You are on page 1of 9

Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan 7

I. Layunin: Sa loob ng 60 minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. natutukoy ang kahulugan ng anapora at katapora;
b. nailalahad ang pagkakaiba ng anapora at katapora;
c. nagagamit ang mga ito sa sariling pangungusap.

II. Paksang Aralin: Anapora at Katapora


Sanggunian: DepEd, Department of Education (FAPE) at PEAC Module
Kagamitan: PowerPoint Presentation
Pagpapahalaga: Nailalahad ang mga ito sa sariling pangungusap.

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain:
Magandang umaga mga mag-aaral! Magandang umaga din po guro!

Kamusta kayo ngayong araw? Sana ay


nasa mabuti kayong kalagayan. Mabuti naman po.

Manalangin tayo. Sa ngalan ng ama, ng anak, ng Espirito


Santo. Amen.

Para sa inyong attendance itype niyo sa


chatbox ang inyong paboritong kulay at
ang inyong apelyido. Tulad nito,
Pula-Maunes. Naiintindihan ba mga
mag-aaral? Opo naiintindihan po guro.

1. Pagsasanay
Ngayon, meron akong mga letra dito
kung saan ay inyong iayos para makabuo
ng salita.
1. A P N A R O A Anapora
2. L I F P N I O I Filipino
3. K T A A P R O A Katapora
4. P N A G L I P A H Panghalip
5. K H E O S Y N O G G A R M T A I L A K Kohesyong Gramatikal
6. M I A K L N G I K E W N O T Maikling Kwento
7. J A N U C I R S S O T M O O O S T O Juan Crisostomo Soto
8. P N A D N A A Pananda
9. P N G A G A L N A N Pangngalan
10. P N A T K I A N I Panitikan

Magaling mga mag-aaral! Sana ay nag-enjoy


kayo sa ating munting pagsasanay.
Siguro naman may ideya na kayo
kung ano ang ating paksa sa araw na ito.
Pero bago natin tatalakayin ang ating paksa
sa araw na ito ay magbalik aral muna tayo.

2. Pagbabalik – Aral
Naaalala nyo pa ba ang inyong tinalakay
nung nakaraan? Opo guro.

Mabuti. Ano iyon? Tungkol po sa kwentong Juan Tamad.

Magaling! Ang kwentong Juan Tamad


ay isa sa halimbawa ng ano? Mitolohiya po.

Mahusay! Tatanungin ko kayo ano ba


ang mitolohiya? Ang kwentong mitolohiya ay isang
malaking uri ng literatura na kung saan
ang madalas na tinatalakay ng mga
kwento ay mga diyos at diyosa at iba
pang makapangyarihang nilalang.

Kadalasan ito ay naka-ankla sa kultura,


tradisyon, alamat at relihiyon ng isang
rehiyon o bansa. Madalas, ang
tinatahak na tema ng mitolohiya ay
kababalaghan. Ngunit, kahit na
nababalot ito ng kababalaghan at
madalas ang kathang-isip lamang,
mayroong pa din itong mga nai-aambag
sa kasaysayan at pati na rin sa mga
modernong pag aaral.
Ang mitolohiya ay parating mayroong mga
gintong aral na ipinagkakaloob sa mga
nakakarinig o nakababasa nito. Dagdag na rin
ito sa kaalaman kung ano ang tradisyon at
kultura ng nasabing lugar ng mitolohiya dahil
isinasalamin nito ang kabuhayan noong ito ay
isinusulat.
Mahusay klase! Ngayon, base sa inyong
tinalakay na kwento anu-ano ang mga
aral na inyong natutunan? "Wala napapala ang walang ginagawa".
Ang ibig sabihin nito ay wala kang
mararating kapag ipinaiiral mo ang
katamaran kaya dapat huwag maging
tamad tulad ni Juan Tamad.
Magaling! Tama bang tularan ang isang
Juan Tamad? Hindi po.

Tama! Dapat hindi tayo gagaya kay Juan


Juan tamad dahil wala tayong mapapala
sa ating buhay. Di natin maaabot ang ating
mga pangarap kung di tayo magsipag.
Kung may gusto man tayo dapat nating
Paghirapan bago natin ito makukuha.

