudo kasama ang kanyang mga tauhan. Katabi ni Marikudo ang kanyang
asawa na si Maniwantiwan. Nakita ng mga Ati ang maraming handog ng mga Bisaya. Ang
mga lalaking Ati ay binigyan ng mga Bisaya ng itak, kampit at insenso. Ang mga babaeng
Ati ay binigyan naman ng kuwintas, panyo at suklay. Ang lahat ay
nasiyahan. Nagpakita ng maramihang pagsayaw ang mga Ati. Tumugtog ang Bisaya sa
52

kanilang solibaw, plota, at tambol habang ang mga lalaki naman ay nagsayaw pandigma,
ang sinurog.

Nag-usap sina Marikudo at Datu Puti. Ipinakuha ni Datu Puti ang isang gintong
salakot at gintong batya mula sa kanilang barangay. Ibinigay niya ito kay Marikudo. Nakita
ni Maniwantiwan ang mahabang-mahabang kuwintas ni Pinampangan. Ito'y kuwintas na
lantay na ginto. Ibig ni Maniwantiwan ang ganoon ding kuwintas. Pinigil ni Maniwantiwan
ang bilihan, kung hindi siya magkakaroon ng kuwintas. Madaling ibinigay ni Pinampangan
ang kuwintas niya kay Maniwantiwan.

Itinanong ni Datu Puti kung gaano kalaki ang pulo. Sinabi ni Marikudo, na kung
lalakad sa baybay dagat ng pulo simula sa buwang kiling (Abril o buwan ng pagtatanim) ay
makababalik siya sa dating pook pagsapit ng buwan ng bagyo-bagyo (Oktubre o
buwan ng pag-aani). Ang lupang kapatagan ay ibinigay ng mga Ati sa mga Bisaya. Ibinigay
rin nila ang kanilang mga bahay. Ang mga Ati ay lumipat ng paninirahan sa bundok.
Madaling isinaayos ni Datu Puti ang mga Bisaya. Si Datu Bangkaya kasama ang kanyang
asawa na si Katurong at anak na si Balinganga at kanilang mga tauhan at katulong ay tumira
sa Aklan. Sumunod na inihatid ni Datu Puti sina Datu Paiborong at asawang si Pabulanon
at ang kanyang dalawang anak na si Ilehay at si Ilohay. May mga tauhan ding kasama si
Datu Paiborong na kakatulungin niya sa pagtatanim ng mga buto at binhi na iiwan ni Datu
Puti at Datu Sumakwel. Sina Lubay, Dumalogdog, Dumangsol at Padahinog ay kasama ni
Sumakwel. Sila ay sa Malandog naman maninirahan. Nagpaalam si Datu Puti kay
Sumakwel. Kanyang pinagbilinan si Sumakwel na pamunuang mahusay ang mga
Bisaya. Nag-aalala si Datu Puti tungkol sa kalagayan ng iba pang Bisaya sa Borneo sa
ilalim ng pamumuno ng malupit na si Makatunao.

Matapos magpaalam kay Sumakwel, umalis na ang tatlong barangay, kay Datu Puti
ang isa, at ang dalawa pa ay sa dalawang binatang datu na sina Datu Domingsel at Datu
Balensuela. Narating nila ang pulo ng Luzon. Dumaong ang
tatlong Barangay sa Look ng Balayan. Ipinasya ng dalawang datu na dito na sa Taal
manirahan kasama ang mga "Taga-ilog". Isang araw lamang at umalis na sina Datu Puti at
Pinampangan upang bumalik sa Borneo.

Malayang Talakayan:

1. Ilarawan si Kudaman? Ano ang malimit niyang ginagawa? Paano niya


nalalaman na may nangyari sa kanyang pamilya? Anong uring pamayanan
meron sila?
2. Isalaysay ang buhay ni Manimbin? Paano siya nagkaroon ng aasawa?
3. Ano ang Hinilawod? Sino ang pangunahing tauhan? Ano ang kaganapang
nakapaloob dito?

4. Ano ang ugnayan ng Hinilawod at Labaw Donggon? Ipaliwang at magbigay


ng reaksyon dito?

5. Ano ang Maragtas? Ilahad ang kaganapng nakapaloob sa epikong nauukol sa


10 Datu ng Borneo. Magbigay ng pahayag tungkoldito?

BUMALIK
53

Aralin 4

EPIKO NG MINDANAO

BANTUGAN Darangan ng mga Moro (Maranao)


Hango sa https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-epics-mga-epiko-tuwaang-epiko-ng-mga-
bagobo_604.html

Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali sa aharian ng Bumbaran. Ang


prinsipe ay balita sa tapang at kakisigan, kaya't maraming dalaga ang naaakit sa kanya.
Dahil sa pangyayaring ito, si Haring Madali ay naiinggit sa kapatid. Nag-utos siya na
ipinagbabawal na makipag-usap ang sinuman kay Prinsipe Bantugan. Ang sinumang
mahuling makipag-usap sa prinsipe ay parurusahan. Nalungkot si Prinsipe Bantugan at
siya'y naglagalag, siya'y nagkasakit at namatay sa pintuan ng palasyo ng Kaharian ng
Lupaing nasa Pagitan ng Dalawang Dagat. Ang hari rito at ang kapatid niyang si Prinsesa
Datimbang ay Kaguluhan. Hindi nila kilala si Bantugan. Tumawag ila ng pulong ng mga
tagapayo. Habang sinasangguni nila ang konseho kung ano ang gagawin sa bangkay,
isang loro ang pumasok. Sinabi ng loro na ang bangkay ay si Prinsipe Bantugan na mula
naman sa Bumbaran at ibinalita naman ang pangyayari kay Haring Madali.

