You are on page 1of 5

KABANATA 31: ANG MATAAS NA KAWANI

Talasalitaan
Katampalasanan- kalupitan
Kumbento- simbahan
Mariwasa- sagana
Nalinlang- napaglalangan o naloko
Salarin- may kasalanan

Buod
Hindi man lamang nabalita sa mga pahayagan ang nangyari kay Huli. Nangakalaya ang mga
estudyanye. Una'y si Makaraig. Pinakahuli si Isagani. Nabalita sa tulong ni Ben Zayb, ang
pagiging mahabagin ng Heneral. Ang tanging di nakalaya ay si Basilio.Ipinagtanggol ng Mataas
na Kawani si Basilio. Mabuting bata raw at matatapos na ng panggagamot. Lalong napahamak si
Basilio dahil lahat ng sabihin ng Kawani ay tinututulan ng Heneral. At kailangan daw magkaroon
ng halimbawang di dapat tularan ang mga mahilig sa pagbabago. Si Basilio ay pinagbintangan
ng Heneral na gumamit ng bawal na aklat sa medisina. Sinabi ng Kawani na dapat matakot ang
Heneral sa bayan. Natawa ang Heneral wala raw siyang pakialam sa bayan dahil ang naghalan
sa kanya ay ang bayang Espanya hindi ang bansang Pilipinas.Kapag itinanggi sa isang bayan ang
liwanag, tahanan, katarungan at kalayaan ituturing ng bayan na magnanakaw ang nagtanggi ng
mga ito. Nang nasa kanyang sasakyan na ang Mataas na Kawani ay nasabi niya sa kanyang
kutserong katutubo: "Kapag dumating ang araw ng inyong pagsasarili ay alalahanin mong sa
Espanya'y hindi nawalan ng mga pusong tumitibok dahil sa inyo".Makaraan ang dalawang oras
ay nagbitiw sa tungkulin ang kawani at nagsabing siya'y uuwi sa Espanya lulan ng kasunod na
koreo (bapor).

Mga Tanong at Sagot


1. Bakit Matanglawin ang naging bansag kay Kabesang Tales?
Sagot:Sinasabing ang lawin ay may napakatalas na mga mata. Parang lawin naman ang mga
mata ni Kabesang Tales sa likod ng kanyang baril.Bawat matingnan, napatatamaan.
2. Sino ang unang nakalaya sa mga estudyante? Sino ang huli? Sino ang hindi nakaalpas?
Bakit?
Sagot:Sa tulong ng kanyang salapi, una sa lath ng nakalabas sa bilangguan ay si Makaraig.
Huli si Isagani dahil sa malayo ang kanilang bayanat natagalan bago dumating ang amaing
pari. Si Basilio ang tanging naiwan sa kulungan. Wala siyang padrino o ninong na
nagmalasakit.
3. Bakit nagiging tila maka-Pilipino ang Mataas na Kawani?
Sagot:Una, siya'y isang taong marangal at may puso. Ikalawa, naniniwala siyang ang pagbibigay
ng katarungan sa mga Pilipino ay higit na nakapagpapadakila sa bansang Espanya,
4. Ano ang kahalagahan ng Mataas na Kawani sa nobelang ito?
Sagot:Sa tulong ng paglalarawan sa Mataas na Kawani ay naipakita ni Rizal ang kanyang
kawalang-pagkiling sa pamumuno niya sa mga sakit ng bayan. Binatikos niya ang masamng
Kastila; Pinuri niya ang marangal at dakila

