You are on page 1of 9

JH.

CERILLES STATE COLLEGE

Mati, San Miguel, Zamboanga del Sur

School of Teacher Education

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

Pangalan ng Gomonod, Jonah C. Grado/Asignatura: FILIPINO


Guro:
Kurso at Taon: BSED II FILIPINO Blg. ng Talakayan: 1
Petsa: December 2, 2022 Oras na Inilaan: 40-45 minutes

I. Kasanayan at mga Layunin

KASANAYAN SA PAGKATUTO Naipahahayag nang malinaw ang sariling


opinyon sa paksang tinalakay F10PS-Ia-b-64
LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay;
a. Natutukoy ang mensahe at layunin ng
napanood na cartoon ng isang
mitolohiya F10PD-Ia-b-61
b. Naiuugnay ang mga kaisipang
nakapaloob sa akda sa nangyayari sa:
sarili, pamilya, pamayanan, lipunan
daigdig F10PB-Ia-b-62

c. Naisasadula ang mahalagang


pangyayari sa kwento.
Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan.
Pamantayan sa Pagganap

II. Paksang Aralin


Paksa: Paksa: Cupid at Psyche
(Mito mula sa Rome, Italy)
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambath

Sanggunian: Tudla 10, Batayang Aklat para sa Ika Sampong Antas. Pp. 59-63

III. Mga Kagamitan


Guro: Mag-aaral
- Potokapi - Ballpen at Papel
- Kagamitang biswal
- Iba pang kagamitan na may kaugnayan
sa paksa.
IV. Proseso sa pagkatuto
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
- PAGBATI
Magandang umaga Klas! - Magandang umaga din po Ma’am.

- PANALANGIN Panginoon, maraming salamat po sa


Bago tayo magsisimula, tumayo ang lahat ibinigay ninyong panibagong
para sa panalangin. Verde, pakipangunahan pagkakataon upang kami ay matuto.
ang panalangin. Maraming salamat sa Biyaya na
ipinagkaloob niyo sa amin at sa buhay .
Gawaran mo kami ng isang bukas na
isip upang maipasok namin ang mga
itinuturo sa amin at maunawaan ang
mga aralin na makatutulong sa amin sa
pagtatagumpay sa buhay na ito. Amen.

Bago kayo magsiupo pakihanay lahat ng upuan


at pakipulot na rin sa mga basura na nasa ilalim
ng iyong upuan.

- PAGTALA NG LUMIBAN
- Wala po ma’am
May lumiban ba sa inyu ngayon klas?
Okay, bery good.

- PAGBASA SA ALINTUNTUNIN

- Makinig sa guro habang nagsalita


- Makilahok sa oras ng Talakayan
- Kung may tanong itaas ang kanang
kamay
- Maging magalang sa loob ng klase
Maliwanag po ba klas?
- Opo ma’am
Bago tayo dumako sa susunod nating talakayan
sino sa inyu dito ang nakaalala sa leksiyong
ating tinalakay noong nakaraang araw? - Ako po ma’am

Okay Verdelyn pakibahagi sa iyong natutuhan


sa nakaraan nating talakayan.

Okay, mahusay. Wala na bang katanungan - (sumagot ang mag-aral)


klas?

- Wala na po ma’am
- AKTIBITI

- PAGGANYAK

Gawain 1: Picture Puzzle

Sa bahaging ito magkaroon tayo ng maikling


laro. Ang larong ito ay tinatawag Picture
Puzzle. May ibibigay ako sa inyong larawan,
buuin Ninyo at ipaskil sa pisara. Ang unang
makabuo ay may limang puntos. Pumili ng isa
isang kasamahan upang magbahagi kung ano
ang nakikita sa larawan.

Okey, tama ang sagot!


Ang unang pangkat ay bigyan ng nice clap!.

- N.I.C.E, N.I.C.E. NICE, NICE VERY


NICE!

1. Lalaki at Babaeng nagyayakapan at


Okey , magaling ! nagiibigan
bigyan ang pangalawang pangkat ng ALING
DONESIA CLAP! - G.O.O.D, G.O.O.D. GOOD,GOOD.
VERY GOOD!

- Babae at lalaki na may mga Pakpak sa


likod. Maaari silang lumipad kahit saan.
Okey, tama ang sagot ng pangkat tatlo dahil
diyan bigyan natin sila ng 5 milyon clap!
- 1 milyon, 2 milyon, 3 milyon, 4 milyon,
5 milyon. CONGRATULATIONS,
palakpakan!

