You are on page 1of 1

“Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao’y

magkakapantay; mangyayaring ang isa’y higitan sa dunong, sa yaman, sa ganda,


ngunit di mahihigitan sa pagkatao.” Ito ang napili ko na kartilya ng Katipunan,
dahil sa kadahilanang agad na nakatawag pansin sa akin sa dahilan na lahat nang
tao sa mundong ito ay iisa subalit sa kalooban tayo ay magkakaiba. Para sa akin
"walang halaga ang kayamanan kung wala ka namang malinis na kalooban".
Mayaman ka man ay hindi mo ito madadala sa kabilang buhay. Ang pagkakaroon
ng malinis na kalooban at pag mamahal sa kapwa ay isang katangian ng taong
may malalim na pag mamahal sa kanyang bansa at mga kapwa.

Naka-saad dito sa kartilya na ito na kahit ano man ang kulay ng iyong balat ,
magkakaiba tayo sa mga pisikal na bagay at maaaring mahihigitan ng iba sa
kagandahan, katayuan sa buhay at kanilang naabot na karangalan. Pero lahat
naman ng tao ay magkakapantay, may parehong damdamin, puso at paniniwala sa
Diyos. Dahil tayong lahat ay tao pero magkakaiba ng tawag dahil sa ibang pisikal
na bagay tayo ay nagkakaiba. Katulad ng Amerikano at British sila ay maputi pero
nagkakaiba rin sila sa pananalita at mga kaugalian at paniniwala. Katulad din ito
ng ibang tao sa buong mundo. Nagkakaiba pero kahit sa ibang bansa ay magkaiba
rin ang tao dahil sa pagkatao. May mga tao na ang pagkatao ay masama, o di
maganda. Samantalang ang iba ay may magandang pagkatao. Aanuhin pa natin ang
kagandahan ng balat, may dunong, malaking yaman, at ganda kung ang pagkatao
mo ay mababa kaysa sa mga taong ang pisikal at katayuan sa buhay ay di maganda
ngunit ang pagkatao ay maganda. Dahil mas magandang tignan at pakiramdaman
ang magandang pagkatao kaysa sa masamang pagkatao. Titignan ko ang tao dahil
sa pagkatao nito hindi sa labas na anyo.

You might also like