Nalungkot si Haring Madali. Dali-dali siyang lumipad patungo sa langit upang


bawiin ang kaluluwa ni Bantugan. Nang makabalik si Haring Madali, dala ang kaluluwa ni
Bantugan, ay dumating din si Prinsesa Datimbang na dala naman ang bangkay ni
Bantugan. Ibinalik ang kaluluwa sa katawan ni Bantugan. Nabuhay na muli si Bantugan at
nagdiwang ang buong kaharian pati na si Haring Madali.

Samantala, nakarating naman ang balita kay Haring Miskoyaw na namatay si


Bantugan, ang matapang na kapatid ni Haring Madali. Nilusob ng mga kawal niya ang
Bumbaran. Itinigil ang pagdiriwang at nakilaban ang mga kawal ng Bumbaran. Nanlaban
din si Prinsipe Bantugan subalit dahil sa siya ay nanglalata pa dahil sa bagong galing sa
kamatayan, siya ay nabihag. Siya'y iginapos, subalit nang magbalik ang dati niyang lakas,
nilagot ni Bantugan ang kanyang gapos at buong ngitngit niyang pinuksa ang mga kawal ni
Haring Miskoyaw. Nailigtas ni Bantugan ang kaharian ng Bumbaran.

Ipinagpatuloy ng kaharian ang pagdiriwang. Nawala na ang inggit sa puso ni


Haring Madali. Dinalaw ni Bantugan ang lahat ng mga prinsesang kanyang katipan.
Pinakasalan niyang lahat ito at iniuwi sa Bumbaran na tinanggap naman ni Haring Madali
nang malugod at buong galak. Namuhay si Bantugan ng maligaya ng mahabang panahon.

INDARAPATRA AT SULAYMAN (Maguindanao)


Hango sa https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-epics-mga-epiko-tuwaang-epiko-ng-mga-
bagobo_604.html

Si Indarapatra ay ang matapang na hari ng Mantapuli. Nabalitaan niya ang malimit


na pananalakay ng mga dambuhalang ibon at mababangis na hayop sa ibang panig ng
Mindanao. Labis niyang ikinalungkot ang mga nangyayaring ito sa mga naninirahan sa
labas ng kaharian ng Mantapuli. Ipinatawag ni Indarapatra ang kanyang kapatid na si
Sulayman, isang matapang na kawal. Inutusan ni Indarapatra si Sulayman upang puksain
ang mga ibon at hayop na namiminsala sa mga tao. Agad na sumunod si Sulayman. Bago
umalis si Sulayman, nagtanim si Indarapatra ng halawan sa may durungawan. Aniya
kay Sulayman, Sa pamamagitan ng halamang ito ay malalaman ko ang nangyayari sa
iyo. Kapag namatay ang halamang ito, nanganaghulugang ikaw ay namatay.

Sumakay si Sulayman sa hangin. Narating niya ang Kabilalan. Wala siyang


nakitang tao. Walang anu-ano ay nayanig ang lupa, kaya pala ay dumating ang halimaw na
si Kurita. Matagal at madugo ang paglalaban ni Sulayman at ni Kurita. Sa wakas, napatay
rin ni Sulayman si Kurita, sa tulong ng kanyang kris.
54

Nagtungo naman si Sulayman sa Matutum. Kanyang hinanap ang halimaw na


kumakain ng tao, na kilala sa tawag na Tarabusaw. Hinagupit nang hinagupit ni Tarabusaw
si Sulayman sa pamamagitan ng punongkahoy. Nang nanlalata na si Tarabusaw ay saka ito
sinaksak ni Sulayman ng kanyang espada.

Pumunta si Sulayman sa Bundok ng Bita. Wala rin siyang makitang tao. Ang iba
ay nakain na ng mga halimaw at ang natirang iba ay nasa taguan. Luminga-linga pa si
Sulayman nang biglang magdilim pagkat dumating ang dambuhalang ibong si Pah. Si
Sulayman ang nais dagitin ng ibon. Mabilis at ubos lakas ng tinaga ito ni
Sulayman. Bumagsak at namatay si Pah. Sa kasamaang palad nabagsakan ng pakpak ng
ibon si Sulayman na siya niyang ikinamatay. Samantala, ang halaman ni Sulayman sa
Mantapuli ay laging pinagmamasdan ni Indarapatra. Napansin niyang nanlata ang halaman
at alam niyang namatay si Sulayman. Hinanap ni Indarapatra ang kanyang
kapatid. Nagpunta siya sa Kabalalan at nakita niya ang kalansay ni Tarabusaw. Alam
niyang napatay ito ng kapatid. Ipinagpatuloy ni Indarapatra ang paghahanap niya kay
Sulayman. Narating niya ang bundok ng Bita. Nakita niya ang patay na ibong Pah. Inangat
ni Indarapatra ang pakpak ng ibon at nakita niya ang bangkay ni Sulayman. Nanangis si
Indarapatra at nagdasal upang pabaliking muli ang buhay ni Sulayman. Sa di kalayua'y may
nakita siyang banga ng tubig. Winisikan niya ng tubig ang bangkay at muling nabuhay si
Sulayman. Parang nagising lamang ito mula sa mahimbing na pagtulog. Nagyakap ang
magkapatid dahil sa malaking katuwaan.

