You are on page 1of 12

REGIONAL DIAGNOSTIC TEST

ARALING PANLIPUNAN 10

PANGALAN:________________________________________________ ISKOR:__________
PETSA: ____________________

PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang A kung
tama ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag. B kung tama ang nilalaman ng
unang pahayag at mali ang ikalawa. C kung mali ang nilalaman ng unang pahayag
at tama ang ikalawa at D kung mali ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag.
Gawin ito sa malinis na sagutang papel

1. A Ang lahat ng tao ay may pagkakapantay – pantay o equal sa panahon ng


kalamidad o disaster na hindi pinipili ang kasarian , edad, etnisidad at
katayuang pang-ekonomiko ng isang indibidwal, iniiwan nitong bulnerable
ang buhay ng lahat ng tao sa panahon ng kalamidad.
B Sinasabing kaparusahan ng Diyos sa mga kasamaan ng tao kung bakit
tayo ay nakakaranas ng mga ganitong uri ng kalamidad, gaya ng matinding
bagyo, lindol , malaking baha at iba’t ibang uri ng sakit na lumalaganap.

2. A Dahil sa pag-uugnayan ng tao sa iisang lipunan , ang tuwirang hindi


pagganap sa inaasahang gampanin ng isang tao sa social group ay
magdudulot ng kapakinabangan sa pagbuo ng isang maayos, sistematiko at
organisadong lipunan.
B Ang bawat indibidwal ay may katayuan sa isang social group at ang
katayuang ito ay may kaukulang gampanin o role sa pagpapatakbo ng
maayos na komunidad o society.

3. A Ang paggamit ng iba’t ibang machines o mga technological advances sa


ating bansa at maging sa buong mundo ay isang napakalaking tulong upang
maproteksyonan ang buhay ng tao mula sa kalamidad kung kaya dapat
itong bigyan ng napakalaking pondo ng ating pamahalaan upang
mapanatiling ligtas ang kalagayan sa buhay ng bawat tao.
B Sa pamamagitan ng pagtugon ng tao sa mga pagbabago sa ating lipunan
gamit ang iba’t ibang teknolohiya na isa sa pinakamabisang paraan na dapat
natin isa alang – alang dahil sa pagkakaroon nito’y tiyak na hindi tayo
maaapektuhan ng anomang kalamidad.

4. A Ang unang tulong o relief matapos ang isang disaster ay ibinibigay ng mga
emergency responders o services upang tiyakin ang kaligtasan at kaayusan
ng mga disaster victims.
B Ang relokasyon sa mga pansamantalang tirahan o temporary settlements
ang pinakamabuting solusyon sa suliranin ng pabahay matapos ang
pagtama ng isang kalamidad.

5. A Ang pagtugon sa Disaster o Disaster Response ay tanging responsabilidad


ng pamahalaan sapagkat ang mga ordinaryong mamamayan ay walang
sapat na kakayahan na tumugon sa panahon ng krisis.
B Matapos ang isang disaster , ang mga tao sa isang komunidad ay
sisikaping maibalik sa normal na kondisyon ang kanilang pamumuhay ,
sapagkat ang bawat indibiduwal ay may kakayanang labanan at lampasan
ang anomang krisis o sakuna.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat sa sagutang papel

6. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang higit na makatutulong sa paglutas


ng mga suliraning panlipunan?
A. Dapat maging bukas ang kaisipan ng bawat mamamayan sa mga
isyung panlipunan.
B. Kailangan sumunod sa batas ang mga mamamayan gaya ng
pagbabayad ng tamang buwis.
C. Laging bantayan ang mga ulat sa bayan, upang makasali sa iba’t
ibang welga
D. Pamunta sa ibang bansa upang doon sanayin ang kasanayan sa
ibang larangan.

7. Ang sociological imagination ay isang usapin na kung saan ay pinag-uugnay


ang mga isyung personal at isyung panlipunan. Piliin ang HINDI angkop na
halimbawa nito?.
A. Lubhang maraming naapektuhan dulot ng pagsabog ng Bulkang
Taal.
B. Maraming nawalan ng trabaho at nagsarang negosyo bunsod ng
paglaganap ng COVID - 19
C. Si Carlos ay isang batang laging naglalaro sa labas ng kanilang
bahay kung kaya’t kilala niya ang lahat ng kanilang kapitbahay.
D. Walang disiplina sa pagtatapon ng basura ang pamilya ni Alicia ,
kung kaya malaking perwisyo ang dulot nito sa kanilang
Baranggay.

