You are on page 1of 1

Jhon Emmanuel Rimalos

12-Onyx

Magandang araw po sa inyong lahat. Unang-una sa lahat, gusto ko munang magpasalamatan sa


patuloy na suporta na ibinibigay ninyo sa akin. Malaki ang pasasalamat ko na kayo’y naririto
upang mapakinggan itong aking plataporma. Marami man kayong importanteng gagawain
ngunit di pa rin nagpadala at heto kayo ay aking nakikita.

Hangad ko lang na sa pagkakataong ito, sana ay inyong mapakinggan at usisahing mabuti ang
mga pangarap ko para sa inang bayan, mga pangarap na bigong naibigay sa atin ng mga
nagdaang termino. Ngunit sa pagkakataong ito ay matutupad na. Gusto ko ng kumibo hindi
yung nauuto, oras na upang umusbong ang bagong simula.

Matagal na nating gusto ang magkaroon ng lider na magiging tagapagligtas at tagapagtanggol


ng ating bansa, ang magtutustos sa kakulangan at pangangailangan ng pamahalaan at mga
mamamayan, at ang lulunas sa matagal nang lumalalang kahirapan. Mahabang panahon na ang
lumipas, ngunit mukhang magtitiis pa ang mga “Boss ng Bayan” sa bunga ng mga palpak at
depektibong serbisyo ng mga ilang nagdaang namuno, nagsilbi, at naglingkod para sa bayan.

Sa paglipas ng mga araw, papalapit ng papalapit na ang pinakahihintay na ‘Halalan,’ ang simula
ng pagbabago ng lumang administrasyon. Syempre, hindi mawawala sa ganitong klaseng
aktibidad ang pandaraya, vote-buying, at iba pa. Ang mga pangunahing tauhan lang naman mga
kandidato at mga mamamayan mismo. Hindi naman natin masisisi ang ilan na mapilitang
tangggapin ang mga inaalok na bayad ng isang mayamang kandidato para lang sila’y iboto. Sila
lang naman ang isa sa mga milyun – milyong mahihirap na may matinding pangangailangan sa
katayuang pinanasyal.

Kaya naman. Sabay nating ipakita ang pagiging makabayan. Ating bawiin ang sariling kalayaan.
Sana’y bigyan natin ng katuparan ang pagbabago. Sa atin magsisismula, posisyon na tayo
gagawa ng plano.

You might also like