May mabuti bang maidudulot sa


ating lipunan ang pagiging tamad? Wala pong mabuting maidudulot ang
pagiging tamad sa ating lipunan.
Tingin nyo uunlad tayo kung lahat
ng tao ay tulad ni Juan Tamad? Hindi po.

Interaksyon na Gawain

1. Bagong Aralin
1.1.Pagganyak
Ano kaya ang bagong tatalakayin
natin ngayon? Malalaman ninyo sa
pamamagitan ng pagtuklas gamit ang
mga numero 1-26 na kung saan may
mga alpabetong naka representa.

Simulan na ang pagtuklas ng mga salita.


Anong salita ang inyong natuklasan? Juan Crisostomo Soto po.
Mahusay mga mag-aaral. Ngayon
aalamin natin ang maikling kwento
mula sa Pampanga ni Juan Crisostomo
Soto.
Kaninong ulat ito? Maaari bang ipresenta
ninyo? Opo.

Ngayon klase, may inihanda ako dito na


Maikling kwento mula sa Pampanga ni Juan
Crisostomo Soto. Bibigyan ko kayo ng dalawang
minuto upang tapusin ang babasahin nyong kwento.
Magsimula na kayo.

Maikling Kwento Mula sa Pampanga ni Juan Crisostomo Soto

Punong-puno ng kolorete ang mukha ng dalagang si Binibining Yeyeng. Sabi niya ipinanganak ang kanyang
mga magulang sa sulok ng Pampanga, sa pinakamaliit na bayan nito. Dahil dito sa Pilipinas si Binibining
Yeyeng mula ulo hanggang paa, at kahit sa kanyang kadulu-duluhan ng kanyang buhok, kapampangan siya.

Dahil mahirap lang sila, karamihan nagtitinda ang kinabubuhay. Nakikita si Binibining Yeyeng na sunog ang
ginatan o kaya bitso-bitso na inilalako niya sa mga sugalan. Nagdalagang walang pagbabago sa buhay nitong
binibini.

Natapos ang rebolusyon. Nagbukas ng paaralan ang pamahalaang military ng Amerika at dito pinagturo ang
mga sundalong Amerkano. Nangyaring si Binibining Yeyeng, Yeyeng pa noon, wala pang binibini. Ay
nagkaroon ng suking sundalo. Inakit ng sundalong mag-aaral ang dalaga sa paaralang kanyang pinagtuturuan
upang magkaintindihan sila. Sa kanilang pag-uusap, nag-iingles ang sundalo, nagkaka-pampangan si BInibining
Yeyeng, kaya napilitan siyang mag-aral.

Pagkaraan ng ilang buwan, nagsasalita na ng Ingles si Binibining Yeyeng. Paglipas ng walong buwan, sa amuki
ng gurong kawal, ipinahatid siya sa isang bayan kung saan siya pinagturo.

Noong nagtuturo na doon, pinahanga niya ang taong-bayan dahil nakikita nilang mas marunong siya ng Ingles
kaysa sa kanila.

Nang lumipas ang panahon. Halos hindi na nagsasalita si Binibining Yeyeng ng Kapampangan dahil sabi niya ay
nakalimutan na niya ito. Matigas daw ang Kapampangan at nababaluktot ang kanyang dila, kaya kailanman
hindi na siya makapagsalita ng tuwid at nauutal siya.

Nagkalabitan ang mga maalam na nakakikilala sa kanya sa pagkarinig nito. Pinalitan tuloy ang kanyang
pangalan at pinangalanan siya ng matunog at umaalingasaw na Binibining Phathupats, pangalang hango sa
malapad niyang balakang na pilit iniipit sa Pahang mahigpit na ginagamit niya, kaya wala siyang iniwan sa
patupat o suman sa ibus na mahigpit ang balot.