8. Si Antonio ay isang mahusay na manggagawa sa isang kompanya ngunit sa


hindi inaasahang pagkakataon ay nagkaroon siya ng malalang karamdaman
dahilan upang hindi niya magampanan nang maayos ang kanyang trabaho.
Dahil sa pangyayari ay napilitan ang kanyang boss na hindi na muna siya
papasukin sa trabaho.Alin sa mga sumusunod ang maaaring maging
sociological imagination sa ganitong sitwasyon?
A. Maaantala ang mga gawain ni Antonio sa pinapasukang trabaho
na magdudulot sa pagbagal ng transaksiyon ng kanilang
kompanya
B. Malulungkot si Antonio sa kanyanag nararanasan na magiging
sanhi ng paglubha ng kanyang karamdaman
C. Kukuha ng kapalit ang kaniyang boss na gagampan sa kaniyang
naiwang tungkulin
D. Makakapag pahinga ng mahabang araw si Antonio na magbibigay
sa kanya ng malaking kaginhawaan at kapakinabangan.

9. May pagkakaiba – iba sa interpretasyon tungkol sa mga bagay na mahalaga


para sa ating pamumuhay , halimbawa ay ang pagkakaroon ng mga curfew
sa loob ng tahanan, pagsisimba tuwing araw ng linggo, pagkain ng hapunan
ng sabay-sabay ng isang pamilya. Tukuyin kung anong bahagi ng kultura
ang mga ito?
A. Norms
B. Values
C. Beliefs
D. Simbolo

10. Ang pagtutulungan ng ibat’t ibang sektor ay isang mahalagang gawain sa


pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran, MALIBAN sa isa ?
A. Makahihikayat ng mga dayuhan upang mapataas ang kita ng
turismo ng bansa
B. Mapananatili ang kaayusan at ang kagandahan n gating mga likas
na yaman
C. Nararapat na magtulungan upang masusugpo ang mga suliraning
pangkapaligiran

D. Upang hindi na maglalabas ng pondo ang pamahaan para sa


pagpapanatili ng kaayusan n gating likas na yaman.

11. Isa sa maituturing na isyung pangkapaligiran ang naranasan sa


Abuyog, Leyte nang magkaroon ng malawakang pagguho ng lupa o
landslide na naging dahilan ng pagkasawi ng maraming pamilya , ito ay
nagpapakita ng epekto ng unti unting pagkaubos ng mga puno sa kagabutan
gawa ng mga illegal logging o pagkakaingin. Alin sa mga sumusunod ang
pinaka MABISA na hakbang ang maari mong gawin upang mapigilan ang
suliraning ito ?
A. Mag-post sa social media ng mga larawan at ipahayag ang mga
saloobin hinggil sa isyung may kinalaman sa kapaligran upang
makakuha ng maraming suporta
B. Sumali sa iba’t ibang programa na may kinalaman sa pagsasaayos
at pagpapanatili ng maayos na kapaligiran gaya ng Clean Up Drive
Program at Tree Planting.
C. Batikusin ang pamahalaan at iba’t ibang lider sa mga maling
gawain at pagpapahitulot ng pagpuputol ng puno.
D. Magbigay ng tulong gaya ng pagkain , damit at tubig para sa mga
biktima ng ganitong uri ng trahedya at suliraning
pangkapaligiran.

12. Maraming dahilan kung bakit hindi natatapos ang problema ng bansa
sa usaping basura o hindi tamang pagtatapon ng basura dulot ng patuloy
na kawalan ng disiplina ng ilang mamamayan Alin sa mga sumusunod na
gawain ang HINDI kabilang sa mga ito?
A. Ang pagtatapon ng basura sa mga kanal , estero, bakanteng lote
at maging sa ilog at pam publikong lugar.
B. Ang pagsusunog ng mga plastic , gulong at goma sa mga
bakuran
C. Ang paggawa ng compost pit at tamang seggragation ng basura
D. Hindi pagreresiklo ng mga basura upang magamit pa sa ibang
bagay.
13. Ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 ay naglabas ng
programa upang mabawasan ang problema ng basura? Anong programa
ang nagsasad nito?
A. Basuara Mo, Piso Mo
B. Material Recovery Facility
C. Project Dumpsite
D. Segragation Waste Facility

