You are on page 1of 2

PAGSASANAY 1

Pangalan: Janicah A. Cañete Iskor______________


Taon/Kurso/Seksyon: 1BSCE-C Petsa: February 24, 2022

A. PANUTO. Isulat sa patlang ang titik C kung ang pahayag ay wasto at W kapag
mali.

C 1. Sinabi ni Wardhaugh (2006) na ang isang lipunan ay anumang grupo ng mga tao na
magkakasama para sa isang tiyak na layunin o mga layunin.
C 2. Sa sosyolinggwistika higit ang empasis sa wika bilang may direktang relasyon sa
lipunan.
W 3. Walang pagkakaiba ang wika.
C 4. Lipunan ang tuon ng sosyolohiya ng wika at ang relasyon nito sa wika.
W 5. Magkapareho ang larang na antropolohikal na linggwistika at linggwistikang
antropolohiya.

B. PANUTO: Isulat sa patlang ang tamang sagot.

Etnolinggwistika 1. Isang pag-aaral tungkol sa relasyon ng wika sa komunidad.


Sosyolinggwistika 2. Pag-aaral ito ng wika sa mga konteksto ng lipunan nito.
Sosyolinggwistika 3. Ang emphasis nito ay ang direktang relasyon ng wika sa lipunan..
Bekimon 4. Ang tawag sa wika ng mga bayot o bakla.
Sosyolek 5. Pagkakaiba ito ng gamit ng wika dulot ng sosyal na paktor.

C. PANUTO: Ipaliwanag kung paano nakatutulong ang wika sa lipunan. (10 puntos)

Ang wika ay napakahalaga sa ating lipunan dahil ito ang dahilan kung bakit may
pagkakaunawaan, kaunlaran, kasiyahan, at pagkakaisa sa ating lipunan o bansa. Ang wika ay
masistema at arbitraryo. At dahil dito, marunong o matututong umitindi at gumamit ang mga
tao sa wika kung kaya’y may pagkakaunawaan at komunikasyon na magaganap.
Magkakaunawaan ang mga tao at maipapahayag nila ang kanilang damdamin, palaisipan,
kaalaman, at mga nais. Nakakamit din natin ang kaunlaran dahil sa ating wika. Dahil
nagkakaintindihan ang bawat indibidwal at mga sektor, ay maaari silang magkasundo sa mga
kalakalan o mga proyekto sa pagpapaunlad sa ating ekonomiya at bansa. Makakamit din ang
kasiyahan dahil sa wika sapagkat malayang maipapahayag ng mga tao ang kanilang damdamin
para sa isa’t-isa. Maipapahayag din nila ang kanilang mga nais at kagustuhan, at dahil dito,
makakamit nila ang kasiyahan. Ang wika rin ang susi sa pagkakaisa ng bawat indibidwal, etniko,
at mga tribo. May mga tribo o mga grupo ng mga tao na may magkakaibang wika, ngunit sa
pamamagitan ng ating lingua franca, ay magkakaunawaan ang bawat etniko at mga tribo sa
ating bansa. Hindi sila mahihirapan sa pakikipag komunikasyon at mailalahad din nila ang
kanilang mayamang mga kultura at tradisyon. Sa kabilang banda, kung walang wika ay walang
maayos na komunikasyon at pakikipag-ugnayan na magaganap. Kung kaya kailangan nating
pahalagahan, mahalin, at ingatan ang ating wika.

You might also like