Pinauwi na ni Indarapatra si Sulayman. Nagtuloy pa si Indarapatra sa Bundok


Gurayu. Dito'y wala ring natagpuang tao. Nakita niya ang kinatatakutang ibong may pitong
ulo. Sa tulong ng kanyang engkantadong sibat na si juris pakal ay madali niyang napatay
ang ibon. Hinanap niya ang mga tao. May nakita siyang isang magandang dalaga na
kumukuha ng tubig sa sapa. Mabilis naman itong nakapagtago. Isang matandang babae ang
lumabas sa taguan at nakipag-usap kay Indarapatra. Ipinagsama ng matandang babae si
Indarapatra sa yungib na pinagtataguan ng lahat ng tao sa pook na iyon. Ibinalita ni
Indarapatra ang mga pakikilaban nilang dalawa ni Sulayman sa mga halimaw at
dambuhalang ibon. Sinabi rin niyang maaari na silang lumabas sa kanilang
pinagtataguan. Sa laki ng pasasalamat ng buong tribu, ipinakasal kay Indarapatra ang anak
ng hari, ang magandang babaeng nakita ni Indarapatra sa batisan.

AGYU Hango sa https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-epics-mga-epiko-tuwaang-epiko-


ng-mga-bagobo_604.html

Ang mga bayaning sina Banlak, Agyu, at Kuyasu ay nakatira sa bayan ng


Ayuman. Sa tradisyong Ilianon sila’y magkakapatid na anak ni Pamulaw. Si Agyu ay may
apat na kapatid na babae, ngunit sina Yambungon at Ikawangon lamang ang binanggit sa
epiko. Isang araw nagpadala si Agyu sa datung Moro ng siyam na komu-buu-buong pagkit
sa pamamagitan nina Kuyasu at Banlak. Nagalit ang datung Moro dahil kakaunti ang pagkit
pambayad, kaya’t kanyang ibinalibag ang pagkit kay Kuyasu na tumama sa may
ulser. Gumanti si Kuyasu at kanyang sinibat ang datu na tinamaan sa dibdib. Nahulaan ni
Agyu na magkakagiyera dahil napatay ang datu. Nagtungo sila sa Ilian at ipinasiya ni Agyu
na magtayo ng kuta sa bundok ng Ilian. Ang mga mandirigmang Morong nagdaan sa Ilog
Palangi ay dumating at nakita ang kutang ginawa ng mga Ilianon. Nakipaglaban sina Agyu
sa mga Moro at halos naubos ang mga kaaway.

Pagkatapos ng tagumpay, ipinasya ni Agyu na lumipat sa bayan. Pinili niya ang


bundok ng Pinamatun. Hanggang narating nila ang bayang Tigyandang at dito sila
sinalakay. Lumaban ang mga tauhan ni Agyu sa pampangin ng look ng Linayagon. Nang
sila’y naubusan ng tauhan, ang batang anak ni Agyu na si Tanagyaw ay nagprisintang
sasagupa sa mga kaaway. Napatay niyang lahat ang kalaban nang ikaapat na araw. Narating
ni Tanagyaw ang bayang Bablayon. Nanghihilakbot ang mga tao rito at nang malaman
niyang lulusubin sila ng mga kaaway o mananakop nanlaban at napatay ni Tanagyaw ang
mga mananakop. Dahil dito ay ipinakasal ng datu ang kanyang anak kay Tanagyaw.

Di nagluwa’t ang bayan ni Agyu ay nanganib din sa mga mananakop na galing sa


ibayong dagat. Ang mga lalaki, bata at matanda ay sinabihang lumaban ngunit sila’y
55

natalo. Hinulaan ng propeta ang malagim nilang wakas ngunit sinalungat at pinarusahan
siya ni Tanagyaw. Nagbihis siya ng sampung suson makasiyam ang kapal at dinampot ang
kanyang sibat at kalasag na hindi nasisira. Nilabanan niya ang mga mananakop sa
dalampasigan. Naghambalong ang mga patay, patung-patong, na parang bundok at burol.
Itinalaga ni Agyu ang bayan sa kanyang matagumpay na anak na nanirahan doon kasama
ang kanyang kaakit-akit na asawa.

BIDASARI Hango sa https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-epics-mga-epiko-


tuwaang-epiko-ng-mga-bagobo_604.html

Ang epikong Bidasari ng Kamindanawan ay nababatay sa isang romansang


Malay. Ayon sa kanilang paniniwala, upang tumagal ang buhay ng tao, ito'y pinaalagaan at
iniingatan ng isang isda, hayop, halaman o ng punongkahoy.

Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa isang dambuhalang ibon. Ang


ibong ito ay mapaminsala sa mga pananim at maging sa buhay ng tao. Ang ibong ito ay ang
ibong garuda. Kapag dumarating na ang garuda, mabilis na nagtatakbuhan ang mga tao
upang magtago sa mga yungib. Takot na takot sila sa ibong garuda pagka't ito'y kumakain
ng tao. Sa pagtatakbuhan ng mga tao, nagkahiwalay sa pagtakbo ang sultan at sultana ng
Kembayat. Ang sultana ng Kembayat ay nagdadalantao noon. Sa laki ng takot ay naisilang
niya ang sanggol na babae sa may tabi ng ilog. Dahil sa malaking takot at pagkalito naiwan
niya ang sanggol sa bangka sa ilog.