14. Ang polusyon ay isang suliraning pangkapaligiran na nagdudulot ng


panganib sa kalusugan ng maraming tao, bilang mag-aaral paano ka
makatutulong upang maiwasan ang polusyon?
A. Pakikilahok sa mga gawain ng komunidad
B. Pagtatanim ng mga puno at halaman
C. Pagtulong sa mga gawaing bahay
D. Wastong pagtatapon ng basura

15. Sa banta ng hazard at kalamidad, ang ______ ay isang pamamaraan


na maaaring ilapat ng komunidad upang makilahok, makipagtulungan,
makatugon at makapagsagawa ng mga implementing rules na angkop upang
maiwasan ang malaking pinsala na maaaring

magdulot ng kapamahakan sa buhay at ari-arian ng mga mamamayan.


A. Bottom Up Approach
B. CBDRM Approach
C. Disaster Management
D. Top Down Approach
16. Ito ay anyo ng globalisayon na tumutukoy sa pagbabago sa mabilis na
paggamit ng makabagong teknolohiya?
A. ekonomiko C. sosyo-kultural
B. politikal D. teknolohikal

17. Alin sa mga sektor ang namamahala sa pagpoproseso ng mga hilaw na material
upang maging isang produkto?
A. Agrikultura C. Paglilingkod
B. Industriya D. Pangangalakal

18. Ano ang tawag sa proseso ng pag-alis o paglipat ng mga indibidwal o pangkat
ng mga tao mula sa isang lugar o teritoryong political patungo sa panibagong
lugar maging ito man ay pansamantala o permanente?
A. Migrasyon C. Transportasyon
B. Mitigasyon D. Transisyon

19. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa


kasalukuyan?
A. Ekonomiya C. Migrasyon
B. Globalisasyon D. Paggawa

20. Alin sa sumusunod ang negatibong implikasyon ng paglitaw ng maraming


MNCs (Multinational Companies) at TNCs (Transnational Companies)?
A. Nalulugi ang lokal na namumuhunan.
B. Nagkakaloob ng hanapbuhay.
C. Pagbaba ng presyo ng produkto.
D. Pagdami ng produkto at serbisyo.

21. Bakit hindi maitaas ang pasahod, maipagkaloob ang kasiguraduhan sa


trabaho at madagdagan ang benepisyo ng mga manggagawa sa bansa?

A. Dahil sa mga kakumpitensya sa ibang bansa na mas mura at mababang


pasahod.
B. Dahil marami ang benepisyong natatanggap ng ating manggagawa.
C. Dahil mataas na ang pasahod sa ating manggagawa.
D. Dahil puro regular na ang manggagawa.
22. Alin sa mga sumusunod ang pinakapangunahing dahilan ng mga Pilipino
kung bakit sila nandarayuhan o nangingibang bansa?
A. Makahanap ng trabaho.
B. Paghahanap ng ligtas na tirahan.
C. Pag-aaral o pagkuha ng teknikal na kaalaman.
D. Makapamasyal sa ibang bansa.

23. Ang mga kabataan ngayon ay nahihilig sa mga banyagang pelikula na mula sa
ibang bansa particular sa South Korea. Dahil dito, mangilan ngilan na lamang
ang tumatangkilik sa pelikulang Pilipino. Ano ang pinakamabisang paraan
upang maiwasan ang negatibong epekto nito lalo na sa pag-iisip at gawi ng
mga kabataan?
A. Hubugin ng mga magulang ang mga anak sa pagpapahalaga sa kulturang
Pilipino.
B. Huwag tanggapin ang mga pagbabagong dulot ng globalisasyon.
C. Iwasan ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya.
D. Ituro ang pagtangkilik sa pelikulang Pilipino.

24. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na


“binago ng globalisasyon ang workplace ng mga manggagawang Pilipino”?
A. Paghuhulog, pagbabayad at pagwiwthdraw gamit ang mga Automatic Teller
Machine (ATM).
B. Pagdagsa ng mga Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa.
C. Pagdagsa ng mga produktog dayuhan sa Pilipinas.
D. Pag-angat ng kalidad ng manggagawang Pilipino.
25 Isa sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang pagbabago sa workplace
ng mga manggagawa, binago rin nito ang sistema ng pagpili sa mga
manggagawa. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapatunay ng
pagbabagong ito?
A. Humigpit ang pagproseso sa pagpasok ng mga dayuhang kompanya,
produkto, at serbisyo sa bansa kaya’t kinailangan ng world class workers.
B. Tumaas ang kalidad ng mga lokal na produkto sa pandaidigang pamilihan
kaya’t kinailangang mag-angkat ng mga eksperto sa ibang bansa para
sanayin ang mga lokal na manggagawa.
C. Humirap ang kalagayan ng mga dayuhang kompanya sa pagpasok sa bansa
kaya’t kinailangang pababain ang sweldo ng mga lokal na manggagawa.
D. Naging malaya ang pagpasok ng mga dayuhang kompanya sa bansa dahil
sa mababang pagpapasweldo pangongontrata lamang sa mga lokal na
mangaggawa.

26. Malaki ang naging papel ng globalisasyon sa pagdagsa ng mga dayuhang


kompanya, produkto at paggawa sa bansa. Ayon sa ulat ng DTI noong 2010
ang pinakamalaking paglago dito ay sa sektor ng serbisyo na kung saan ay
nanguna ang industriya ng BPO (Business Processing Outsourcing). Sa kabilang
dako patuloy namang bumababa ang paglago ng sektor ng agrikultura. Ano ang
konklusiyon ang mahihinuha sa pahayag na ito?
A. Mababa ang pagpapasweldo, pabagu-bago ang paggawa sa bansa at ang
lenguwaheng English ang isa sa pangunahing wika na madali sa mga
Pilipino.
B. Malaki ang naitulong ng pagdagsa ng makabagong gadget sa bansa kaya
madaling makasabay ang mga Pilipino sa serbisyong on-line.
C. Magaling ang mga Pilipino sa larangan ng teknolohiyaat impormasyon.
D. Karamihan sa mga kabataang Pilipino ay kumukuha ng kurso na may
kinalaman sa BPO.

27. Sa pagdagsa ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa bunsod ng


globalisasyon, ipinatupad nila ang mura at flexible labor sa bansa na nakaapekto
sa kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. Alin sa mga pahayag ang dahilan
ng paglaganap nito sa bansa?
A. Maibaba ang presyo sa mga produktong iluluwas na gawa sa bansa sa
pandaigdigang kalakalan.
B. Pag-iwas ng mga mamumuhunan sa krisis dulot ng labis sa produksiyon
sa iba’t ibang panig ng bansa.
C. Maging pantay ang suweldo ng mga manggagawang Pilipino sa ibang
bansa.
D. Makabuo pa ng maraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.

28. Ang pagsulpot ng iba’t ibang outsourcing companies na pagmamay-ari ng mga


lokal at dayuhang namumuhunan ay isang manipestasyon ng globalisasyon. Ilan
sa mga epekto nito ay ang sumusunod.
I. Nagkaroon ng karagdagang trabaho ang mga Pilipino.
II. Nabago ang dinamiko (oras, sistema, istruktura) ng paggawa sa
maraming kompanya.
III. Naapektuhan ang kalusugan ng maraming manggagawang
namamasukan partikular ang mga call center agents.
IV. Binago ng globalisasyon ang lifestyle ng maraming Pilipino.

Mula sa mga kaisipang nabanggit, ano ang mabubuong konklusyon dito?

A. Nakatulong ang globalisasyon sa pamumuhay ng tao.


B.Tumugon ang globalisasyon sa pangangailangan ng marami.
C. Mayroong mabuti at di-mabuting epekto ang globalisasyon sa
pamumuhay ng tao.
D. Suliranin lamang ang idinulot ng globalisasyon sa pamumuhay ng
tao.
29.Ang pagsali ng mga kababaihan at mga kabilang sa LGBTQIA+ sa lakas
paggawa ay nakatulong sa patuloy na pag-unlad ng bansa. Marami sa kanila ang
nagbakasakali sa pangingibang bansa. Alin sa mga sumusunod ang mabuting
dulot ng migrasyong ito?
A. Naging kabahagi ng kaunlaran ang mga kababaihan at mga kabilang
sa LGBTQIA+.
B. Masasabing nagging produktibo ang lakas paggawa sa bansa.
C. Napababa ang antas ng kawalan ng trabaho sa bansa.
D. Lahat ng nabanggit.
30. Noong 2013 ay naiulat na mula sa Asya ang pinakamalaking bilang ng
emigrante na lumabas ng kanilang bansa. Ano ang mihihinuha rito?
A. Tumutukoy ito sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o
teritoryong political patungo sa isang lugar pansamantala man o
permanente.
B. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang
pangyayari sa lugar na pinagmulan.
C. Tumutukoy ito sa proseso ng pag-alis o paglipat sa kaguluhan ng mga
mamamayan.
D. Tumutukoy ito sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar.

