You are on page 1of 2

ARIAS, ELIZABETH MILEN G.

GED0115 – SEC7

Panuto: Gamit ang iyong sagot na nakalap mula sa preliminaryong gawain, sagutin ang mga
sumusunod na tanong.

1. Sang-ayon ka ba na ang wikang Filipino ay sapat upang kumatawan sa mga wika sa


Pilipinas? Kung hindi, ano mga panukala ang maaring maihain upang magkaroon ng
pagkakaisa sa pagkakaiba (unity in diversity)?
 Oo, marahil ito ang dominante at opisyal na ginagamit ng nakararami sa bansa.
Ang mga taong gumagamit nito ay nagkalat sa buong bansa kahit na mayroon
silang sariling lengwahe. Dito rin nagkakaintindihan ang bawat tao sa ating bansa
dahil ang ibang lengwahe na mayroon tayo ay hindi na naaaral ng mga taong likas
na ang pagsasalita o pakikipag-usap gamit ang wikang Filipino.

2. Posible bang maging opisyal na wika ng Pilipinas ang English? Bakit o bakit hindi?
 Hindi. Sa aking palagay maraming dalubhasa ang makikipaglaban para lamang
hindi mawala ang wikang Filipino sa ating bansa. Halimabawa na lamang noong
nais ipatanggal ng CHED ang asignaturang Filipino sa mga unibersidad at
kolehiyo at ilulunsad ang pagtuturo ng wikang Korean. Maraming nagalit dito
dahil sabi nila hindi pa naman daw lubos na nakikilala o naiintindihan ng mga tao
ang wika natin tapos may ipapalit na agad sila. Maraming Filipino ang hindi pa
lubos naiintindihan ang mga dapat na ginagamit na salita sa mga pangungusap
tulad ng “rin” at “din, “raw” at “daw”, etc. Kung kaya’t hindi pwedeng mawala
ang wikang Filipino. Maaari nating magamit ang wikang Ingles sa pakikipag-
ugnayan sa ibang bansa at sa ating mga propesyon at trabaho ngunit hindi ito
sapat na dahilan para ito ang maging opisyal na wika. Mahalin ang sariling atin.
3. Bakit nalalagay ang mga katutubong wika sa panganib ng pagkalipol?
 Nalalagay ito sa panganib sapagkat kumokonti na lamang ang taong gumagamit
nito marahil natututunan na nilang iwika ang Filipino. Dagdag pa rito ay ang
pagkaimpuwensya ng mga katutubong wika sa dominanteng wika na ating
ginagamit. Kakambal nito ang paghina ng kultura ng kanilang grupo.

4. Dapat bang panatilihing bukas ang ating mga wika sa impluwensiya ng dayuhan? 
 Oo dahil sa pamamagitan nito mas mapapalaganap natin ang mga wika ng ating
bansa. Mas matututunan din tayong intindihin ng mga dayuhan at maaari rin
silang mas maengganyong pumalagi sa ating bansa. Mas mapapalawak ang
impluwensya ng ating salita kung marami ang gumagamit nito.

Mga sanggunian:
Fernandez, A. (1970, January 01). Dapat bang alisin na ang asignaturang Filipino sa mga
kolehiyo at unibersidad? Retrieved February 24, 2021 from
https://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/367090/dapat-bang-alisin-na-ang-
asignaturang-filipino-sa-mga-kolehiyo-at-unibersidad/story/

GMA News Online. (2017, August 31). Korean Language, ituturo na sa ilang high school sa
bansa. Retrieved February 24, 2021 from
https://www.gmanetwork.com/news/video/unangbalita/424888/korean-language-ituturo-na-sa-
ilang-high-school-sa-bansa/video/

You might also like