KABANATA 32: MGA IBINUNGA NG MGA PASKIN


Buod
Dahil sa mga nangyayari sa mga estudyante ang maraming magulang ay din a nagpaaral ng mga
anak. Buti pa ang maglimayom o kaya'y masaka.Marami ang di nakasulit sa eksaming ibinigay
ng serbisyo sibil. Natuwa pa si Tadeo, sinigan ang kanyang mga aklat. Si Pelaez ay napatali sa
negosyo ng ama. Napasa-Europa si Makaraig. Si Isagani'y sa aklat lamang ni Padre Fernandez
nakasulit. Si Salvador ay nakapasa dahil sa kahusayang magtalumpati. Si Basilio lamng ang di
nakakuha ng pagsusulit. Nasa bilangguan pa siya. Doon niya nabatid ang pagkawala ni Tandang
Selo sa tulong ni Senong na kutsero na tanging dumadalaw sa bilanggong kanayon.Si Simoun ay
mabuti na't ayon kay Ben Zayb ay di mag-uusig at sa halip ay madaraos ng isang pistang walang
katulad bago umalis sa bayan.Naipayo ni Ben Zayb na bilin ni Simoun ang bahay ni Kapitan
Tiago na nabili ng ama ni Pelaez. Mula noo'y madalas si Simoun sa tindahan ng mga Pelaez na
wika ng iba'y pinakisamahan na niya. At tumagal ang ilang linggo ay nabalitang ikakasal si
Juanito kay Paulita. Higit na magkabagay si Juanito at Paulita. Kapuwa walang isip at muning
lampas sa pansariling kaligayahan kapwa anak-Maynila.Hinintay-hintay ng buong Maynila ang
piging sa kasal ng dalawa. Si Simoun daw ang mamamahala. Ito'y ganapin dalawang araw bago
umalis ang Heneral. Ang mga taga-Maynila ay nakipag-agawan sa pakikipagkilalakay Simoun
upang sila'y anyayahan sa piging.

Mga Tanong at Sagot


1. Anong pangunahing pangyayari ang ibinunga ng mga paskil sa mamamayan?
Sagot:Pagkakatakot, pambayang pagkakatakot.
2. Ano ang nangyari kay Isagani, Makaraig, at Basilio matapos silang dakpin?
Sagot:Si Isagani ay nakapasa sa asignatura ni Padre Fenandez lamang, si Makaraig ay kumuha
ng pasaporte at nagtungo sa Europa at si Basilio ay nanatili sa bilangguan.
3. Pano nabalitaan ni Basilio ang nangyari kay Huli?
Sagot:Sa tulong ng kutserong si Sinong na dumalaw sa bilangguan.
4. Bakit nalimot ni Paulita si Isagani?
Sagot:Natakot siya sa kagitingan ni Isagani. Maaring may nakatulong pa si Donya Victorina sa
pagsulsul sa dalaga na limutin ang kasintahan at si Juanito na ang ibigin. Magkalayo ang daigdig
ni Isagani na tinagurian ni Paulita na rin, n * a degrees mga pangarap" samantalang ang
kawalang isip at pagkamakasarili ni Paulita ay kataliwas sa pagmamalasakit ni Isagani sa ibang
tao at sa bayan.
KABANATA 33: ANG HULING MATAWID

