You are on page 1of 1

Jhon Emmanuel Rimalos

12-Onyx

Magandang araw po sa inyong lahat. Unang-una, gusto ko munang magpasalamat sa patuloy na suporta
na ibinibigay ninyo sa akin. Malaki ang pasasalamat ko na kayo’y naririto upang mapakinggan itong aking
plataporma. Marami man kayong importanteng gagawain ngunit di pa rin nagpadala at heto kayo ay
aking nakikita.

Hangad ko lang na sa pagkakataong ito, sana ay inyong mapakinggan at usisahing mabuti ang mga
pangarap ko para sa inang bayan, mga pangarap na bigong naibigay sa atin ng mga nagdaang termino.
Ngunit sa pagkakataong ito ay matutupad na. Gusto ko ng kumibo hindi yung nauuto, oras na upang
umusbong ang bagong simula.

Matagal na nating gusto ang magkaroon ng lider na magiging tagapagligtas at tagapagtanggol ng ating
bansa, ang magtutustos sa kakulangan at pangangailangan ng pamahalaan at mga mamamayan, at ang
lulunas sa matagal nang lumalalang kahirapan. Mahabang panahon na ang lumipas, ngunit mukhang
magtitiis pa ang mga mamamayan sa bunga ng mga palpak at depektibong serbisyo ng mga ilang
nagdaang namuno, nagsilbi, at naglingkod para sa bayan.

Kahirapan, problemang pilit nilalabanan ngunit hanggang ngayon hindi parin natutuldukan. Kahirapan,
isang salita pero malaki ang epekto sa sambayanan. Mga kabataang hindi makapag-aral, mga pilipinong
walang matitirhan, at mga mamamayang patuloy na nagnanakaw at gumagawa ng krimen para lamang
makakain. Yan ang mga problemang nangyayari sa ating bansa dala ng kahirapan. At bilang pangulo ng
ating bansa, may mga plataporma akong nais ilatag. Isa na dito ang libreng edukasyon para sa mga
kabataang may talent, abilidad, at talino ngunit salat sa o kapos sa pera upang makapag-aral. Naniniwala
ako na ang mga kabataang ito ang ating pag-asa at nasa kanila ang susi ng patuloy na pag-unlad ng ating
bayan. Isa din sa plataporma ko ay ang pagbibigay ng mga tirahansa ating mga kababayan na walang
maayos na bahay na minsan ay mas pinili nilang manirahan sa mga lugar kung hindi nila lingid ang
kapahamakan na nag-aantay sa kanila magkaroon lamang sila ng masisilungan. Ipapatupad ko din ang
mas mahigpit pang seguridad sa ating bansa upang patuloy na mabawasan na ang krimen sa ating bansa.
Nais ko ding ayusin ang mga batas trapiko upang mabawasan na ang traffic sa daan na nagiging sanhi sa
pagkakalate ng ating mga mamamayang pilipino sa kanilang mga trabaho.

Umpisahan ang bagong simula, kapit busig tayong mga pilipino, at sama-sama nating abutin ang mga
nagliliwanag na bituin. Kaya naman. Sabay nating ipakita ang pagiging makabayan. Ating bawiin ang
sariling kalayaan. Sana’y bigyan natin ng katuparan ang pagbabago. Sa atin magsisismula, posisyon na
tayo gagawa ng plano.

You might also like