You are on page 1of 9

PAUNANG SALITA

Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

2
UNANG LINGGO

Aralin 1 Pagpapakita ng Pagmamahal at Paggalang


sa mga Magulang

Alamin Natin

Nakapagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa


mga magulang.

Subukin Natin

Iguhit ang masayang mukha ( ) kung ang pangungusap ay


nagsasaad ng pagmamahal at paggalang sa magulang at
malungkot na mukha ( ) kung hindi.

____1.Nakikipag-usap ng mahinahon sa mga magulang.

____2. Nag-aaral nang mabuti upang maipkita na mahal at


pinahahalagahan ang pagod sa pagtatrabaho ng mga
magulang.

____3. Yumayakap at humahalik sa mga magulang.

____4. Nagpapasalamat sa mga magulang.

____5. Sumisimangot at hindi nagsasalita kapag hindi naibigay ng


mga magulang ang gusto.

Balikan Natin

Paano mo binabati ang iyong mga magulang/tagapag-alaga


pagdating ng bahay?
_______________________________________________________________

3
Ano ang pakiramdam mo rito? Maaari mo itong iguhit sa loob ng
kahon upang maipakita ang iyong naramdaman.

Tuklasin Natin
Sagutin ang bugtong na ito:

“Mayroon akong mga mata pero hindi nakakakita


May korona pero hindi hari o reyna.”
A. Sagot: _______________________________________________________

B. Mainam ba siya sa ating kalusugan? __________________________

Talakayin Natin
Basahin ang kuwento.
(https://buklat.blogspot.com/2017/10/ang-alamat-ng-
pinya_20.html?m=1&fbclid=IwAR0w_EAmiN2qomlF5nrbWbTVksTmVvJ7e
_bl7qDfj_HiA3htc2g8NZ7tYh8 )
ALAMAT NG PINYA

Noong unang panahon may


nakatirang mag-ina sa isang malayong
pook. Ang ina ay si Aling Rosa at ang
anak ay si Pinang. Mahal na mahal ni
Aling Rosa ang kanyang bugtong na
anak. Kaya lumaki si Pinang sa layaw.
Gusto ng ina na matuto si Pinang ng
mga gawaing bahay, ngunit laging
ikinakatwiran ni Pinang na alam na
niyang gawin ang mga itinuturo ng ina.

4
Kaya't pinabayaan na lang niya ang kanyang anak. Isang araw
nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at makagawa ng
gawaing bahay. Inutusan niya si Pinang na magluto ng lugaw.
Isinalang ni Pinang ang lugaw ngunit napabayaan dahil sa
kalalaro. Ang lugaw ay dumikit sa palayok at nasunog.
Nagpasensiya na lang si Aling Rosa, napagsilbihan naman siya
kahit paano ng anak. Nagtagal ang sakit ni Aling Rosa kaya't
napilitan si Pinang ang gumagawa sa bahay. Isang araw, sa
kanyang pagluluto hindi niya makita ang posporo. Tinanong ang
kanyang ina kung nasaan ito. Isang beses naman ay ang sandok
ang hinahanap. Ganoon ng ganoon ang nangyayari. Walang
bagay na di makita at agad tinatanong ang kanyang ina.
Nayamot si Aling Rosa sa katatanong ng anak kaya´t nawika nito,
" Naku! Pinang, sana'y magkaroon ka ng maraming mata upang
makita mo ang lahat ng bagay at hindi ka na tanong nang tanong
sa akin. Dahil alam niyang galit na ang kanyang ina ay di na umimik
si Pinang.

Umalis siya upang hanapin ang sandok na hinahanap.


Kinagabihan, wala si Pinang sa bahay. Nabahala si Aling Rosa.
Tinatawag niya ang anak ngunit walang sumasagot. Napilitan
siyang bumangon at naghanda ng pagkain. Pagkaraan ng ilang
araw ay magaling-galing na si Aling Rosa. Hinanap niya si Pinang.
Tinawag niya ang anak ngunit walang sumasagot. Napilitan siyang
bumangon at naghanda ng pagkain. Tinanong niya ang mga
kapitbahay kung nakita nila ang kanyang anak. Ngunit naglahong
parang bula si Pinang. Hindi na nakita ni Aling Rosa si Pinang. Isang
araw, may nakitang halaman si Aling Rosa sa kanyang bakuran.
Hindi niya alam kung anong uri ng halamang iyon. Inalagaan
niyang mabuti hanggang sa ito’y magbunga. Laking
pagkamangha ni Aling Rosa ng makita ang anyo ng bunga nito.
Ito’y hugis-ulo ng tao at napapalibutan ng mata. Biglang naalala
ni Aling Rosa ang huli niyang sinabi kay Pinang, na sana’y
magkaroon ito ng maraming mata para makita ang kanyang
hinahanap. Tahimik na nanangis si Aling Rosa at laking pagsisisi
dahil tumalab ang kanyang sinabi sa anak. Inalagaan niyang
mabuti ang halaman at tinawag itong Pinang. Sa palipat-lipat sa
bibig ng mga tao ang Pinang ay naging pinya.