Buod
Araw ng pag-alis ni Simoun, Sasama na siya sa Kapitan Heneral. Nakahanda na ang kanyang
dadalhingmga alahas at lahat na. Paniwala ng marami na hindi makapangahas magpaiwan si
Smoun. Maring paghigantihan siya ng mga galit sa kanya o pag-uusigin siya ng kahaliling
Heneral.Nagkulong si Simoun sa kanyang silid. Wala raw dapat tanggapin kundi si Basilio.
Dumating ang binata. Pinatuloy siya sa utusan Kay laki ng ipinagbago ni Basilio. Payat na payat,
gusot ang buhok at walang ayos ang pananamit. Wala ang dating kaamuan sa kanyang mga
mata Matalim na ang mga iyon. Para siyang bangkay na nabuhay. Maging si Simoun ay
nagulumihan sa anyo ng kababayan. Sinabi ni Basilio kay Simoun na siya ay naging masama na
anak at kapatid na nilimot niya ang pagkapatay ng kapatid kaya siya ay pinarusahan ng Diyos:
Siya ngayon ay nakahanda ng gumanti ng samasama. Sinabi niya na ang pag-iwas niya sa gulo
na tulad ng pakikiisa kay Simoun ay nagbunga lamang ng kanyang pagkabilanggo Sasanib na raw
siya kay Simoun. Noon lamang nagsalita si Simoun. Nasa sa panig daw pala niyang talaga ang
katwiran. Ang kanyang usapin ay siyang usapin ng mga sawimpalad na tulad ni Basilio.Tumindig
si Basilio na maaliwalas na ang mukha. Sinabi niyang matutuloy na ang himagsikan dahil hindi
na siya nag-aatubili. Sinabi ni Simoun na ang mga ating mapayapa at ayaw ng gulo ang siyang
nagtulak sa kanya upang ipagtuloy ang kanyang mga balak. Kung noon sana'y nagkatulungan na
ang mga nasa sa mataas na lipunan at ang mga nasa ibaba ang gawain sana ay
mapagkawanggawa at hindi madugo at buktot. Sa mga imbi niya natagpuan ang kanyang mga i
katulong, Kung sila man ay hindi makagawa ng makinis na estatuwa sapat nang simulan nila ang
paglilok at bahala na ang mga susunod sa kanila. Di maunawaan ni Basilio si Simoun Nagtuloy
sila sa laboratoryo. Sa mesa roon ay may isang kakaibang ilawan. Ang pinakalalagyan ay anyong
Granada, may bitak at naiino pa ang mga tila buto nito. Tinanggal ni Simoun ang mitsa. Bakal na
may dalawang sentimetro ang kapal na sisidlan na may isang litrong gas. Binuhusan ito ni
Simoun ng likido. Nabasa ni Basilio ang nakatitik sa lalagyan ng likido nitroglisirina.Tumango si
Simoun. Ipinaliwanag niya na ang granada ay hindi isang payak na dinamita. Iyon daw ang mga
tinipon na luha ng mga api na siyang panglaban nila sa lakas at dahas. Noon lamang nakakita ng
dinamita si Basilio. Hindi makakibo ang estudyante. Tinurnilyuhan ni Simoun ang isang
masalimuot na kasangkapang inilagay sa ilawan Sinabi ni Simoun na ang ilawan ay gagamitin sa
isang pista, Pagkaraan ng 20 minuto ang liwang nito'y mangungulimlim at kapag ginalaw ang
mitsa ay sasabog ang Granada kasunod ang mga supot ng pulbura sa kainan at walang
makaliligtas sa mga bisita ng kapistahan. Nabigo ang pagkakagulong katulong sana ang mga
artilyero dahil sa kawalan ng pangangasiwa Ngayon kailangan niya si Basilio upang mangunguna
sa labanan.. Kukunin nila sa tindahan ni Quiroga ang mga baril at patayin ang lahat ng kalaban
at ayaw sumama at patayin. Hindi na sinuri ni Basilio ang narinig. Binulag na siya ng tatlo't
kalahating buwang pagkabilanggo Nais niyang maghiganti.

Mga tanong at sagot


1. Ano ang paniwala ng maraming mapamahiing Pilipino ukol kay Simoun at sa Kapitan
Heneral?
Sagot:Si Simoundaw ay isang demonyong nagkatawang tao at siyang kumukubabaw sa Kapitan
Heneral at nang-uupat sa huli sa paggawa ng kaimbihan. Kaya sa pag-alis ng Kapitan Heneral ay
kasama ring aalis si Simoun.
2. Ano ang malaking ipinagbago ng anyo ni Simoun sa loob ng dalawang buwan
Sagot:Nawalan siya ng sigla dala ng malaking pag-aalinlangan sa katuwiran ng kanyang
paghihiganti. Hindi tulad ng una, may layunin siya sa paghihimagsik-pagbibigay ng bagong
buhay kay Maria Clara. Nguni't ngayon ay wala na iyon. Isa na lamang payak na pagnanasang
pumatay at magsabog ng lagim upang mabawasan ang matinding hapdi ng awa niya sa sarili na
lagi niyang ipinagkakamaling para sa kapakanan ng bayang naaapi.
3. Bakit nasabi ni Simoun na nasa mga imbi natatagpuan niya ang kanyang mga katulong?
Sagot:Ang pinakamalaking tulong na nakuha ni Simoun ay mula sa imbing pamahalang sibil at sa
simbahan. Ang kasamaang ipinakita ng mga ito, sa tulong na rin ng kanyang panunulsol, ay
siyang lalong nagpabulok sa bayan, lalong naghanda sa bayan sa di-maiiwasang
paghihimagsik.Nakatulong din niya ang imbing kawal dahil sa kanyang imbing pagsisinungaling
na pagtangkilik kunwa sa imbing heneral. Naroon din ang mga imbing manong sa kanilang mga
kamangmangan.
4. Ipaliwanag ang sinabi ni Simoun na kailangang baguhin ang lahi. Ang amang duwag ay
magkakaanak lamang ng alipin.
Sagot:Ang ibig sabihin ni Simoun, hindi dapat magkaanak ang mga amang hindi sasama sa
paghihimagsik niya sapagka't duwag ang mga itoat ang amang duwag ay mananatili sa
pagkaalipin, samakatuwid, maging alipin din ang mga anak nito. Dahil dito, kailangang
pagpapatayin ang lahat na ayaw sumapi sa himagsikan dahil ang mga iyon ay mga duwag na
kailangang mamatay upang di magbunga ng marami pang alipin.

