You are on page 1of 2

Pamantasang Ateneo de Zamboanga

Mataas na Paaralang Senior


Kagawaran ng Filipino

FIL121- FILIPINO SA PILING LARANG


SAGUTANG PAPEL

Pangalan: Nicole Anne M. Gregorio Petsa: Marso 14, 2022


Taon at Strand: 12 STEM Velarde Marka:
Paksa: Aralin 1.2 Aksyon B at Ebalwasyon

AKSIYON

Ang akademikong sulatin ay ang produkto ng akademikong pagsulat na isinasagawa ng isang


akademikong institusyon kung saan nararapat na mayroong mataas na antas ng kasayanan sa
pagsulat (Elcomblus Contributor, 2020). Maraming layunin mayroon ay isang akademikong sulatin,
layunin para sa pangkalahatan at sa larangan ng paksa ng sulatin. Gayunpaman, ano nga ba ang
layunin nito para sa isang mag-aaral? Layunin ng pagsasagawa ng akademikong sulatin sa tanang ng
pag-aaral ng isang mag-aaral ay upang mabihasa at mapabuti ang mga kasanayan ng isang mag-aaral.
Bakit nga ba importante ito sa buhay ng isang mag-aaral? Dahil nga sa ito ay nakakatulong sa
pagtataas ng kasanayan sa pagsulat. Pagdating sa hinaharap ng isang mag-aaral, maipapakita nito sa
kanilang employer o kung anumang institusyon o larangan na nais nilang makapaspok na sila ay
mahusay at may kakayahan. Maipapakita nila ito sa paglabas ng kanilang kasayanan sa pagsulat sa
kanilang resume at mga kredensyal. Bukod sa kasayanan sa pagsulat, naniniwala akong kapag
mahusay ang ang isang mag-aaral sa pagsulat ng mga pormal na sulatin tulad ng akademikong sulatin,
dumadamay rin ang kaniyang kasanayan sa pagsasalita o pakikipagtalastasan. Sumakatuwid,
maipapakita ng isang mag-aaral sa kanilang hinaharap na employer na siya ay magaling magsalita,
may laman ang sinasabi, at sa pangkalahatang dalubhasa sa larangan ng kaniyang pinili.

SANGGUNIAN

Elcomblus Contributor. (2020, February 20). Ang Kahulugan, Katangian, at Layunin ng

Akademikong Pagsulat. ELCOMBLUS: Your Academic Buddy.

https://www.elcomblus.com/ang-kahulugan-katangian-at-layunin-ng-akademikong-

pagsulat/
EBALWASYON

You might also like