May nakapulot naman ng sanggol. Siya ay si Diyuhara, isang mangangalakal mula


sa kabilang kaharian. Kanyang pinagyaman at iniuwi sa bahay ang sanggol. Itinuring niya
itong anak. Pinangalanan nila ang sanggol ng Bisari. Habang lumalaki si Bidasari
ay lalo pang gumaganda. Maligaya si Bidasari sa piling ng kanyang nakikilalang magulang.
Sa kaharian ng Indrapura, ang sultang Mongindra ay dalawang taon pa lamang kasal
kay Lila Sari. Mapanibughuin si Lila Sari. Natatakot siyang umibig pa sa ibang babae
ang sultan. Kaya lagi niyang itinatanong sa sultan, kung siya'y mahal nito na sasagutin
naman ng sultan ng : mahal na mahal ka sa akin. Hindi pa rin nasisiyahan ang magandang
asawa ng sultan. Kaniyang itinanong na minsan sa sultan: Hindi mo kaya ako malimutan
kung may makita kang higit na maganda kaysa akin? Ang naging tugon ng Sultan ay: Kung
higit na maganda pa sa iyo, ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat. Nag-alala
ang sultana na baka may lalo pang maganda sa kanya at ito ay makita ng sultan. Kaya't
karakarakang inutusan niya ang matapat niyang mga kabig na saliksikin anh kaharian upang
malaman kung may babaeng higit na maganda sa sultana.

Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari at siya ay higit na maganda kaysa
kay Lila Sari.Inanyayahan ng Sultana si Bidasari sa palasyo upang diumano ay gagawing
dama ng sultana. Ngunit pagsapit doon, si Bidasari ay lihim na ikinulong ni Lila Sari sa
isang silid at doon pinarurusahan. Nang hindi na matiis ni Bidasari ang mga pagpaparusa sa
kanya, sinabi niyang kunin ang isdang ginto sa halamanan ng kanyang ama. Kapag araw
ito'y ipinakukuwintas kay Lila Sari at sa gabi'y ibinabalik sa tubig at hindi maglalaon si
Bidasari ay mamamatay. Pumayag si Lila Sari. Kinuha niya ang isdang ginto at pinauwi na
niya si Bidasari. Isinuot nga ni Lila Sari ang kuwintas ng gintong isda sa araw at ibinabalik
sa tubig kung gabi. Kaya't si Bidasari ay nakaburol kung araw at muling nabubuhay sa
gabi. Nag-alala si Diyuhara na baka tuluyang patayin si Bidasari. Kaya nagpagawa
siya ng isang magandang palasyo sa gubat at doon niya itinira nang mag-isa si Bidasari.

Isang araw, ang Sultan Mongindra ay nangaso sa gubat. Nakita niya ang isang
magandang palasyo. Ito'y nakapinid. Pinilit niyang buksan ang pinto. Pinasok niya ang
mga silid. Nakita niya ang isang napakagandang babae na natutulog. Ito ay si
Bidasari. Hindi niya magising si Bidasari. Umuwi si Sultan Mongindra na hindi nakausap
si Bidasari. Bumalik ang sultan kinabukasan. Naghintay siya hanggang gabi. Kinagabihan
nabuhay si Bidasari. Nakausap siya ni Sultan Mongindra. Ipinagtapat si Bidasari ang mga
ginawa ni Lila Sari. Galit na galit ang sultan. Iniwan niya si Lila Sari sa palasyo at agad
niyang pinakasalan si Bidasari. Si Bidasari na ang naging reyna.
56

Samantala, pagkaraan ng maraming taon ang tunay na mga magulang ni Bidasari ay


matahimik nang naninirahang muli sa Kembayat. Nagkaroon pa sila ng isang supling. Ito'y
si Sinapati. Nang pumunta sa Kembayat ang isang anak ni Diyuhara ay nakita niya si
Sinapati, anak ng sultan at sultana ng Kembayat.

Si Sinapati ay kamukhang-kamukha si Bidasari. Kinaibigan nito si Sinapati at ibinalita ang


kapatid niyang si Bidasari sa kamukhang-kamukha ni Sinapati. Itinanong ni Sinipati sa mga
magulang kung wala siyang kapatid na nawawalay sa kanila. Pinasama ng ama si Sinapati
sa Indrapura. Nang magkita si Bidasari at si Sinapati ay kapwa sila nangilalas dahil sa silang
dalawa ay magkamukhang-magkamukha. Natunton ng Sultan ng Kembayat ang nawawala
niyang anak na si Bidasari. Nalaman ng sultan ng Indrapura na ang kanyang pinakasalang
si Bidasari ay isa palang tunay na prinsesa.

SANDAYO (Zamboanga) hango sa http://malacanang.gov.ph/75495-mga-epiko-at-kuwentong-bayan/

Ang Sandáyo ay epikong-bayan mula sa mga Subanon na naninirahan sa


bulubunduking nasa hanggahan ng Hilaga at Timog Zamboanga. Kinalap, itinalâ, at isinalin
ito sa Ingles ni Virgilio Resma, isang pampublikong guro sa Misamis, mula sa salaysay ng
isang babaeng Subanon na kilalá bilang si Perena, sa loob ng pitóng magkakasunod na gabi,
simula ika-9 ng gabi hanggang ika-3 ng madaling-araw, noong ika-9 hanggang ika-16 ng
Hunyo 1980. Una itong nailatlahala sa pamagat na Keg Sumba Neg Sandayo sa Kinaadman:
A Journal of the Southern Philippines noong 1982. Pinamagatan naman itong Sandayo sa
salin sa Filipino ni Antolina T. Antonio bilang pagkilála sa bayani ng epikong-bayan.

Pangunahing tauhan ng epikong-bayang ito si Sandayo, anak nina Datu Salaria at


ng asawa nitóng si Salaong ng Tubig Liyasan. Gayunman, hindi siyá iniluwal ng kaniyang
ina kundi nahulog sa buhok nitó sa ikasiyam na ulit na pagsuklay. Sa pagsapit ng kaniyang
unang buwan, ipinasiya ni Sandayo na maglakbay at mula roon ay masasaksihan ang
katapangan at kahusayan ng bayani sa pagharap sa mga hamon at labanan.

