You are on page 1of 1

John Miel N.

Reyes
Baitang 10, Pangkat SSC

Gawain 4: Gumawa ng sanaysay na nagtatalakay hinggil sa sariling karanasan na may


kaugnayan sa mga dimensyon ng Globalisasyon.

Khob khun krub


Pebrero, taong 2020, habang ako ay gumagamit ng aplikasyon na ‘facebook’ isang
bidyo ang pumukaw ng aking pansin. Ito ang trailer ng ‘series’ ng GMMTV na
pinamagatang “2gether”, ukol ito sa pag-iibigan ni Sarawat at Tine na kung saan
sa Thailand ang tagpo, bagama’t dalawa silang lalaki, hindi ito ang nagpatigil
sakin, hindi ko inakalang, isa ito sa babago ng takbo ng buhay ko sa pandemya.

Sa aking unang panonood, agad na akong nahumaling sa OST nito o Official


Soundtrack. Napansin ko rin na kay galing nilang mag-endorso ng produkto na
kahit nasa kalagitnaan ng drama, kanilang naiipasok ang mga kagamitan na ito.
Isa sa mga ineedoroso nila ay ang ‘Escola’ at mga noodles. Simula rito, nausisa na
ako sa kultura ng mga Thai.

Kada-linggo ako nag-aabang ng bagong episode, at may mga bagong salita akong
natutunan sa bawat isa nito. Katulad ng ‘Saraleo’ o Ungas. Mas naging interesado
ako sa kanila, nagsimula akong mag-aral ng kanilang wika, ginaya ang kanilang
mga galaw at pormahan, bumili ng mga ‘merchandise’ nila, at higit sa lahat
nakatagpo ako ng mga kaibigan na Thai. Umabot pa nga sa puntong nais ko nang
maging exchange student sa Thailand.

Isa sa mga magandang bagay na natuklasan ko sa kanilang buhay ay ang pagbati


nila, ito ang tinatawag nilang ‘Wai’. Ginagawa ito sa pagdidikit ng mga palad, na
ang mga daliri ay lumalapat sa ilong. Ito ay sumisimbolo sa lebel ng respeto at
pagkilala narin sa mga nakakatanda.

Isang magandang handog naman ang makatuklas ako ng mga musika mula sa
kanilang bansa. Ang pinaka paborito kong banda ay ang ‘Scrubb’, na ilan sa mga
kanta nila ay nagamit din sa nabanggit na series.

Pati na rin ang kanilang iba’t ibang sayaw, natutuwa ako kapag sumasayaw ng
‘Grilled Chicken Dance’ na tila ang mga galaw ay parang tumutusok ng manok,
karagdagan dito ang ‘Crab Dance’ na paniguradong magbibigay ng halakhak sa
manonood.

Sa aking pagkakaka-alala, hindi pala ito ang una akong makapanood ng Thai na
pelikula o series, nariyan din pala ang ‘A Little Thing called Love” na nagpakilig at
nagpaiyak sa amin ng aking ina, at “Pee Mak” naman ang inaabangan namin sa
CinemaOne tuwing sasapit ang Nobyembre.

Sa mga araw na tinatamad ako, sila ang nagpabangon sakin. Sa mga araw na tila
tinataguan ako ng mundo, natagpuan ko sila, kaya isang malaking Khob Khun
Krub o Salamat.

You might also like