- ANALYSIS

- Okay Magaling! Ang paksang


tatalakayin natin ngayon ay tungkol sa
Cupid and Pyche , Mito mula sa Rome,
Italy. Pero bago tayo dadako sa ating
aralin ay basahin niyo muna ang ating
mga layunin sa umagang ito.

- Pakibasa ng sabay-sabay klas!

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay;


a. Natutukoy ang mensahe at layunin ng
napanood na cartoon ng isang
mitolohiya F10PD-Ia-b-61
b. Naiuugnay ang mga kaisipang
nakapaloob sa akda sa nangyayari sa:
sarili pamilya pamayanan lipunan
daigdig F10PB-Ia-b-62

Naisasadula ang mahalagang


pangyayari sa kwento.

- Makukuha natin ang mga layunin na ito


sa pamamagitan ng inyung
kooperasyon. Maliwanag ba sa bawat
isa klas?

- PAGLALAHAD

Alam mo bang… Mitolohiya ang tawag sa


agham o pag-aaral ng mga mito (myth) at
alamat?
➢ Tumutukoy rin ito sa kalipunan ng mga mito
mula sa isang pangkat ng tao sa isang lugar na
naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-
diyosan noong unang panahon na sinasamba,
dinarakila at pinipintakasi ng mga sinaunang
tao.

➢ Ang salitang mito (myth) ay galing sa


salitang Latin na “mythos” at mula sa Greek na
“muthos”, na ang kahulugan ay “kuwento”. Ito
ay isang akdang pampanitikang kadalasang ang
mga tauhan ay pumapatungkol sa mga diyos at
diyosa at nagpapakita ng pakikipagsapalaran at
kabayanihan ng mga tauhan. Ito’y maiuugnay
rin sa epiko bagaman mas litaw sa mito ang
hindi kapani-paniwalang mga pangyayaring
may kinalaman sa mga diyos-diyosan.

➢ Nakatutulong ito upang maunawaan ng mga


sinaunang tao ang misteryo ng pagkakalikha ng
mundo, ng tao at ng mga katangian ng iba pang
mga nilalang.
➢ Ipinaliliwanag din dito ang nakatatakot na
puwersa ng kalikasan sa daigdig – tulad ng
pagpapalit ng panahon, kidlat, baha, kamatayan
at apoy.

➢ Ginagamit din ito upang ikuwento ang mga


sinaunang gawaing panrelihiyon, magturo ng
mabuting asal at maipaliwanang ang
kasaysayan. ➢ Ito ay naglalahad ng ibang
daigdig tulad ng langit at ilalim ng lupa.

➢ Hindi man ito kapani-paniwalang kuwento


ng mga diyos, diyosa at mga bayani, tinuturing
itong sagrado at pinaniniwalaang totoong
naganap.

➢ Karaniwang may kaugnayan ito sa teolohiya


at ritwal.
Mayroon ba sa inyu dito ang makabahagi kung
ano ang sanhi at bunga?

Ang Mitolohiya ng mga Roman

➢ Ang mitolohiya ng mga taga-Rome ay


kadalasang tungkol sa politika, ritwal, at
moralidad na ayon sa batas ng kanilang mga
diyos at diyosa mula sa sinaunang taga-Rome
hanggang sa ang katutubong relihiyon nila ay
napalitan na ng Kristiyanismo.

➢ Kabayanihan ang isang mahalagang tema sa


mga kuwentong ito.
➢ Ang kanilang mitolohiya ay hinalaw mula sa
Greece na kanilang sinakop. Labis nilang
nagustuhan ang mitolohiya ng bansang ito,
kaya inaangkin nilang parang kanila at
pinagyaman nang husto. Binigyan nila ng
bagong pangalan ang karamihan sa mga diyos
at diyosa. Ang ilan ay binihisan nila ng ibang
katangian. Lumikha sila ng bagong mga diyos
at diyosa ayon sa kanilang paniniwala at
kultura.

➢ Isinulat ni Virgil ang “Aenid”, ang


pambansang epiko ng Rome at nag-iisang
pinakadakilang likha ng Panitikang Latin. Ito
ang naging katapat ng “Iliad at Odyssey” ng
Greece na isinalaysay naman ni Homer at
tinagurian ang mga ito bilang “Dalawang
Pinakadakilang Epiko sa Mundo”.

Mga Elemento sa Mabisang Pagsulat ng Mito

1. Tauhan – Kadalasang mga diyos o diyosang


may taglay na kakaibang kapangyarihan at mga
karaniwang mamamayan sa komunidad ang
mga tauhan. May pagkakataong namumukod-
tangi ang kabayanihan ng isang pangunahing
tauhan at kaniyang pakikipagsapalaran.