Binubuo ng 4,843 taludtod, isa ang Sandayo sa tatlong epikong-bayan ng mga


Subanon. Ang dalawa pang nailathala na rin ay ang Ang Guman ng Dumalinao na binubuo
ng 4,063 taludtod at ang Ag Tobig Nog Keboklagan na binubuo ng 7,960 taludtod. Kilalá rin
ito sa tawag na guman na tumutukoy hindi lámang sa epikong-bayan ng mga Subanon kundi
maging sa paraan ng pag-awit nitó. Nagaganap ang pagsasalaysay nitó sa isang buklog, ang
isang linggong pagdiriwang na kinapapalooban ng awitan, sayawan, at kainan. Kaugnay
nitó, pinaniniwalaan ng mga Subanon na kapag may isang ibong dumapo sa bubong sa
panahong inaawit ang epiko, ito ay ang kaluluwa ni Sandayo–ang bayaning mangangalaga
sa kanilang mga lupain at tubigan at magpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ng
pamayanan. (JGP)

TUDBULUL
Mula sa pamayanang Tiboli ng lalawigan ng Timog Cotabato, Mindanao ang
epikong-bayang Tudbulul. Isinasalin ang salaysay nito sa iba’t ibang pangkat at panahon sa
pamamagitan ng pag-awit o helingon. Ang mga awit o lingon na bumubuo sa epikong-bayan
ay tinatawag sa loob ng pamayanang Tiboli na Lingon Tuha Logi (“Awit ng Matanda”).
Malawakan naman itong kinikilála bilang Tudbulul dahil ito ang pangalan ng bayaning
tauhan. Tinatayâng may 20 hanggang 24 na lingon ang epikong-bayan, at bawat isa ay
nagsasalaysay ng isang buong kuwento. Nagsisimula ang epikong bayan sa awit na Kemokul
Laendo nga Logi (“Walang Anak si Kemokul”) na nakatuon sa pagnanais ni Kemokul na
magkaroon ng anak na lalaki na siyang magtatanggol sa kanilang pamayanan, ang
Lemlunay.

Ang kapanganakan ni Tudbulul ang magiging katuparan ng kaniyang nais.


Ipinahihiwatig ang kadakilaan ng sanggol ng mga kakambal nitong gamit pandigma:
sombrero, kalasag, mamahaling gong, at isang kabayo. Ang pag-awit ng Tudbulul ang
siyang pinakatampok sa anumang pagtitipon ng pamayanan. Isinasagawa ito tuwing Klalak,
ang bahagi ng pagdiriwang kung kailan tapos nang kumain ang lahat at wala nang iba pang
gagawin maliban sa pakikinig ng lingon.
57

Itinuturing na sagrado ang pag-awit ng epikong-bayan dahil ang kanilang diwata ang
nagsasabi kung ano ang kanilang dapat isalaysay. Ginagawa ang helingon habang nakaupo
at mahigpit na ipinagbabawal ang paghiga. Kaugnay nito, mataas ang pagtingin ng mga
Tiboli sa umaawit ng epikong-bayan at pinatutunayan ng paghahandog sa kaniya ng mga
pagkain at regalo sa katapusan ng pagtitipon.

TUWAANG https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-epics-mga-epiko-tuwaang-epiko-
ng-mga-bagobo_604.html

Ang Tuwaang, epiko ng mga Bagobo, ay isang mahabang tula na nagsasalaysay ng


mga kabayanihan ni Tuwaang. Si Tuwaang ay siyang puno ng Kuaman. Balita siya sa
katapangan, lakas at kakisigan. Isang araw tumanggap si Tuwaang ng balita na may isang
dilag na nagmula sa kalangitan ng Buhong na nakarating sa kaharian ni Batooy upang
humingi ng tulong. Tinawagan ni Batooy si Tuwaang. Nagpaalam si Tuwaang sa kapatid
niyang babae na kinagigiliwan iyong tawaging Bai, ibig niyang tulungan ang nasabing
dalaga. Ayaw mang pumayag ni Bai sapagkat ang gagawin ni Tuwaang ay lubhang
mapanganib, hindi rin napigil si Tuwaang sa gagawin niyang pagsaklolo. Sumakay si
Tuwaang sa kidlat. Ang karaniwan niyang sasakyan ay hangin. Ngunit sa pagkakataong
ito'y humingi siya ng pasintabi sa hangin na hindi ito ang gamiting sasakyan sapagkat siya'y
nagmamadali.

Dumaan muna si Tuwaang sa lupain ng Binata ng Pangavukad. Dinulutan si


Tuwaang ng itso (ikmo at bunga). Ang pagdudulot ng itso sa panauhin ay kaugalian ng mga
Muslim. Pumunta si Tuwaang at ang Binata ng Pangavukad sa lupain ni Batooy. Pagdating
nila roon, dahil sa kagandahang lalaki ni Tuwaang ay halos hinimatay ang mga tao sa laki
ng paghanga sa binata ng Kuaman. Pumanhik si Tuwaang at sa laki ng pagod dahil sa
paglalakbay ay nakatulog siya sa pagkakaupo sa tabi ng dalagang may lambong ng
kadiliman, ang dalaga ng Buhong. Nang magising si Tuwaang, dinulutan ang dalawa ng
itso at sila'y ngumanga. Mula pa ng dumating sa lupain ni Batooy ay walang nais kausapin
ang dalagang may lambong ng kadiliman. Hinintay niya si Tuwaang upang dito sabihin ang
kanyang malaking suliranin. Nagkagusto ang binata ng Pangumanon sa dalaga. Malaki
naman ang pag-ayaw ng dalaga, subalit nais kunin ng Binata ng Pangumanon ang dalaga sa
dahas. Kaya napilitan siyang humingi ng saklolo kay Tuwaang at kay Batooy.