31. Ito ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangiang nagtatakda ng


pagkakaiba ng babae sa lalaki?
A. gender
B. gender identity
C. sex
D. sexual orientation

32. Sa ating lipunan ay itinuturing na malakas at matipuno ang mga lalaki at


tagapagtaguyod ng pamilya samantalang ang mga babae ay tinitingnan na
mahinhin at mahina at inaasahang gagawa ng mga gawaing bahay. Ang mga
ganitong katangian ay nakapaloob sa konsepto ng __________.
A. gender
B. gender identity
C. sex
D. sexual orientation
33. Ang bisexual ay taong nakararamdam ng maromantikong pagka-akit sa
kabilang kasarian ngunit nakararamdam din ng parehong pagkaakit sa katulad
niyang kasarian. Ang isang taong nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling
katawan at ang kaniyang pag-iisip at pangangatawan ay hindi magkatugma. Siya
ay tinatawag na __________.
A. gay
B. lesbian
C. queer
D. transgender

34. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, ang mga lalaki ay
pinapayagang magkaroon ng maraming asawa, subalit maaaring patawan ng
parusang kamatayan ang asawang babae sa sandaling makita niya itong may
kasamang ibang lalaki. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. May pantay na karapatan ang lalaki at babae.
B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
C. Ang lalaki ay maaaring magkaroon ng maraming asawa.
D. Mas malawak ang karapatang tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa
kababaihan.

35. Ito ay tumutukoy sa anumang pag-uuri, ekslusyon, o restriksiyon batay sa


kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang at
pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan.
A. diskriminasyon
B. gender roleS
C. karahasan
D. magna carta

36. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng diskriminasyon?


A. pagbawal na makipagkita sa mga kaibigan
B. pagpigil na pumasok sa paaralan o trabaho
C. pag-insulto at pagbigay ng nakatatawang alyas o bansag
D. kawalan ng oportunidad sa trabaho dahil sa natatanging kasarian

37. Batay sa datos ng World Health Organization (WHO) may 125 milyong
kababaihan (bata at matanda) ang biktma ng Female Genital Mutilation (FGM) sa
29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Ano ang pangunahing layunin ng
pagsasagawa nito?
A. upang hindi mag-asawa ang kababaihan
B. pagsunod sa kanilang kultura at paniniwala
C. ito ay isinasagawa upang maging malinis ang mga kababaihan
D. upang manatiling puro at dalisay ang babae hanggang siya ay maikasal

38. Alin sa sumusunod na pangungusap ang higit na nagpapaliwanag sa domestic


violence?
A. Ito ay karahasan sa babae lamang.
B. Ito ay karahasan laban sa mga kalalakihan.
C. Ito ay karahasan laban sa miyembro ng ikatlong kasarian.
D. Ito ay karahasang nagaganap sa isang relasyon; heterosexual at homosexual
na relasyon.

39. Ito ay batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang


mga anak, nagbibigay lunas at proteksiyon sa mga biktima nito at nagtatalaga ng
kaukulang parusa sa lumalabag nito.
A. Women and Children Act
B. Anti-Children and Women Act
C. Act for Women and Children in Discrimination
D. Anti-Violence Against Women and Their Children

40. Ito ang itinalaga ng Magna Carta for women bilang pangunahing
tagapagpatupad o primary duty bearer ng komprehensibong batas na ito.
A. paaralan
B. pamahalaan
C. senado
D. simbahan
41. Saklaw ng Magna Carta for Women ang lahat ng babaeng Pilipino. Binibigyang
pansin ng batas na ito ang kalagayan ng mga batang babae, matatanda, mga may
kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan, marginalized women, at women
in specially difficult circumstances. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa
women in specially difficult circumstances?
A. maralitang taga lungsod
B. kababaihang Moro at katutubo
C. magsasaka at manggagawa sa bukid
D. mga biktima ng karahasan at armadong sigalot

42. Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan?


