You are on page 1of 2

𝗕𝗔𝗦𝗔𝗛𝗜𝗡 | 𝗗𝗲𝗽𝗘𝗱, 𝗻𝗮𝗸𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴-𝗮𝗽𝗿𝗼𝗯𝗮 𝘀𝗮 𝗖𝗦𝗖 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗿𝗲𝗮𝗽𝗽𝗼𝗶𝗻𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗻𝗴 𝗦𝗛𝗦

𝗽𝗿𝗼𝘃𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝘁𝗲𝗮𝗰𝗵𝗲𝗿𝘀

LUNGSOD NG PASIG, Setyembre 3, 2022 – Nakatanggap ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ng pag-
aproba mula sa Civil Service Commission (CSC) para pahintulutan ang renewal ng provisional
appointments ng mga apektadong guro sa Senior High School (SHS) para sa Taong Panuruan (SY) 2022-
2023 sa kawalan ng available na mga kwalipikado at lisensiyadong guro.

Sa CSC Resolution No. 2200353 na may petsang Agosto 18, 2022, pinahihintulutan ang muling
pagtatalaga ng SHS provisional teachers na unang tinanggap noong 2016 at 2017, sa kondisyon na ang
mga guro ay may maipakikita na patunay na sila ay kumuha ng licensure exam kahit isang beses sa
nakalipas na limang taon.

Matatandaang pinahihintulutan ng K to 12 Law ang pagtanggap ng mga hindi lisensiyadong guro para
magturo ng mga specialized subject sa SHS, sa kondisyon na ang provisional teacher ay dapat makapasa
sa Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT) sa loob ng limang taon. Gayunman, dahil sa
nagpapatuloy na pandemya, ang pangangasiwa ng LEPT ay limitado, sa gayon ay naglilimita sa mga
apektadong provisional teachers sa pagtanggap ng LEPT mula pa noong 2020.

Noong 2021, hiniling ng DepEd sa Professional Regulation Commission (PRC) at CSC na unahin ang
panawagan ng mga apektadong SHS provisional teachers na unang kinuha noong 2016 para ma-
accommodate sa LEPT administration at muling italaga nang lampas sa 5-year allowable period. Sa
issuance kamakailan ng CSC, nabigyan sila ng isa pang taon na extension ng appointment, kasama ang
mga unang natanggap noong 2017.

Nangako rin ang CSC na patuloy na isasaalang-alang ang mga susunod na apela mula sa DepEd sakaling
magkaroon ng katulad na pangyayari.

Samantala, kasalukuyang nakikipagtulungan ang Kagawaran sa PRC para sa muling pagbubukas ng


Online Application System upang ma-accommodate ang mga SHS provisional teachers na nabigong
makakuha ng mga nakaraang LEPT sa nakatakdang pagsusulit ngayong Setyembre 2022.

Nilalayon ng mga hakbang na makakuha ng sapat na bilang ng mga guro sa SHS na may kadalubhasaan
at espesyalisasyong kinakailangan at matiyak ang patuloy na trabaho at kabuhayan ng mga guro ng SHS,
lalo na sa gitna ng pandemya.
Maglalabas ang DepEd ng implementing guidelines ng CSC Resolution No. 2200353 para ilatag ang mga
partikular na tuntunin at pamamaraan, partikular sa pagsunod sa mga kondisyon na nakasaad sa
Resolution.

#SulongEduKalidad #DepEdPhilippines #DepEdTayo

You might also like