Magmula noon ito ang pangalang ibinansag sa kanya at nakalimutan nilang tuluyan ang Yeyeng, ang
malambing niyang palayaw. Ang Binibining Phathupats ang nagiging palasak.
Ganito na ang kanyang buhay. Hindi nagtagal lumabas ang Ing Emangabiran,pahayagang Kapampangan sa
Bacolor. Sa isang pista o velada sa bayang X, na kung saan dumalo si Binibining Phathupats, binasa ito.
Lumapit siya, ngunit nang makita na Kapampangan ang binabasa, lumabi ng kaunti, umiling at nagsabi.

“Mi no entiende el Pampango, Mi no entiende ese Castellano, Binibini,’’ sabi naman ng isang susut,
ginagad ang kanyang tono.

Napangiti lahat ng nasa umpukan: at sapagkat may pinag-aralan sila, hindi na nila ipinakita ang pagkaaliw
nila sa binibini. At ito naming babae kahit alam na parang tinutukso na siya ay nagpatuloy din at nagsabi:
‘’Sa katunayan, totoong nahihirapan na akong bumigkas ng Kapampangan lalo na kung binabasa ko.’’
Ditto sa iilang salitang binigkas niya, sumama lahat ang iba’t ibang wika ng talaslitang bulgar na ang Ingles,
Kastila, at Tagalog na pinaghalu-halo niya ang walang kawawaan. Hindi na nakapagpigil ang mga
nakarinig, napatawa sila ng nagalit ang Binibining Phathupats, hinarap ang mga tumatawa at sabi niya:
‘’Porque reir?” Por el tsampurado, Binibini, sabi ng unang sagot.

Lalong lumakas ang halakhak ng mga nakikinig at nag-iinit ang pakiramdam ni Binibining Phathupats. Isa
sa mga nakatayo ang nagsabi ng ganito. ‘’Hindi kayo dapat magtaka kung hindi na marunong ng
Kapampangan si Binibining Phathupats: una, dahil matagal na siyang nakisama sa mga kawal na
Amerikano: pangalawa, hindi na siya Kapampangan. Katunayan Binibining Phathupats ang kanyang
pangalan.

Noon na sumabog ang bulkan. Putok na ubod ng lakas, sumabog ang kaldero ni Binibining Phathupats at
mula sa bunganga niyang naglalawa lumabas ang lagablab ng Vesubiyo o ang lahat ng maruruming salita
sa Kapampangan, bigla niyang pinagsama-sama sa nag-aapoy na bunganga.

Walanghiya! Magnanakaw! Taga-lason! Anak! Sabi sa tinurang wikang Kapampangan. Aba, Kapampangan
pala siya! Sabi ng mga nakakarinig. Oo, hindi ba ninyo alam? Sabi ng nakakakilala sa kanya. Anak siya ni
Matandang Godiung Pakbong na aking kanayon.

Napahalakhak nang malakas ang mga nanonood. Napaiyak si Binibining Phathupats at sa pagpupunas ng
kanyang tumulong luha sumama ang makapal niyang pulbos sa pisngi. Lumitaw ang likas niyang kulay,
maitim pa siya sa duhat. Nang Makita ito ng mga manonood lalo na silang napatawa at nagsabi:

‘’Aba! Maitim pala siya! Oo, Amerikano Negra siya! Sigawan, palakpak, halakhak ang narinig noon. Hindi
na nakatiis si Binibining Phathupats. Nagkandarapa sa paglabas sa daan at sabi niya, ‘’Mi no vuelve en
esta casa.’’ Paalam, binibining hindi marunong ng Kapampangan! Paalam, binibining Phathupats!’’.

Ganyan siyang pinagtutulung-tulungan, at ang kawawang Yeyeng ay umalis na bubulung-bulong na


parang asong ulol.

Napakarami ng mga binibining Phathupats sa panahon ngayon. Hindi na sila marunong ng Kapampangan
o ikinahihiya na nila ang Kapampangan dahil nakapagsasalita na sila ng Ingles na tsampurado.
2. Paglalahad
2.1 Pamantayan
Ngunit bago ang lahat may tanong ako.
Ano ba ang dapat gawin kapag ka may
nagsasalita dito? Guro, makikinig po.
Ang gusto ko making ng mabuti at
pag tinawag ang inyong pangalan
saka pa kayo magsasalita. Maliwanag ba
klase? Opo.