A. pagbabalewala sa tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan
B. pagbabawal sa aksyon o patakarang umaabuso sa kababaihan anuman ang
layunin nito
C. hindi pagbibigay ng pansin sa mga ulat na nagpapakita ng mga kababaihang
biktima ng karahasan
D. pagpapahayag ng mga hinaing at suliraning kinakaharap ng mga
kababaihang biktima ng pang-abuso at diskriminasyon

43. Natuklasan mo na ang kaibigan mo ay isang bisexual. Siya ang lagi mong
kasama simula pa noong kayo ay mga bata pa at para na kayong magkapatid.
Matapos matuklasan ang kanyang oryentasyong seksuwal, ano ang iyong
gagawin?
A. Lalayuan at ikahiya ang iyong kaibigan.
B. Ipagkakalat ko na siya ay isang bisexual.
C. Kakausapin siya at susumbatan kung bakit niya inilihim ito sa akin.
D.Igagalang ko ang kanyang oryentasyong seksuwal at panatilihin ang aming
pagkakaibigan.

44. Si Bataan Rep. Geraldine B. Roman ay ang kauna-unahang mambabatas na


transgender. Siya ay nagpanukala ng SOGIE Equality Act. Anong prinsipyo ng
Yogyakarta ang isinasaad sa sitwasyong ito?
A. karapatang mabuhay
B. karapatan sa trabaho
C. karapatan sa edukasyon
D. karapatang lumahok sa buhay-pampubliko

45. Bakit pinaglalaanan ng pamahalaan ng 5% na budget ang Gender and


Development?
A. upang mapagtibay ang kaunlarang pangkasarian
B. upang matugunan ang pangangailangan ng bawat isa
C. upang makapagsagawa ng mga pagpupulong ang bawat ahensiya ng
pamahalaan
D. upang mapagbuti ang mga programa at proyekto, at matugunan ang mga
isyung pangkasarian

_____46. Ang Saligang Batas ng Pilipinas, Artikulo IV, Seksiyon 1, ay naglalaman


ng mga katangian upang maituring na ang isang indibidwal ay mamamayan ng
Pilipinas. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI kabilang.
A. Yaong ang mga ama o ina ay mamamayan ng Pilipinas.
B. Yaong mga naging mamamayan ng Pilipinas na sumailalim sa proseso ng
naturalisasyon.
C. Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng
Saligang Batas
D. Yaong mga isinilang bago ang Pebrero 17, 1973, may Pilipinong ama na
pinili ang pagkamamamayang Pilipino.

_____47. Ito ay tumutukoy sa pagiging kasapi ng isang indibidwal sa isang estado


o bansa batay sa itinakda ng batas.
A. Pagkamakabansa.
B. Pagkamamamayan.
C. Pagka-Pilipino.
D. Pagka-nasyonalismo.

_____48. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang karapatang bumoto, at maging
isang pinuno sa pamahalaan, anong uri ito ng kategorya ng legal rights?
A. Political Rights.
B. Natural Rights.
C. Economic Rights.
D. Civil Rights.

_____49. Si Joshua ay madalas na nag boboluntaryo sa mga proyekto at gawain ng


Sangguniang Kabataan sa kanilang komunidad. Anong aspekto ng
pagkamamamayan ang tinataglay ni Joshua?
A. Active Citizenship.
B. Choice Citizenship.
C. Dual Citizenship
D. Political Citizenship.

_____50. Ito ay karapatang tinataglay ng isang tao batay sa kadahilanan at


katotohanang siya ay tao, ito ay itinuturing na pinakamataas na anyo ng
karapatang moral.
A. Human Rights.
B. Legal Rights.
C. Natural Rights.
D. Political Rights.
_____51. Bakit mahalagang itaguyod ang Karapatang Pantao?
A. Nagkakaroon ng kalayaan at pantay na pagkakataon ang mga
mayayaman upang higit na paunlarin ang kanilang kabuhayan.
B. Nagreresulta ito ng maling pagpapairal sa kapayapaan at katahimikan sa
lipunan na hindi kumikilala sa karapatang pantao.
C. Nagbubunga ng kaunlaran sa mga gawaing politikal dahil sa mataas na
tiwala ng mga mamamayan sa mga pinuno ng bansa.
D. Namumuhay ang mga mamamayan nang may kalayaan, seguridad at
kaligtasan.