Hindi pa gaanong natatagalan ang pag-uusap ni Tuwaang at ng dalaga ng Buhong


ay dumating naman ang Binata ng Pangumanon. Walang taros na pinagtataga ng Binata ng
Pangumanon ang tauhan ni Batooy. Para lamang tumatabas ng puno sa isang tubuhan at sa
ilang saglit nakabulagta nang lahat ang mga kawal at tauhan ni Batooy.

Nanaog si Tuwaang at nagharap ang dalawang malakas at makapangyarihang


lalaki. Ginamit ni Tuwaang ang kanyang kampilan. Sa lakas ng pagtatagaan ay naputol
ito. Itinapon ni Tuwaang ang puluhan nito at kaagad na tumulong ang punong
malivutu. Gayon din ang nangyari sa binata ng Pangumanon. Ginamit naman ni Tuwaang
ang iba pang sandata niyang palihuma, gayon din ang balaraw hanggang nabali rin sa
puluhan ang mga ito. At sabay na nagtapon ng baling puluhan ang dalawa at ito'y naging
punong maunlapay. Nang magkaubusan na sila ng mga armas, sinunggaban ng Binata ng
Pangumanon si Tuwaang at ibig durugin sa kanyang binti. Hindi nasaktan si
Tuwaang. Sinunggaban naman ni Tuwaang ang Binata ng Pangumanon at tinangkang
ihampas sa malaking bato. Nang sasayad na ang katawan, ang bato ay naging
alabok. Tinawagan ng Binata ng Pangumanon ang kanyang patung. Ito'y isang dangkal na
bakal na ipinulupot kay Tuwaang. Ang patung ay bumuga ng apoy. Inunat ni Tuwaang
ang kamay at namatay ang apoy. Tinawagan naman ni Tuwaang ang kanyang patung at
nagliyab ang binata ng Pangumanon at namatay.

Ngumanga si Tuwaang at ibinuga ang tabug ng nganga sa mga tauhan ni Batooy at


sila'y nabuhay na lahat. Iniuwi ni Tuwaang ang dalaga sa Kuaman. Pagdating nila sa
Kuaman ay may ligalig na nagaganap. Pagkatapos na magapi ni Tuwaang ang kalaban,
minabuti niyang doon na sila sa bayan ng Katu-san manirahang lahat. Inilulan ni Tuwaang
sa sinalimba, isang ginituang sasakyang lumilipad ang lahat niyang tauhan. Pinasan ni
Tuwaang sa magkabila niyang balikat ang dalagang Buhong at ang kapatid na si Bai at
pumunta rin sila sa Katu-san, ang lupaing walang kamatayan.
58

ULAHINGAN (Manobo) hango sa http://malacanang.gov.ph/75495-mga-epiko-at-kuwentong-bayan/

Ang Ulahingan ay epikong-bayan o bendingan ng mga Livunganen-Arumanen


Manobo na naninirahan malapit sa Ilog Libungan sa Hilagang Cotabato, Mindanao.
Itinuturing itong pinakamahabàng epikong-bayan sa buong Filipinas. Ang ulahing o pag-
awit ay maaaring abutin nang mahigit sa dalawang linggo. Isinasalaysay rito ang
pakikipagsapalaran ng bayaning si Agyu at ng kaniyang mamamayan sa daigdig at paraisong
tinatawag na Nelendangan. Mahigpit na kaugnay ito ng epikong Agyu ng mga Ilianon
Manobo, sapagkat ang dalawang nabanggit na pamayanang Manobo ay dáting iisang grupo.

Nahahati sa dalawang bahagi ang Ulahingan: ang kepu’unpu’un at ang sengedurug.


Tumutukoy ang kepu’unpu’un sa simula ni Agyu at ng kaniyang mamamayan sa daigdig;
samantalang isinasalaysay sa sengedurug ang búhay nina Agyu sa Nelendangan. Iisa lámang
ang kepu’unpu’un bagama’t maaari itong magkaroon ng maraming bersiyon. Apat ang
naitala at nailimbag na bersiyon nitó, dagdag pa rito ang bersiyong nalikha ng Langkat, isang
relihiyosong sekta na nabuo bunsod ng pangako ng Ulahingan sa pagmamana ng paraiso ng
susunod na pilìng grupo. Ang sengedurug ay bahagi ng epikong-bayan, bagama’t bawat isa
nitó ay isang kompletong kuwento. Sa kasalukuyan, umaabot sa 1,647 ang sengedurug at
patuloy pa itong nadaragdagan bunga ng sinasabing pananatili sa Nelendangan ni Agyu at
ng kaniyang mamamayan. Isa sa mga sengedurug nitó ay ang Ang Pagbisita ni Lagaba’an
sa Nelendangan na umaabot ng 5,779 taludtod. Itinalâ ito ni Elena G. Maquiso ng Silliman
University mula sa salaysay ng magkapatid na Langkan at Santiago Abud at nairekord ni
Samoan Bangcas sa Barongis, Libungan noong 1963. (JGP) . http://malacanang.gov.ph/75495-
mga-epiko-at-kuwentong-bayan/

ULOD (Manobo)

Ang Ulod ang epikong-bayan at pangalan ng bayani sa epikong-bayan ng mga


Matigsálug, ang isa sa mga pangkating etniko ng mga Bagobo na naninirahan sa hilagang
kanluran ng Davao. Sa mga Matigsalug, tinatawag na ad-ulahing ang pag-awit ng epikong-
bayan. Tulad ng Tuwaang, ang epikong-bayan ng mga Manobo, binubuo rin ang Ulod ng
ilang awitin, at karaniwang inaawit upang maging libangan tuwing may libing at kasal, at
isinasagawa rin bilang ritwal ng pagpapasalamat para sa masaganang ani o tagumpay na
pangangaso.