KABANATA 34: ANG KASAL


Buod
Nasa sa daan si Basilio. Ika-8 ng gabi. Makikituloy sana siya kina Isagani nguni't hindi umuwi ang
kaibigan sa buong araw na iyon. Dalawang oras na lamang at sasabog na ang ilawan ni
Simoun.Maraming dadanak na dugo. Marami ang mamamatay. Sinalat ni Basilio ang kanyang
rebolber at mga bala. Naalala niya ang babala ni Simoun na siya ay lumayo sa daang
Anloague.Naghinala si Basilio. Ang bahay ni Kapitan Tiyago ay nasa daang iyon.May binanggit na
kasayahan si Simoun. Sa bahay na iyon idaraos ang piging sa kasal nina Paulita at Juanito, nakita
niyang dumating ang sasakyan ng bagong kasal. Nahabag si Basilio kay Isagani. Naisip niyang
yakaginng sumama sa kanya si Isagani. Siya rin ang tumugon. Hindi papayag si Isagani sa gayong
madugong pagpatay sa marami. Hindi pa nararanasan nito ang nangyari sa kanya.Nagunita niya
ang pagkabilanggo, ang kabiguan sa pag-aaral ang nangyari kay Huli. Muling hinaplos ang
puluhan ng rebolber at ninasang dumating na sana ang sandaling hinihintay. Nakita niyang
dumating si Simoun. Si Sinong ang kutsero ni Simoun. Sumunod ang sasakyan ni Simoun sa mga
bagong kasal.

Mga tanong at sagot


1. Saan naroon si Isagani at wala sa pinangangaserahan?
2. Ano ang katunggakan at pagka-isip alipin ni Don Timoteo sa sining ang ipinakita ni
Rizal?
Sagot:Ang tungkol sa pinturang larawan na tinutulan niyang ilagay ni Simoun sa bahay ni
Kapitan Tiyago bilang kapalit ng mga inalis na mga santo. Baka raw pagkamalan siya na
tumatangkilik sa mga pintor na Pilipino pagkat kaya ng mga ito ang gumuhit ng larawan na wala
naman siyang kamuwangan. Inibig pa niya ang mga palamuting kromo dahil hindi gumagawa
nang gayon ang mga Pilipino.
3. Ano ang kahalagahan sa pag-unawa ng mga pangyayari ng pagiging kutsero ni Simoun
si Sinong?
Sagot:Lalong lumilinaw na may kinalaman si Simoun sa matagal na pagkapit ni Basilio. Si Sinong
ang laging dumadalaw sa estudyante sa bilangguan at nagiging taga-hatid balita, lalo na ang
ukol kay Huli Ang tangang si Sinong, sa sariling kusa, ay hindi makapangahas dulaw sa
bilangguan ng isang may malaking pagkakasalang tulad ni Basilio, Maari siyang idawit ng mga
may kapangyarihan Ang pagdalaw niyang iyon ay isang misyon para kay Simoun upang
dagdagan ng pait ang pagkabilanggo ni Basilio at tuluyang lasunin ng ngitngit ang isip nito at
damdamin.

You might also like