_____52. Ang aktibong pakikibahagi sa mga gawain, proyekto at programang


naglalayong matugunan ang suliranin ng pamayanan ay nakapaloob sa konsepto
ng anong kategorya ng Civic Engagement?
A. Kategoryang Civic.
B. Kategoryang Collaboration.
C. Kategoryang Electoral.
D. Kategoryang Political Voice.

_____53. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa Universal na


katangian ng Karapatang Pantao?
A. Ang karapatang pantao ay tinataglay ng isang indibiduwal mula sa
batayan ng kanyang pagiging tao anuman ang kanyang kalagayan at
katayuan sa sektor ng lipunan.
B. Ang karapatang pantao ay hindi dominsayon ng sinumang indibiduwal o
pangkat ng tao.
C. Ang karapatang pantao ay patuloy na lumalawak at dumarami sa paglipas
ng panahon.
D. Ang karapatang pantao ay itinakda upang maiwasan ang anumang pang-
aabuso sa estado.

_____54. Alin sa mga sumusunod na pahayag HINDI ang kabilang sa Kategoryang


Electoral?
A. Mapanuri at matalinong pagboto sa halalalan.
B. Malayang pagpili ng kandidatong iboboto.
C. Paghahain ng kandidatura o pagtabko sa isang posisyon.
D. Pakikilahok ng boluntaryo sa mga organisayon.

_____55. Ito ay tumutukoy sa tuwirang pakikilahok o pakikibahagi ng mamamayan


sa mga gawaing pansibiko sa lipunang kinabibilangan.
A. Political Engagement.
B. Participatory Engagement.
C. Civic Engagement.
D. Accountability Engagement.

_____56. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng gawain na may


kaugnayan sa kategoryang electoral?
A. Si Jonas ay miyembro ng “1 Tree 1 Environment” sa kanilang barangay
na nagtatanim sa mga kabundukan ng mga puno tuwing araw ng Sabado.
B. Ang tatay ni Joan ay isa sa mga kumakandidatong Konsehal sa kanilang
bayan dahil nais nito na makatulong sa pag-unlad ng kanyang mga
kababayan.
C. Ang grupo na Gabriela ay isang Samahan ng mga kababaihan na
nagbibigay proteksyon laban sa mga pang aabuso sa mga babae.
D. Ang Sanggniang Kabataan sa Baranggay Pag-asa ay namahagi ng mga
babasahin na may kinalaman sa safety protocols upang malabanan ang
pagkalat ng Covid 19.

_____57. Ang mga sumusunod ay mga gawaing nauugnay sa pagtataguyod ng


participatory democracy, maliban sa isa.
. Pagsasagawa ng peoples’ initiative.
a. Pagsasagawa ng popular referendum.
b. Pagsasagawa ng sistemang pampolitika.
c. Pagsasagawa ng lokal na pagpupulong sa komunidad.
____58. Ang magulang ni Alfred ay nagpasya na siya ay huwag nang mag aaral sa
susunod na taon dahil nais nil ana ito ay maghanapbuhay upang makatulong sa
mga gastusin sa kanilang tahanan. Anong karapatang pantao ang nalabag sa
kanya?
A. karapatan sa edukasyon.
B. kalayaan mula sa pang-aalipin.
C. kalayaan mula sa diskriminasyon.
D. karapatan sa pamamahinga at paglilibang.

_____59. Paano magiging posible ang pagkakaroon ng isang mabuting


pamamahala?
A. Kung may kapanagutan at katapatan sa panig ng pamahalaan at ang mga
mamamayan ay laging mulat sa mga gawain ng pamahalaan.
B. Kung magsasagawa ang mga mamamayan ng iba’t ibang paraan ng
pulitikal na pakikilahok gaya ng pagboto, pagsali sa civil society, at
pakikilahok sa participatory governance.
C. Kung ang mamamayan ay laging naggigiit sa mga opisyal ng pamahalaan
na magkaroon ng kapanagutan sa kanilang tungkulin at maging bukas
sa pagpapatupad ng mga ito.
D. Lahat ng nabanggit.

_____60. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mga karapatan?


A. Kakambal ito ng ating mga tungkulin.
B. Proteksiyon natin ito laban sa pang-aabuso.
C. Kailangan nating tuparin ang Saligang Batas.
D. Sinisiguro nitong makapamuhay tayo nang maayos at maligaya.

You might also like