Nagsisimula ang epikong-bayang ito sa pagsusugo sa Dalaga ng Bundok Misimalun


upang magtanim ng palay. Dalá ng hangin, agad na dumating ang bayaning si Ulod upang
tumulong sa pagtatanim. Pag-uwi, natuklasan ni Ulod na ang kapatid niyang babae’y
tinangay ng Binata mula sa Buttalakkan. Agad sumugod si Ulod at hinámon ang Binata.
Napatay ang Binata at natagpuan ni Ulod ang kapatid na sirâ ang damit. Ginawa niyang
suklay ang kapatid at inilagay sa kaniyang buhok. Nakita ni Ulod ang kapatid na babae ng
Binata at inilagay niya ito sa palawit ng kuwintas niya bago siyá umuwi. Pagkalipas ng ilang
araw, dinalaw niya ang Dalaga ng Bundok Misimalun na nagtanong sa kaniya kung bakit
siyá napadalaw. Naglakbay si Ulod nang gabing iyon at napaisip naman ang Dalaga na
kailangan na niyang ibigay ang sarili sa bayani. Iniuwi siyá ni Ulod, at tinipon ng bayani
ang kaniyang sakop upang tanungin kung sasamahan siyá ng mga ito sa langit. Namahagi
ng ngangà ang dalaga at nagpatugtog ng gitarang kawayan. Hindi nagtagal, may pumanaog
na sasakyang panghimpapawid at sinabi ni Ulod sa kaniyang mga kamag-anak na sumakay
rito sapagkat magtatatag siyá ng limang nasasakupan sa lupain ng Katulussan.

Ang teksto ng Ulod ay binigkas ni Abbiyuk Ansavon sa tahanan ni Datu Duyan sa


Lumut noong 1956. Isinaayos ito sa 416 na linya ni Sadani Pagayaw, at upang awitin ito’y
binibigkas ng Matigsalug ang ad-indakko:

ÁLIM (Bukidnon) hango sa http://malacanang.gov.ph/75495-mga-epiko-at-kuwentong-bayan/

Si Agyu ang pangunahing bayani ng sinaunang epikong-bayan na Olaging at


Ulahingan sa Mindanaw. Olaging ang tawag sa epikong-bayan ng mga Bukidnon at
sinasabing ukol lámang ito sa búhay at pakikipagsapalaran ni Agyu. Sa kabilâng dako, ayon
kay Elena G. Maquiso (1977), ang Ulahingan ay isang sanga ng epikong-bayang Bendigan at
59

nakaukol sa búhay ni Agyu at kaniyang angkan. Ang Bendigan diumano ay epikong-bayan


ng mga Manobo at may sanga ito na tinatawag na Tulalangan at hinggil naman sa bayaning
si Tulalang.

Malimit na ang paksa ng Ulahingan ay ang paglalakbay ni Agyu, angkan, at mga


alagad upang hanapin ang Nalandangan o Nelendangan. Nagsisimula ito sa pagdating ng
isang malupit na kaaway o mananakop kayâ kailangang tumakas ng komunidad ni Agyu.
May episodyo tungkol kay Mungan, asawa ng kapatid ni Agyu na si Vanlak. Nagkasakit ng
ketong si Mungan at nagpasiyang magpaiwan. Ngunit pinagaling siyá ng mga naawang
diwata at tinuruan pa kung paanong makaliligtas ang komunidad ni Agyu. May episodyo
din sa mga kapatid ni Agyu na gaya nina Tabagka at Lena, gayundin sa anak niyáng
si Bayvayan. Isang lumilipad na malaking bangka, ang sarimbar, ang sinakyan nina Agyu
upang makaligtas. Sa dulo, narating nilá ang pangakong lupain, ang Nalandangan, at doon
naghari si Agyu sa habang-panahon kasáma ang mga adtulusan o pinagpalà.
Gayunman, may nakararating ding kaaway at ibang problema sa Nalandangan. Sa isang
Olaging na nakolekta ni Ludivina R. Opeña (1972), inilarawan ang isang malaki’t madugong
labanan nang lusubin ng mga kaaway ang Nalandangan. Nagwagi ang mga taga-
Nalandangan dahil sa kapangyarihan ni Agyu at sa husay niyá sa pakikidigma. Ang isang
katangi-tangi sa Olaging na ito ay ang paglalarawan sa tila-paraisong kalagayan ng
Nalandangan at sa malaking bahay ni Agyu. http://malacanang.gov.ph/75495-mga-epiko-at-
kuwentong-bayan/

Malayang Talakayan:
1. Sino si Bantugan? Bakit napaalis siya sa kaharian? Ano ang nangyari sa
kanya? Magbigay ng komento rito.
2. Isalaysay ang mga pangyayaring nakapaloob sa epiko? Bakit ang Indarapatra
at Sulayman ay itinuring na epiko?
3. Isalaysay ang buhay na pinagdaanan ni Agyu. Anong aral ang napuloy ninyo
rito?
4. Ibigay ang buod ng epiko. Naniniwala ka bang ang buhay ng tao ay may
kakambal na hayop o isda? Ipaliwanag. Anong aral ang napulot mo sa epiko?
5. Ilahad at magbigay reaksyon sa mga nakapaloob na epikong:
a. Sandayo
b. Tudbulul
c. Tuwaang
d. Ulahingan
e. Ulod
f. Alim

E. Pagtalakay sa Nilalaman:
1. Ano ang epiko?
2. Paano at kailan nagsimula ang mga epiko at kuwento ng mga bayani sa daigdig at
sa ating kapuluan?
3. Ano-anong mga epiko meron ang Pilipinas?
4. Ano-ano ang mga kabutihang dulot ng mga ito sa ating panitikan?
5. Ano-ano naman ang masamang epekto nito sa atin?
6. Bakit napabahagi ito sa ating panitikan?

