You are on page 1of 1

Mga uri ng tayutay 

Pagtutulad (Simili) - Ito ay paghahambing ng dalawang magkaiba subalit may


pagkakaugnay na mga bagay at ginagamitan ng mga pariralang tulad ng,
paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa.

Ang pag-ibig ay tulad ng isang ibong kailangang pakawalan upang pag


nagbalik, ito'y sadyang sa iyo nakalaan.

Metapora (Methapor) - Ito ay naghahambing din katulad ng pagtutulad subalit


direkta ang paghahambing ng dalawang bagay at hindi na ginagamitan ng
mga panlapi at salitang naghahambing.

Ang kanyang puso ay bakal na pinatigas ng mga pagsubok ng panahon.

Personipikasyon(Personification) - Ito ay pagsasalin ng mga katangian ng


isang tao tulad ng talino, gawi at kilos sa mga bagay na walang buhay.

Lumuha pati ang langit sa kanyang naging kasawian.

Pagtawag (Apostrophe) - Ito ay pakikipag-usap sa karaniwang bagay o isang


dinaramang kaisipang para bang nakikipag-usap sa isang buhay na tao.

Pag-ibig, tingnan mo ang ginawa mo sa puso kong sugatan.

Pagmamalabis o Eksaherasyon (Hyperbole) - Dito ay sadyang pinalalabis o


pinakukulang ang kalagayan o katayuan ng tao o bagay na tinutukoy.

Lumuha ng dugo ang anak subalit hindi na niya maibabalik ang nawalang
buhay ng kanyang ama.

You might also like