2. Tagpuan – May kaugnayan ang tagpuan sa


kulturang kinabibilangan at kadalasang sa
sinaunang panahon naganap ang isang mito.

3. Banghay – Maraming kapana-panabik na


aksiyon at tunggalian ang banghay ng isang
mito. Maaaring tumatalakay ito sa
pagpapaliwanag ng pagkakalikha ng mundo at
mga natural na mga pangyayari. Nakatuon sa
mga suliranin at kung paano ito malulutas at
ipinakikita rin ang ugnayan ng tao at ng mga
diyos at diyosa.

4. Tema – Ipinaliliwanag ang natural na mga


pangyayari, pinagmulan ng buhay sa daigdig,
pag-uugali ng tao, mga paniniwalang
panrelihiyon at katangian at kahinaan ng
tauhan.

5. Estilo – Pasalaysay ang estilo ng pagsulat ng


mito na nagbibigay ng idea hinggil sa
paniniwala, kaugalian at tradisyon at may
paniniwalang kayang malampasan ng bida ang
mga pagsubok.

6. Tono – Nadadala ang mambabasa sa tonong


mapang-unawa at nangangaral.

7. Pananaw - Kadalasang nasa ikatlong


pananaw ang pagsulat nito.

- ABSTRACTION

GAWAIN 2: KILALANIN MO!

Ngayon klas mayroon akong ipapakitang bidyu


sa inyu, unawaing Mabuti dahil pagkatapos ay
magkaroon tayo ng Pangkatang Gawain.

Maliwanag ba klas?

Panuto:

Pamayananin

- APPLICATION
Opo maam.

“PAGKAKAISANG GAWAIN”

Ngayon klas batid kung mauunawaan ninyo ng


lubos ang ating talakayan. Para sa pangalawang
nating aktibiti. Hahatiin ko kayo sa tatlong
pangkat. Ang bawat pangkat ay magsasadula
na nagpapakita ng sanhi at bunga sa kwentong
MINSAN, NAGALIT ANG ILOG.
Bigyan ko kayo ng 5 minuto sa paghahanda at
e presenta ito sa harap ng klase.

Mga pamantayan
5 4 3 2 1
Organisado ang mga
pangyayari
Pagsasalita ng wikang
Filipino
Maayos ang pagkapresenta
Kooperasyon ng miyembro

5- Napakahusay
4- Mahusay
3- Katanggap-tanggap
2- Mapaghuhusay
1-Sadyang Di-mahusay  Susi ng Pagwawasto

1.B
2. A
3. A
- PAGLALAHAT 4. A
5. C
Ano ang iyong natutuhan sa paksang ating 6. A
tinalakay ngayon? 7. B
8. B
Paano natin malalaman na ang kwento ay isang 9. C
uri ng Mito? 10.C

Okay magaling! Lahat ng inyung sagot ay tama.


Kailangan nating matutunan ang sanhi at
bunga para mas madali nating maintindihan
ang pangungusap kung ano ang maaaring
problema at naging bunga nito.

- PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang
bawat pangungusap. Titik lamang ang isulat.

_____ 1. Batay sa nabasa, alin sa sumusunod


ang HINDI kabilang sa mga katangian ng isang
mito o mitolohiya?
A. Nagsasalaysay ng mga pangyayaring may
kaugnayan sa mga diyos at diyosa.
B. Nagpapahayag ng opinyon hinggil sa isang
paksa o isyu.
C. Nagpapaliwanag ng pinagmulan ng buhay sa
daigdig.
D. Kadalasang sa sinaunang panahon naganap
ang isang mito.

_____ 2. Ang sumusunod ay kabilang sa mga


gamit ng isang mitolohiya noong unang
panahon MALIBAN SA ISA.
A. nagpapaliwanag ng puwersa ng kalikasan
B. isinasalaysay ang gawaing panrelihiyon
C. nagpapahayag ng matinding damdamin
D. maipaliwanag ang kasaysayan

Takdang Aralin: Saliksikin ang buhay ni Wigab at bugan , isang mito mula sa Ifugao. Ihambing
ito sa mitong tinalakay. Tumukoy nga pagkakapareho at pagkakaiba ng dalawang mito.

Gumawa ng limang halimbawang pangungusap na nagpapakita ng sanhi at bunga..

Inihanda ni:

Bb. Jonah C. Gomonod

BSEd II - FILIPINO

You might also like