3. Pagtatalakay
Sa paksang ito, alamin at tuklasin natin kung ano ang ibig sabihin ng tinatawag na anapora at
katapora at ano ang halimbawa ng mga ito.
Amg mga panandang anaphora o panghalip sa unahan at katapora o panghalip sa hulihan ng
pangngalan ay mga kohesyong gramatikal.
Ang kohesyong gramatikal (cohesive devices) ay mga salitang nagsisilbing pananda upang
hindi pauli-ulit ang mga salita. Ang mga cohesive devices na ito ay mga panghalip na ito
(bagay), doon, dito (lugar), iyon (hayop), sila, siya, tayo, kaniya (tao o hayop).
Halimbawa ng panghalip na ginagamit sa hulihan bilang panimula sa pinalitang pangngalan
sa unahan ng pangungusap.
 Sina Raha Sulayman at Andres Bonifacio ang mga bayaning Pilipino. Sila ay mga
dakilang Manileno.

Halimbawa ng panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang


pangngalan sa hulihan.

 Ito ay isang dakilang lungsod. Ang Maynila ay may makulay na kasaysayan.

Ang anapora ay isang pares ng pangungusap o isang pangungusap na kung saan ang mga
tinutukoy ay nasa unahan, samantalang ang larawan sa tinutukoy ay nasa hulihan. Ito ay
sumalungit sa katapora, na nakabaligtad ang tinutukoy at ang larawan nito.
Mga halimbawa:
 Si Jose Rizal ay ang pambansang bayani ng mga Pilipino. Siya ay matapang sa paghahayag ng
mga maling gawain sa kapwa niyang Pilipino.
Si “Jose Rizal” ang tinutukoy at ang nasa hulihan na “matapang sa paghahayag ng mga
maling gawain sa kapwa niyang Pilipino ay ang larawan kay Jose Rizal.
 Sina Chloe at Cassandra ang mga batang nangunguna sa klase. Sila ay mahilig mag-aral.
 Ang kultura ay nagbibigay sa atin ng pagkakakilanlan. Ito ay maituturing na kayamanan ng isang
bansa.
 Sina Jared at Jake ang mga batang nangunguna sa klase. Sila ay mahilig magbasa ng libro.
 Sumali si Via sa Paligsahan at nanalo siya.
 Si Mina ay naglalakad sa kalye ngunit nadapa siya.
 Ang mga kababaihan sa Pilipinas ay kilala bilang malambing at matapang ipinaglalaban ang
kanilang karapan. Sila ay hinahangaan ng mundo dahil sa mga katangiang ito.
 Patuloy na dinarayo ng mga turista ang Boracay sa Caticlan dahil sila’y totoong nagagandahan
dito.
 Ang kwago at paniki ay pawang mga hayop sa gabi subalit magkaiba sila sa anyo at katangian.
 Ako ay pumunta sa tiangge para makabili ng gamit ngunit nakalimutan ko kung ano ang bibilhin
ko.
 Si Maria ay napakaaganda. Yun nga lang, napakasungit niya.
 Si Lea Salonga ang sikat at kilala sa buong mundo sa larangan ng pagkanta. Hinahangaan siya ng
lahat.

Ang Katapora naman ay isang naglalarawan sa mga panghalip na ginagamit sa unahan ng


isang pangungusap bilang palatandaan sa pinalitang pangalan sa hulihan. Heto ang mga
halimbawa:
 Ito ay isang dakilang probinsya. Ang Cavite ay may makulay na kultura.
 Patuloy nilang dinarayo ang Pueblo Resort sa Palawan dahil ang mga turista’y totoong
namamangha sa kagandahan nito.
 Siya ay isa sa mga dayuhang turista na patuloy na pumupunta sa Pueblo Resort sa Palawan dahil
ayon kay Peter Hashkins, paborito niya itong pasyalan.

