You are on page 1of 1

Konsepto ng Usog ng mga Bagong Panganak na Nanay

Ang Usog ay isang paniniwala na kalat sa iba’t-ibang rehiyon ng Pilipianas, kung

saan pinapaniwalaang ito ay nagdudulot ng sakit, partikular sa mga bagong anak na sanggol

at sa mga bata. Ang paniniwala kung ano ang dahilan ng Usog ay batay sa lugar na

kinaroroonan o kinagisnan. Ayon sa isang pagaaral, ang mga Aeta mula Porac,Pampanga

ay naniniwalang ang Usog ay mula sa tao at hindi sinadya. Inilarawan din nila ito na parang

isang kapangyarihan na naisasalin sa ibang tao sa pamamagitan ng salita o pagpuri o di

kaya naman ay sa pamamagitan ng tingin. Ilan din sa paniniwala na ang Usog ay naidudulot

ng isang pagod na tao kapag hinawakan ang isang bata. Ayon din sa parehong pagaaral,

ang Usog ay nagdudulot ng pagiyak ng bata, pagkakasakita tulad ng pagsakit ng tiyan. Ito

ay nalulunas sa pamamagitan ng pagpupunas ng laway o paginom ng mga herbal na gamot

(Martines, et. al ,2018).

Mahalagang mabigyang pansin ang paniniwalang ito sapagkat ito ay isa ring

paglalarawan ngkultura at paguugali ng Pilipino. Ang pagaaral patungkol sa konsepto ng

Usog ay magbibigay daan upang malaman ang iba pang paniniwala ukol dito mula sa ibang

parte ng Pilipinas. Mas mapalalalim din nito ang kaalaman ng mga Pilipino sa kulturang

medikal na mayroon sa ating bansa, kaugnay ng paniniwla sa Usog ay ang paniniwala ng

mga Pilipino sa mga Albularyo (Martines, et. al ,2018).

Ang pagsasaliksik patungkol sa konseptong ito ay magbibigay ng panibagong

batayan sa mga susunod na mananaliksik sapagkat kapansin-pansin ang kulangan sa

pagaaral dito. Kaya naman, nilalayon ng pag-aaral na ito na mapunan ang kakulangang ito

at makakalap ng bagong kaalaman ukol sa iba pang paniniwala sa konsepto ng Usog.

Gayundin, malaman ang iba pang paraan ng lunas sa Usog at epekto ng paniniwala sa

Usog sa pagpapalaki ng bata ng mga nanay.

You might also like