D. Gawin mo!
1. Bumuo ng poster batay sa epikong inyong nakuha, gawing makulay ang inyong
presentasyon.
Pamantayan
Nilalaman 5
Presentasyon 5
Organisasyon 5
Hikayat 5
60

20
E. Buod
1. Paano naiiba ang epiko sa mitolohiya?
2. Gaano kahalaga ang pag-aaral ng epiko at mitolohiya para sa mga bata at guro?
3. Pagkomento ng ilang kaganapan sa epiko at iugnay sa kasalukuyang
pangyayari.
4. Ang bawat pulo sa Pilipinas ay may mga sari-sariling epiko. Ano ang namayani
sa bawat pangyayari sa epiko?
5. Ano ang papel na ginampanan ng epiko sa buhay ng mga Pilipino?
6. Alin sa epikong natalakay ang nagpaantig sa inyo? Bakit?
4. Anong teorya ang nabuo ninyo batay sa ating araling natalakay?

F. Pagtataya

1. Pagsagawa ng paghahambing sa epiko ng daigdig sa Pilipinas at magbigay ng


halimbawa sa bawat uri.

2. Kumuha ng epiko sa daigdig at Pilipinas at suriin ng mga elementong


nakapaloob nito at iugnay ang mga pangyayari at paano naagapan o nalutas
ayon sa pananaw sa kasalukuyan.

G. Takdang Aralin:
Pumili ng epiko sa inyong lugar. Alamin ang dahilan ng pagkabuo nito. Magbigay
ng komento tungkol dito. Pinaniniwalaan pa ba nila ito hanggang ngayon? Bakit?

Pamantayan
Nilalaman 5
Presentasyon 5
Organisasyon 5
Hikayat 5
20

VII. Pangkalahatang Pananaw

Ang araling ito ay nagnanais na malinang ang kaalaman tungkol sa sarbey ng


mga kategorya at uri ng panitikang pambata at pangkabataan at ang wastong pagpili ng
angkop na seleksyon. Layunin din ng kursong maiaply ang iba’t ibang estratehiya sa
alternatibong pagtataya.. Naglalaman ng mga napapanahon at magagandang kaisipan
na layuning maikintal sa isipan ng mga mambabasa. Sana’y maging gabay mo ito na
malinang ang iyong kakayahan na magamit sa inyong pagtuturo sa darating na panahon.

VIII. Pasulit

1. Pumili ng Mitolohiya / Epiko na inyong nagustuhan, magkaroon ng analisis


tungkol dito, ibigay ang buod, character web at ilahad ang mahalagang
pangyayari, magkomento at iugnay sa kasalukuyang pangyayari.

Pamantayan
Nilalaman 20
Presentasyon 10
Organisasyon 10
Hikayat 10
50%

2. Sumuri ng isang parabula at ibigay ang inyong komento o reaksyon at


iugnay sa buhay.
61

Pamantayan
Nilalaman 20
Presentasyon 10
Organisasyon 10
Hikayat 10
50%

IX. Sanggunian

Almario, V. S. (2010). Panitikang Pambata Sa Filipinas. (Batay sa enterne).


Gojo Cruz, Genaro R. (2006). Panitikang Pambata: Sandata ng Pananakop, Sandata ng
Pagpapalaya
Rivera, Crisanto C. 1982. Panitikang Pambata. Quezon City. Rex Bookstore
Santiago, Erlinda, et.al.(1987) Panitikang Filipino. National Bookstore. Navotas, Metro,
Manila
Retrieved: https://ejournals.ph/article.php?id=7883
Retrieved: https://www.pookpress.co.uk/project/mother-goose-rhymes-history/
Retrieved https://dakilapinoy.com/2009/06/05/kahulugan-ng-talinghaga/

MGA KAGAMITANG SUPLIMENTARI

Video presentation
Kasaysayan ng Panitikang Pambata Retrieved:
https://www.youtube.com/watch?v=JLhtj-AlLHA prt 1
https://www.youtube.com/watch?v=OQnrh5IBwlo prt 2
https://www.youtube.com/watch?v=aUuSO8-mP9Q prt3
https://www.youtube.com/watch?v=SxYshsMEFsk prt 4
https://www.youtube.com/watch?v=h3GcW4eOL0Y prt 5
https://www.youtube.com/watch?v=ZyRL5lRma_Q prt6
https://www.youtube.com/watch?v=3z4r3KqvbzE prt7
https://www.youtube.com/watch?v=vtKZaVSC1Kg prt8

X. Ang May-akda

Fe A. Quisil

Nagtapos ng Bachelor of Science in Education Filipino Major at English


Minor sa Father Urios College, Butuan City. Natapos ang MAED, Administration &
Supervision sa Agusan Colleges, Butuan City at nagkarron ng 24 units ng MA Filipino
Literature PNU-Manila Extension Classes. Complete Academic Requirement sa PhD. in
Educational Management sa Saint Joseph Institute of Technology. Nagtuturo ng mga kurso
sa Filipino at kasalukuyang gumagawang mga Course Pack para sa pag-aaral at pagkatoto.

BUMALIK

You might also like