You are on page 1of 1

EDUKASYON

Ang edukasyon ang ang pinakamainam na puhunan upang sigurong may


patutunguhan. Sa patuloy na paglipas ng panahon, tumataas din ang bilang ng mga batang
hindi nakapag-aral. May iba’t – iba silang dahilan, merong mga kabataan na hindi pumapasok
sapagkat sila’y tinatamad, may mga tumatambay lamang at ang iba naman ay nalulong pa sa
mga masamang bisyo, mayroong mga maagang nabuntis dahil sa impluwensya ng masamang
barkada at tumigil sa pag-aaral. Dahil sa mga rason na ito, naudlot ang mga pangarap sa buhay
ng ilang kabataan. “Ang tagal naman matapos ng pag-aaral na ito, nakakapagod”, ito ang
karaniwang pumapasok sa ating mga isipan kapag tayo’y pagod na, nakakalimutan natin ang
totoong dahilan kung bakit tayo ay nag-aaral. Maraming hadlang sa pag-aaral, isa na dito ang
kahirapan. Kahirapan na siyang naglalagay sa atin sa alanganin at nag-uutos sa atin na tumigil.
Ito ang nagtutulak sa atin na huwag ituloy ang ating mga nasimulan. Ngunit, laging isaisip na
kapag gusto may paraan, kapag may problema may solusyon.

“ Mahalaga ang edukasyon” salitang luma na ngunit ito ay totoo. Dito nakasalalay
ang ating kinabukasan at kung ano man ang kahihinatnan natin sa mundong ito. Upang tayo’y
magkaroon ng isang mainam na pamumuhay at kinabukasan, kinakailangan nating maghanda.
Huwag aksayahin ang pagkakataong ibinigay sa iyo na makapag-aral at huwag sayangin ang
mga pinaghirapan ng iyong mga magulang pasa sa kinabukasan mo. Hikayatin natin ang sarili
na lakasan ang loob at isipan upang hindi agad ma impluwensyahan ng mga maling gawain na
maaaring maging hadlang sa sa pagkamit ng iyong mga pangarap. Alagaan ang sarili at maging
responsable sa iyong mga ginagawa. Pahalagahan ang mga payo ng mga magulang dahil ang
mga payo na ito ay iyong gabay upang ikaw ay maging maayos. Laging ilagay sa isipan na
ang dalhin ka sa tamang landas ang gawain ng edukasyon at ito ang pasaporte tungo sa
tagumpay.

You might also like