B. Panapos na Gawain
1. Paglalahat
Ano nga ba ang tinalakay natin
ngayong araw? Tinalakay po natin ang anapora at
katapora.
Magaling, ano ang katapora? Ang katapora ay mga panghalip na
ginagamit sa unahan bilang pananda sa
pinalitang pangngalan sa hulihan ng
pangungusap o talata.

Magaling. Ano naman ang anapora? Ang anapora ay mga panghalip na


ginagamit sa hulihan bilang pananda sa
pinalitang pangngalan sa unahan ng
pangungusap o talata.
Magaling. Ano naman ang
kohesyong gramatikal? Ginagamit upang iwasan ang paulit-ulit
na paggamit ng pangngalan o salitang
gingamit sa pagpapahayag.
Anu-ano ang mga halimbawa
ng kohesyong gramatikal? Ito, doon, dito, iyon, sila, siya, tayo,
kanila, kaniya.
Magaling!

2. Pagpapahalaga
Bakit mahalaga na pag-aralan ang
Anapora at katapora. At para saan
Ang kohesyong gramatikal? Dahil sobrang napakahalag ito lalong
lalo na sa isang pangungusap at kung
malalaman din kung pano tukuyin ang
anapora at katapora sa isang
pangungusap.

Mahalaga din ang kohesyong gramatikal


para maiwasan ang pag-uulit ng mga
ginamit na mga salita sa isang
pangungusap.

Magaling!

3. Paglalapat
Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa loob ng
pangungusap.
1. Punong-puno ng kolorete ang mukha ng dalagang si Binibining Yeyeng na
senyales ng kanyang pag-asenso.
2. Nauutal si Binibining Yeyeng sa tuwing nagsasalita ng Kapampangan kaya
kailanman hindi na siya makapagsasalita ng tuwid.
3. Ginagad ng isa ang tono ng pananalita ng binibini sa Kastila matapos nitong
sabihing hindi na siya nakauunawa ng Pampango.
4. Nakikita si Yeyeng na sunog ang ginatan o kaya’y bitso-bitso na inilalako niya sa
mga sugalan.

IV. Pagkikilatis
Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Suriin kung ito ay Anapora o Katapora.
1. Si Sarah ay isang huwarang mag-aaral. Siya ay may angking talino sa Agham.
2. Hindi siya bumabanggit ng anuman sa kanyang sarili. Ngunit bumabanggit si Ana sa
masamang nangyari sa anak niya.
3. Tatlong araw na siyang hindi pumapasok. Pumunta ako sa bahay ni Pedro at inalam ang
dahilan ng pagliban.
4. Isa sa pinakamarunong si Celia sa klase. Madalas siyang makaunawa sa itinuturo ng
kanyang guro.
5. May gusto siyang sabihin ng palihim. Tinitigan ko ang labi ni Amanda upang basahin ang
buka ng kanyang labi.

V. Takdang-Aralin
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Punan sa patlang ang wastong kohesyong
gramatikal. Isulat ang sagot sa word document.
1. Sa simbahan ng Bantay tayo unang nagkita. ________ kita unang nakilala at
nagsimulang magkaibigan.
2. Si Amy ay magaling kumanta. Hinahangaan at iniidolo ____ ng lahat.
3. Kapag patuloy ang paglakas ng ulan, magiging masama ____ sa mga palay na malapit ng
maani.
4. ____ ang dahilan kung bakit nahulog ang paso. Tumakbo si Mark ng mabilis sa may
beranda.
5. Kapag tumaas na ang sahod ng mga guro hindi na _____ maisipang pumunta sa ibang
bansa.
6. Matutuwa ____ dahil makukuha na ng mga bata ang hinihintay na allowance mula sa
gobyerno.
7. Si Ana ang pinakamagaling sa klase. ___ ay magaling din sa pag-awit at pagsayaw.
8. Ang pamilya Reyes ang isa sa pinakamayaman sa bayan. _____ ang pinakamalawak na
sakahan sa atin.
9. Kung hindi ako nagkakamali, ____ ang librong hinahanap pa kanina ng aking kaklase.
10. ____ ay kabilang sa 7 Wonders of the World. Ang VIgan ay may makulay na kasaysayan.

You might also like