5
Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang pamagat ng kuwento? ____________________________

2. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?________________________

3. Anong uri ng bata si Pinang?_________________________________

4. Dapat mo bang tularan ang ginawa ni Pinang? ______________

Bakit?_______________________________________________________

5. Tama ba ang ginawa ni Pinang?_____________________________


6. Ano ang dapat gawin ni Pinang?____________________________

Pagyamanin Natin

Gawain 1. “Ang Aking Kapamilya ”


Iguhit sa loob ng kahon ang mga kasapi ng iyong pamilya .

6
Gawain 2.
Lagyan ng tsek (/ ) ang larawan na nagpapakita ng
pagmamahal at paggalang sa magulang at ekis (X) kung hindi.

1. _____ 2. _____ 3. _____ 4. _____

Gawain 3: “Ako at ang Aking Pamilya”


Ipaliwanag kung paano mo ipinapakita ang iyong
pagmamahal at paggalang sa iyong mga magulang.

________________________________________________________________
________________________________________________________________

Isaisip Natin

Mahal ko ang aking mga magulang sapagkat _____________


___________________________________________________________
__________________________________________________________.

Isagawa Natin
Inutusan ka ng nanay mo na mag-igib ng tubig, ano
ang gagawin mo?
______________________________________________________

7
Tayahin Natin
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Nag -aalala si Fina dahil maysakit ang kanyang ina


Ano ang kanyang nararapat na gawin upang maipakita ang
pagmamahal niya rito?
A.Painumin ng gamot. C.Palinisin siya ng kwarto.
B. Paghugasin ng pinggan. D. Utusang magluto.

2. Dumating si Tatay mula sa trabaho na pagod na


pagod. Ano ang gagawin mo?
A. Bibigyan ng maiinom. C. Magpapasaway.
B. Palulutuin ng hapunan D. Pagliligpitin ng kalat.

3. Dumating mula sa biyahe ang magulang ni Hannah at


matagal-tagal din silang nawala. Ano ang gagawin niya?
A. Yayakapin nang mahigpit C. Patutulugin
B. Hindi niya papansinin D. Hahanapan ng pasalubong

4.Napansin mo na abala sina tatay at nanay sa paglilinis ng bahay


dahil may inaasahan kayong bisita. Ano ang iyong gagawin?
A. Dagdagan ang kalat C. Tumulong sa paglilinis
B. Magtatakbo sa kabahayan D. Mag-ingay para mapansin

5.Naglalaba ang iyong nanay at siya ay pawis na pawis dahil sa


pagod at init. Ano ang iyong gagawin?
A. Bibigyan ng labahin. C. Bibigyan ng pamunas
B. Bibigyan ng tsinelas D. Panonoorin lang siya.

Karagdagang Gawain

Gumuhit sa bond paper ng isang bagay na gusto mong ibigay


sa iyong mga magulang tanda ng iyong pagmamahal.
Ipaliwanag.

8
Sanggunian:

Abac, Felamar E. , Caraan, Maria Carla M. , Catapang, Rolan B. , Cayabyab, Emilia


G. , Calarito, Judith U. , Franco, Manuel B., Gonzales, Isabel M. , Ortega, Noel S. ,
Santos, Roselyn F. , Tonsay, Orlando L. “Edukasyon sa Pagpapakatao I ( Kagamitan
ng Mag-aaral) “ Inilimbag sa Republikanmg Korea Principia co., Ltd. 54 Gasanro 9gil,
Geumcheongu, Seoul, Korea

https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fbuklat.blogspot.com%2F2017%2F1
0%2Fang-alamat-ng-
pinya_20.html%3Fm%3D1%26fbclid%3DIwAR0w_EAmiN2qomlF5nrbWbTVksTmVvJ7e_b
l7qDfj_HiA3htc2g8NZ7tYh8&h=AT2AXUyV32KPMndPQH5-
IwpF9RCo1pCeFJxVV0IlDONz0PSH0ZGHVwXXl9oaCcS5uxgzmNkt31bTx0zXFxyFQXRe6
LJndvxMwZT51Q2yGoasCtd9hp66C-H2F_-n6SIjW3dN0A

Development Team of the Module

Writer: Helen Joy L. Acosta

Content Evaluators: Eduardo F. Sindayen,Nancy P. Valdez,Cherry E. Cutillas

Language Evaluators: Mercedita M. Babon, Ma. Theresa A. Trivino,


Mary Anthonette M. Amar

Reviewers: Janine A. Perez, Cherry E. Cutillas, Gemma L. Poja,


Erquily B. Escobal, Michelle B. Buan, Riza P. Gamba,
Fatima M. Simbahon, Dyan A. Doroon

Illustrator: Esmeralda Blanco, Jamila M. Alih


Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. QUINN NORMAN O. ARREZA, OIC-ASDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
FERDINAND PAGGAO, EsP Focal Person
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros


Central Bicutan, Taguig City
Telefax: 8384251
Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

You might also like