1. DAYALEK – ito ay ang uri ng barayti ng wika na may magkaibang
katawagan para sa iisang kahulugan, iba ang gamit ng salita sa mga bagay, o magkaiba ang pagbuo ng pangungusap na siyang nagpapaiba sa dayalek ng lugar sa iba pang lugar. 2. IDYOLEK – Ito ang dayalek na sinasalita ng pangkat ng mga tao na mayroong pansariling paraan ng pagsasalita ang bawat isa. Napatunayan nito na hindi homogenous ang wika sapagkat may pagkakaiba ang paraan ng pagsasalita ng isang tao sa iba pang tao batay na rin sa kaniya- kanyang inbidwal na estilo o paraan ng paggamit ng wika kung saan higit siyang komportableng magpahayag. 3. SOSYOLEK – ito ay isang uri ng wika na ginagamit ng mga iba’t ibang grupo o pangkat na kanilang kinabibilangan upang mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan. 4. ETNOLEK – ito ay kanilang sariling pagkakakilanlan sa kanilang lalawigan o bayan kumbaga dito sila mas sanay gamitin ang mga salita sapagkat iyon gang kanilang kinalakihan. 5. REGISTER – ito ay ginagamit na angkop sakanilang kausap. Ginagamit ang pormal na tono kung ang iyong kausap ay mas mataas saiyo at ang di-pormal naman ay ginagamit kapag kausap mo ang iyong kaibigan atbp. 6. PIDGIN AT CREOLE – ito ay ginagamit kapag ang dalawang tao ay nag uusap sapagkat hindi sila magkaintindihan dahil magkaiba ang kanilang unang wika.