You are on page 1of 2

GABAY SA PAGSUSURI NG PELIKULA

I. Tungkol sa Pelikula

A. Pamagat ng Pelikula
Cuddle Weather
B. (Bakit kaya ito ang pamagat? Angkop ba ito sa pelikula?)
- Cuddle Weather ang pamagat nito dahil hango ito sa naging relasyon ng pangunahing tauhan sa
pelikula. Ang kanilang pagiging “cuddle partners” ay ang nagpasimula o ang nagpabago ng buhay ng
mga bida kaya ditto palang ay masasabing konektado ang pamagat sa storya. Naaangkop ang
pamagat sa ating bida na si Adela, na kung saan sa dinami-dami niyang nakama ay naghahangad pa
din siyang makahanap ng taong seryosong magmamahal at lagi siyang sasamahan kahit anong
mangyari. Isang tao na yayakapin siya ng may lambing at hindi lamang dahil sa pagnanasa.
Naramdaman niya ito kay Ram at doon nagsimula ang kanilang pag-iibigan.

C. Direktor
 (Ibigay ang pangalan ng Direktor)
Director: Rod Marmol
D. Prodyuser
(Pangalan ng Prodyuser o mga Prodyuser)
 Supervising Producer: Lea A. Calmerin
Line Producer: Reign Anne L. De Guzman
Producer: Antoinette Jadaone
Executive: Producer: Lily Y. Monteverde
Roselle Y. Monteverde
Associate Producer: Ma. Sarah Perez
Producer: Dan Villegas
E. Pangunahing Tauhan

 (Pangalan ng mga karakter – artistang gumanap – paglalarawan)


Adela (Sue Ramirez) - prostitute for 9 years, changes her name often, Marie(last name)
Ram (RK Bagatsing) – rookie call boy, wants to be a seaman

F. Buod ng Pelikula
(Magbigay ng maikling buod ng pelikula)
- Tungkol ito sa dalawang bida na nagtatrabaho bilang pokpok (prostitutes) upang matugunan
ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Si Adela na naghahangad na mapalitan ang kaniyang
pangalan upang magsimula ng bagong buhay at si Ram na naloko sa pagpunta sa abroad kaya nauwi
sa pagiging pokpok. Nagkakilala sila sa isang cheap na hotel at napagkasunduan nilang magsama sa
isang apartamento upang maging cuddle partners. Naging masaya ang kanilang pagsasama at unti-
unti nilang naramdaman na kailangan nila ang isa’t isa. Naging komplikado ang kanilang pagsasama
dahil sa hindi pagkakaunawaan o sa hindi pagpayag ng isa sa gustong mangyari ng isa para sa
kanilang relasyon. Ngunit sa huli ay naayos nila ito, nangako silang hihinto na sa kanilang pagpuputa
at sa kanilang “bagong buhay” ay patuloy silang magmamahalan kahit ano pa man ang mangyari.
II. Mga Aspektong Teknikal

A. Musika
(Nababagay ba ang mga tunog at musikang ginamit sa pelikula? Nakatutulong ba ang musika sa pagguhit
ng emosyon at pagpapatingkad ng kagandahan ng kwento?)
- Oo, ang paggamit nila ng akmang musika upang mapatingkad ang emosyon na ipinaparating ng
pelikula ang isa sa mga nagpaganda ng aking naging karanasan sa panonood nito. Mas may naging
epekto sa akin ang mga ilang senaryo at mas nadama ko ang emosyon at atmospera dahil
kompliment ang musika sa bawat senaryo.

B. Sinematograpiya
Maganda ba ang kabuuang kulay ng pelikula? Mapusyaw bao matingkad ang pagkakatimpla ng kulayng
kuha ng mga camera? Maganda ba ang visual effects na ginamit?
- Oo, akma ang color schemes at visual effects na ginamit nila sa buong pelikula. Kaaya-aya ito at
sapat lang ang tingkad ng mga bagay kaya hindi masakit sa mata kung panoorin. Malinaw ang mga
bagay na kanilang pinapakita at hindi nawawala sa pokus kung sakaling gumamit sila visual effects.

C. Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari


Ikuwento sa maikling paraan ang mga natatanging eksena na nagbigay kahulugan sa pelikula
- Si Adela na halos ginugol ang buong buhay sa pagpuputa ay matagal ng gustong umalis sa kanyang
trabaho. Para sa kanya, mahirap at nakakasawa nang ituloy ito dahil nakakawalan ito ng libog sa
lahat at inuubos nito ang kanyang pagkatao. Dahil dito, gusto niyang makahanap ng taong
kukumpleto ulit ng kanyang pagkatao at makakasama niya sa bagong buhay na inaasam niya. Hindi
naman siya nabigo at nakilala niya si Ram na siyang nandiyan lagi sa tabi tuwing malungkot o
kailangan niya ng makakasama. Hindi niya inaasahan na yung taong kayakap lang niya sa una ay ang
taong nangako na sasamahan at mamahalin siya sa huli.

III. Mga Aral


Ano ang natutunan mong aral mula sa pelikula na maaari mong ibahagi sa iyong kapwa?
- Sa pag-ibig, mas matimbang ang isa na tunay kaysa sa marami ngunit peke. Ang ibigsabihin lang nito,
ang yakap na manggagaling sa taong mahal mo ay mas matimbang pa din kaysa sa yakap ng isang
daang tao na hindi kailanman naging importante sayo. Matagal ang naidudulot na kasiyahan ng
yakap na may intensiyong mahalin ka samantalang temporaryo lamang ang makukuha mo sa yakap
ng taong may intensiyon lamang na pagnasaan ang iyong katawan. Sa huli, mas gugustuhin natin na
makasama ang taong magbibigay sa atin ng libog at pagmamahal dahil dito lang natin
mararamdaman ang tunay na kaligayahan.

You might also like